You Are My Everything
You Are My Everything
Written by heartlessdiva
***
Michael
Maaga akong gumising, nag-ayos ng sarili at dali-daling bumaba at lumabas ng bahay. When everything is settled, pinaharurot ko agad ang kotse na hiniram ko pa kay Dad.
Ako si Michael Jon Rodriguez at kasalukuyang papunta sa mahal ko.
"H'wag kang mainip mahal ko, ha. Malapit na ako," bulong ko sa sarili ko.
Excited na kasi akong ibigay ang 5th Anniversary gift ko sa pinakamamahal kong girlfriend na soon to be wife ko. Shh! Secret lang natin 'yon. Ngayon ko kasi siya yayayain, kaya quiet lang kayo guys.
After 10 minutes of driving, I finally got to her.
"Hi, mahal ko. Nandito na ako." Hinalikan ko siya sa noo. Inilapag ko ang mga prutas sa lamesa na katabi ng kamang hinihigaan niya.
"Mahal, Happy 5th Anniversary. Mahal na mahal kita. Gising ka na, please... para makita mo 'to. Gift ko sa 'yo." Kinuha ko ang maliit na box sa bulsa ng pantalon ko.
"Kathie Alvarez, mahal. Will you marry me?" Bading mang isipin pero naiiyak talaga ako. Napabuntong hininga na lang ako, hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.
"Mahal, pagkagising mo magpapakasal na tayo. Hindi ba iyon 'yong wish mo? Sabi mo pa ng mga araw na 'yon, ako lang ang lalaking mahal mo at mamahalin mo habang-buhay. Na handa kang magpakasal sa'kin at bumuo ng masayang pamilya kasama ako. Kaya mahal, gising na ha? Nandito lang ako, maghihintay lagi sa'yo." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko ang babaeng mahal ko. Mabilis kong pinahid ang luha na tumulo sa mga mata ko.
Pagkatapos kong maka-usap ang mahal ko, lumabas muna ako ng kwarto niya saka dumiretso sa chapel ng hospital na 'to.
Nakakahiya mang sabihin pero ang gwapong lalaking tulad ko ay umiiyak at nagmamakaawa sa Kanya.
"God, ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang mga nangyayari ngayon. Bigyan Niyo po ako ng lakas upang harapin ito, gabayan Niyo po ang mahal ko. Please ilayo niyo po siya sa kapahamakan." Naramdaman ko na naman ang likidong tumutulo sa mata ko and I can feel the trembling of my lips.
"L-lord..." my voice broke. "A-ako na lang ang pahirapan niyo... 'wag lang ang mahal ko. Nasasaktan po ako 'pag nakikita ko siyang nahihirapan. Lord ako na lang, please ako na lang."
***
Nagising na lang akong sobrang hapdi ng mata ko, nandito pa rin pala ako sa chapel. 'Di ko namalayang nakatulog ako, siguro sa sobrang pagod sa kaiiyak kanina. Bumalik ako sa room ni Kath at nadatnan ko ang doctor niya.
"Magandang araw po, Doc. Kamusta po siya?" nag-aalalang tanong ko.
"Sir, kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?" tanong ng doctor.
"I'm her boyfriend, Doc," mahina kong sagot.
"Ah okay. Hijo, kailangan na po nating makahanap ng heart donor para sa heart transplant ng pasyente kasi po habang tumatagal..." Nakita ko siyang bumuntong hininga. "...lalong lumiliit ang chance na mabuhay pa siya."
Hindi ako makasagot, 'di ko maigalaw ang katawan ko. Namamanhid ako.
"Hindi. B-Bakit? N-no..."
Napaluhod ako at hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Fuck!" Napasuntok ako sa pader. Hindi ko ininda ang sakit kahit namumula na ito sa kasusuntok ko.
Napahagulgol na ako ng iyak. Bakit siya pa? Bakit ang mahal ko pa? Ako na lang sana... ako na lang sana ang nasa posisyon niya. Ako na lang sana ang nahihirapan at nagdurusa ngayon. Sana hindi na lang siya.
***
Limang araw na akong naghahanap. Nawawalan na ako ng pag-asa, nawawalan ako ng lakas sa tuwing nakikita ko ang mahal kong nakahiga sa kama at walang malay. Naiiyak ako sa tuwing naiisip ko na wala akong silbing tao. Wala akong silbing boyfriend.
Wala man lang akong magawa, 'di ko man lang matulungan ang mahal ko.
Kath
"Michael, uwi ka na, please? Malapit na 'yung 6th Anniversary natin. Simula nang magising ako, hindi pa kita nakikita. Miss na miss na kita mahal ko, I love you."
Lagi kong pinapadalhan ng message si Michael, boyfriend ko. Tsina-chat ko rin siya sa facebook.
