Chapter 14
January 20, 2018
Mag-uumaga na ng makabalik ako sa ospital, nagpaalam lang ako kila Kuya Owen na uuwi lang ako saglit pero babalik pa rin ako kaya naman iniwan ko na ang mga gamit ko sa kanila, tanging ang mga importanteng bagay lang ang dala ko ngayon kagaya ng cellphone at wallet.
Masyado na kasi akong nagpanic at nagmadali, sobrang bilis ng tibok ng puso ko kanina pa, hindi ako mapakali.
Hindi ko hahayaan na hindi magkakita si Von at Gen bago pa may mangyaring masama, pero hindi ko rin naman kayang hindi mapuntahan si Von lalo na at alam kong may nangyayaring masama sa kanya.
Mabilis akong naglalakad patungo sa kwarto ni Von habang paulit-ulit kong tinatawagan si Rue na kanina ko pa hindi ma-contact.
Kahit hindi pa sinasagot ni Rue ang tawag ko nang makita ko ang pintuan sa kwarto ni Von ay mabilis ko iyong binuksan, bumungad sa akin si Von na nakaupo sa kama.
Habang may hawak-hawak na libro at kumakain ng mga prutas...
What the hell?!
Mabilis na napunta ang atensyon ni Von sa akin kaya naman hindi niya tuluyang naisubo ang kinakain niyang mansanas.
"Anong ginagawa mo dito Ellie? Akala ko ba pumunta kang probinsya?" Tanong nito sa akin.
"Sabi kasi ni Rue nasugod ka daw sa--"
Natigilan ako sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Rue na may hawak-hawak na panibago na namang mga pagkain.
"Oh! Ellie!" Gulat na sabi ni Rue.
"Akala ko ba?" Tinuro ko si Von kaya naman napataas ang kilay nito habang nakahawak sa dibdib niya na para bang nagulat siya na tinuturo ko siya.
"Huh?" Gulat na reaksyon ni Rue. "Ahh, kagabi pa kasi yun, ayan okay na ulit siya." Paliwanag nito.
"Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ko?
"Mukha bang magpapanic ako kung hindi totoo?" Tanong ni Rue pabalik sa akin.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi nito, bwisit! Bakit ang bilis naman niyang makarecover?
Nang ibalik ko ang tingin ko kay Von na patuloy pa rin sa pagbabasa ay naging masama na ang tingin ko dahil sa kabadtripan ko, sinong hindi sasama ang loob kung gayong napakalayo ng byenahe mo pero ganto ang dadatnan mo? Para bang nagpunta ako sa wala.
Nakita kong nagtataka siya sa masamang tingin ko sa kanya hanggang sa bumaba ang tingin ko sa hawak niya.
"What the fuck?!" Sigaw ko.
Nagmamadali kong kinuha ang hawak niyang sketchbook, pagtingin ko doon ay nakita ko ang sketchbook ko nung high school, mabilis na nag-init ang mukha ko sa ideyang nabasa niya iyon lahat.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa mabilis kong pagdampot dito, "Saan mo nakuha 'to?! Bakit nangingialam ka ng may gamit ng may gamit?!" Singhal ko.
Hindi siya nagsalita at tiningnan lamang niya ako, kaya naman mas lalo akong napuno, bakit siya nangingialam?!
"Wag kang pakelamero ha! Hindi porket tinutulungan kitang hanapin si Genesis may karapatan ka ng pakelaman lahat ng gamit ko na may kaugnayan sa nakaraan!" Galit na giit ko sa kanya.
Hindi pa rin nagsasalita si Von at nakatingin lamang siya sa akin, naramdaman kong hinawakan ni Rue ang braso ko, "Ellie, kumalma ka nga, sketchbook lang 'yan." Anito.
Tiningnan ko lamang si Rue bago ko inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko at nagsimula na akong naglakad ng padabog papaalis sa lugar na yun, hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko at para bang namamanhid ang mga kamay ko.
Nang makarating ako sa isang parte ng hospital na walang makakakita sa akin ay mabilis akong napahawak sa pader dahil sa panghihina ng tuhod ko, nang mabitawan ko ang sketchbook ay mabilis na nanlaki ang mata ko ng makita ko ang nakadrawing sa notebook na iyon.
