Chapter 15

August 3, 2006

"Listen, Ellie. Alam ko na magkakilala kayo ni Von." 

Natigilan ako sa pagkain ko at napatingin ako kay Gen, "Yeah?" Simpleng sagot ko, umaarte akong walang nagwawala sa loob ng katawan ko.

"Okay, Kilala rin kita Ellie. Mismong graduation natin nung high school, noon kita nakilala. I thought, takot sa'yo si Von. Kasi ang lakas ng loob mo na sampalin siya, kahit alam naman nating lahat na halos lahat ng tao ay takot siya kanya--"

"Wait, wait. Takot ka ba kay Von?" Gulat na tanong ko kay Gen.

Hindi siya nakapagsalita at napaiwas lang siya ng tingin sa akin, "Oh my gosh, the great, great, great Genesis Hernandez ay takot kay Von Salazar, oh my goodness." Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Listen, you don't know him." Ani Genesis.

"I know him, Gen. Better than anyone else." Giit ko.

"No, you don't get it. Ellie." Reklamo ni Gen sa akin bago siya mabilis na lumapit sa akin, "Pakiramdam ko lagi siyang nakasunod sa akin, kahit saan ako magpunta nakikita ko siya at hindi lang yun ngayon nangyayari, simula palang dati. God knows kung anong balak niya sa akin, natatakot ako." Bulong ni Genesis.

"Okay, girl. Stop, alam kong creepy siya pero hindi siya gagawa ng kahit anong bagay na ikapapahamak mo, trust me." Sabi ko.

"Ganoon ba talaga kayo ka-close?" Hindi makapaniwalang tanong ni Genesis, "then bakit mo nga pala siya sinampal noon?" Pang-uusisa ni Gen.

"Ganoon kami ka-close dati, pero hindi na ngayon. Nainis lang ako sa kanya noon at ayoko ng balikan yun." Paliwanag ko.

"Okay." Sabi ni Gen bago siya napanguso, biglang napakunot ang noo niya kasabay ng biglang paglaki ng mata niya, pasimple kong tiningnan kung anong nakita niya at nakita ko si Von mula sa hindi kalayuan habang kinakagat ballpen niya habang titig na titig siya kay Gen.

Napansin niyang nakatingin rin ako sa kanya kaya naman napunta sa akin ang atensyon niya, nginitian niya ako ng sarkastiko kaya naman pinanliitan ko siya ng mata bago ko kinausap si Gen para libangin siya.

--

Muntik na akong mapasigaw ng malakas ng biglang may humila sa akin patungo sa isang classroom, pero napatigil ako ng maramdaman kong may kamay na humarang sa bibig ko hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili kong nakasandal sa pader habang nakatingin kay Von.

"Sana nag-hello ka muna." Sarkastikong sabi ko sa kanya bago ko siya tinulak papalayo sa akin. 

"Long time no talk, Ellie." Ngumiti siya sa akin ng inosente kaya naman ngumiti ako sa kanya ng sarkastiko.

"Long time my ass motherfucker." Kalmadong sagot ko sa kanya kaya naman natawa siya sa akin.

"Language." Aniya kaya naman napairap ako, that's my line.

"Ano bang problema mo? I'm sure hindi mo ako hinila papasok sa classroom na 'to para lang kamustahin ako kung okay lang ako?" Sarkastikong sabi ko.

"Well, nakita kita kasama si Genesis. Ilang beses na, lagi kayong magkasama--"

"Kung gusto mong mahingi yung number niya, I'm sorry Von. Hindi ko ibibigay, I know that you like her since who knows kay kaylan mo pa siya pinagpapantasyan. But listen asshole, wala kang mapapala sa akin."

"I don't need your help Ellie. Kaya kong kunin ang number niya sa isang pitik lang, parang nakakalimutan mo yata kung sino ako. You know me better than anyone, right? Alam mo kung anong kaya kong gawin." Nahimigan ko ang banta sa tono ng boses nya.

