Chapter 4
January 17, 2018
"That's it?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rue sa akin.
"Oo, iyon na yun, yun na ang unang beses naming nag-usap." Sagot ko sa kanya.
"Wow." Sarkastikong sabi niya, "Inexpect ko na ang unang pag-uusap nyo ay dahil inagawan mo siya ng lalaki or something like that, o hindi naman kaya ay sabay kayong nang trashtalk ng mga nerd nung high school tayo or what so ever."
"I'm not like that."
"Uh, yes. You're not. Whatever." Umirap siya sa akin, kaya naman napairap rin ako.
Alam ko kung bakit ganyan ang reaksyon niya, kagaya nga ng sabi ko dati. Magkaklase rin kami ni Rue dati pero hindi kami close. That's why may alam siya ng konti sa background ko, pero hindi ganoon karami, I swear. Hindi maganda ang image ko dati.
"So papaano nga kayo naging magkaibigan ni Bessy mo? I'm sure hindi naman kayo naging magkaibigan dahil sa 'cute dick' ni Jace." Talagang pinagkadiinan pa ni Rue ang salitang iyon kaya naman natawa ako.
"Uhmm, papaano kung sabihin kong dahil nga doon?" Nakangising sabi ko.
"Shut up." Aniya.
"I'm serious, Rue." Natatawang sabi ko.
"Shut up." Pag-uulit niya.
"Oo nga, promise! Ganto kasi yung nangyari noon..."
Kakalabas ko lang galing sa isang book store malapit sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ni Jace. Simula ng makausap ko si Gen doon ay hindi na ako bumalik, ayoko ng makipag-usap ulit sa kanya, hindi dahil boring siyang kausap o dahil nagagalit ako sa kanya.
Ayoko lang talagang nakakarinig ng mga kwento niya tungkol sa kung papaano niya pagtripan ang inosenteng si Jace. Naaawa na ako sa kanya pero wala naman akong magawa, wala rin naman akong lakas ng loob na kalabanin si Genesis at ang mga galamay nito.
"Ellie?! Oh my god!"
Napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Genesis mula sa di kalayuan, pinilit kong ngumiti ng humarap ako sa kanya kamit mukhang pilit na pilit iyon dahil mas lalong lumalaki ng malaki kong mata.
"Hi!" Tipid na sabi ko.
"Thank God! Nakita ulit kita, may gagawin ka ba?" Tanong niya sa akin.
"Oo, may gagawin ako." Pagsisinungaling ko.
"Sure! Pero mamaya mo na gawin yung gagawin mo, sumama ka muna sa akin. I owe you a cup of coffee." Nakangiting sabi niya bago niya ako hinila sa braso ko patungo sa coffee shop kung saan kami unang nagkausap.
Wala na akong nagawa kundi magpatangay nalang sa kanya.
Nang bumukas ang pintuan ng coffee shop ay tumunog agad ang chimes sa pintuan, bumungad agad sa akin ang napakalamig na lugar, ang pamilyar at nakakaakit na amoy ng kape ay tumatak agad sa akin. Damn, I miss this place so much.
"Lagi kitang inaabangan dito, pero hindi kita naabutan buti nalang nakita kita ngayon, pauwi na talaga ako." Kwento niya sa akin habang nakahawak siya sa braso ko.
"Oh, Gen! Nandito ka na naman? Kakalabas mo lang ah." Sabi ng isang waiter-- or manager? Sa tingin ko ay close sila ni Gen.
"Nakita ko kasi si Ellie sa labas kaya hinatak ko agad dito." Sabi niya sa lalaki, ngumiti sa akin ang lalaki kaya naman awkward akong napangiti pabalik, ayoko namang maging rude.
"So siya yung kinukwento mong si Ellie? Mabuti naman at nakita mo na."
"I know right! My lahi atang kabute itong si Ellie. Sige na, magpadala ka ng waiter sa table namin ni Ellie." Ani Gen bago niya ako hinila sa isang table, dun mismo sa kung saan kami unang nagkausap.
