Chapter 18
Chapter 18
Michael Cando
Flashback
"Papasok na ako." Mabilis kong hinila ang kamay niya dahil hindi ako mapakali sa ekspresyon ng mukha niya.
"Ayokong maghiwalay tayo ng ganito." Halata sa mga kilos niya ang pagkabalisa matapos naming magawa ang bagay na alam ko dapat pinigilan ko. Pero handa akong panagutan siya ano't ano man ang mangyari, matinding panggugulpi siguro ang matatanggap ko sa mga magulang naming kung sakaling mabuntis ko siya. Alam ko naman ang maaaring kalabasan nito, pero gago ako eh. Mapusok ako pagdating sa kanya.
"Michael..." Ewan ko, pero sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko para bang nabubuo ang araw ko.
"I'm sorry." Simula ko.
"Sorry dapat hindi ko ginawa yon, dapat hindi kita—" Desperadong sabi ko pero agad niyang pinutol ang pagsasalita ko at para akong gagong natulala sa sinabi niya.
"Hindi mo kailangang mag sorry. Dahil ginusto ko din naman yo'n Michael. Ginusto natin." Lumapit siya sa akin at pinagmasdan ako, damn it, gustong gusto ko talaga yung ganda niya.
"Mahal kita, Michael at wala akong pinagsisisihan sa ginawa nating dalawa. Salamat, kasi dahil do'n naramdaman kong mahal mo talaga ako. Natatakot ako oo, pero hindi ibig sabihin no'n hindi ako masaya. Dahil sobrang saya ko, sobrang saya ko dahil alam kong sa akin ka." Para akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabi niya kaya naman hinila ko siya at niyakap ng mahigpit.
"Sabrina, promise gagawin ko ang lahat para sayo." Pangako ko sa kanya.
"Papasok na ako ha?" Muling paalam niya.
"Sige na, magpahinga ka na. Tandaan mo mahal kita, Sabrina!" Pangako ko na siyang nagpangiti naman sa kanya.
Naglakad na ako at nasakto na dumaang may taxi, pinara ko kaagad yon. Nang makasakay ako ay tinawagan ko kaagad siya.
"Love," Bungad ko nang sagutin niya ang tawag ko.
"Nasaan ka na?" Tanong niya.
"Uuwi ako sa bahay ngayon, nasa taxi na ako."
"Buti naman, dahil nag aalala na din sayo ang mama mo." Isa sa pinaka nagustuhan ko sa kanya ay kung paano niya ituring ang pamilya ko, close friends ang pamilya namin at naging advantage ko 'yon sa mga gustong pumorma sa kanya noon.
"Magkita tayo mamaya?" Hindi na ako makapag hintay pa na makita siyang muli.
"Ha?"
"Pictorial natin mamaya, successful yung magazine natin last month." Paalala ko sa kanya dahil mukhang nakalimutan niya na schedule namin for pictorial today.
"Nakalimutan ko, dadaanan niyo nalang ako ni Manong Jake mamaya?"
"Oo, kaya matulog ka na. 10am nanjan na kami. I love you."
"Michael!" Ganyan palagi ang reaction niya sa tuwing nahihiya siya.
"Why? Sabi ko I love you." Mas nilambingan ko ang boses ko.
"I love you too." Napapikit ako nang marinig ko ang sagot niya, kumpleto na naman ang araw ko.
Pinatay ko na yung tawag bago pa ako mawala sa sarili.
"Dito ba hijo?" Tanong ng driver saka tinuro yung gate ng subdivision namin.
"Opo, tapos kumanan ho kayo."
Tumango naman yung driver. Pumikit ako sandali dahil nakaramdam ako bigla ng antok, masarap sanang matulog nalang kanina katabi si Sabrina kaso hindi pa pwede. Kung kailan naman malapit na sa bahay saka pa inantok. Pero nang imulat ko ang mata ko ay napakunot ang noo ko ng parang mapansin ko sa rear view mirror ang kapatid ko.
At napamura ako nang makumpirma ko na siya nga 'yon.
"Shit! Manong sandali lang ho!" Sigaw ko, agad naman nagpreno ang driver at mabilis akong bumaba ng taxi.
