Chapter 9

January 18, 2018

Nasa harap ako ngayon ng pinagtatrabahuhan daw ni Dash, or let's say na nasa isang farm ako ngayon at puro strawberries ang nakikita ko. Maganda siya sa mata sa totoo lang, kapag nandito ka ay mararamdaman mo talaga yung pagiging probinsya ng lugar na 'to.

Sa pagkakaalam ko ay magsasaka ang tatay ni Dash, hindi siya mayaman pero natatandaan ko na lagi kami may pa-strawberry jam tuwing break time. Purgang-purga na si Trisha noon pero kinakain pa rin niya kasi duh, love niya si Dash. Malandi lang talaga si Kuya Owen.

Napatingin ulit ako kung tama 'tong address na binigay sa akin ni Trisha ng patago, ayaw kasi niyang malaman ni Kuya Owen na alam niya kung saan nagtatrabaho si Dash, seloso daw kasi si Kuya Owen. 

Kahit alam naman nila pareho na mahal nila yung isa't isa ay hindi daw talaga magawang iwasan ni Kuya Owen na magselos kay Dash. Well, kung ako ang nasa sitwasyon ni Kuya Owen magseselos talaga ako since siya yung mang-aagaw ng girlfriend. Duh!

Noong una ay hindi talaga ako agree sa relationship nilang dalawa kasi literal na nakipagbreak si Trisha kay Dash para kay Kuya Owen.

Pero kahit papaano ay proud ako kay Trisha na mas pinili niyang makipaghiwalay agad kay Dash bago maging sila ni Kuya Owen kaysa lokohin pa niya ito, at kung titingnan mo naman kasi ang relasyon ni Kuya Owen at Trisha ngayon ay sa tingin ko naman hindi nagsisisi si Trisha na mas pinili niya si Kuya Owen. Ang sakit lang talaga noon sa side ni Dash.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ko hanggang sa makakita ako ng lalaking nagbubuhat ng isang basket ng strawberry.

"Uh, good morning ho." Bati ko dito, napatigil siya sa pagbubuhat at napatingin sa akin.

Nagkatitigan kaming dalawa, para bang natigilan siya ng ilang saglit habang pinagmamasdan ako.

"Weird, parang nangyari na 'to." Bulong niya pero narinig ko pa rin.

"Pwede ho bang magtanong kung nandito po si Dash Mendoza?" Tanong ko.

Pinagmasdan ko rin siya ng mabuti, nakalong sleeve na puti ito na nakatupi hanggang siko habang ang pang ibaba naman nito ay faded maong pants. 

Napataas ang kilay niya, tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa dahil sa sinabi ko.

"Nagtatanong ka na." Aniya.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya, aba't pilosopo pa, muntik na akong mainis pero nawala iyon ng makita kong may gumuhit na ngiti sa labi niya, "Biro lang, masyado ka namang seryoso." Natatawang sabi niya.

Napanguso ako ng matitigan ko siya, mukha siyang mayaman. Lalo na ng matanaw ko ang relo niya, mukhang mamahalin iyon, at mukhang halos magka-edaran lang kaming dalawa. Trabahador ba siya dito? Bakit siya naka-straw hat? Pero bakit ang hot niya-- wait, what?

"Para talagang nangyari na 'to, pati yung kakasabi ko lang. Ang galing!" Hindi makapaniwalang sabi niya kaya naman mas lalo akong naweirdohan sa kanya, nang mabalik ang tingin niya sa akin ay biglang umayos ang tindig niya.

"Sino nga ulit hinahanap mo? Si Dash ba? Yung maputing maliit? Nandoon siya, teka-- Pwede bang matanong kung sino ka?"

"Leighlie Navarro ho yung pangalan ko, magkakilala kami ni Dash nung College kami." Paliwanag ko.

"Hindi naman nag-College si Dash." Nagtatakang sabi nito.

"Oo nga, pero kasi kaibigan ko yung kaibigan niya kaya magkakilala kami dati." Paliwanag ko.

To be honest kaklase ko yung ex niya at ako ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sila pero di ko sasabihin yun baka makick out agad ako sa lugar na 'to.

