Chapter 6
January 17, 2018
Nakita kong sobrang lapit na ng mukha ni Rue, naghahantay na ituloy ko yung kwento ko pero hindi ko na yun itutuloy lalo na kung ganyan na agad reaksyon niya di pa naman tapos.
"Anong na ang nangyari pagkatapos noon?" Naiinip na tanong ni Rue.
"We fucked each other?" Nag-aalangang sabi ko.
"What the fuck?!" Biglang siya napalayo sa akin, nakatitig siya sa mata ko na para bang naghahantay siyang bawiin ko yun.
"Fuck as in fuck talaga?" Paninigurado niya at tumango ako sa kanya,
"As in yung fuck na ganto?" Talagang gumamit pa siya ng hand gesture para ipaliwanag iyon kaya naman bahagya akong nagcringe sa ginawa niya pero tumango pa rin ako.
"Oh fuck!" Sigaw niya bago siya napahawak sa bibig niya dahil sa gulat.
"One night stand?!" Tanong pa niya ulit.
"Gosh! Rue, wag mo namang pagkasigawan." Saway ko sa kanya.
"Masisisi mo ba ko Ellie?! Matagal na kitang kilala at kahit kaylan hindi ko iisipin na magagawa mo yun." Aniya.
"Hindi ako anghel Rue."
"Pero kahit na!" Kontra pa rin niya.
"I guess pareho lang kaming malungkot nung mga oras na yun, kaya siguro nagawa namin yun." Nagkibit balikat ako sa kanya.
"So kapag malungkot ako pwede akong makipagsex sa taong kakakilala ko lang?" Sarkastikong tanong sa akin ni Rue.
Napairap ako sa kawalan, "Masyado pa akong bata noon, masyado akong reckless at puro impulsive decision ang ginagawa ko." Paliwanag ko sa kanya. "See? Nagulat ka kasi hindi naman ako ganoon ngayon, alam mo na bawat desisyon ko ay pinag-iisipan ko dahil nag-grow na ako, unlike noon bata pa ako."
"Okay, okay, fine! Pero hindi pa rin tamang idahilan yung bata ka pa kaya mo nagawa yun." Aniya, "So anong sunod na nangyari?" Biglang ngiti niya sa akin habang nagtataas baba ng kilay kaya naman napairap ako sa kawalan.
"Hindi ko sasabihin sa'yo, ayoko ng ikwento yun." Paliwanag ko.
"Really? Bakit naman ayaw mo, nakaraan na rin naman 'yan ah." Aniya.
"Kasi hindi naman yun mahalaga." Giit ko.
"Hindi mahalaga-- wait, virgin ka pa ba ng mga oras na yun?" Biglang bago ng usapan ni Rue.
Hindi ako nakakibo sa tanong niya kaya naman bigla siyang napahampas sa akin, "I knew it! I knew it!" Sigaw niya habang pinagpatuloy niya ang paghampas sa akin.
"Aray naman!" Sigaw ko pabalik habang hinaharang ko ang bawat hampas niya.
"Kaya sumunod-sunod sa'yo si Gion after that ay dahil virgin ka pa! Sabi ko na nga ba eh! Wait, pwede rin na gusto ka talaga niya, or nagustuhan niya yung performance mo, ano sa tingin mo?" Tanong niya sa akin na para bang simpleng bagay lang yung sinasabi niya, my gahd!
"Ewan ko!" Sigaw ko, ayoko na talagang pag-usapan yun.
At isa pa, isang dekada na ang nakalipas noong nangyari yun.
"Ang tagal na nating magkaibigan Ellie pero ngayon lang tayo nagkausap about sa sex life." Aniya.
"Well, wala akong interes pag-usapan ang sex life." Mariin na sabi ko.
"Alam ko, I mean hindi lang talaga ako makapaniwala kasi naging ship ko kayo kasi ang cute ng relationship nyong dalawa ni Gion dati, para bang couple of the year kayong dalawa. Hindi ko inexpect na sa ganyan kayo nagsimulang dalawa." Aniya.
"It doesn't matter kung saan kami nagsimula, kasi tapos na rin naman kami." Nagkibit balikat ako sa kanya bago ko kinuha yung damit na isusuot ko.
"Masarap rin naman balikan yung nakaraan Ellie, hindi ko lang alam kung bakit hindi kayo nagwork out ni Gion."
"Siguro ay dahil nagsimula kami sa mali kaya naman natapos rin kaming dalawa sa mali." Nagkibit balikat ulit ako.
"Okay?" Nag-aalangang sagot niya, "Pwede mo bang ikwento sa akin kung anong nangyari after ng gabi na yun? Please? Hindi ako makakatulog kapag di mo tinuloy yung kwento mo!" Aniya.
"Okay fine!" Binalik ko yung damit na isusuot ko at naupo ulit ako ng ayos.
"Pagkatapos ng gabi na yun..."
Nagising ako dahil sa matinding sikat ng araw. Naramdaman kong may lalaking nakayakap mula sa likuran ko, ramdam ko rin na wala akong suot ng kahit anong damit sa ilalim ng kumot.
Bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi, hindi ko lubos maisip na nagawa ko yun. Kahit di ko matandaan masyado ang nangyari. Alam kong iyon rin ang kinahantungan namin. Gusto kong sampalin yung sarili ko dahil sa impulsive decision ko. Hindi talaga ako nag-iisip, lasing ako kagabi kaya naman ramdam ko pa rin ang hilo ko, natulog kasi akong lasing.
Nilingon ko yung taong nasa likod ko at bumungad sa akin si Gion na mahimbing na natutulog. Dahan-dahan kong inalis ng pagkakayakap niya sa akin bago ko kinuha ang mga damit ko na nakakalat sa sahig para makapagbihis.
"Good morning." Bati niya sa akin ng magising siya dahil sa ingay ko.
"Good morning rin." Tipid na bati ko, pero hindi ako naawkwardan, hindi rin ako nahihiya.
Pagsisisi at panghihinayang, siguro. Hindi ko kasi naibigay iyon sa taong mahal ko, at hindi ko siya naibigay pagkatapos ng kasal, ni hindi ko nga boyfriend ang nakakuha ng una ko.
"Aalis ka na agad?" Tanong niya sa akin.
"Hindi ba ay ganoon naman talaga pagkatapos ng one night stand? Uuwi ka na at kakalimutan nyo na yung nangyari sa inyo kaya nga tinawag na one night stand di ba?" Tanong ko, medyo nahihilo pa rin ako.
Narinig kong bahagya siyang natawa, "Para bang ang dami mo ng experience."
"Wala akong experience, pero nagbabasa ako ng mga book at nanunuod ako ng movie, duh."
"Ohh, anong book? Kapag wala akong magawa ay nagbabasa rin ako ng libro minsan." Aniya.
"Uhm, madami. Search ka nalang sa internet. May wifi naman siguro kayo no."
Nang makapagbihis ako ay nakaupo na siya sa kama ngayon, nakita kong wala pa rin siyang kahit anong suot, doon lang ako nagsimulang makaramdam ng hiya. Damn.
"I don't understand, bakit hindi mo sinabi sa akin kagabi na virgin ka pa?" Diretsahan niyang tanong sa akin.
"Dahil... hindi na yun importante? Nangyari na eh." Nagkibit balikat ako sa kanya at napansin kong napakunot ng bahagya yung noo niya. "Paano mo nga ulit nalaman na virgin pa ko?" Tanong ko.
"Tanong ka kasi ng tanong sa akin kung sasakit ba yun." Natatawang sabi niya.
Napangiwi ako sa narinig ko, di ko maimagine. Ngumiti nalang ako ng peke sa kanya bago ko nagmadaling mag-ayos. Gosh! Ayoko na. Ano 'tong pinasok ko?
O ako ang napasukan? Argh! Ew, ew, ew.
"So ilan na yung naging boyfriend mo?" Tanong niya sa akin.
"Wait, iisipin ko lang." Bahagya akong huminto, "Guess what?"
"What?" Tanong niya.
"Wala pa." Nginitian ko siya ng sarkastiko pero ngumiti siya sa akin pabalik na genuine.
Inayos ko yung buhok ko habang siya naman ay nagsusuot na rin ng damit niya, "By the way, I'm sorry kagabi Ellie. I'm sorry sa ginawa ko, promise. Hindi ko talaga alam na unang beses mo yun."
"Wow, kilala mo pala ako."
"Of course, Leighlie Navarro, tama ba? Best friend ni Genesis." Aniya.
Napangiti ako ng mapait, hindi talaga nawawala sa pangalan ko yung salitang bestfriend ni Genesis. Wow! Kilalang kilala ako ng mga tao dahil kay Gen. Wow ulit.
"Yeah." Tipid na sagot ko habang tinitingnan ko yung sarili ko sa salamin.
"I'm sorry talaga Ellie, I hope maging magkaibigan pa rin tayo?" Tanong niya.
"Sure." Nginitian ko siya ng tipid, "Paabot na rin ng phone ko." Sabi ko sa kanya kaya naman kinuha niya yung phone ko na nasa gilid niya lang at inabot niya sa akin yun.
"Thanks." Sabi ko ng makuha ko na ang phone ko, chineck ko yung mga text messages sa akin at nakita ko ang napakaraming text sa akin ni Gen, may ilang missed calls rin kaya naman napabuntong hininga nalang ako.
"Ellie, sorry talaga wah." Aniya.
"Gosh, ilang beses mo bang sasabihin 'yan Gion?" Tanong ko sa kanya. "Talaga bang nagsisisi ka?" Sarkastikong tanong ko.
"Uhmm..." Nagkunware siyang nag-iisip. "Hindi eh." Aniya habang nakangisi kaya naman inirapan ko siya.
"Sige na, mauna na ako. Hinahanap na ako ni Gen." I'm trying to be cool pero hindi, hindi iyon ang nangyayari sa loob ko.
Naiiyak ako, naiiyak ako kasi nanghihinayang ako pero anong magagawa ko? Nangyari na, wala na akong magagawa.
"Si Gen? Oh, pinasabi ko kay Von na magkasama tayo."
"Wait, what?!" Hindi makapaniwalang tanong ko, pakiramdam ko ay hindi ko iyon narinig ng ayos pero alam kong tama ang narinig ko.
"Pinasabi ko kay Von na magkasama tayong dalawa."
Oh no...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top