Chapter 11

January 18, 2018

Nang makaalis na ako sa lugar na yun ay naghahabol ako ng hininga, puro putik na ang sapatos ko at madami na rin tilansik ang jeans ko. Sigurado akong hindi na ako masusundan ni Dash dahil tamad naman yung tumakbo.

"Ang angas mo dun!"

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Brian na nakatingin sa akin, napatingin ako sa buong paligid ko at napansin kong ang bilis niya, kanina ay nandoon lang rin siya.

"Laughtrip ako sa ginawa mo! Lupet mo!" Natatawang sabi pa niya sa akin.

"Thanks." Nag-aalangang sabi ko habang pinapagpagan ko ang damit ko dahil pakiramdam ko ay nasapo ko lahat ng insekto ng tumakbo ako.

"Si Flash ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Napangiti siyang bigla, "Bakit?"

"Wala, ang bilis mo eh." Sabi ko sa kanya.

Nakita kong napangiwi siya na para bang nadisappoint siya sa sinabi ko.

"Tsk, akala ko pa naman pick up line yung sasabihin mo." Aniya.

"Ay sus." Sabi ko sa kanya nang magsimula akong maglakad, kaibigan siya ni Dash pero cool siya kaya naman wala siyang pakialam kung hindi kami in good term ni Dash.

"Sino nga pala ulit ang hinahanap mo? Ganoon ba iyon kaimportante para bumalik ka dito sa probinsya para lang hanapin siya?" Tanong nito sa akin.

"Oo, sobra." Bulong ko sa sarili ko.

"Si Genesis yung hinahanap ko, Genesis Hernandez ang buong pangalan niya. Baka lang naman kilala mo?" Pagbabaka sakali ko. Nakita kong naguluhan siya, "Teka, eto yung picture niya." Pinakita ko sa kanya yung hawak kong mga litrato ni Gen.

Nakita kong sinusuri niya iyong mabuti, para bang may iniisip siyang malalim habang tinitingnan niya yung picture ng babae. "Pamilyar siya sa akin pero hindi ko alam kung saan ko siya huling nakita--"

Bigla siyang natigilan, nag-isip pa siya ng mas malalim hanggang sa nanlaki ang mata niya, "Oo kilala ko 'to! Nakita ko na 'to dati, eto yung namali ng pasok sa office ni Jacob." Tinuro niya sa akin yun na para bang siguradong sigurado siya. "At schoolmate ko rin yata dati? Di ko na matandaan."

"Pero natatandaan ko siya kasi nga namali siya ng pasok, may hinahanap siya pero it turns out na mali siya ng napuntahan, kaya natatandaan ko siya kasi nandoon ako noon." Paliwanag pa nito.

"Sinong Jacob?" Tanong ko, "Jacob Sevilla ba?" Paninigurado ko.

"Oo! Papaano mo nakilala si Jacob?!" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Friend of friend." Simpleng sabi ko pero ang totoo niyan ay ex of friend talaga.

"Wow, kaya siguro pamilyar ka sa akin ay madami tayong kakilala na magkakakilala." Paliwanag nito at tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

"Teka, saan ba yung office ni Jacob?" Tanong ko sa kanya, "Yun ay kung balak mo lang naman sabihin, kasi kung wala kang balak sabihin sa akin ay sabihin mo na agad kaysa magmakaawa ako sa'yo tapos di mo naman pala sasabihin."

"Hindi naman ako si Dash, oh siya. Eto yung address ng resort ni Jacob dito sa probinsya, nandito yung office na sinasabi ko sa'yo." Kumuha siya ng papel sa bulsa niya at pinilas niya iyon para maisulat doon ang mga address.

"Oh my gahd, thank you! Thank you so much!" Sabi ko sa kanya.

"You're welcome, sana makita mo 'yang hinahanap mo." Aniya.

"Salamat talaga!"

"Sige na, mauna na ako. Baka namimiss na ako ng girlfriend ko." Biro niya sa akin kaya naman napangiti nalang ako bago ako kumaway sa kanya at ganoon rin naman siya sa akin.

"Fighting!" Sigaw niya bago siya sumakay sa halatang mamahalin na sasakyan.

"Thank you ulit!" Sigaw ko at tumango naman siya sa akin bago siya napahinto ng may tumawag sa pangalan niya, sabay kaming napatingin doon.

Nakita ko ang isang maputing babae na may mahabang buhok, umaalon ang buhok niya dahil sa kanyang pagtakbo pero ng makita niya ako ay unti-unti siyang natigilan at napakunot ang noo, tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa.

Nang tuluyan na siyang makalapit sa amin ni Brian ay mas lalong sumama ang tingin niya sa akin, hindi naman sa pagiging judgmental pero hindi ko feel ang babae na 'to.

"Baby! Nandito ka pala, may ipapakilala ako sa'yo." Nakangiting sabi ni Brian bago niya inakbayan ang babae.

"Siya nga pala si Ellie, may hinahanap siyang kaibigan dito. Ellie, eto nga pala si Pamela, Pam yung nickname niya, girlfriend ko." Pakilala nito sa akin.

"Hi Pam." Nakangiting bati ko.

"Hi." Tipid na sagot niya bago niya tinaas ang kamay niya ng bahagya, nang ngumiti siya sa akin ay biglang nagbago ang panget na pananaw ko sa kanya dahil mukha siyang anghel kapag nakangiti.

Nabaling ang atensyon ko sa kamay nung Pamela ng naglahad siya ng kamay sa akin, tinanggap ko agad iyon pero napatingin rin ako sa singsing niya.

"Engage na kayo?" Tanong ko kay Brian dahil nakita kong may suot na engagement ring yung babae, i'm sure engagement ring iyon dahil kamukha noon ang trending na singsing sa facebook.

"Uh? Hindi, hindi. Nagustuhan ko lang talaga 'to kaya binili ko." Anito.

"Ahh, ang ganda." Ngumiti ako sa kanya.

"Thanks." Aniya.

Nakita kong hinawakan niya ang kamay ni Brian kaya napatingin ito sa kanya, nakita kong ngumiti ito sa kanya na para bang sign para umalis na silang dalawa.

"Ay! Oo nga pala, mauna na kami Ellie ha? See you next time. Nice to meet you." Ani Brian sa akin.

"Nice too meet you rin! Pati sa'yo, Pamela." Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya agad sa akin.

Nang makaalis na sila ay naglakad lang muna ako ng ilang saglit, maaga pa naman. Siguro ay bukas ko nalang 'to pupuntahan, sa ngayon ay maglilibot muna ako sa buong lugar, sa tagal kong wala dito ay hindi na pamilyar sa akin ang ibang istraktura.

Hanggang sa paglalakad ko ay nakita ko ang isang pamilyar na lugar sa akin, unti-unting bumuhos sa akin ang lahat ng memorya, naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko habang pinagmamasdan ko lamang ito.

Isang nakakapanibagong pangingilid ng luha ang naramdaman ko, hindi ko akalain na magiging ganito ako kaemosyonal kapag nakita ko lamang ito.

Ang coffee shop kung saan kaming nagkakilala ni Genesis.

Ang coffee shop kung saan nagsimula ang lahat.

Gustong-gusto ko iyong puntahan iyon dahil alam kong maalala ko lahat ng magaganda at masasayang memorya sa aming dalawa ni Gen.

Akma akong lalapit sa lugar na yun pero ng nasa tapat na ako ng pintuan ay mabilis akong napahinto, pwede namang pumasok ako doon dahil bukas naman iyon.

Pero mas pinili ko na huwag na lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top