Pero ni ha ni ho wala akong natanggap, nakakalungkot mang isipin pero naiintindihan ko naman 'yon. Nag-aaral siya para sa magandang future niya.
Isang araw na lang at anniversary na namin, my Mom told me before na sa 6th anniversary daw namin ni Michael kami magkikita ulit ng mahal ko. Kaya excited na ako bukas. Naka-prepare na rin 'yong dress na susuotin ko for tomorrow. Okay na lahat, ready na ako sa muli naming pagkikita ng mahal ko.
It's 5:00 am and naka-prepare na lahat, ready na ako. Simpleng color peach dress above the knee ang length ng suot kong bestida.
Actually, 7:00 am pa yung sabi ni tita, mommy ni Michael, na ipapasundo ako sa bahay. Wala eh excited lang, hindi naman siguro masamang maging advance.
Eksaktong alas syete ng umaga dumating ang sundo ko. Pinagbuksan ako ni manong ng pinto ng kotse at agad naman akong pumasok.
"Ma'am, handa na po ba kayo?" malungkot na tanong ni manong Albert.
Nawala 'yong ngiti ko. Iba 'yong pakiramdam ko, parang nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan pero tumango pa rin ako.
Mahigit 30 minutes ang nakalipas nang makarating kami sa isang pamilyar na lugar... lugar na kung saan nakalibing ang daddy ko.
Nagtataka ako kung bakit ako andito. "Manong, mali yata yong hatid mo sa'kin?" Hindi ako sinagot ni manong. Pinagbuksan niya lang ako ng pinto. Nakayuko lang siya habang nagsimulang maglakad.
Iba talaga ang pakiramdam ko. Matagal ko nang kilala si manong Albert pero parang hindi siya 'yong manong na nakilala ko, 'yong manong na palangiti at masiyahin ang kilala ko pero ngayon, hindi ko alam kung ano ang nangyayari.
Huminto siya bigla. Napahinto rin ako, nakita ko ang lalaking pamilyar sa'kin at nakatalikod siya sa'min ni manong Albert.
Habang papalapit si manong Albert sa lalaking nakatayo, andito lang ako sa likuran niya nakasunod.
"Sir Michael, tulad ng pinangako ko sayo noon, ito na, tinupad ko na andito na siya," mahinang sabi ni manong habang nakayuko.
"Ma'am, maiwan ko muna kayo, ha. Alam kong sabik na sabik si Sir na makita at makasama kayo ngayon," sabi ni manong saka siya tuluyang umalis at kaming dalawa na lang ni Michael ang naiwan.
Lumapit ako ng kunti sa lalaking nakatalikod pa rin sa'kin. Bigla niya akong tiningnan nung nasa tabi na niya ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"M-mahal ko..." naiiyak kong sabi.
Litong-lito yung isip ko, hindi ko maintindihan, naguguluhan ako. Niyakap niya ako nang mahigpit, napapikit ako habang tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko sa aking mata.
"Naaalala mo pa ba ako, Kath?" tanong niya sa akin. Natigilan ako.
"I thought you're... no." Napailing ako.
"Oo, hindi ako si Michael."
"Bakit ikaw ang andito? Asan yong mahal ko? Asan si Michael?" tanong ko sa kanya habang may namumuo na namang luha sa mata ko. Hindi siya sumagot.
"Hindi ko naiintindihan, 'di ko maintindihan ang mga nangyayari."
Bakit andito ang kakambal niya? Nasaan si Michael? Bakit wala siya rito? Naguguluhan ako.
"Bilin kasi ni kuya Michael, pagkalipas ng isang taon mo malalaman ang lahat," malungkot na saad nito.
"W-What do you mean? Naguguluhan na talaga ako, 'di ko na maintindihan ang mga nangyayari..."
Naramdaman ko ang mga kamay ni Mikael na pumulupot sa akin. Napahagulgol na ako ng iyak. Ang bigat sa dibdib. Please, sana mali ang hinala ko. Hindi pwede.
"S-Sabi ni kuya yakapin daw kita sa mismong araw na 'to para sa kanya." Alam kong umiiyak na rin siya. "At sabi niya, mahal na mahal na mahal ka niya," dagdag niya.
Mahigit limang minuto akong walang tigil sa kaiiyak habang pinapakalma ako ni Mikael. May inabot siya sa 'king isang box na color red. My favorite color.
"Sige Kath, alis na ako," sabi ni Mikael.
Nasabi na rin niya sa 'kin ang lahat habang pinapakalma niya ako kanina. At ang sakit... ang sakit sakit. Ba't niya ginawa 'yon? Ang sakit malaman na nahihirapan ang mahal mo noong mga araw na 'yon para mabuhay ka lang.
Binuksan ko ang box at una kong nakita ang tatlong rosas na lantang-lanta na pero nasa ayos pa rin. Matutukoy mo pa rin na roses 'yon kahit wala ng buhay.