"Michelle!"
"KUYA! HELP ME!" Humahagulhol na sigaw niya.
Pero napahinto ako nang makita kong itutok ng lalaki ang baril kay Michelle!
"Subukan mong lumapit." Banta nito habang nakapulupot ang braso sa bewang ni Michelle.
"Ku-kuya...Kuya natatakot ako." Hilam na hilam na sa luha yung kapatid ko!
Sinimulan niyang halikan ang leeg ng kapatid ko na nagpakuyom ng matindi sa kamao ko.
"Lyndon!! Parang awa mo na.." Pagmamakaawa ni Michelle dito.
Nagkaron ako ng pagkakataon na makalapit sa kanila nang biglang siniko ni Michelle si Lyndon at nabitawan nito ang baril niya, pero bago ko pa madampot yung baril mabilis na nakuha ni Lyndon ang baril t tinutok ulit yun kay Michelle, pero hindi na niya hawak si Michelle ngayon! Naglakas loob akong itulak siya at doon na kami nagsimulang mag agawan ng baril.
"Ang lakas ng loob mong makialam na hayop ka!" Sigaw ni Lyndon! Pero bago ko pa siya masagot pumutok na yung baril!
"KUYA!!!" Sigaw ni Michelle sa likod ko.
Nabitawan ko ang baril at napatingin ako sa kamay ko na natalsikan ng dugo. Nanlaki ang mata ko nang makumpirma kong nabaril ko siya.
"Fuck! Michelle tara na!" Sapilitan kong hinila si Michelle patungo sa taxi dahil nanginginig siya sa takot.
"Kuya, you killed him! Kasalanan ko. Kasalanan ko Kuya!!" Sumisigaw na iyak niya.
"Michelle! Hey, calm down! Wala kang kasalanan, okay?!" Pilit ko siyang pinapakalma pero hindi sapat iyon.
"Teka! Hijo, baka sumabit tayo jan!!" Napansin kong parang kinakabahan din ang taxi driver, humawak ako sa balikat nito.
"Wala ho kayong nakita! Malinaw ho ba?!" Sigaw ko saka nanginginig na nagmaneho na ito at nang makarating na kami sa bahay mabilis kaming pumasok sa loob.
Nandito kami ngayon sa kwarto ko, mabilis kong hinugasan ang kamay ko at nagpalit ng damit. Matindi ang kabang bumabalot sa akin ngayon pero sinasawalang bahala ko iyon para sa kapatid ko.
"Kuya, pa-paano kung makulong ka?" Patuloy pa rin ang pag iyak niya.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya.
"Michelle, hindi mangyayari yon. Pupunta tayo ngayon sa pulis, ire-report natin kung ano talagang nangyari." Tumango tango siya at yumakap sa akin.
Maliwanag na at pagbaba namin sa sala gising na si Mama.
"Oh? Ang aga niyo yatang nagising? Anong oras ka umuwi Michael? Hinintay ka ng Papa mo kagabi, hindi niya nagustuhan ang ginawa mo kahapon sa bahay nila Tita Samantha mo." Litanya ni Mama.
"Ma, pwede mamaya nalang yung sermon? May pupuntahan lang po kami ni Michelle." Paalam ko.
"Saan? Hindi pa kayo kumakain." Mahinahon na sabi ni Mama, napailing nalang ako. Napapansin ko kasi noon pa na kahit anong gawin kong pagsagot sagot kay Mama hindi siya nagagalit sa akin. Hindi ko alam pero nasobrahan sa bait ang ermat ko.
"Basta. Tara na Michelle!" Hinila ko si Michelle, napag usapan namin ni Michelle na kaming dalawa lang ang makakaalam ng nangyari dahil kung hindi mayayari kaming parehas kay Papa.
"Babalik po kami Ma!" Medyo malat na yung boses ni Michelle dahil sa kaiiyak.
__
Pagdating namin sa malapit na prisinto, may isang matabang lalaki na nagsisisigaw.
"HINDI KAYO TITIGIL HANGGA'T HINDI NIYO NAKIKITA ANG PUMATAY SA ANAK KO!!!" Halos mabulabog ang buong prisinta.