"Gosh, saan ka ba nagsususulpot at hindi ka na bumalik sa Coffee shop na 'to?" Tanong sa akin ni Gen pero hindi ako sumagot.
"Oh siya, type mo yung number mo para naman matext kita kapag nandito ako sa Coffee shop." Aniya.
"Bakit?" Nagtatakhang tanong ko.
"Duh, syempre kapag nandito ka tatabi ulit ako sa'yo, or kapag nandito ako pwede mo akong puntahan dito para makapagkwentuhan naman tayo."
"Ayoko nga."
Pero syempre hindi ko yun nagawang sabihin, duwag ako eh.
"Okay." Tipid na sagot ko bago ko tinipa ang numero ko sa kanyang cellphone.
Nag-angat ako ng tingin sa lumapit sa amin, nakita kong si Jace ang pinadala nilang waiter sa amin kaya naman napabuntong hininga nalang ako, kapag minamalas nga naman si Jace.
"Oh, nandito ka na pala. One Caramel Macchiato and... anong gusto mo Ellie?" Tanong nito sa akin.
"Katulad nalang rin ng sa'yo."
"Okay, so gawin mo na yung dalawa. Tapos isang slice ng red velvet ng cake, ikaw Ellie?" Tanong pa ulit niya sa akin.
"Ayos na sa akin yung kape." Mahinang sabi ko.
"Gawin mo ng dalawang slice." Dagdag pa ni Gen.
Tipid na tumango nalang si Jace bago ito naglakad na pabalik sa counter, nakita kong napairap si Gen habang pinapanuod niya itong naglalakad palayo sa amin.
"Rude." Bulong niya sa sarili niya.
Nope, hindi siya kundi ikaw, ikaw ang rude.
"By the way Ellie, I'm really sorry about last time, na offend ba kita?"
"No." Tipid na sagot ko.
Hindi ako na offend pero nakaka-offend ang sinabi mo kung ako si Jace, at hindi ka dapat sa akin magsorry kundi kay Jace.
"I thought na offend ka about sa cute size na tite--"
"Your language."
"Okay, sorry. So, akala ko talaga na-offend kita about sa toot toot niya, kaya naman kinabukasan noon ay inabangan agad kita dito pero hindi kita nakita ulit, then the next day, and next next day, pero wala akong Ellie na nakita buong linggo, iniiwasan mo ba ako?"
Oo, iniiwansan kita.
"Hindi." Tipid na sagot ko ulit.
"Good!" Natutuwang sabi niya.
Panay ang kwento niya sa akin, hindi ko akalain na may pagkamadaldal pala si Gen. Tuwing may nakikipag-usap kasi sa kanya ay para bang lagi siyang walang gana kaya naman hindi ko akalain na may tinatago pala siyang kadaldalan.
"So ayun nga, yun ang dahilan kung bakit ko nadiscover 'tong coffee shop na 'to." Pagkwento pa niya sa akin.
"Hindi ko alam na mahilig ka rin pala sa gantong lugar." Awkward na sabi ko.
"Why? Inexpect mo ba na madalas ako sa bar kaysa sa coffee shop?" Tanong niya sa akin, nag-aalangan man ako ay tumango pa rin ako.
"Well, tama ka." Natatawang sabi niya, "Nung nagbreak kami ng boyfriend ko ay hindi na muna ulit ako bumalik sa coffee shop na 'to. Dito kasi kami unang nagkakilala, dito ko siya sinagot at dito rin kami naghiwalay, sobrang dami ng memories ko dito kaya naman ayokong bumalik dito, naalala ko lang siya."
Bigla akong natigilan dahil sa kwento niya, hindi ko alam na may naging boyfriend pala si Gen. Akala ko ay flings lang ang meron siya, hindi ko alam na marunong pala siyang magtreasure ng memories, hindi kasi iyon ang mga naririnig kong chismis sa kanya.
"I know nakakagulat na may ex-boyfriend ako, wala rin namang ibang nakakaalam na may ex ako. Sikreto lang ang relasyon namin." Aniya.
