Chapter 10

January 18, 2018

"I don't really think na hindi mo ako natatandan Dash."

Nakita kong napangiti siya ng sarkastiko dahil sa sinabi ko, "Buti alam mo." Nahimigan ko yung pait sa pagkakasabi niya. "Papaano ko makakalimutan kung sino yung nanira sa relasyon namin ni Trisha." Sarkastiko rin na sabi niya.

"Gosh, hindi ko kayo sinira. Si Kuya Owen ang nanira hindi ako." Giit ko.

"Ikaw ang dahilan kung bakit sila nagkakilala."

"Grabe ka naman, malay ko ba naman na magkakaganoon yun." Dipensa ko agad.

"Nako, pagpasensyahan mo na 'yang si Dash. Wala pa rin kasi 'yang asawa't anak, virgin pa yan. Tigang na." Biro nung lalaki kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Brian manahimik ka ngang kupal ka." Singhal ni Dash, ohh. Iyan yung Dash na kilala ko, yung walang preno yung bibig.

Pero bago maging walang preno yan, natatandaan ko ay hindi siya nagsasalita. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong di talaga siya nagsasalita kahit kausapin siya, akala ko noon ay may problema siya sa pagsasalita pero hindi naman.

"Ano ba talagang pinunta mo dito?" Tanong sa akin ni Dash.

"Nabanggit kasi sa akin ni Trisha na minsan mo na daw nasabi yung pangalan ni Genesis." Panimula ko.

"Nabanggit ako sa'yo ni Trisha?" Nagtatakang tanong nito, para bang nagulat sa sinabi ko.

"Dude, move on na. May asawa't anak na yun oh. Kambal pa nga yung kakapanganak lang." Parinig nung Brian.

"Manahimik ka Brian, di ka nakakatulong." Giit ni Dash.

"So?" Tanong ulit nito sa akin habang naglalakad siya kaya naman sumunod ako sa kanya.

"Kaylangan ko kasing makita si Genesis." Paliwanag ko sa kanya.

"Wala akong matandaang may nabanggit ako sa kanyang Genesis." Paliwanag nito. Hindi siya makatingin sa mata ko.

"Wait, may picture ako niya baka matandaan mo siya." Paliwanag ko sa kanya kaya naman mabilis kong binuksan ang bag ko para kuhanin ang mga picture na kinuhanan ko. Lahat ng yun ay picture ni Gen nung high school kami.

"Eto sya." Inabot ko sa kanya yung mga picture at tiningnan naman niya agad iyon.

"Kilala mo ba siya?" Tanong ko agad sa kanya.

"Oo." Tipid na sagot nito.

"Talaga?!" Hindi makapaniwalang tanong ko, "Alam mo ba kung saan siya nakatira? Kung saan ko siya makikita?!" Kinakabahang tanong ko.

"Oo." Tipid ulit na sagot niya sa akin, hindi naman siguro niya ako niloloko di ba?

"Kung ganoon pwede mo bang sabihin sa akin?" Tanong ko.

Huminto siya sa paglalakad niya at humarap siya sa akin, "Hindi." Malamig na sabi niya.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa sinabi niya, bakit naman niya hindi sasabihin sa akin?!

"What?!" Naguguluhang tanong ko.

"Hindi naman tayo close Ellie, sa tingin mo nakalimutan ko na yung ginawa mo sa akin? Dahil sa'yo wala pa rin akong asawa't anak hanggang ngayon habang yung mga kabarkada ko noon buwan nalang ang bibilangin may apo na." Singhal nito sa akin.

"What?" Tanong ko ulit, iyon ba yung kinakagalit niya?! OA naman niya.

At dahil doon hindi niya sasabihin sa akin?!

"Pwede bang kalimutan na natin yung about sa inyo ni Trisha, Dash? Kaylangan ko lang talaga, nakasalalalay sa'yo yung future ko, please tulungan mo na ko Dash, parang awa mo na." Pakiusap ko.

"Dash naman oh..." Binaba ko na talaga ng tuluyan ang pride ko dahil sinusundan ko talaga siya habang chinecheck niya ang mga strawberry.

"Please Dash, nakikiusap ako." Pinagdikit ko yung kamay ko habang nagpapaawa ako.

