Chapter 19

Chapter 19

Sabrina Briones

Ilang araw na ang lumipas simula nang makausap ko si Michelle. Hindi ako mapakali, gusto kong makita si Michael, gusto ko siyang tulungan. Pero paano ko gagawin 'yon kung may mga nakahawak sa mga leeg namin? Panay ang sulat ko ng pangalan ni Michael sa notebook ko habang nag iisip kung ano bang pwede kong gawin.

"Ms.Briones?!" Natauhan ako nang marinig kong sumigaw ang Professor namin.

"Kanina ka pa tinatawag ni Sir, may problema ba?" Bulong ni Nathan sa tabi ko. Umiling ako bilang sagot.

Tumingin ako sa Professor namin at nakita kong galit na ang mukha niya.

"May naghahanap daw sayo sa lobby!" Pagsusungit ng Prof namin.

Tumingin ako sa pintuan at nandoon ang guard ng school namin.

"Excuse me lang po." Paalam ko sa klase saka lumabas na. Pumayag naman yung Prof namin dahil siguro 15 minutes nalang tapos na rin naman ang klase.

"Sino daw po?" Tanong ko sa guard.

"Hindi ko alam hija eh, babae. Baka Mommy mo?" Napakunot ang noo ko. Bakit naman pupunta si Mommy dito? Saka isa pa kung may sasabihin si mom alam kong magtetext nalang siya sa akin.

Pagkababa ko sa lobby, kinabahan ako. Dahil si Tita Maria ang nasa harapan ko ngayon.

"Tita.." Kabadong bulong ko, ngumiti siya ng mapakla at hinalikan ako sa pisngi.

"May klase ka pa yata, pasensya ka na naistorbo pa kita. Nahihiya kasi akong harapin ang Mommy mo dahil sa nangyari." Nakikita ko sa mata niya na puno ng pag aalala iyon.

"Hindi po Tita, okay lang po. Ako nga po ang dapat mahiya dahil masyado po kaming naging mapusok ni Michael. Sorry po." Paumanhin ko, ngunit umiling lang siya at pinisil ng marahan ang kamay ko.

Niyaya ako ni Tita sa gilid ng school namin kung saan may coffee shop, umupo kami sa may window.

"Kumusta ang pakiramdam mo? Hindi ka ba nahihirapan? Nag aaral ka tapos naglilihi ka."

Sandali akong uminom ng tubig.

"Medyo okay naman po Tita, kaya lang palagi po akong inaantok." Bulong ko, madalas talaga akong antukin lalo na sa klase, two months na rin kasi ang tiyan ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Tita Maria, inabot niya ang mga kamay ko upang hawakan.

"Natural lang yan, hija. Kumakain ka ba ng maayos? Baka masyado mong ini-stress ang sarili mo dahil kay Michael." Natigilan ako, bigla kong naalala ang sitwasyon ni Michael. Tumingin ako sa paligid ng labas ng coffee shop at parang may napansin akong isang lalaking naka-leather jacket, kumaway sa akin yon sabay nginisian ako, bumalot ang matinding kaba sa puso ko.

"Hija?" Natauhan ako nang tawagin ako ni Tita kaya naman mabilis akong lumingon sa kanya.

"Hi-hindi naman po, Tita. I'm okay po, iniinom ko din po lahat ng vitamins na binigay sa akin ng Oby-gyne ko." Tulirong sagot ko.

"Mabuti naman kung gano'n, dumaan ka madalas sa bahay ha? Para maipagluto kita ng gusto mong kainin. Ikumusta mo rin ako sa Mommy mo."

Tumango ako, lumingon ulit ako doon sa labas ngunit wala na yung lalaking nakatayo doon pero nanlaki ang mata ko nang makita ko si Michael na nakasakay sa isang kotse, katabi niya yung matabang lalaking nakita ko sa bar nila noon! Tatayo na sana ako pero mabilis ang pagharurot ng kotseng sinasakyan nila.

"Paano, hija? Mauna na ako ha? Binisita lang talaga kita para kumustahin, if you need anything, please do let me know." Paalala niya sa akin.