Napalingon ako sa isang matandang lalaki at napakunot ang noo ko nang mamukaan ko siya, yung taxi driver.
"BOSS!! BOSS!! SIYA PO YON!!" Sigaw nito nang makita ako!
Napatingin sa akin yung matabang lalaki at laking gulat ko nang walang ano ano ay hinila niya ako!
"KUYA!!"
"IKAW BA ANG PUMATAY SA ANAK KO?!!!" Nakakaramdam ako ng kaba pero hindi ko pwedeng ipakita sa kapatid ko na napanghihinaan ako ng loob.
"HINDI PO SIYA!! AKO!!!"
"Michelle!!" Sigaw ko, marahas akong binitawan ng tatay ni Lyndon at hinila nito ang baril sa isang pulis at itinutok iyon kay Michelle, agad akong humarang.
"Don't hurt my sister! Please!" Pakiusap ko, pero imbis na sagutin niya ako pinaputok niya ang baril sa taas at sumigaw ng sumigaw.
Tinignan ko ang mga pulis pero nanatili lang silang nakatingin samin ni Michelle, dun ko lang naisip na kapit sila sa tatay ni Lyndon.
"YOU THINK YOU CAN SAVE HER WITH YOUR WORDS?! BUHAY DIN ANG KAPALIT NG PAGPATAY NIYO SA ANAK KO!!!" At saka itinutok sa akin ang baril! "Ipapakita ko sayo kung sinong binangga niyo ng kapatid mo." Angil nito at muling kinasa ang baril saka itinutok sa akin.
"Boss, hi-hindi naman ho nila sinasadya. Pinagsamantalahan po kasi ng anak niy—"
Nanlaki ang mata ko at napatigil ako nang barilin niya sa harapan namin ang taxi driver sa ulo nito. Nagsusumigaw si Michelle sa panic kasabay ng malakas na pag iyak niya, mabilis ko siyang niyakap at iniwas ang mga mata niya sa ngayon ay dilat na mata ng driver na naliligo sa sariling dugo.
"I don't ask for your opinion! Isa ka lang driver!" Puno ng galit ang boses nito at masasabi kong wala siyang sini-sino!
"Kuya!" Patuloy ang pag iyak niya at nanginginig ang buong katawan niya.
"Nakita niyo naman diba? Buhay ang kapalit!" Sigaw ng tatay ni Lyndon at hinila niya sa buhok si Michelle palapit sa kanya!
"Damn it!" Pero bago pa ako makakilos may dalawang pulis na humawak sa akin upang pigilan ang paglapit ko kay Michelle!
"What do you think you're doing? Papatayin niya yung kapatid ko! Mga pulis ba talaga kayo ha?!" Dahil ang totoo ay nababalot na ako ng pangamba ngayong alam kong hindi basta basta ang nakabangga namin ni Michelle.
Parang pinipiga yung puso ko para sa kapatid, ni minsan hindi yan nasaktan ng mga magulang namin.
"Stop! Please, stop!" I found myself kneeling in front of this monster. "Please..."
"DON'T FUCKING KILL MY SISTER!! I'LL DO ANYTHING! JUST LET HER GO!!" Dinig ko ang sariling hagulhol ko. Sa buong buhay ko ngayon lang ako naduwag ng ganito!
Napatigil ang tatay ni Lyndon, marahas niyang itinulak si Michelle sa akin na mabilis kong niyakap! Nanlilisik ang mga mata ng tatay ni Lyndon at parang kahit anong oras ay handa talaga siyang pumatay.
"Anything?" He sneered, ngumisi pa ito ng sandali hanggang napalitan na naman ng mapait na halakhak. "You're in no position to negotiate, young boy!!" Lumapit ito sa akin at hinampas ang dulo ng baril sintido ko! Dama ko ang pagtulo ng dugo pero binaliwala ko iyon!
Hinila nito ang isang monoblock chair at naupo sa harap namin ni Michelle. Nilaro laro nito ang baril na hawak niya, pilit kong inilayo sa kanya si Michelle sa higpit ng yakap ko. Hinding hindi ako makakapayag na masaktan niyang ulit ang kapatid ko.