Nagmamadali akong pinulot iyon at isinaradog muli, napakagat ako sa labi ko bago ako tuluyan na napahagulgol, wala na akong pakialam kung may taong makakita sa akin ngayon o wala.
Gusto ko nalang ilabas lahat ng naipon na luha sa akin simula pa lamang nung una.
Nang maiayos ko na ang pakiramdam ko ay nag-text na lamang ako kay Rue na babalik na ako sa probinsya, hindi pa siya nagrereply kaya naman umalis na ako kahit hindi pa niya nakikita ang abiso ko.
Napakagat ako sa labi ko ng makasakay na ako sa bus, biglang pumasok sa isip ko ang reaksyon ni Von nung nagalit ako sa kanya, hindi ko alam kung bakit hindi mawala sa isip ko yung reaksyon niya.
Nakatulog ako buong byahe sa sobrang pagod, wala naman akong magandang nadatnan sa syudad, pakiramdam ko ay nasayang lang ang lahat ng pagod ko, pwede namang ibalita nalang sa akin ni Rue na ayos na si Von para hindi na ako nagka-interes pang balikan siya.
"Ano, kamusta yung kaibigan mo?" Salubong sa akin ni Trisha, nginitian ko lang siya ng pagod.
"Ayos na siya." Walang ganang sagot ko, nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya dahil sa pagiging walang gana ko.
"Kumain ka na ba? May nilutong pagkain si Kuya Owen mo bago siya umalis, nasa ref. Kung nagugutom ka--"
"Ayos lang ako. Busog pa ako. Salamat." Pinilit kong ngumiti kay Trisha pero nakita kong hindi pa rin naallis ang pag-aalala sa mukha niya.
"Okay..." Mahinang sabi niya, "pero kapag nagugutom ka ha, bumaba ka lang tapos kainin mo yung nasa ref." Aniya.
Kaya naman tumango nalang ako sa kanya, "Salamat." Mahinang sabi ko.
Pumanik na ako sa kwarto para makapagpahinga, gusto kong magkulong at umiyak na lamang nang umiyak hanggang sa wala na akong mailabas ng luha at makalimutan ko nalang lahat ng nararamdaman ko.
Isinarado ko ang pinto bago ako hinayaang bumagsak na lamang ang sarili ko sa kama, napatulala ako sa kisame bago ko binuksan ang sketchbook, unang pahina pa lamang ay mukha na ni Gen ang nakaguhit dito, napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan ko bawat detalye.
Bigla akong natigilan nang bigla akong nakaramdam na para bang nagvibrate sa bulsa ko kaya naman kinuha ko iyon sa pag-aakalang cellphone ko pero ibang bagay ang naramdaman ko.
Dahan-dahan kong kinuha ang kwintas na binigay ni Gen sa akin, pagtingin ko palang doon ay napakunot ang noo ko dahil umiilaw iyon.
Alam kong glow in the dark ito pero hindi ko alam na umiilaw rin pala ito kahit hindi ko pa napapatay ang ilaw sa kwarto, o talaga lang madilim sa bulsa ko kaya naman hanggang ngayon ay umiilaw pa rin ito?
Nagtataka ko iyong pinagmasdan na mabuti, hanggang sa hindi malamang dahilan napatingin ako sa labas, napatingin ako sa bintana at nakita kong bilog ang buwan napanganga ako dahil sa ganda nito.
Kaya naman nagmamadali akong lumapit sa bintana para pagmasdan iyon ng mabuti, biglang sumagi sa isip ko si Gen sa hindi malamang dahilan.
Napangiti ako ng makita ko kung gaano kadaming bituin ang nasa kalangitan, ngayon ko lang ito nakita na ganto karami.
Bigla akong may naalala kaya naman itinaas ko yung kwintas na ibinigay sa akin ni Genesis, kakulay nito ang buwan ngayon, pinagkukumpara ko ang dalawang buwan nang biglang may kakaiba akong naramdaman.
Lumakas ang ihip ng hangin kaya naman nanlaki ang mata ko at napahawak ako sa bintana, hindi ko alam kung naghahallucinate lang ba ako o talagang nakita kong may kumukonekta sa buwan na nasa langit at buwan na nasa kwintas ko.
Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang aking kwintas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top