"T-thank you po, Tita. Mag iingat po kayo."

Magkasabay kaming lumabas ng coffee shop, inihatid ko siya sa sasakyan kung saan naghihintay si Manong Jake.

"Sabrina!" Napalingon ako kay Nathan na ngayon ay bitbit ang mga gamit ko, kaagad ko namang kinuha sa kanya 'yon.

"Tapos na klase natin, sinong naghahanap sayo?"

"Ah..Mama ni Michael."

"Glad to hear na mukhang okay naman kayo ng parents niya. Gusto mo bang kumain?"

Tumango naman ako sa kanya, pumunta na kami parking lot kung nasaan ang kotse niya, habang nagmamaneho siya ay nag-uusap kami.

"Nasaan na pala yung motor mo?" Biglang usisa ko nang maalala ko yung motor niya.

"Ah, nasa bahay. Mas safe kung kotse ang dadalhin ko, hindi ka na pwedeng umangkas ng motor baka mapano yang bata sa tiyan mo."

"Nathan!" Nahihiyang suway ko sa kanya dahil ang totoo ay palagi niya akong hinahatid.

Narinig kong tumawa siya.

"Hinihintay mo pa rin ba siya?" Tumango ako bilang sagot, hihintayin ko pa rin siya dahil alam ko babalik siya.

Huminga siya ng malalim.

"Kung sa kaling hindi siya bumalik, I'm just here, ako nalang ang magiging tatay niyan." Biro niya pero nakatingin lang siya sa kalsada habang nagsasalita, pero ramdam ko ang sensiridad sa mga sinasabi niya sa akin.

Sobrang natahimik kaming dalawa, pero mabilis din niyang binasag yung katahimikan.

"Kumakain ka ba ng sisig?" Bigla akong naglaway at napalunok. Narinig kong tumawa siya.

Tinignan ko siya ng masama. "Bakit ka tumatawa?!"

"Wala naman, alam mo may alam akong kainan na masarap ang sisig! Sigurado ako matutuwa yang baby mo kapag natikman niya yon!" Masiglang sabi niya.

"Siguraduhin mo lang Nathan, naku kung hindi ipapasipa kita sa anak ko!" Ngisi ko, biglang nagred light kaya huminto si Nathan, nanlaki ang mata ko nang maramdaman kong hinawakan niya ang tiyan ko.

"Hey! Baby? Gising ka ba? Hindi mo naman ako sisipain diba? Bati tayo! Hayaan mo paglabas mo tuturuan kitang magbasket ball!" Nakangiting sabi niya, napatingin ako sa kanya. Mas masaya siguro kung kay Michael ko maririnig ang mga salitang 'yon.

Ngumiti sa akin si Nathan at ibinaling na ulit ang atensyon sa pagmamaneho.

Pagdating namin sa restaurant na sinasabi niya umorder kaagad siya sa counter, hindi naman mukhang pang sosyal yung restaurant na pinuntahan naming, para lang din siyang carinderia pero sobrang daming kumakain.

"Heto na.!" Excited na inilapag ni Nathan yung tatlong sizzling plate sa table namin.

"Kapag natikman mo na yan! Sigurado akong kulang pa sayo ang isang plato!" Pang aasar niya.

"Kumain na tayo! Nagugutom na ako!" Napahawak ako sa tiyan ko kasi parang mas lalong kumulo ito dahil sa amoy ng sisig.

Isang subo ko pa lang ng sisig napangiti na kaagad ako!

"Ang sarap diba?" Sabi ni Nathan habang may laman yung bibig niya.

Tumango ako at sumubo pa ulit. Nagulat ako nang bigla niyang punasan ang gilid ng bibig ko gamit ang thumb niya.

"Para kang bata." Nakangiting sabi niya.

Ngumuso lang ako.

"Nathan?" Napalingon kaming dalawa ni Nathan sa tumawag sa kanya, mabilis namang uminom ng tubig si Nathan at napatayo.