"Fine," Humahalakhak na ani niya, nagkunyari pa itong kakabigin ang baril na nagpapikit sa akin sa kawalan. Ngunit pag mulat ko ng mata ko ay humahalakhak pa rin siya.
"Babalikan kita bata! Pero, huwag na huwag niyong susubukang kumanta dahil hindi lang kapatid mo ang mawawala sayo." Pagbabanta nito, marahas niya akong hinila at inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko at doon bumulong.
"Dahil bago ka pa makakanta, sinisigurado ko sayo, hindi lang kapatid mo ang magiging kabayaran sa pagpatay mo sa anak ko. Tatandaan mo. Babalikan kita para sa ipapa-trabaho ko sayo." Pagtatapos nito saka ibinato ang baril doon sa bangkay ng driver. Mabilis silang umalis ng mga tauhan niya at ang mga pulis naman ay naiiling sa mga nasaksihan.
"Nagkamali kayo ng kinalaban bata." Ani ng isang pulis.
"Oh, alam niyo na ang gagawin sa bangkay na 'yan." Utos ng isa pa patukoy sa katawan ng driver.
__
Hindi ko na alam kung paano kami nakauwi ni Michelle, basta laking pasasalamat ko dahil hindi namin nadatnan sila mama.
"Magpahinga ka na." Kinumutan ko si Michelle na ngayon ay bakas pa rin ang takot sa mga nangyari.
"Kuya, babalik siya." Ayaw pa rin tumigil ng pag iyak ni Michelle.
"Shhh, it's okay. I won't let anything happen to you. I promise." Paninigurado ko sa kanya.
____
Ayoko na sanang isama pa si Sabrina pero masyado siyang mapilit, paraan ko na din sana yon para umiwas sa pagtatalo namin. Pero mali talaga na sinaman ko pa siya. Bumalik na ulit ako sa VIP room nang masigurado kong umalis na si Sabrina kasama si Manong Jake. Maraming kasamang tauhan ang tatay ni Lyndon.
"Anong ginagawa niyo dito?" Malamig na tanong ko, hindi na palaisipan sa akin kung paano nila natunton itong bar namin dahil napatunayan ko na marami talaga sila at hindi malabo na matunton nila ako kahit saan pa ako magtago.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Gary, yon ang narinig kong tawag sa kanya ng mga tauhan niya.
"Relax bata, hindi mo naman sinabi na big time pala ang pamilya mo, kayo ang nagmamay ari ng malaking bar dito sa Pinas. Mukhang magandang negosyo 'to ah." Humithit siya ng yosi at ibinuga sa mukha ko yon, naikuyom ko ang kamao ko, pero kahit anong galit ko hindi ko magawang maipagtanggol ang sarili ko.
"Anong kailangan niyo?!" Tanong ko.
May inihagis siya sa mukha ko na isang papel.
"Ihatid mo 'tong mga 'to sa address na yan!" Utos niya, napatingin ako sa isang maleta, agad binuksan yon ng isang tauhan niya at napakunot ang noo ko sa nakita ko, hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang mga yon.
Drugs.
"Ayoko." Matigas na sabi ko.
Pero napatigil ako nang banggitin niya ang buong address ng bahay namin.
"Ihahatid mo, o tatawagan ko ang mga tauhan ko para ipaligpit—" Hindi ko na siya pinatapos at isang malakas na suntok ang ibinigay ko sa kanya!
"H'wag na h'wag mong sasaktan ang pamilya ko!!!" Sigaw ko, hindi ko na alam kung paano pa ako nakakahinga dahil sa galit na nararamdaman ko.
Tumayo si Gary at humalakhak siya ng malakas, punong puno ng panunuya iyon.
"Ihatid mo ang mga yan at magkakaintindihan tayo bata, heto ang susi ng kotseng gagamitin mo sa pagtutulak. Tara na!" Sigaw ni Gary at lumabas na ng VIP room. Sumunod naman sa kanya ang mga tauhan niyang tumatawa tawa.
