Chapter 13

Click!

Natigilan ako sa pagdodrawing ko ng bigla akong makarinig ng pamilyar na tunog sa gilid ko.

Pagharap ko sa aking gilid ay isang panibagong pamilyar na tunog na naman ang narinig ko, nakabungad sa mukha ko ang camera ni Gion, isang malawak na ngiti ang nakaguhit sa labi niya kaya naman napairap ako sa kawalan.

"Istorbo." Mariing sabi ko pero tinawanan niya lang ako.

"Wag kang sumide view baby, kitang kita yung pisngi mo." Natatawang sabi nito kaya naman mabilis kong sinarado ang notebook ko at pinasok iyon sa bag ko.

"Wag kang masyadong lumapit sa akin baka masinghot mo ako." Sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Sungit naman ng baby ko." Aniya.

"Kaylan mo pa ako naging baby?!" Iritadong tanong ko sa kanya.

"Uhm, gusto mo ipaliwanag ko ulit sayo kung papaano naging tayo?" Nakangising tanong niya sa akin.

Oo nga pala, kami na ni Gion. Nakalimutan ko na naman.

"Smile baby." Aniya

Pero hindi ako ngumiti, nanatili lang akong nakapoker face kaya naman sapilitan niyang hinawakan ang isang pisngi ko bago ako piliting ngumiti, napairap ako sa kawalan pero hindi ko maiwasang hindi mapangiti tuwing nakikita ko ang bunny smile niya.

Halos mawala ang mata niya sa sobrang ngiti niya, nakakainis bakit ba kasi pinanganak ng gwapo si Gion? Kahit sinong taong hindi siya gusto ay matutuwa pa rin sa kanya, may kakaiba sa ngiti niya na hindi ko maipaliwanag, na kahit na alam kong hindi ko siya mahal ay hindi ko iyon kayang tanggihan.

Nakita kong mas lalong lumawak ang ngiti nya ng tingnan niya ang litrato ko, nakatingin rin sana ako pero bigla niyang inilayo yung camera niya sa akin pagkatapos ay tiningnan niya ako ng diretso sa mata ko.

"Alam mo Ellie? Kahit paulit-ulit kitang kuhanan ng litrato, kahit paulit-ulit kitang tingnan, hindi ako magsasawa, hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko para sa'yo, pero hindi ko pagsasawaan yung ngiti mo, kahit ilang dekada pa yung lumipas, yung ngiti mo pa rin ang pinakagusto ko sa lahat. Walang magbabago." Korning sabi ni Gion.

"Ang korni mo." Biro ko sa kanya.

"Korni talaga ako." Aniya habang natatawa.

"Sige na nga mauna na ako, tawagan nalang kita mamaya." Sabi ko sa kanya bago ako nagsimula ng magligpit at tumayo sa aking kinauupuan.

"Saglit lang." Pagpigil niya sa akin bago niya hinawakan ang braso ko.

Mabilis akong napatingin sa kanya, nakita ko yung lungkot sa mata niya kaya naman para akong naguluhan, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko kayang makitang nagkakaganito si Gion.

"3 months na tayo."

Bahagyang nanlaki yung mata ko sa sinabi niya, bigla akong napaiwas ng tingin sa kanya, hindi ko napansin na ganoon na kami katagal na dalawa.

Naramdaman ko yung kamay niya na bumaba sa baywang ko, hinila nya ako papalapit sa kanya bago niya ako siniil sa halik.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman ipinikit ko nalang ang mata ko bago ako humawak sa kanyang braso, mahigpit ang hawak ko sa kanya ng hawakan niya ang pisngi ko para mas ilapit niya ako sa kanya.

Nanatili akong nakapikit ng maramdaman kong lumayo na siya sa akin, pagdilat ko ng mata ko ay nakita kong nakatalikod na siya sa akin at naglalakad na siya papalayo.

Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko sa mga oras na 'to, hindi ko alam kung dapat ko ba siyang habulin para yakapin pero hindi ko rin alam kung tama bang gawin ko iyon, hindi ko alam, kaya naman nanatili nalang ako sa pwesto ko. Pinanuod siyang naglalakad papalayo sa akin.

Akmang aalis na rin sana ako ng bigla akong napatingin sa isang maliit na notebook sa harapan ko, may nakasulat na malaking 'ELLIE' sa harapan kaya naman nilapitan ko iyon para tingnan.

Dahan-dahan ko iyong binuksan.

Bigla akong natigilan ng makita ang larawan ko noong junior high school pa lamang ako, lahat ng 'to ay stolen picture ko, lahat ay halatang kinuhanan lang mula sa malayo. Naramdaman ko ang panginginig ng luha ko habang inililipat ko ang bawat pahina ng notebook na may nakadikit na picture ko.

Napakagat ako sa labi ko habang tiningnan ko iyon.