"Aira!" Sgaw ni Nathan, saka hinalikan sa pisngi yung babaeng nakasumbrero at nakatali ang buhok. Mukha siyang tomboy pero maganda siya, nakapants lang siya at tee-shirt na puti napaka balingkinitan ng kanyang katawan at mukha siyang haponesa dahil sa singkit niyang mata at sobrang puti din niya.

"Kumusta?! Tagal nating hindi nagkita ah! Pinagtataguan mo ba ako?" Natatawang sabi nung Aira kay Nathan.

"Ikaw pagtataguan ko? Ang lakas mo kaya sa akin!" Natatawang sabi ni Nathan, kumain lang ako ng kumain pero napapatingin ako sa kanila, bigla akong naubo nang makita kong tinuro ako nung Aira.

"Ah! Si Sabrina! Soon to be my wife!" Nakangiting pakilala sa akin ni Nathan.

Mas lalo akong naubo at uminom ng icetea. "Nagbibiro lang siya, Miss!" Nabubulunan na sabi ko na nagpatawa sa kanilang dalawa.

"Hahaha! Iba ka pa rin Nathan ha! Maganda siya!" Nakangiting sabi ni Aira.

"Syempre!"

"Nga pala ako si Aira!" Pakilala niya sa akin.

"I'm Sabrina, please, h'wag kang maniwala sa mga sinasabi ni Nathan."

"Ano ka ba! Okay lang yon! Sanay na ako dito sa mokong na 'to!"

Mukha naman siyang mabait, sayang nga lang yung ganda niya kasi sa tingin ko ay tibo siya. Ang dami sigurong magpapantasiyang lalaki sa kanya lalo na kung mag aayos siya.

"Sige! Mauna na ko! May lalakarin pa ako eh, binili ko lang ng pagkain yung mga kapatid ko!" Paalam niya sa amin saka kinawayan ako. Tinapik naman niya sa braso si Nathan bago pa siya tuluyang umalis.

"Aira?" Tanong ko kay Nathan, mag best friend kami pero ngayon ko lang nalaman na may iba pa pala siyang kaibigan na hindi ko pa nakikilala.

"Yes. Si Aira Akira, tropa ko yun."

Sinundan ko ng tingin si Aira, nagmamadali siya at may dala dala siyang backpack.

"Ganda niya ha?" Puri ko.

Tumawa naman si Nathan.

"Hapon kasi Papa nun eh!"

Tumango naman ako dahil tama ang hula ko, may dugo siyang Japanese. Halatang halata kasi sa mukha niya.

"Kaya lang patay na ang mga magulang niya.Siya nalang ang bumubuhay sa mga kapatid niya." Kwento niya, napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Nathan, pero agad din niyang inalis ang kamay niya sa ibabaw ng lamesa at ngumiti sa akin.

____

Michael Cando

"Dito niyo ihahatid ni Michael ang mga items na pinapatrabaho sa inyo ni Boss Gary." Dinig kong sambit ni Spencer na isa sa mga tauhan ni Gary, nakatutok silang dalawa ni Akira doon sa laptop.

"Aba, mukhang bigatin yang kliyente na yan ah. Tiba tiba na naman tayo." Ani Akira saka bumaling siya sa akin, isang ngiti ang ibinigay niya sa akin pero pinili kong hindi pansinin iyon.

"Hindi kaya mahuli tayo diyan, mas okay siguro kung sa isang mataong lugar magpalitan." Suhestiyon ko habang nililinis ang baril na kinuha ko sa mga stocks ni Gary, buong akala ng mga tauhan niya ay ibinigay sa akin ang baril na 'to. Pero hinahanda ko 'to para sa tamang pagkakataon. Sa araw-araw na pagsasanay ko sa shooting range, masasabi kong hindi ako papalya.

Napatango naman ang ibang kasamahan naming sa minungkahi ko.

"Gumagaling ka bata ah!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Spencer.

"Mas okay siguro kung magdadamit babae ka Akira." Dagdag ko.

"Huh?" Hindi makapaniwalang sambit ni Akira.

"Alam mo naisip ko na din yan! Maganda ka kasi Akira! Pwede mong akitin yung bagong kliyente ni boss para naman balik balikan tayo! Malaking pera din yon." Napatayo si Akira at saka sinipa ang upuan sa harapan ni Spencer, palihim akong napangisi dahil pikon na piko si Akira sa kanya.