Sa sobrang inis ko ay nagsisigaw ako at pinagsusuntok ko ang pader!
Napatingin ako sa maletang iniwan nila, sinipa ko muna iyon bago ko pa buhatin at lumabas ng bar. Nakita ko ang isang itim na sasakyan at inilagay ang maleta sa compartment nito.
Hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong dahil alam kong isang maling kilos ko lang mawawala lahat ng mahal ko sa buhay.
Nakarating ako sa isang eskinita, magulo, madaming bata at mga nag iinuman na matatanda. May isang nakasombrero na lumapit sa akin.
"Michael?" Laking gulat ko na isang boses ng babae ang tumawag sa akin. Tumango ako.
"Sumunod ka sa akin."
Sumunod naman ako sa kanya, kung saan saang eskinita kami pumasok bago pa namin marating ang isang apartment na may mga tauhan. May dalawang chinese doon at kinausap yon ng babaeng kasama ko, kinuha niya sa akin yung drugs at nagpalitan sila ng dalawang Chinese ng hawak.
"Thank you, boss!" Sigaw ng babae.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. Payat ito at maputi na may singkit na mata, mukha siyang may lahing Japanese.
"Tara na! Sigurado ako matutuwa si Boss nito!" Tinapik niya ang balikat ko at nauna ulit maglakad sa akin.
Sumakay siya sa sasakyang gamit ko at ako nagmaneho.
"Bago ka?!" May pagkaboyish ang pagsasalita niya.
Pinili kong hindi umimik, itinuon ko lang ang mga mata ko sa pagmamaneho.
"Woah, mukhang may bago na namang natakot si Boss ah. Balita ko napatay mo ang anak ni boss, yari tayo jan. Iba magalit si boss! Nga pala, ako si Akira." Inilahad niya ang kayang kamay pero hindi ko pinansin iyon.
"Hanep, suplado ah!"
Ang akala ko yun lang ang una't huling pananakot na gagawin ni Gary, pero nasundan pa ang mga yon. Kung saan saan kami nagtulak ng drugs, kailangan ng dobleng pag iingat dahil may mga pulis pa rin palang pinag hahahanap si Gary. Sinubukan kong hanapin kung sino ang mga pulis na 'yon pero binantaan ako ni Akira dahil nakakatunog daw si Gary at mas ikinatakot ko ng sabihin ni Akira sa akin na maging kay Sabrina may mga nagmamasid na tauhan nito. Palagi rin kaming nagpapalit ni Akira ng number dahil na rin sa kagustuhan ni Gary, pero mabilis kong naibibigay yon kay Michelle upang mapanatag ko ang kalooban niya.
"Masasanay ka din." Sabi ni Akira habang ginagamot ang mga sugat ko na nakuha sa pambubugbog ng mga tauhan ni Gary, napag iinitan pa rin ako ni Gary hanggang ngayon dahil sa pagpatay ko kay Lyndon, gusto ko ng sumuko pero hindi pwede, kailangan kong protektahan ang pamilya ko. Hindi ako pwedeng sumuko hangga't hindi ako nakakaisip ng paraan kung paano ko mapapabagsak si Gary.
"Hanggang kailan ka magiging sunod sunuran kay Gary ha Akira?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Hangga't nakakakain ang mga kapatid ko hindi ako titigil. Ito lang ang paraan ko para mabuhay kami! Hindi ako katulad mo mayaman, balita ko pag aari niyo yung G69 bar. Hanep ka pare laking bar nun ah! Dami pang branch. Hindi manlang ako makapasok dun, pang mayayaman yun eh." Binato niya yung bulak sa basurahan. Anim silang magkakapatid at panganay siya, namatay sa engkwentro ang magulang ni Akira dahil din kay Gary.
Napatigil ako ng magring ang cellphone ko, kanina pa 'to ring ng ring kaya naman sinagot ko na.
"KUYA!!!!" Sgaw ni Michelle, pero bago pa ako makapagsalita narinig ko na ang galit na galit na sigaw ni Papa. "Michael!! Umuwi ka ngayon na!!"
Napatingin sa akin si Akira dahil halos marinig niya rin ang boses ni Papa.