"Ano bang kaylangan kong gawin para tulungan mo ako? Gusto mo kausapin ko si Trisha para sa'yo? Sige na naman oh!" Hindi talaga niya ako pinapansin.

"Parang awa mo na Dash, tulungan mo na ako." Pagmamakaawa ko.

Nahinto siya sa paglalakad at hinarap ako kaya naman pakiramdam ko ay nabuhayan ako ng loob dahil mukhang umeepekto ang pagiging cute ko sa kanya.

"Uhmm wait pag-iisipan ko." Aniya habang nagkukunwareng nag-iisip, talagang hinawakan pa niya ang bridge ng ilong niya habang nakapikit ng mariin.

"Oh!" Bigla siyang humarap ulit sa akin.

"Ayoko." Mariin na sabi niya sa akin.

Napairap ako sa kawalan at napahinga ng malalim, pilit kong kinalma ang sarili ko sa sinabi niya, gusto ko siyang sapakin ngayon sa mukha niya pero hindi ko magawa. Gusto kong isigaw sa mukha niya na magmove on na siya sa nakaraan.

Pero kapag sinabi ko sa kanya yun ay tatamaan lang rin ako, kasi kahit ako mismo ay hindi ko magawang kalimutan yung nakaraan. Nakakulong pa rin ako dito.

"Ayokong maging rude Ellie." Aniya, pero iyon na ang ginagawa niya. "Pero wala kang makukuhang kahit anong impormasyon sa akin, gusto mo pagtanong mo siya sa lahat ng tao dito pero hindi ko sasagutin yung tanong mo."

"Fine! Fine!" Sigaw ko, pinanuod ko siya habang papalayo na sa akin.

Bumuntong hininga ako para ikalma ang sarili ko pero ang hirap kumalma kung ganto katarantado yung kausap mo eh. Nang idilat ko ang mata ko ay alam kong kalmada na ako, teka mali.

Hindi ko pala kayang kumalma.

"Oo nga pala! May pinapasabi si Trisha!" Sigaw ko na naging dahilan para makaagaw ako ng atensyon ng mga trabahador.

Napatigil si Dash sa paglalakad at napatingin rin siya sa akin. Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya ng marealize kong malayo na talaga siya sa akin.

"Pinapasabi ni Trisha na ang liit daw ng titi mo!!!" Sigaw ko pa ng mas malakas.

Nakita kong unti-unting namula yung mukha niya dahil sa sinigaw ko, madaming trabahador ang nagpigil ng tawa dahil sa isinigaw ko.

"Anong sabi mo?!" Naramdaman ko ang galit sa tono niya.

"Ang sabi ko, maliit daw yung titi mo!" Pinagdidiinan ko ang bawat pagbitaw ako ng salita.

"Maliit lang ako pero hindi yung ano ko!" Sigaw niya pabalik sa akin, nakita kong mas lalong nagtinginan ang mga tao sa aming dalawa.

"Kaya siguro mas pinili ni Trisha si Kuya Owen kasi mas malaki yung sa kanya, ikaw kasi ang liit-liit ng iyo, parang kikiam lang."

Sinasadya ko talagang gumawa ng eskandalo para mapahiya sya.

Ako pa talagang binuwisit niya, alam ba niya na isang araw kong pinagtanong-tanong kung saan siya makikita tapos kung kaylan nandito na ako ay wala siyang balak sabihin sa akin dahil lang ako ang dahilan ng pagkakakilala ni Kuya Owen at Trisha?!

Ang bitter naman niya, di ba pwedeng maging masaya nalang siya dahil masaya na yung dalawa?!

Nakita kong namumula na yung mukha niya sa galit, nakayukom ang kamao niya habang nakatingin siya sa akin ng masama.

"Wag kang gumawa ng eskandalo dito Ellie." Banta niya sa akin.

"Bakit? Totoo naman ang sinabi ko ah?!" Sigaw ko.

I swear. Ilang metro ang layo namin sa isa't isa, literal na nagsisigawan kaming dalawa kaya naman rinig na rinig kami ng mga tao sa paligid at lahat sila ay nakikinig talaga sa usapan namin.

"Patay ka sa aking babae ka." Banta pa niya ulit habang naglalakad na siya papalapit sa akin.

Mabilis kong tinaas ang kamay ko para ipakita sa kanya ang middle finger ko bago ako nagtatakbo papaalis ng lugar na yun.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top