Chapter 2
Chapter 2
Sabrina Briones
Hindi ko maiwasang malito o kabahan sa mga ikinikilos ni Michael. Dahil sa totoo lang, kahit na alam kong inaasar asar niya ako noon pa man, palagi din niya akong ipinagtatanggol sa school sa tuwing may umaaway sa akin o nangbubully, iba na ang dating ngayon ng lahat ng kinikilos niya dahil sa nangyari five months ago. Mas lalong tumindi ang pagkagusto ko sa kanya at kinakabahan ako dahil do'n.
Kahit kinakabahan ay naglakad na ako papunta sa sala dala yung pagkain.
"Oh, Sabrina anak, hinihintay ka daw ni Michael sa garden at sabay kayong kakain." Ani Mommy.
Napabuntong hininga ako dahil balak ko sanang umakyat nalang sa kwarto ko at doon kumain. Hangga't maaari sana ay gusto ko siyang iwasan dahil baka hindi ko na mapigilan ang matinding pagkagusto ko sa kanya.
"Ah, okay po Mom." Napakamot ako sa ulo at labag sa loob akong pumunta sa garden.
Nakatingin siya sa akin habang papalapit ako sa kanya, pagakalapag ko ng pagkain at tubig sa lamesa ay umusod siya at tinapik ang wooden sofa, umupo ako doon.
"Kinakabahan ka ba?" Tanong niya saka sumubo siya ng pagkain.
Lumunok ako, "Huh? Bakit naman ako kakabahan?" Nauutal na tanong ko, pero ang totoo ay hindi ko mapigilan ang mabilis na pintig ng puso ko.
"I know you. Kilalang kilala na kita Sabrina." Nakangiting sabi niya saka mabilis na sinubuan niya ako ng pagkain gamit ang kutsarang ginamit niya.
Hindi na ako nakaimik pa, marahan kong nginuya ang pagkain at hirap kong nilunok iyon dahil pakiramdam ko ay malulusaw ako sa malambing na pagtitig sa akin ni Michael,
Ngumiti siya, damn it, alam na alam niya ba na mas lalo siyang gumagwapo kapag ngumingiti siya ng gano'n?
"Sabrina," Sandali siyang huminto sa pagsasalita para lunukin ang pagkaing nginunguya niya, uminom siya ng tubig saka lumingon sa akin upang hulihin ang mga mata ko.
"Would you like to grab some coffee tomorrow? Just us?" Napalunok ako dahil iba ang aura ni Michael ngayon, he is looking at me intently and he looks so serious.
Tumawa ako ng marahan saka kinuha ang spoon na hawak niya, "Kape? Ano ka ba? Madalas naman tayong nag-co-coffee after ng shoot or bago tayo ihatid nila Manong Jake." Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya at pinili kong sumubo ng pagkain.
"Just us, Sabrina. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Rian? Wala daw tayong shoot bukas. Ibig sabihin pwede tayong lumabas. Tayong dalawa lang." Nanindig ang balahibo ko dahil nasa tono ng pananalita ni Michael na seryoso talaga siya sa pinaplano niya.
Nag iwas ako ng tingin sa kanya at mas nag focus sa pagkain. "Hey, look at me." Tinapik niya ang braso ko dahil kanina ko pa talaga hindi makayanang makipagtitigan sa kanya.
Marahan niyang kinuha ang plato at inilapag iyon sa lamesa, kinuha ko naman ang tubig at inubos ko iyon.
"We kissed. Do you remember?" Walang atubiling aniya na nagpakalabog ng sobra sa puso ko.
Napakurap ako, "How could I forget that?" Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang mga salitang iyon, pero naging dahilan 'yon ng pag-ngiti niya ng marahan.
"You kissed me back, Sabrina." He chuckled, sa unang pagkakataon makalipas ang limang buwan, nakuha kong makipagtitigan sa kanya. Hindi ko alam pero para bang dinadala ako ng malambing na pagtitig ni Michael sa kung saan.
"So...so what?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya, naramdaman kong mas lalo siyang umusod sa tabi ko dahilan para maglapit ang mga mukha namin. Isang kilos niya lang at magtatama ang labi naming dalawa.
"I really like you, Sabrina, noon pa. Naguguluhan na ako kung ano ba talagang nararamdaman ko para sayo. Basta ang alam ko, naiinis ako kapag alam kong may magtatangkang pumorma sayo. That's why I really want to thank your dad, tama ang ginawa niyang panghaharang sa mga nagtatangkang lumapit sayo." Litanya niya, akma ko sana siyang itutulak sa dibdib niya dahil naalala kong nandito pala kami sa bahay namin, pero mabilis niyang nahuli ang kamay ko at pinagsalikop niya ang kamay namin.
"I know you like me too; I can feel that." Dama kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko at hindi niya pinapayagan na makawala ang mga mata ko sa pagtitig niya.
