Chapter 16
Chapter 16
Sabrina Briones
"Ate?" Napatingin ako kay Shara nang bigla siyang umupo sa tabi ko.
"Malungkot ka na naman Ate." Nakangusong sabi niya habang nakatingin sa akin.
Hanggang ngayon nahihirapan parin akong makahinga sa tuwing maaalala ko na mas pinili niyang talikuran nalang kami ng magiging anak namin. Ano pa bang dapat kong gawin para bumalik kami sa dati. Alam ko may dahilan kung bakit siya nagkaka-ganyan, pero hindi naman yata sapat yon para mangyari 'to sa aming dalawa.
"Wala 'to Shara h'wag mo na akong intindihin." Nakangiting sabi ko sa kapatid ko.
"Ah okay, you know what Ate? I want to be like you kapag malaking malaki na ako. Gusto kong maging maganda kagaya mo, maging matalino kagaya mo, gusto ko rin maging model!"
Tinignan ko ang kapatid ko na inosenteng inosente pa sa mga bagay.
"Hindi mo dapat ako gayahin Shara." Sabi ko sakanya, dahil hindi naman ako kagaya ng inaakala niya na role model na dapat niyang gayahin. Kung iisipin kong mabuti sobrang laking problema ang ibinigay kong problema sa pamilya ko.
"Is it true Ate, that you're pregnant?" Biglang tanong niya.
Tumango ako bilang sagot.
"But how? Diba magiging pregnant lang ang babae kapag may asawa na at kapag kasal na siya?" Nakakunot noong tanong ni Shara. Parang sinampal ako ng katotohanan sa sinabi ni Shara, katotohanan na gumawa talaga ako ng kamalian.
Nilingon ko siya, hindi ko makuhang sagutin ang mga tanong niya. Masyadong malawak ang pag iisip ng kapatid ko dahil sa mga itinatanong niya sa akin, ang hirap kung dati isang tanong lang niya nasasagot ko na kaagad iyon ng walang pag aalinlangan. Samantalang ngayon nahihiya ako sa kapatid ko dahil yung simpleng tanong niya hindi ko masagot, kung sana madali lang sabihin na masyadong kasi akong nagmahal kaya ito ang nangyari sa akin.
"Sabi ni Daddy, ayaw niya na daw makitang umiiyak tayo. Bakit Ate umiyak ka ba nung malaman mong buntis ka? Bakit sabi ni Mommy noon nung malaman niyang buntis siya sa atin sobrang saya daw niya, pero bakit ikaw? Hindi pa kitang nakikitang masaya ulit simula ng malaman kong buntis ka."
Hindi ko na matignan sa mata ang kapatid ko, mag-ge-grade 5 palang siya pero kung titignan kong mabuti parang mas marami pa siyang napapansin na importanteng bagay kesa sa akin.
"Shara! Pumasok ka nga sa loob!" Napalingon ako nang marinig ko ang masungit na boses ni Shane.
"Bakit ba Kuya?! Kinakausap ko pa si Ate!" Sagot ni Shara.
"Basta pumasok ka na." Pagmamatigas ni Shane.
"Aish! Nakakainis talaga! Bakit kaya nagkaroon pa ako ng Kuyang kagaya mo, ang sungit sungit mo! Buti pa yung mga classmates ko close sila sa Kuya nila!"
"Isa!" Sigaw ni Shane.
"Whatever Kuya!!" Sigaw ni Shara saka tumakbo papasok ng bahay.
Umupo sa harap ko si Shane at tinignan niya ako.
"Okay ka lang ba?" Walang emosyon na tanong niya.
"Alam mo, tama naman si Shara, sa dinami dami ng buntis sa mundong 'to, ako yung hindi masaya." Bulong ko.
Nanatili lang nakatingin sa akin si Shane.
"Ganito pala ang pakiramdam noh? Kapag iniwan ka ng lalaking alam mong mahal na mahal mo, pagkatapos mong ibigay ang lahat ng meron ka, pakiramdam mo kulang pa rin yon para manatili sila sa tabi mo, ang sakit sobra, sobrang sakit!" Para akong tanga na umiiyak habang tumatawa, mabilis kong pinunasan ang luha ko.
"Tama si Dad! Dapat hindi ko minamadali ang lahat ng bagay. Edi sana hindi ako buntis ngayon, edi sana hindi ko nararamdaman yung ganitong klase ng sakit. Kung sana lang ginamit ko 'tong utak ko! Edi sana ako parin yung Ate niyong dalawa ni Shara na ang tingin niyo ay the best sa lahat ng bagay! Pero lahat ng yon, lahat ng yon hanggang sana nalang. Kasi wala na eh, eto na, eto na ako ngayon maling mali lahat ng desisyon ko!" Hindi ko na alam kung ilang beses ko pinaulit ulit punasan ang luha ko para lang pigilan yon.Pero kahit anong gawin ko kusang bumabagsak ang luha ko dahil sobrang naninikip talaga ang dibdib ko sa tuwing iisipin ko ang lahat ng ginawa ko.