"Gago ka ba! Mamatay na ang lahat! Pero hindi ako magdadamit babae!"

"Aayaw ka pa, mas maraming pera 'yon. Alam mo Akira yang ganyang mukha mo, gustuhin ng mga Chekwa yan! Saka isa pa sabi mo madaming bayarin sa eskwelahan ang mga kapatid mo, pagkakataon mo na 'to para sa extrang pera." Pamimilit ni Spencer.

Muli akong napalingon kay Akira nang matahimik siya at para bang nag iisip siya.

"Isang gabi lang naman diba?" Nagtawanan ang lahat ng tauhan ni Gary.

"Mga ulol! Isang gabi na magdadamit babae ako!!" Pagtatama niya sa maduduming isip.

"Make it clear, Akira. Iniisip ng mga gunggong na 'yan magpapakama ka." Napatingin silang lahat sa akin.

"Dumadaldal ka na ah. Ayos yan!" Ngisi ni Akira saka nag thumbs up pa, umiling nalang ako at sinipat ulit ang baril na hawak ko.

"Ikaw naman Michael ikaw ang makikipag deal kay Austine." Mungkahi ni Spencer na siyang tinanguan ko lang, humithit ako ng yosi saka bumuga ng usok. Napapadalas ang pagyoyosi ko dahil mas nakakapag isip ako ng maayos at kumakalma ako. Pero natigilan ako nang hilahin sa akin ni Akira 'yon, maging siya ay para bang nagulat sa ginawa.

Napatingin din ang mga tauhan ni Gary sa kanya.

"Di ka namimigay tropa!" Sigaw niya saka hinithit ang yosi bago ibato iyon sa malayo.

Nawala ang atensyon ko sa kanya nang mag ring ang cellphone ko, hinahayaan na rin nila akong mag cellphone dahil ilang beses ko na napatunayan sa kanila na tikom ang bibig ko. Mabilis akong lumabas ng warehouse nang makita kong si Michelle ang tumatawag. Pero natigilan ako nang makita ko si Gary na nakatayo sa labas at mukhang may kinakausap sa cellphone niya, pinatay ko saglit ang cellphone ko at nagtago ako sa isang truck malapit sa pinupwestuhan ni Gary.

"Chief, sisiguraduhin kong dadagdagan ko ang ibinibigay ko sayo basta ibigay mo lang sa akin ang ulo ni Dark Jaguar." Ngising aniya na nagpakunot sa noo ko.

Dark Jaguar?

"Masyado na siyang nagiging abala sa mga operasyon ko. Ilang operasyon ko na ang nabulilyaso dahil sa pangingialam ng spy na yan." Parang may kung anong pag asang sumanib sa akin dahil sa narinig ko.

"Ipapahiram ko sayo ang ilang tauhan ko sa paghahanap kay Dark Jaguar masigurado lang na mapasaakin ang ulo ng hayop na 'yan. Uunahan ko na siya, bago pa niya matunton ang pinaka malaking taguan ko."

Mabilis akong tumakbo palayo nang makita kong palingon si Gary, ilang saglit pa ay narinig ko nang umalis ang kotse niya. Kailangang maunahan ko silang makita si Dark Jaguar, siya lang ang magiging pag asa ko para sa mga pinaplano ko.

Pabalik na sana ako sa loob nang maalala kong tumatawag si Michelle, kaya naman nag call back na ako sa kanya.

"Kuya, kumusta ka na? Hindi ka ba nila pinapahirapan?" Sunod sunod na tanong niya.

"Ayos lang ako."

"Kuya, hanggang kailan ka pa diyan? Paano na kayo ni Ate Sabrina? Kung hindi siguro ako tumakas nung gabi na 'yon, hindi siguro mangyayari 'to ngayon." Puno ng pagsisisi ang boses ni Michelle.

Huminga ako ng malalim, "Stop blaming yourself, Michelle."

"Pero, Kuya..."

"H'wag kang mag alala. Napapaikot ko na silang lahat."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top