"Michael..."
"Come on, you're just scared to your dad, Sabrina, nasa legal age na tayo. We can do whatever we want." Matapang na pahayag niya, lumunok ako.
"W-What do you want us to do?" Nauutal na tanong ko, napapikit ako nang bigla niya akong bigyan ng basang halik sa labi na para bang awtomatiko kong tinugon. Sandaling halik lang iyon pero grabe magwala ang puso ko!
Muli niyang pinagtagpo ang mga mata namin, "I want us to explore these feelings." Napakagat ako sa ibabang labi ko, ibang klase talaga siyang makipagtitigan, mapapa-oo ka nalang sa lahat.
"I...I want that too," Mahinang bulong ko na mas lalong nagpakinang sa mata ni Michael.
Ngumiti siya at napasinghap ako nang halikan niya ako sa pisngi, "That's my girl." Ligayang ligaya ang boses niya.
Hinaplos niya pa ang pisngi ko at akmang hahalikan na naman niya ang labi ko pero napapitlag ako nang marinig ko ang tawag sa akin ng kapatid ko na si Shane.
"Ate?"
Narinig kong napahinga ng malalim si Michael at kumalas din kaagad sa akin.
"B-bakit?" Nauutal na sagot ko kay Shane nang makita kong kakalabas labas niya lang mula sa pinto.
"Pumasok kayo sa loob." Seryosong sabi ni Shane at kita ko sa mukha niya na para bang galit siya, pagkasabi niya no'n ay pumasok na ulit siya sa loob.
"O..okay, sige! Susunod na kami!" Sigaw ko at saka tumayo mula sa pagkakaupo pero hinila ni Michael ang kamay ko, nilingon ko siya.
"Bukas?" Paalala niya.
"I'll message you, alam mo namang hindi ako basta-basta nakakaalis ng walang kasama." Yo'n lang at nagmadali na akong pumasok sa loob, sumunod din naman siya sa akin.
Kinagabihan ay hindi ako masyadong makapag isip ng tama dahil sa mga pinag usapan namin ni Michael, naghahalungkat ako ngayon ng susuotin para bukas kahit na wala pang maayos na plano kung paano ako makakaalis bukas na hindi kukwestiyunin ni dad. Natigilan ako sa pag hahalungkat sa cabinet nang marinig kong may kumakatok, mabilis akong humiga sa kama.
"Pasok!" Sigaw ko, nakahinga ako ng maluwag dahil si Shane lang pala 'yon. Umupo siya do'n sa may study table ko, kinuha niya pa yung maliit na stuff toy at pinaglaruan iyon.
"Oh bakit?" Usisa ko.
"Boyfriend mo ba si Michael?" Biglang tanong niya na nagpalaki sa mata ko.
"What? Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi ko siya boyfriend, alam mo namang inis n ainis ako sa kanya dahil palagi niya akong inaasar." Kinakabahan na depensa ko.
"Really? So, asaran lang din 'yung paghalik niya sayo?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Nagtaas siya ng tingin sa akin at hindi ko kinaya ang pagbabanta sa mga mata niya.
Hindi ako makasagot. So, tama ang hinala ko na baka nakita niya kami sa garden kanina.
"Tandaan mo, Ate, malaki ang tiwala sayo ni mommy, kaya palagi ka niyang kinakampihan kay dad."
"Hindi ko naman sinisira yung tiwala na 'yon!" Napasigaw na ako dahil sa kaba.
"Sana nga. Okay lang naman na magka-boyfriend ka, Ate. Ang hindi ko matatanggap kung sasaktan ka lang nila." Huminahon na ang boses niya kaya nabawasan na rin ang kaba ko.
"Kung magsalita ka parang hindi mo ako, Ate!" Nagkibit balikat siya, dahil sa pagdidisiplina ni daddy kay Shane kaya naman ganyan siya umasta sa akin, akala mo Kuya ko siya.
"Sabihin na nating mas matanda ka sa akin, pero tandan mo, bilang pangalawang lalaki dito sa pamilya natin, responsibilidad ko ang bantayan kayo nila mommy." Seryosong aniya saka ibinato sa mukha ko ang maliit na stuff toy na kanina ay nilalarolaro niya.
Sisigaw pa sana ako pero natigilan ako nang marinig kong nagriring ang cellphone ko at napaayos ako ng upon ang makita kong si Michael ang tumatawag, tumikhim pa ako bago ko sinagot iyon.
"Hey."
"Hey, love." Ayan na naman siya sa endearment niya sa akin.
Ngumiti ako na para bang nakikita niya ako," What's up?!"
"Solve na ang problema natin bukas. Nakausap ko si Rian, pinilit ko siya na ipaalam ka sa daddy mo bukas." Nanlaki ang mata ko.
"What? Paano mo nagawa yun?"
"Simple lang. Sinabi ko sa kanya na gusto kita."
"Michael!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top