"Tara, ako bahala. Mukhang importante yan eh." Sabi ni Akira saka lumabas at sumakay sa kotseng ginagamit namin sa pagtutulak ng drugs.
Siya ang nagdrive dahil hindi ko pa kayang igalaw masyado ang mga braso ko mula sa pangbubugbog na natamo ko. Itinuro ko sa kanya ang bahay namin, pinahinto ko siya sa may kanto at naglakad papunta sa bahay namin.
"Michael anak! Anong nangyari sayo!"
"O-okay lang po ako Ma." Napatingin ako sa sala nang makita ko si Sabrina, nginitian ko siya. Punong puno ng pag aalala ang mga titig niya sa akin. Miss na miss ko na siya, wala akong magawa para mapuntahan siya dahil ayokong pati siya ay madamay sa gulong hindi ko sinasadiya na mapasok.
"Maupo ka." Matigas na sabi ni Papa.
"Akie! Gagamutin ko muna si Michael!"
"Wala ng oras para dito Maria! Umupo ka, ngayon na Michael!!" Galit na galit si Papa, dahil siguro 'to sa matagal kong hindi pag uwi.
Umupo ako.
"Nag iisip ka ba ng tama ha Michael?!! Ganyan na ba katigas ang ulo mo?!! Umaalis ka ng pamamahay na 'to at uuwi ka lang kung kailan mo gusto?!" Wala na akong balak sumagot pero napatigil ako sa sunod na sinabi ni Papa.
"BINUNTIS MO SI SABRINA!!" Tumingin ako kay Sabrina at sunod sunod na pagtango ang isinagot niya sa akin habang umiiyak. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang aluin dahil sigurado ako natatakot siya ngayon. Pero hindi ko magawang ihakbang ang paa ko palapit sa kanya.
"Hindi ka na nahiya sa Tita Samantha mo!!" Blanko ang isip ko, bumilis ang pintig ng puso ko sa isiping magkakaanak na kami ni Sabrina. Masaya ako, pero mas nangingibabaw ang takot ko dahil alam kong kailangan ko silang mas protektahan ng magiging anak namin sa mga kamay ni Gary.
"Hindi ka ba magsasalita ha Michael?!!"
Hindi ko na namalayan na marahas akong hinila ni Papa at isang malakas na suntok ang natanggap ko mula sa kanya.
"AKIE!!"
"TITO!! H'WAG NIYO PONG SAKTAN SI MICHAEL!!!" Narinig kong umiiyak na sigaw ni Sabrina.
"KAILAN KA BA TITINO MICHAEL?!!" Handa na akong saluhin ang mga suntok ni Papa pero mabilis na humarang si mama sa harapan namin.
Hindi ko na maramdaman yung sakit sa mga suntok na binibigay ni Papa. Ayokong madamay si Sabrina at mas lalong ayokong mawala ang anak naming dalawa.
"Akie! Tama na! Kahit anong gawin mo nanjan na yan! Kahit anong gawin mong bugbog sa anak mo buntis na si Sabrina!!!"
Pilit akong tumayo at lumapit kay Sabrina. Lumuhod ako sa harapan niya at mahigpit na hinawakan ang kamay niya, ayoko na sana siyang bitawan pero alam kong mas makakabuti para sa kanya 'to. Kahit sobrang labag sa kalooban kong sabihin, ginawa ko pa rin dahil alam kong ito lang ang magiging paraan para mailayo ko siya kay Gary. Kapag napansin nila Gary na hindi na kami nagkikita ni Sabrina alam kong mawawalan na siya ng interes dito para ipamatiyag sa mga tauhan niya.
"Pa..patawarin mo ako, hi-hindi kita kayang panagutan." Nag init ang paligid ng mga mata ko pero nanatili akong matatag sa kabila ng kirot sa puso na nararamdaman ko.
Pinilit kong tatagan ang sarili ko at iniiwas ko ang mga mata ko sa kanya dahil alam kong kapag nagtagpo ang mata namin, manghihina ako.
"M-michael, nagbibiro ka lang diba?" Humigpit ang hawak niya sa kamay ko, gusto siyang yakapin ng mahigpit.
