Chapter 8
January 17, 2018
3 New Messages
--
From: Von
Nabalitaan ko kay Rue na pumunta ka daw sa probinsya.
--
From: Von
Ellie, hindi mo naman kaylangan gawin to para sa akin, nagleave ka pa sa trabaho mo.
--
From: Von
I'm sorry Ellie.
--
Napabuntong hininga nalang ako ng mabasa ko ang mga text sa akin ni Von, hindi ko iyon pinansin at binalik ko nalang yung phone ko sa bag. Hindi ko naman 'to ginagawa para sa kanya lang, ginagawa ko rin 'to para sa akin.
Nakipagpalitan kasi siya ng number sa akin noong nakaraan, just in case na magkaroon daw ako ng balita kay Genesis, at ang sabi pa niya sa akin ay bago siya pumuntang syudad ay sa probinsya pa rin daw siya nakatira.
Pero wala siyang balita kay Gen, pero may bali-balita daw na may nakakakita kay Gen sa probinsya pero wala namang nakakapagsabi kung saan ito nakatira.
Ang totoo niyan ay matagal ko ng gustong makita si Gen pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob dahil mas gusto kong magkakita si Von at Gen, alam kong hindi maganda ang pagkakahiwalay nilang dalawa kaya naman gusto ko siyang tulungan.
Lalo na sa sitwasyon niya ngayon, gusto kong magkita silang dalawa.
Kaya naman kahit pigilan ako ni Von ay gagawa pa rin ako ng paraan para magkita sila.
"Ellie!" Sigaw ng pinsan ko pagkababa ko palang ng bus.
"Kuya Owen!" Nagtatakbo ako papalapit sa kanya bago ko siya yakapin ng mahigpit.
"Long time no see! Mabuti naman ay naisipan mong bumisita dito sa probinsya." Aniya.
"May kaylangan akong hanapin eh." Kwento ko sa kanya habang nililipat namin ang mga gamit ko sa kanyang sasakyan.
"Ano, o sino?" Tanong niya sa akin ng makasakay na kami.
"Si Gen, yung best friend ko nung senior high school ako." Kwento ko sa kanya.
Habang bumabyahe kami ay nagkukwentuhan kaming dalawa tungkol sa mga pamangkin ko, ang isa kasing pamangkin ko ay inaanak ko rin. Si Kuya Owen ay nagtatrabaho ngayon sa isang kompanya para mapag-aral ang tatlong anak nila. Yung dalawa ay kakapanganak lang last month.
Yep, kambal yung anak niya.
Nagkamustahan lang kaming dalawa tungkol sa mga nangyayari sa buhay naming dalawa hindi ko binanggit sa kanya yung nangyari noon nakaraan, ayokong mag-alala siya sa akin at isa pa sa kanila muna kasi ako magi-stay sa isang linggo ko dito sa probinsya.
"Honey, I'm home!" Sigaw ni Kuya Owen, kakauwi lang kasi niyang trabaho, dinaanan niya lang talaga ako sa bus stop.
"Kamusta yung trabaho-- Oh my gosh! Ellie?!" Tili ni Trisha.
"Trisha!" Sigaw ko pabalik sa kanya, gulat na gulat siya habang lumalapit siya sa akin. Buhat-buhat niya ang bunsong anak nila ni Kuya Owen.
Nakabestida siya at medyo gulo ang kanyang buhok pero hindi mapagkakailang maganda pa rin siya kahit bagong panganak pa lang siya, siguro iyon ang dahilan kung bakit binuntis agad siya ni Kuya Owen, para hindi na maagawan-- oppsss.
"Ang cute-cute naman ng baby nyo, nasan yung isa?" Tanong ko sa kanya at tinuro niya sa akin yung crib sa di kalayuan.
Mabilis akong lumapit doon bago ko iyon tinanong kung pwede ko na bang buhatin yun, at tumango naman sila sa akin. Nakita kong humalik si Kuya Owen sa pisngi ni Trisha bago niya sinenyas sa akin yung kwarto nila, "Bihis lang ako." Aniya.
Tumango ako sa kanya habang buhat-buhat ko ang isang baby nila, "Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka dito?" Tanong niya sa akin.
"Biglaan kasi at gusto rin sana kitang i-surprise." Sabi ko sa kanya.
Kaklase ko si Trisha nung College sa isang subject ko pero kilala ko na siya nung senior high school palang ako kasi schoolmate kami, nagkaroon kasi kami ng project nung college sa subject na yun at magkagrupo kami, sa bahay kami nag-overnight noon para gawin iyon at nagkataon na nasa amin si Kuya Owen noon, at take note diniskartehan agad siya ni Kuya Owen.
Kahit may boyfriend pa si Trisha ng mga panahon na yun.
Makapal lang talaga ang mukha ni Kuya Owen at hindi siya pumapayag na hindi niya nakukuha ang gusto niya, may pagkaspoiled din kasi si Kuya Owen.
