Chapter 1

Chapter 1

Sabrina Briones

"Alright! Last ten shots then pack up na tayo!"

Sigaw ng Manager namin ni Michael, pareho kaming model sa company ng Mommy at Daddy niya na nagmamay ari ng isang napakalaking clothing line dito sa Pilipinas na M Clothe's Line, kumbaga sa showbiz, child star ang tawag sa mga batang nagsimulang mag artista simula pagkabata. Kami naman ni Michael ay model na ng mga damit simula bata pa lamang kami hanggang sa ngayon na dalaga at binata na kami.

Umaarangkada na rin sa Paris Fashion Week ang ilan sa mga designs mula sa clothing line ng pamilya ni Michael.

"Hay, nakakapagod." Napalingon ako kay Rian na siyang naging personal assistant ko na simula nung fifteen years old pa lamang ako. Para ko na siyang Ate dahil talaga namang asikasong asikaso niya ako kagaya ng ipinangako niya kay Mommy noong na hire siya.

"Thanks, Rian." Napangiti naman si Rian, magsasalita na sana siya ngunit natigilan nang biglang bumukas ang pintuan ng dressing room ko. Mabilis akong kinabahan dahil si Michael ang pumasok.

Kaagad ko siyang iniwasan ng tingin dahil sa kabang nararamdaman ko, limang buwan na ang lumipas pero sadiyang hindi ko makalimutan ang nangyari nung gabi ng debut ko.

"Oh paano, sumunod ka na kaagad sa labas ha?" Paalala ni Rian bago pa niya kami iniwanan ni Michael.

Nang magsara ang pintuan ay nakapamulsang naupo si Michael sa kaharap kong upuan. Tila hindi ako makalunok ng maayos dahil sa kaba.

"A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal na tanong ko at hindi ko siyang makuhang tignan sa mga mata niya.

"Do you have any plans today?" Napataas ang tingin ko sa kanya at halos pagsisihan ko iyon dahil nahuli niya ang mga mata ko.

"Pinapauwi ako kaagad ni Daddy after ng shoot."

"Alright, pupunta ako sa bahay niyo." Nanlaki ang mata ko.

"Ano namang gagawin mo sa bahay namin?"

"Aakyat ng ligaw."

Mas lalong kumalabog ang puso ko sa narinig.

Si Michael? Manliligaw sa akin?

"Ah, no. Pag usapan nalang pala natin yung nabitin na halikan natin, Sabrina."

Naubo ako sa sinabi ni Michael at ramdam kong pulang pula na ang mukha ko. Kaagad akong tumayo at nagpasiyang lumabas ng dressing room upang iwasan siya, sakto naman na tinatawag na pala kami para sa next set ng shoot.

Imbis na mawala ang kaba ko dahil nakalabas na ako ng dressing room, mas lalong tumindi iyon nang mag appear sa screen ang modeling portfolio na gagayahin namin ni Michael. Full-length body shot kasi iyon ng mag couple na sobrang dikit sa isa't isa.

"Okay, let's start para makapag pack up na!" Sigaw ni Mr.Joe na manager namin.

Napasinghap ako nang hapitin ako ni Michael sa bewang ko, marahan ko siyang siniko ngunit mas hinigpitan niya ang pagkapit sa akin na naging dahilan para maamoy ko ang napakabangong katawan niya.

"Michael, ano ba?" Pasimpleng bulong ko.

"Relax, Love. Eighteen ka na, kaya naman in-upgrade na ni Mr.Joe ang portfolio mo." Bulong niya sa gilid ng tenga ko na siyang nagpatindig sa balahibo ko, pero hindi nakaligtas sa pandinig ko kung paano niya ako tawagin sa endearment na "Love."

Totoong bago sa akin ang ginagawa naming posing ngayon dahil kung dati ay piling-pili lang dahil wala pa ako sa legal age. Napatingin ako kay Mr.Joe na ngayon ay pumapalakpak pa dahil mukhang naliligayahan siya sa nakikita niya. Huminga ako ng malalim at kahit medyo naiilang ako ay sinabayan ko na lamang ang posing ni Michael para matapos na ang shoot at hindi ma-disappoint si Mr.Joe.

Pagkatapos ng pictorial ay kaagad akong dumiretso sa van namin ni Michael, iisang sasakyang lang kasi ang ginagamit namin sa tuwing may shoot kami. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Michael at umupo siya sa tabi ko kahit na maraming bakanteng upuan, kinindatan niya pa ako kaya naman napailing ako at umirap sa kanya.

"Napaka sungit naman." Ngisi niya sa akin, pero imbis na mabwisit ako ay nahihibang talaga ako sa mabangong katawan niya, para bang pinapaligo niya araw-araw ang pabango niya.