Umiling ako.
"I'm sorry." At hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
Nabitawan ko ang kamay niya nang hilahin ako ni Papa at kinuwelyuhan.
"Naririnig mo ba ang sarili mo ha Michael?!!"
"Sumagot ka!!" Hindi ko magawang sagutin si Papa. Napatingin ako kay Mama na ngayon ay umiiyak na rin, pati si Michelle na alam kong sinisisi ang sarili sa mga nangyayari, inilingan ko siya bilang tanda huwag na huwag siyang magsasalita.
"BULLSHIT! PAGKATAPOS MONG MAGPASARAP HINDI KA MARUNONG TUMAYO SA KAGAGUHANG GINAWA MO?!! LUMAYAS KA SA PAMAMAHAY NA 'TO!!"
"Akie hindi! Hindi aalis si Michael!" – sigaw ni Mama.
"LUMAYAS KA!!"
"PA!!" Sigaw ni Michelle.
"KAPAG PINAALIS MO SI KUYA SASAMA AKO SA KANYA!!!"
"Hindi na kailangan, aalis na ako." Bulong ko, mas mabuti na nga sigurong malayo ako sa kanilang lahat, mas mapapanatag ang kalooban ko kapag alam kong ligtas sila. Mabuti na 'to. Lumabas na ako ng bahay,at rinig na rinig ko ang pag sigaw ni Mama.
Napatigil ako nang maramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likod ko, pinikit ko ang mata ko. Kahit papaano bumabalik yung lakas ng loob ko dahil sa yakap niya, miss na miss ko na siya. Gustong gusto ko siyang yakapin ng sobrang higpit pero alam kong pag ginawa ko yon mahihirapan akong iwanan siya, mahihirapan akong talikuran siya. Kaya habang maaga pa at habang may pagkakataon pa ako na layuan siya, gagawin ko.
"Michael! H'wag mo akong iwan!!" Pahigpit ng pahigpit ang yakap niya sa akin, sana ganito nalang. Gusto kong bumalik sa mga araw na Malaya ko siyang nayayakap.
"Kakayanin natin 'to Michael! Alam kong natatakot ka lang!! Natatakot ka lang Michael!! Gaya mo! Natatakot din ako dahil wala akong ibang matatakbuhan kundi ikaw! Michael! Please." Sunod sunod na sigaw niya, gusto ko siyang hilahin paharap sa akin. Gusto kong umiyak sa harapan niya dahil nahihirapan na ako pero hindi ko magawa.
"Michael..." Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig kong tawagin niya ang pangalan ko, bago ko pa maisipang bawiin lahat ng sinabi ko sa kanya nagsalita na ako.
"Bitawan mo ako."
"Ayoko!"
"Sinabi ng bitawan mo ako!" Marahas kong tinanggal ang kamay niya at naglakad na ulit.
"Michael! Mahal mo ako diba? Sinabi mong mahal mo ako! Nangako kang hinding hindi mo ako iiwanan! Sabi mo hindi mo ako pababayaan kahit anong mangyari! Michael, ibinigay ko ang lahat ng alam kong magpapaligaya sayo, dahil alam kong mahal mo ako!" Napatigil ako at tumulo na naman ang traydor kong luha, mahal na mahal ko si Sabrina at alam kong lahat ibinigay niya sa akin. Lahat lahat.
"Pumasok ka na sa loob." Pakiusap ko sa kanya.
"Ayoko! Michael! Bumalik ka dito! Alam kong mahal mo ako!!"
Marahan kong ipinikit ang mata ko at upang lumayo na siya sa akin, pinilit kong ibuka ang bibig ko at sinabing...
"Hindi kita mahal! Masaya ka na? Sinabi ko lang na mahal kita para makuha ko ang gusto ko."
Hindi ko na hinintay pang sumagot siya, nagmadali na akong sumakay sa sasakyan kung saan naghihintay si Akira. Patawarin mo ako, Sabrina. Pangako aayusin ko 'to. Babalikan kita, pero sana sa pagbabalik ko ay makuha mo pa akong tanggapin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top