Dreamerearth
ACES! Fans of My Campus Heartthrob Kings and Me and I Fall to Pieces, brace yourselves for the one and only Dreamerearth! Get to know Rach on a personal level at alamin kung ano nga ba ang kanyang fears, aspirations and messages to her fans. Only here, on RomancePH!
1. Mayroon ka bang genre na natatakot na isulat?
- Action and Science Fiction. Sa Action kasi hindi ka lang magsasabi ng baril, chuchu dahil kailangan mong ilarawan nang mabuti ang scenes na mai-imagine rin ng mga nagbabasa at hindi cringe basahin. Sa science fiction naman, kailangan ng mabusising research para angkop ang ilalagay mong impormasyon sa bawat kabanata—sa buong nilalaman ng iyong libro.
2. What's your fear as a writer?
- Natatakot akong darating ako sa puntong mawawalan na ako ng gana sa pagsusulat. Na wala ng tinta ang panulat ko.
3. Do you consider yourself as a successful writer?
- I don't know, but maybe yes? I can't literally answer this directly. But for me, every read, votes, support from readers and achievement I got as a writer is a kind of success.
4. Ano pa ang pangarap mong maabot bilang manunulat?
- Lahat ng mga manunulat ay pangarap ito at iyon ay ang mailimbag ang mga pinaghirapan namin bilang libro at makapag-booksigning din balang araw.
5. Favorite food per category: appetizer, main course, dessert
- Appetizer: Pork siomai. Main course: Bulalo. Dessert: Suman
6. Ano ang iyong pinaka hindi makakalimutang childhood memory?
- Marami, e. Lewl. Pero iyong hindi ko talaga makakalimutan ay iyong nakakita ako ng multo at inakala ko pang pinsan ko. Kumaway pa ako sa kaniya. Hindi kasi ako naniniwala sa mga multo at akala ko nga hallucination ko lang pero nakikita rin pala siya ng may mga third eye sa amin, so, doon ko napagtantong multo nga iyon. Tanghaling tapat pa no'n.
7. Mayroon ka bang pets? Tell us about them! At kung wala naman, balak mo bang magkaroon ng pet soon?
- May isa kaming aso at pangalan niya Hachi (inspired sa hachiko movie). Bias na aso. Ako nagpapakain sa kaniya noon, pero noong nandito lang si mama ayaw na niya akong pansinin. Hindi na rin niya ako inihahatid kapag lumalabas ako, pero sila mama at kapatid ko hinahatid niya. Lewl. Mahal ko kasi iyang aso naming iyan kahit favoritism ang bakla. Yes po, bakla rin po ang aming aso dahil ayaw niya sa mga babaeng aso, nagtatago siya pero kapag lalaking aso, tabi siya nang tabi. Gusto ko rin magkaroon ng pusa kaso ayaw ni papa ng pusa, kaya soon mag-aalaga ako. Cat is my first love. Well, parehas ko namang gusto ang aso at pusa pero mas nangingibabaw ang pusa sa puso ko. Cat and dogs are one of my happy pill when I am sad.
8. Ano ang isang bagay na pinapangako mong hindi mo na gagawin?
- Ang hindi na magpuyat kaso lagi akong puyat. Puyat is life na talaga.
9. Ibahagi sa amin at iyong mga fans ang iyong pinaka paboritong akda and tell us we should read it.
- Uhm, siguro naman alam na alam ito ng iba dahil Something Spectacular by April_Avery talaga ang tumatak sa puso at isip ko na hindi ko makakalimutan. Maraming aral akong natutuhan dito, isa na roon ang pagiging 'matapang' at iniyakan ko rin ito nang husto. Iba kasi iyong emosyon sa story, madadala ka at lalo na't napakabait pa ni Gavin. Maraming words of wisdom ang story na ito. Be brave no matter what happen. Must read this story and you won't regret reading it.
10. Meron ka bang mensahe para sa iyong mga readers?
- Lubos akong nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta sa akin kahit karamihan sa inyo ay tahimik, hindi ko ramdam pero sobrang laki ng pasasalamat ko talaga. Hindi ako magsasawang magsasabi sa inyo ng "maraming salamat" dahil kung wala kayo, hindi mag-e-exist ang Dreamerearth sa wattpad world. Hindi man ako kasinggaling ng ibang manunulat at hindi pulido ang aking pagkakasulat, pero maraming salamat sa paglalaan n'yo ng oras at pagpili ng aking mga akda para inyong basahinmy words are not enough to express my gratitude, but I hope one day, if I'll meet you all... I am going to hug you (gagawin ko talaga kahit hindi ko alam kung paano yumakap. Lewl) just to express my gratitude. Thank you for being one of my aces. Aces stands for authentic, courageous, eternal, and serene. Nanggaling lang iyang aces sa isang reader at dating operator ng isang fictional character ko kaya hinanapan ko lang ng mga adjectives na magde-describe sa inyo at sa tingin ko, angkop naman. Hehe. Show the real you, always have the courage to conquer every battle you are facing and I hope my stories gave you a lesson that it won't fade easily, but the words I write will leave eternally in your mind and heart instead. I will continue writing in serenity and I appreciate all your effort to support me. I purple (love) you all.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top