Sumakay na rin si Rian sa passenger seat at saka pinaandar ni Manong Jake ang van patungo sa bahay namin dahil ako ang unang ihahatid, sa bahay kasi nila Michael pinapark ang van since sila naman ang may ari nito.

"Wala pala kayong schedule ng pictorial bukas." Anunsyo ni Rian sa amin.

"That's good to hear. Nakakapagod na rin, kung wala lang 'to si Sabrina hindi ako magtitiis doon." May halo na pang aasar na sabi ni Michael kay Rian na siyang tinawanan nila Manong Jake at Rian, sanay na kasi sila na palagi akong inaasar ni Michael.

"So kasalanan ko pa?" Naiiritang bulong ko.

"Bakit? Ano bang masama sa sinabi ko? Ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit ako pumupunta sa toxic na lugar na 'yon. Diba, Manong Jake?" Tinapik pa ni Michael ang braso ni Manong Jake na para bang hinihingi nito ang pag sang-ayon.

"Aba'y oo naman, gumigising lang yan ng maaga para maasar ka, Sabrina." Nagtawanan naman si Rian at Michael.

"Ikaw naman, Manong Jake! Akala ko ba magkakampi tayo?" Ngisi nito na siyang inilingan ko nalang. Lilipat sana ako ng upuan dahil naaalibadbaran ako sa pangbubwisit niya sa akin pero napapitlag ako nang hilahin niya ako sa kamay ko at pilit pinaupo sa tabi niya.

"Ano ba?!"

"Napakasungit naman talaga! Dito ka lang kasi, ibibigay ko sayo 'to." Singhal niya saka inilagay sa kamay ko ang cellphone ko.

"Bakit nasayo 'to?" Pagtataka ko, nag-make face siya at humalukipkip.

"Burara ka kasi eh." Natatawang sabi niya.

"What?!" Kunot noong ani ko, tinignan niya ako at napalunok ako nang marahan niyang ilapit ang labi niya sa tenga ko at bumulong. "Wala. Sabi ko nakakamiss kang halikan, kaso bingi ka." Nag init ang mukha ko kaya naman mabilis ko siyang itinulak at piningot!

"Aray!!" Malakas na sigaw niya, mas lalo kong nilakasan ang pagpingot sa kanya saka marahas kong binitawan ang tenga niya dahilan para mauntog siya doon sa gilid ng isang upuan.

"Sabrina! Masakit yun ha?! Ang gwapo ko pa naman para magasgasan ang mukha ko!" Tumatawang sabi niya habang hawak ang kanyang tenga.

Naningkit naman ang mata ko dahil sa kayabangan niya, "Alam mo? Ang lakas ng apog mo!" Sigaw ko sa kanya.

"Gwapo naman!"

"Nagsimula na naman po sila." Naiiling na bulong ni Rian.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay namin at laking gulat ko dahil nandoon pala ang parents ni Michael na si Tita Maria at Tito Akie, doon ko lang naalala na Friday pala ngayon. Tuwing Friday kasi ay magkakasama talaga ang buong family namin ni Michael.

"Kumusta ang pictorial?" Tanong nila Mom.

"Okay lang po."

"Ate Sabrina! Pwede din ba akong maging model kagaya mo?" Tanong ni Shara na bunsong kapatid ko.

"Oo naman Shara, basta magpakabait ka!"

"Psh, purket mabait pwede na mag model? Don't listen to your sister, Shara. To become a model dapat gwapo katulad ko, maganda, sexy at hot kagaya—"

"Shut up, Michael!" Singhal ko sa kanya dahil kung ano-ano na namang sinasabi ni kay Shara.

"Why? Totoo naman ang sinasabi ko ah? Ang pagmomodel bukod sa ganda, dapat may skills din!" Napailing nalang ako sa kanya.

"Pikon!" Dagdag pa niya, sasagot pa sana ako pero sinuway na kami nila Tita Maria.

"Nag aasaran na naman kayong dalawa. Ang mabuti pa, mag merienda na kayo."

Hindi ko alam kung saan nagmana ng kayabangan itong si Michael, dahil mabait naman ang parents niya.

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng pagkain pero laking gulat ko dahil nakasunod na din pala si Michael sa akin. "Ako din kuha mo ng pagkain, share nalang tayo! Isang plato at kutsara para masaya!" Suhestiyon niya, sasagot pa sana ako pero muli siyang nagsalita.

"Hihintayin kita sa garden niyo, dun tayo kumain." Aniya sabay kindat pa sa akin, pero ang nagpawala sa katauhan ko ay nang halikan niya ang pisngi ko bago lumabas patungo sa kusina. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top