Natigilan ako sa paniningin ng mga picture ng biglang may nahulog na papel kaya naman mabilis ko iyong pinulot para tingnan kung ano yun.

"Matagal na kitang kilala Ellie, matagal na kitang gusto kaya sana magustuhan mo rin ako, kahit gaano pa katagal ulit ang hintayin ko, maghihintay pa rin ako... Gion."

Naramdaman ko ang unti-unting paninikip ng dibdib ko, gusto kong sabihin na ang creepy ng ginagawa niya kasi paghihimasok na 'to sa buhay ko, pero hindi ko magawang magalit.

Pinagpatuloy ko ang paglipat sa bawat pahina ng bigla akong matigilan ng makita kong unti-unti ng nagiging malulungkot ang bawat litrato, halos lahat ng picture dito ay umiiyak ako.

Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko ng maalala ko kung anong nasa likod ng bawat litrato na yun, naging mabilis ang paglipat ko ng bawat litrato hanggang sa mabitawan ko ang notebook na iyon ng makita ko ang huling litrato at ang nakasulat sa ilalim noon.

Litrato kung saan umiiyak ako habang nakayakap ako kay Von.

Na may nakasulat na...

'Kagaya ng sabi ko, matagal na kitang kilala Ellie."

January 19, 2018

Napasinghap ako ng tuluyan ko ng matagpuan ang facebook account ni Gion, napataas ang kilay ko ng makita kong mas lalo siyang naging gwapo. Nakita kong puro lakas maka'richkid' ng mga picture niya.

Akala niya hindi ko malalaman na ini-stalk nya ako? Hanggang ngayon stalker pa rin 'tong lintek na 'to.

Tinitigan kong mabuti yung picture niya habang suot siya ng suit.

May asawa na kaya 'to? Girlfriend?

Puro papogi alam tss!

"Anakan mo ko Gion... Sampu..." Pagbasa ko sa isang comment ng isang batang babaeng mukhang hindi pa nireregla kung makacomment ng ganoon wagas.

"Anakan? Huh! Supot naman yan." Iritadong sabi ko sa sarili ko.

"Ang gwapo gwapo mo talaga Gion, ikaw ang pinakagwapong nilalang sa buong mundo... Huh? Nakita kaya niya 'to nung senior high school kami? Mukhang tuturyok!" Inilipat ko pa ulit sa ibang profile picture nya.

"Mukhang ang bango-bango mo Gion... Luh! Baho ng hininga nyan, lalo na kapag umutot yan, nagpapabulag kasi kayo sa profile picture mga bata talaga ngayon!" Singhal ko.

Sa sobrang irita ko sa pagmumukha ni Gion ay ibaback ko na sana para tigilan na ang panglalait ko sa kanya ng biglang may nagpop up na chat sa akin.

Gion Andrada: I'm sorry Ellie, nalaman mo tuloy na alam ko yung facebook account mo? I'm sorry for stalking you, I guess hindi na mababago ang hobby ko? :P

Para bang tumigil ang pagtibok ng puro ko dahil sa biglang pagpop up ng kanyang chat sa phone ko.

Nakatulala lang ako sa pangalan niya, totoo ba 'to? Pakiramdam ko ay bumabalik ako sa nakaraan dahil lang sa kanyang pangalan, damn.

Mabilis akong nagtipa ng irereply sa chat niya para hindi naman niya isipin na bitter ako sa kanya.

Leighlie Navarro: fuck you.

Nakataas ang kilay ko ng sinend ko sa kanya iyon, nakahanda na ako para sa gyera.

Gion Andrada: Miss lang talaga kita :(

Napasuka ako ng wala akong sinusuka, kahit kaylan talaga 'tong international playboy na 'to, bwisit! Akala mo naman totoong namimiss niya ako, sarap ihampas sa kanya yung cellphone na 'to.

Mabilis akong nagtipa ulit ng panibagong irereply sa kanya.

Leighlie Navarro: Wag kang puta.

Nag iinit agad ang ulo ko sa isang 'to, ngayon lang ulit kami nagkausap tapos ganito agad ang bungad nya, iniexpect ko pa naman na magsosorry man lang siya sa lahat ng kamalian niya, ini-expect ko pa naman na kahit papaano hindi lang ako ang may gusto na maiayos yung nakaraan.

Nakita kong nagta-type si Gion ng panibagong chat para sa akin ng biglang may nagpop up na message mula kay Rue.

from: bestie
BES! SI VON NASUGOD SA EMERGENCY ROOM! UMUWI KA MUNA DITO!!! SABI NI DOC MALALA NA DAW YUNG LAGAY NYA SHET BES KINAKABAHAN AKO ADHAJDGHAFHGSDHUHU

Mabilis akong napatayo sa pagkakahiga ko ng makita ko ang message ni Rue sa akin.

Oh fuck.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top