Chapter 7
January 17, 2018
Naglalakad na kami ngayon ni Rue patungo sa bus station, mabuti nalang at matagal-tagal na leave ang binigay sa akin ng ospital dahil sa nangyari, babalik ako sa probinsya kung saan ako nag-aral dati. Kung saan kami nagkakilalang lahat.
Lumipat lang ng syudad si Tito Rowel at Rue dahil mas maganda ang sweldo sa mga ospital sa syudad kaysa sa probinsya. Ako naman ay nagpatangay lang kay Rue dahil wala naman akong pangarap, ginagawa ko lang yung mga bagay na sa tingin ko ay dapat kong gawin para mabuhay. Siguro hihiwalay na rin si Rue sa daddy nya kapag ikakasal na siya.
Kahit na puro lovelife ang inaasikaso ni Rue ay wala pa rin siyang asawa, bakit? Dahil papalit-palit siya ng boyfriend, hindi niya magawang mag-stay sa isang relationship.
Ang alam kong pinakamatagal niyang naging boyfriend ay si Jacob, pero matagal na yun. Senior high school palang kami noon at hindi pa kami magkaclose noon.
4 years silang dalawa, simula grade 9 kami ay silang dalawa na, bago magfirst year college ay tsaka nila napagdesisyonan na maghiwalay, ang sabi sa akin ni Rue ay kaya sila naghiwalay dahil hindi sila naggogrow sa isa't isa.
Palagi lang silang nagtatalo at hindi daw kayang mahalin ni Jacob ang sarili niya, masyado daw itong nakadepende sa kanya at wala daw itong ibang pangarap sa buhay kundi ang magpakasal sa kanya, kaya naman nakipaghiwalay si Rue.
Kasi pakiramdam daw niya ay wala naman daw magandang naidudulot ang relasyon nila, lalong lalo na kay Jacob, naniniwala kasi siya na ang relasyon daw ay para mag-grow kayo ng sabay. Hindi para magdependehan kasi sa isa't isa.
Hindi naman masyadong binibring up ni Rue ang relasyon nila ni Jacob pero simula ng maghiwalay silang dalawa ay wala ng tumagal kay Rue, siguro ang pinakamatagal na sa kanya ay 3 months.
Nakakalungkot lang dahil naghiwalay sila, hindi dahil hindi na nila mahal yung isa't isa.
Naghiwalay sila dahil sobrang mahal nila yung isa't isa.
"Mag-iingat ka doon Ellie ha!" Kumaway sa akin si Rue.
Ngumiti ako sa kanya ng makatungtong na ako sa bus bago ako kumaway sa kanya ng makaupo na ako, nagsimula ng umandar ang bus at sinenyas niya sa akin yung phone niya kaya naman tumango ako sa kanya.
One week lang naman akong mawawala.
Napabuntong hininga ako habang iniisip ko palang yung mangyayari sa pagtungtong ko ng probinsya. Iniisip ko kung makikita ko pa rin ba siya doon o hindi na, masyadong malaki ang lugar na 'yun, hindi ko alam kung saan siya matatagpuan.
Tinanggal ko ang wrist watch ko at pinasok ko iyon sa bag, natatakot ako na baka madukutan ako or something dahil may kamahalan rin kasi ang relo na yun.
Natigil ako ng makita ko ang maliit na tattoo sa wrist ko, napangiti ako.
Unti-unting bumuhos sa akin lahat ng memorya ng dahil sa maliit na tattoo.
"Ellie! Wag ka ng matakot!"
Kanina pa ako hinihila ni Gen patungo sa loob, nagdadalawang isip na kasi akong magpalagay ng tattoo, natatakot ako. Natatakot ako na baka makita rin iyon ni daddy, patay ako nito.
"Ayoko na talaga Gen!" Sigaw ko habang nakikipaghilahan ako sa kanya.
"Napag-usapan na natin 'to ah! Sabi mo gusto mo rin." Aniya habang pilit akong pinapasok sa loob.
"Sige na please, Ellie!" Pakiusap niya sa akin, ilang oras rin kaming nagpilitan na dalawa hanggang sa wala na akong nagawa, syempre ginamit na naman niya yung charm niya sa akin kaya natalo na naman ako.
Takot na takot ako habang pinapanuod ko siyang tinatattooan. Umaaray siya paminsan-minsan pero hindi siya natatakot, para ngang nag-eenjoy pa siyang panuorin na tinutusok ang balat niya, my gahd. Ang tapang talaga ni Gen.
"Oh ayan, parang kagat lang ng langgam." Sabi ni Gen habang pinapakita niya sa akin.