"Ahh, sige. Tara samahan kita papunta sa kanya." Anito, mabilis akong nagpagsalamat sa kanya at sinundan ko siya agad.

Nakita kong nagpuputik na ang suot kong timberland shoes kaya naman napatingin rin siya doon, nakita kong bahagya siyang natawa dahil sa reaksyon ko ng halos bumaon na ang buong sapatos ko sa putik.

"Taga-syudad ka no?" Tanong niya sa akin at tumango ako sa kanya.

"Pero dito ako lumaki, nakalimutan ko lang talaga na maputik sa lugar na 'to." Paliwanag ko sa kanya.

"Ilang taon ka na ba sa syudad?" Tanong pa niya ulit.

"Halos 6 years na rin."

Tumango siya sa akin, inilibot ko agad ang paningin ko, napakaganda ng lugar na 'to. Hindi ko na rin alam kung kaylan ako huling nakabisita sa gantong lugar, puro nagtataasang building nalang ang nakikita ko, o hindi naman kaya ay hospital.

"Dito nagtatrabaho si Dash?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, akala mo tamad pero masipag yung gago na yun." Sabi nito sa akin kaya naman tumango nalang ako.

Napahinto ako ng huminto ang lalaki, "Ayun si Dash oh." May tinuro siya sa akin mula sa di kalayuan.

May isa pang lalaki na nakasuot ng straw hat katulad ng suot ng tumulong sa akin at nakasuot ito ng long sleeve na green habang kausap ang isang lalaking nakasuot ng medyo formal na damit. Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko ang nakatalikod na lalaki.

"Gaano na katagal nagtatrabaho si Dash dito?" Tanong ko.

"Ha?" Nagtatakang tanong pabalik ng lalaki. "You mean gaano na katagal pinapatakbo ni Dash yung lugar na 'to?"

"Ha?" Ngayon ako naman ang nagtaka sa sinabi niya.

"Shet!" Bigla itong nagburst out ng tawa, "Hindi si Dash yung nakasuot ng nakagreen, si Dash yung amo niya, ayun!" Tinuro niya sa akin yung medyo nakaformal na damit.

Agad nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, ibig ba niyang sabihin na si Dash ang may ari ng buong lugar na 'to?!

"Eh... Ikaw?" Tanong ko sa kanya.

"Ako? Kliyente ako ni Dash slash kaibigan na rin." Paliwanag niya sa akin, "Sa totoo lang pamilyar ka sa akin, nagkita na ba tayo dati?" Tanong niya sa akin.

"Pamilyar?" Tinitigan ko siyang mabuti, oo nga. Medyo pamilyar siya sa akin pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

"Siguro nagkausap na tayo dati, since dito ka nag-aral kamo di ba?" Tumango naman ako sa kanya, "Wait tawagin ko lang si Dash." Aniya.

"Dash!" Sigaw ng lalaki sa naglalakad na si Dash, napatingin agad iyon sa kaibigan niya kaya naman nagpaalam muna ito sa mga kausap niyang trabahador.

"Bakit nandito ka pa Brian? Akala ko ba aalis ka na?" Bungad na tanong nito. "At bakit nakasuot ka ng ganiyan?" Tanong nito ng mapatingin siya sa suot na straw hat ng kaibigan niya.

"Eto naman parang pinapaalis mo agad ako dito, tsaka nang hiram ako sa isang trabahador mo, wala kasi kayong payong dito. Yaman-yaman nyo wala kayong papayong." Anito.

"So bakit ka nga nandito pa?" Tanong nito.

"May naghahanap kasi sa'yo." Tinuro ako nung lalaki. "Leighlie daw ang pangalan niya, kakilala mo daw nung College."

"Leighlie?" Nakita kong nagtaka ito, talagang pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya naman ginawa ko rin iyon sa kanya.

Wow! May pa-gold chain at pa-rolex pa si Kuya mong rich.

Napakunot ang noo niya habang tinititigan akong mabuti na para bang kinikilala ako.

"Sino ka nga ulit?" Tanong nito sa akin.

Wow, na-who you ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top