"What do you want Von." Inis na tanong ko.

Nakita kong napangiti siya habang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin, halos magitgit ko na ang sarili ko sa pader.

"I. Want. Her." Mariin na sabi niya sa bawat salita, "I want Genesis Hernandez." 

"Sawa na kong maghintay, ayoko na, pagod na ko. Gusto ko na siya ngayon, ngayon mismo." Pagmamaktol niya na para bang isang bata.

"Sa tingin mo ba parang isang bagay lang si Gen kapag gusto mong kunin ngayon ay makukuha mo ng ganoon-ganoon lang?! Tigilan mo na 'yang attitude mo na yan. Hindi pa ba sapat yung ini-stalk mo na siya buong buhay mo? Nababaliw ka na, hindi na simpleng paghanga yan! Kabaliwan na 'yan." Halos sumigaw na ako.

Napangiti siya sa sinabi ko hanggang yung simpleng ngiti niya ay unti-unting naging tawa, hindi ako kumikibo sa pwesto ko, kahit alam kong tumatawa siya ay walang humor iyon.

"Tama ka, nababaliw na ako." Sagot niya habang nakatingin siya ng diretso sa mata ko.

"At makakalimutan kong lahat ng pinagsamahan natin Ellie once na humarang ka sa dinadaanan ko." Naramdaman kong lumapit siya sa akin at hinawi niya ang buhok ko bago niya inipit iyon sa likod ng tenga ko. "Understand, baby?" 

Hindi ako nakakibo, pinanatili kong nakaseryoso ang mukha ko kahit sobrang lapit ng mukha niya sa akin.  

"Good girl." Halos pabulong niyang sabi sa akin habang dahan-dahan siyang lumalayo sa akin.

Pinanuod ko siyang naglalakad papalayo sa akin, nakita kong hinahawakan niya ang bawat desk kaya napakunot ang noo ko, nang nasa harapan na siya at nakita kong umupo siya sa may teachers table habang pinaglalaruan niya ang chalk doon.

Halos magtaasan ang balahibo ko ng tumingin siya sa akin habang may kakaibang ngiti na nakaguhit sa labi niya.

"Don't worry, wala akong pakialam kung maging magkaibigan kayo ni Genesis pero once na magsalita ka ng kahit anong hindi maganda tungkol sa akin..." 

Binagsak niya ang chalk na hawak niya na naging dahilan para magkaputol-putol iyon sa sahig.

"Alam mo na kung anong mangyayari." Tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya at naglakad na siya papalabas ng classroom, bago pa siya tuluyang makaalis ay napatigil siya at hinarap ako.

"Alam mo Ellie, wala namang problema sa akin kung pagpatuloy pa rin natin yung nakagawian natin, pwede ka pa rin namang pumunta sa bahay ko kung kaylan mo gusto. Pwede ka pa rin namang matulog sa kwarto ko, I don't mind waking up in the morning na ikaw ang una kong makikita." 

"Shut up!" Sigaw ko.

"No, Ellie. Ikaw ang tumahimik!" Sigaw niya pabalik sa akin.

Napalunok akong bigla sa lakas ng sigaw niya, halos umecho ang boses niya sa buong classroom na kaming dalawa lang ang laman.

"Itikom mo 'yang bibig mo hanggang sa makuha ko yung matagal ko ng gusto kung ayaw mong masira ka ulit sa pamilya mo." Banta niya na nakapagpatahimik sa akin ng tuluyan.

"Fuck you..." Halos wala ng lumabas sa bibig ko ng maramdaman ko yung namumuong luha sa mata ko.

"I'd be glad to." Seryosong sabi niya bago niya malakas na isinarado ang pintuan ng classroom.

Pinagmasdan kong mabuti ang pintuan kahit wala na siya, doon ko naramdaman yung matinding galit. Tanging pagyukom lang ng kamao ang nagawa ko, kasi bukod dun? 

Wala na akong magagawa. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top