"Ganyan din yung sinabi sa akin ni daddy nung ininjectionan ako pero hindi naman siya kagat ng langgam." Sabi ko sa kanya.
Ngumisi lang siya sa akin hanggang sa magsimula na akong drawingan, hindi pa man nagsisimula ay takot na takot na ako, pero dahil alam kong nasa tabi ko lang si Gen ay hindi ako kinakabahan lalo na kapag pinaglalaruan niya ang isa kong kamay.
"Buti nga yung heart ng sa iyo walang shade, sa akin meron." Pinakita niya ulit sa akin yung tattoo niya, pareho kasing maliit na heart lang ang ipapatattoo namin. Ang pinagkaiba lang ay line lang ang akin pero sa kanya ay may shade.
Kahit tapos na akong malagyan ng tattoo ay panay pa rin ang pag-rant ko sa kanya tungkol sa pagpilit niya sa akin magpalagay ng tattoo, pero sa totoo niyan ay gusto ko rin ito dati pero ngayon lang ako natakot na baka makita 'to ng daddy ko, lalo na ng nanay-nanayan ko.
Dumiretso kami sa bahay nila pagtapos noon, alas onse na ng gabi nang makarating kami sa kanila mabuti nalang at sinabi ko kay daddy na mag-oovernight ako kila Gen which is half true.
"Nasaan si tito?" Tanong ko sa kanya.
"As usual, nasa work pa rin." Nagkibit balikat siya habang hawak-hawak niya yung kamay ko at hinihila niya ako patungo sa bodega nila.
"Anong gagawin natin dyan?" Gulat na tanong ko sa kanya.
"Ano pa ba? Edi kukuha tayo ng mga mamahalin nilang wine." Sabay ngisi niya sa akin.
"Gen, ano ka ba! Baka mahalata na nila Daddy mo na nauubos na mga wine nila dito." Saway ko sa kanya, ilang beses na rin kasi kaming kumuha ng mga wine dito at iniinom naming dalawa sa kwarto niya.
Summer naman kasi kaya hindi namin masyadong iniisip kung anong oras kami magising, one month na kaming magkaibigan ni Gen. Hindi man kapani-paniwala pero simula noong nangyari sa coffee shop ay lagi niya akong inaabangan hanggang sa maging magkaibigan kami.
Napabuntong hininga ako habang nakatingin ako sa langit, may sikretong tambayan kasi kami ni Gen dito sa roof top nila, walang nakakaalam nito bukod sa aming dalawa, ang sabi niya dati ay siya lang daw ang nakakaalam nito, pero dahil magkaibigan naman daw kami ay dinala niya ako.
Lumapit sa akin si Gen habang dala niya ang dalawang baso at isang bucket ng yelo, naupo kaming dalawa sa malambot na tela na nakalatag.
"Bakit hindi mo dinadala dito yung iba mong mga kaibigan?" Tanong ko sa kanya.
"Kaibigan?" Nagtatakang tanong niya sa akin, "As if namang may kaibigan ako bukod sayo." Aniya.
"Huh? Ang dami mo ngang laging kausap, lagi kang madaming kasama, paiba-iba sila."
"Duh, mga plastic naman yung mga yun, as if namang mga nakikipagkaibigan sa akin yung mga yun dahil gusto nila akong maging kaibigan, kaya lang sila nakikipagkaibigan sa akin ay dahil madaming nakakakilala sa akin at madami akong mga kakilalang lalaki, alam mo na." Pagkwento niya bago niya inabot sa akin ang isang baso na may nakasalin ng wine.
Nang ininom ko iyon ay napapikit ako ng mariin dahil sa tapang noon, mukhang tanghali na naman akong magigising nito.
"Then bakit ako? Bakit sa akin ka nakipagkaibigan?" Tanong ko sa kanya.
"Because you're special."
Napalingon agad ako sa sinabi niya at ngumiti siya sa akin ng matamis. "Yiee! Nagblush siya oh." Panunukso niya sa akin.
"Ano ba!" Hinawi ko yung kamay niyang sinusundot yung pisngi ko.
"Pero to be honest Ellie, unang beses kitang nakita noon, napahanga mo na agad ako, simula noong araw na yun hindi ka na mawala sa isip ko. Iyon yung araw ng moving up natin." Pagkwento niya.
Uminom siya ng wine bago siya humarap sa akin. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko at halos kuminang ang mga mata niya, ang labi niya ay kasing pula ng pisngi niya.
Bahagya akong natulala sa ganda niya.
"Huh? Alin doon?" Naguguluhang tanong ko bago ako nag-iwas ng tingin sa kanya.
Narinig ko ang mahinang tawa niya bago niya ako hinila para humarap ulit sa kanya.
"Noong sinampal mo si Von."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top