"Malayo kasi ang coffee shop na 'to sa school, kaya walang nakakakita sa amin kapag nandito kaming dalawa, wala kaming kakilala dito. Well, hindi ko alam na dito ka rin pala pumupunta." Aniya.
"Actually this summer ko lang nadiscover 'tong coffee shop na 'to. Medyo tago kasi yung pwesto kaya siguro wala rin masyadong nakakaalam nito."
"Oh, kaya hindi kita nakikita dito dati."
Napatingin ako sa kamay kong nakahawak sa tasa ng kape, "If you don't mind, bakit kayo nagbreak ng ex mo?" Tanong ko, hindi ko alam pero parang gusto kong yakapin si Gen sa mga oras na 'to.
Mukha siyang matapang habang kinukwento niya iyon pero ibang iba ang pinapakita ng mga mata niya, maybe mahal talaga niya yung lalaki pero hindi lang talaga nagwork yung relationship nila.
Hindi ko alam na ang isang Genesis Hernandez ay marunong palang mabroken dahil sa isang lalaki.
"Kasi sinabi ko sa kanya na may cute dick si Jace." Aniya.
Puta. Di nga?!
Napakunot agad ang noo ko dahil sa sinabi niya, iyon yung dahilan?!
"Joke lang!" Bigla siyang nagburst out ng tawa ng makita niya ang reaksyon ko. "Nagbreak kami kasi pareho na naming ayaw sa relasyon namin, pareho na kaming nasasakal at alam namin pareho na hindi kami ang para sa isa't isa." Aniya.
"Papaano mo naman nasabi na hindi kayo ang para sa isa't isa. Papaano kung balikan ka niya? Hindi mo naman masasabi kung sino ang para sa iyo at ang hindi para sa iyo, walang nakakaalam ng mangyayari, kaya kapag bumalik siya bakit hindi nyo subukan ulit, baka this time magwork na yung relationship nyo." Giit ko.
Nakita kong napatulala siya sa akin habang sinasabi ko iyon, "Wow, ang deep noon ah." Biro niya.
"Don't worry, tanggap na namin pareho yung kinahantungan namin and besides, hindi niya ako deserve, he deserve someone better than me."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, better than her? May mas better pa ba sa kanya?
All this time akala ko masyadong mayabang si Gen, akala ko puro sarili lang niya ang iniisip niya at akala ko rin ay sa paningin niya ay siya na ang pinakapinagpala sa lahat kagaya ng tingin sa kanya ng lahat ng tao sa school pero it turns out na hindi ganoon ang tingin niya sa sarili niya.
Nakita ko yung lungkot at sakit sa mata niya pero pilit niya iyong tinatago, too bad. Madali ko lang malaman kapag nasasaktan ang isang tao o hindi.
"Nevermind, hindi naman na mahalaga yun." Pilit siyang ngumiti sa akin.
Kung ibang tao ang kaharap niya ay paniguradong iisipin nila na totoo ang ngiti ni Gen pero hindi, alam kong peke iyon.
"So, friends na tayo?" Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti.
Pero hindi ako nakasagot, tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Nakita ko yung disappointment sa mata niya pero hindi ako kumibo, hanggang sa nakita kong pilit na naman siyang ngumiti.
"Honestly may ipapakita ako sa'yo, di ba tinanong kita nung nakaraan kung gusto mong makita yung toot toot ni Jace, so last night nagscroll ako sa camera roll tapos nakita ko 'to." Pagkwento niya habang nakatingin siya sa phone niya at panay ang scroll nya doon.
"Nakita ko yung picture ng ano niya sa phone ko, gusto mong makita?" Nakangising tanong niya.
"No way!" Halos pasigaw ng sabi ko ng makita kong muntik na niyang ilapit iyon sa akin.
"I don't want to do this Ellie, pero kapag hindi ka nakipagkaibigan sa akin ay ipopost ko ito sa timeline mo at itatanong ko sa'yo kung bakit mo sinend sa akin yun."
Bina-black mail ba niya ako?! Gamit yung picture ng ano ni Jace? What the f?!
"So friends na tayo?"
"Ugh, fine."
Nagkatinginan kaming dalawa bago kami sabay na napangiti.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top