"Tama na. Kahit anong mangyari ikaw pa rin ang the best para sa amin ni Shara Ate." Bulong ni Shane. Tinignan ko siya at pilit akong ngumiti sa kanya, kahit na walang emosyon ang pagsasalita niya ramdam na ramdam kong totoo lahat ng iyon.
__
Pasukan na, isinabay ako ni Dad dahil madadaanan daw niya ang school ko.
"Tumawag ka kapag may problema, kumain ka sa oras." Bilin ni Dad bago ako bumaba ng kotse.
"Yes Dad, thank you po."
Naglalakad na ako sa university at tinignan ko ang papel na hawak ko kung saan nakasulat ang schedule ko sa araw na 'to. Pero napatigil ako dahil biglang may humarang sa akin.
"Excu—" Pero napatigil ako nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon, parang bigla akong kinabahan. Ewan ko pero nakaramdam ako ng hiya dahil sa naging huling pag uusap naming dalawa, pero nawala ang kaba nang bigla niya akong nginitian ng sobrang lapad.
"Hi classmate!" Nanlaki ang mata ko sa sinigaw niya, inagaw niya ang hawak kong libro at hinila ang kamay ko, pumasok kami sa isang classroom na mula sa 2nd floor. Hinila niya ako paupo sa tabi niya, sa may likuran kami pumwesto.
"Nathan! Anong ginagawa mo?" Kung umasta siya parang walang nangyari, pero nagtataka talaga ako.
"Mag aaral, bakit?" Nakangiting tanong niya, hinila ko ang registration form ko at tinignan ko kung tama ang room na pinasukan namin, tama naman.
"Alam ko! Pero anong ginagawa mo dito sa room ko? Diba dapat nasa Engineering Department ka?" Nalilitong tanong ko sa kanya.
"Nagbago na ang isip ko, mas gusto ko pala ang Business Management." Nakangiting sagot niya, imposible! Dahil simula first year high school palang kami palagi na niyang sinasabi sa klase na gusto niyang maging Engineer.
Hinila ko ang registration form niya at nanlaki ang mata ko dahil magkaklase kami sa lahat ng subjects.
"Per—" Hindi na ako nakapag salita pa dahil biglang dumating ang Professor namin.
Tinignan ko lang siya ng buong pagtataka pero pilit niyang iniiwasan ang mata ko at diretsong nakatingin lang sa harapan at nakikinig sa Professor namin.
"Excuse me? Are you with me Miss—" Napatingin ako sa harapan at laking gulat ko nang makita kong sa akin nakalahad ang isang palad ng Prof namin.
"Ah! Yes sir!" Nahihiyang sagot ko.
"Really? Pero yang mga mata mo nakatuon sa katabi mo."
"Oh, I'm sorry Sir." Paghingi ko ng paumanhin, tumango nalang ang Prof ko at nag-discuss na ulit ng lesson.
Pinipilit kong makinig pero yung mata ko pabigat ng pabigat. Pakiramdam ko kahit anong oras babagsak na ang talukap ng mata ko. Hindi ko na kaya. Inaantok talaga ako.
__
Napahikab ako.
"Good morning Miss.Beautiful!" Isang masiglang bati ang narinig ko.
Napamulat ako at laking gulat ko dahil wala ng tao sa classroom namin!
"Na-nasan—"
"Actually natulog ka ng buong klase, at late na tayo ng 30 minutes para sa next subject natin!" –Nakangiting ani Nathan.
"What?!"
Para naman siyang nagulat sa pag sigaw ko.
"Bakit hindi mo ako ginising?!"
"Ang sarap ng tulog mo eh." Tumayo siya at nag inat inat. Napatingin ako sa balikat niya at medyo nagusot ang damit niya, nagising pala ako kanina na natutulog sa balikat niya. Napansin niyang nakatingin ako sa kanya.
"Ah..ano! Tara na sa next class!" Sambit ko at kinuha ko ang mga gamit ko.
Mabilis siyang sumunod sa akin, pero nanlambot ako dahil sarado na ang pintuan ng classroom namin. Nakakahiya naman na bigla nalang kami pumasok.
"Tara sa cafeteria? First day palang naman okay lang yan." Nakangiting sabi ni Nathan.
Bigla akong nakaramdam ng gutom ng sinabi niya yung cafeteria.
Pumunta kaming dalawa dun, siya na ang bumili ng pagkain namin. Habang hinihintay ko siya kinuha ko ang cellphone ko sa bag at napakunot ang noo ko dahil may three missed calls. Nakasilent kasi ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag sa akin kanina.
Si Michelle, bakit kaya, agad akong nag call back at nakatatlong ring pa bago may sumagot.
"He—"
"I'm sorry, Ate."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top