Natatandaan ko pa noon na iniiwasan siya ni Trisha. Alin nalang ni Trisha ay wag na kami sa amin gumawa ng project dahil nag-aalangan na ang relasyon nila ng boyfriend niya dahil sa kulit ni Kuya Owen. As in ginagawan niya talaga ng paraan para magkahiwalay si Trisha at ang boyfriend nito.
Loko talaga si Kuya Owen, masyadong nahulog kay Trisha pero kahit na pangit ang simula ng relasyon nilang dalawa ay maganda naman ang kinalabasan. Yun nga lang mali talaga ang paraan ni Kuya Owen. Maling-mali.
"Kumain ka na ba Ellie? Hindi pa kasi ako nakakapagluto, magluluto muna ako." Aniya.
"Pwede bang pakibantayan muna 'tong mga anak ko?" Tanong niya sa akin at tumango ako sa kanya ng nilapag niya sa crib ang isa.
"Teka, tawagin ko rin yung inaanak mo." Aniya, para bang gulong-gulo siya sa buhay niya kaya naman bahagya akong napangiti. Grabe, hindi ko akalain na magiging ganto kabuting ina si Trisha.
Nung college kasi kami ay parang wala siyang alam sa buhay, alam nyo yun? Yung tipong alam mong anak mayaman. Tinawag niya ang panganay nila which is inaanak ko rin sa kanilang kwarto para lumabas. Mabilis na lumapit iyon sa akin para halikan ako, kahit na kasi hindi ako nakakabalik sa probinsya ay nakikipag-skype ako minsan kay Kuya Owen.
Wala rin kasi akong kapatid, I mean meron pero hindi ko buong kapatid, si Kuya Owen lang ang pinakaclose kong pinsan kaya naman siya lang ang nakakausap ko at natatawagan ko. Siya lang kasi ang pinsan ko na tumanggap sa akin kahit papaano.
"Tita-Ninang!" Excited na sabi nito sa akin. Nilapag ko muna sa crib ang buhat kong baby sa isa pang crib para mabuhat ko naman ang inaanak ko.
"Kamusta naman ang baby girl ko?" Tanong ko sa kanya bago ko siya pinaghahalikan, napahagikgik siya dahil sa ginawa ko.
Binantayan ko yung kambal habang nakikipaglaro ako sa kanilang panganak, hanggang sa tinawag na ako ni Trisha para kumain. Dinala ni Kuya Owen ang crib kung saan nakahiga ang kambal patungo sa kusina, ayaw kasi nilang mawala sa paningin nila ang kambal lalo na at kapapanganak lang nito.
Si Trisha ay hindi pa pwedeng maggagalaw kaya si Kuya Owen rin ang nagluto at tumulong lang si Trisha.
"Sino nga ulit yung pinunta mo dito?" Tanong ni Trisha sa akin habang hinahainan niya ang panganay nila.
"Si Genesis, yung best friend ko dati." Paliwanag ko.
"Genesis? Anong full name? Baka kakilala ko." Tanong ni Trisha, Transferee lang kasi si Trisha nong Senior High School kaya baka hindi niya kilala si Gen, kung kilala man nya ay baka nakalimutan na rin niya since mukhang wala naman siyang pakialam sa mga sikat na tao noong mga panahon na yun.
At hindi ko rin naman masyadong close si Trisha noong college kaya mukhang wala siya talagang alam about kay Gen.
Friends naman kami pero hindi kami yung tipo ng nagsasabihan ng sikreto.
"Genesis Hernandez."
Nakita kong napataas ang kilay niya sa sinabi ko, para bang may pilit siyang inaalala tungkol sa pangalan na yun, "Pamilyar sa akin yung pangalan niya." Sabi ni Trisha.
"Talaga? Saan mo narinig?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Parang... Ewan, narinig ko na talaga 'yan." Giit pa niya.
Baka naman dahil sikat si Gen noon kaya medyo natatandaan niya?
"Kanino mo naman narinig?" Tanong ni Kuya Owen.
"Kay Dash yata." Mahinang sabi ni Trisha bago siya napakamot sa batok niya.
"Dash? Dash Mendoza?" Paninigurado ko.
"Oo, sa ex-boyfriend niya." Natunugan ko yung pait sa tono ni Kuya Owen kaya naman bahagya akong natawa.
"Eto naman seloso! May tatlong anak na nga tayo oh!" Singhal ni Trisha.
Hindi kumibo si Kuya Owen kaya mas lalo akong napangiti, talagang magseselos si Kuya Owen dahil inagaw niya lang naman si Trisha kay Dash.
"Kung ganoon pwede mo ba kong tulungan na kausapin si Dash? Kaylangan lang talaga Trisha." Pakiusap ko.
"No, Ellie." Si Kuya Owen ang sumagot kaya naman napairap ako.
"Hindi kita matutulungan Ellie, alam mo naman na hindi maganda ang paghihiwalay namin ni Dash di ba? Hindi ko rin alam kung napatawad na rin ako ng isang 'yun. Baka kapag sinama mo ako ay baka mas lalo ka pang hindi kausapin noon." Ani Trisha.
Napabuntong hininga nalang ako, may punto siya doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top