Sunod kong kinuha yung maliit na box. Napatakip ako ng bibig nang makita ko 'yon. Iyong singsing na gustong-gusto kong bilhin, 'yong wish kong isusuot ni Michael sa'kin para sa kasal namin.
Nagplano na kasi kami nung magpakasal, kaso pag-uwi namin galing Italy, bigla ko na lang naramdaman na kinakapos na ako ng hininga at bigla na lang umikot yong paningin ko. At 'yon na nga, 'di ko na alam ang mga nangyayari.
Nung araw na nawalan ako ng malay. kasama ko pa siya, kasama ko pa ang taong pinakamamahal ko... ngunit noong nagkaroon na ako ng malay, wala siya sa tabi ko. Sabi ng Mom niya nasa States daw siya para makapag-aral ng kurso niya.
Lahat ng pinaniniwalaan ko akala ko totoo lahat nang 'yon. Mali pala ako, lahat ng 'yon puro kasinungalingan lang pala. Ang s-sakit... sobra. Bakit nagawa nilang ilihim ang lahat ng ito sa akin?
Hindi ko namalayan ang luhang umaagos sa mata ko, 'di ko alam kung ano ang gagawin ko. Gulong gulo talaga ang isip ko.
"M-mahal ko... s-sana p-pinabayaan mo na lang a-ako. Bakit mo ko iniwan? B-bakit?"
Biglang umihip ang hangin, ramdam na ramdam ko ang yakap niya sa akin. Please sana panaginip lang 'to.
"Michael..." I said almost a whisper.
Napayakap ako sa sarili ko habang hawak-hawak ang box na binigay ni Mikael sa'kin kanina. Humarap ako at unti-unting lumapit sa isang puntod. Habang papalapit ako, pabigat nang pabigat naman ang nararamdaman ko...
R.I.P.
MICHAEL JON RODRIGUEZ
Hindi ako makagalaw, nanigas ang buong katawan ko. Hindi ko na napigilan ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha ko.
"Hindi pwede... h-hindi, h-h-hindi pwede..."
"Panaginip lang 'to... hindi 'to totoo!" Napaluhod na lang ako sa puntod niya. Nanghihina ako. Tila gumuho ang buong mundo ko.
Mugtong-mugto na ang mga mata ko sa kaiiyak. Puro hagulgol at hikbi ko lang ang naririnig sa buong paligid. Sobrang sakit.
"P-Please, this can't be real..." halos mawalan na ako ng boses.
I felt the coldness of the air at hindi ko alam kung guni-guni ko lang ito pero feeling ko andito siya sa tabi ko at niyayakap ako...
"M-michael naman eh! 'Wag ka namang magbiro ng ganyan!" sigaw ko pero 'di ko pa rin napigilan ang sarili ko sa pag-iyak.
I bit my lip nang walang Michael ang nagpakita at tumatawa dahil joke lang ito, na hindi 'to totoo. For the ninth time, I cry again.
Napatingin ako sa box at napansin kong may laman pa ito na kasalukuyang nasa tabi ng puntod ng mahal ko.
Nanginginig kong kinuha yung puting papel na nakaipit. I unfolded the paper, it's a letter.
***
Dear Mahal ko,
Ngiti muna bago basahin to, ah :)
Hi Kathie, mahal ko... siguro habang binabasa mo 'to ngayon, wala na ako sa tabi mo. Pero mahal, isa lang ang nasisigurado ko, wala man ako sa tabi mo lagi pa rin akong nandyan sa puso mo. Alam mo naman na ikaw ang mundo ko, 'di ba? Lagi mong tatandaan na walang araw na hindi ikaw ang laman ng puso ko. Ikaw kasi ang tinitibok nito, eh.
Mahal, 'wag kang iiyak, malulungkot ako.
Mahal, 'wag mong kakalimutan, ah... mahal na mahal na mahal kita at 'wag kang mag-alala, habang-buhay mong dadalhin ang puso ko at titibok lang ito dahil sa'yo :)
Ingatan mo puso ko ha, gift ko 'yan sa 'yo.
Mahal na mahal kita, mahal ko.
- Michael
***
Mahal na mahal na mahal din kita, Michael.
Para akong pinapatay sa sobrang sakit. Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha ko. Tingin ko mauubusan na ako ng luha sa kaiiyak. Isang taon akong naghintay, na sa buong akala ko'y pumunta siya ng States para sa pangarap niya. Akala ko may Michael na darating.
Pero mali pala ako, itong pusong 'to, na dati tumitibok para sa'kin...
...ngayon, tumitibok na 'to dahil na rin sa'kin.
End
Pretty A's Note: Whoohooo tapos na rin! This is my first short story... a sad one. I hope na napaiyak ko kayo wehehe joke lang, sana nagustuhan niyo po.
Please vote and leave a comment! Thanks ng madami^^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top