CHAPTER SIX
'Tykes Syndicate'
THEY EXPLAINED to me everything while we were chased by CRYPTIC. Five men of CRYPTIC were relentlessly chasing us until we decided to fight back. I no longer worried with my companion because they can fight like an assassin. Christine used her dagger from her uncle to stab the back of one member of CRYPTIC. She was not yet satisfied of what she did and she swiftly cut her enemy’s throat with full of anger. Cobb was unarmed but it doesn’t mean that he couldn’t fight. One CRYPTIC didn’t get a chance to kill Cobb because of a surprise attack wielded from Cobb. He used his strong kick to broke his enemy’s jaw. I heard a strong snap after he did that kick. It was powerful and no one could survive that kind of attack.
Since I was the only one around that had a superhuman ability, I dealt alone the remaining three CRYPTIC. They used their guns to attack me, but those bullets couldn't pass through with my strong defense on my body. It was kinda odd thing to imagine that they were the one who created this ability, but they didn’t put some weakness in my body for able to defeat me. I punched their face one by one and after that, I held their heads and quickly slammed into the wall of streets. A large amount of blood splashed all over the wall, and we didn’t hold back to continue to run.
Tykes Syndicate was selling fake artifacts, fake paintings, fake medicine, and among others. They were one of the remaining group syndicate inside Central City because CRYPTIC killed the others. The reason why CRYPTIC killed the other group because for them, the other syndicate was a threat for the plan to conquer the whole City. Tykes Syndicate founded by Syven Tykes. Christine’s father was Bouc Dragomiroff and his daughter was the rightful heiress for their wealth.
Bouc Dragomiroff and Syven Tykes were cousin in mother’s side. Syven killed his own cousin for able to possess the wealth of Dragomiroff. After he committed his bloody murder, Syven didn’t realize that their personal guard, Mr. Howard, helped Christine to escape and keep her away from her own uncle. Mr. Howard treated Christine as his own child until the murder happened. An unknown murder killed Mr. Howard and we will find who was responsible for the Death of Mr. Howard.
Cobb Thyme was a member of a group that they have to do something for others in exchange of money. His mission was to find Christine and bring her back to where she was belong, and reclaimed her position as the heiress of their family, a right birth. The reason why he killed his own cousin was to claim all the wealth and to expand his illegal business. After they explained it to me everything, I explained to them about me and why CRYPTIC chasing us earlier.
“Ganun nga ang nangyari.” I ended my story and we are all exhausted and our muscles sagging meat.
Namutawi sa kanilang mga mukha ang pag-aalangang hindi maniwala sa sinabi ko. Hindi pa ba sila kumbinsido sa nakita nila mula sa akin? Hindi ba nila nakita kung paanong walang ginawang sugat ang mga bala ng CRYPTIC sa aking katawan? Para sa kanila raw ay isang kabaliwan na magagawang baguhin ng CRYPTIC ang isang tao para maging isang tinatawag na Superhuman.
“I can’t believe you. Paano yun magagawa ng CRYPTIC? Ganun na ba talaga sila ka advance para makagawa ng pambihirang abilidad sa tao?” naiinis na tanong ni Cobb. Hindi ko naman siya pinipilit kung ayaw niyang maniwal sa alligator skin na nasa aking katawan. Ang sa akin lang ay nasabi ko sa kanila ang totoo.
“Paano mo mapapaliwanag ito?” tanong ko sa kanya at hinubad ang aking damit pang-itaas at nakita nilang dalawa ang alligator skin na nasa aking dibdib.
Walang ano-anu’y bigla akong inatake ni Christine gamit ang kanyang hawak na dagger at kahit malakas ang kanyang pagsaksak sa aking dibdib ay hindi nito nagawang sugatan ako. Napatunayan niyang hindi ako nagbibiro dahil sa kanyang ginawa. Agad kong sinuot ang aking damit at nilibot ko ang aking paningin sa buong lugar.
“I’m going to ask you, Christine,” sabi ko sa kanya at nabaling ang atensyon niya sa akin, “What’s your plan?”
“Run.”
Sa kanyang sinabi ay hindi iyon nagustuhan ng aking pandinig. Uminit ang ulo ko sa kanya dahil parang wala lang sa kanya ang nangyari kay Mang Howard.
“Are you joking, right?” tanong ko sa kanya at naramdaman ko ang matinding paggalaw ng aking panga sa pagpipigil ng aking galit, “Tatakbo ka nalang ba buong buhay mo? Hindi mo ba bibigyan ng kabayaran ang pagkamatay ng ama at ang taong nagtakas sa iyo mula sa iyong tiyo?”
“What’s the point? Let him lead his empire. I can’t fight him. He’s too powerful,” pagpapaliwanag niya, “Masakit man para sa akin ang pagkawala ni Mang Howard pero hindi ko kayang labanan siya.”
“Then, How about my mission?” Pagsingit ni Cobb sa usapan. Nag-aalala ito na kung hindi niya magagawa ang kanyang misyon na ibalik si Christine sa Tykes Syndicate ay hindi siya mababayaran.
“That’s your problem not mine. You need to convinced me,” bulyaw nito kay Cobb at agad naman siyang tumingin sa akin, “Ikaw! Bakit gusto mong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mang Howard?”
“I owe my life to Mr. Howard. Seeing him died in front of my face was one of the saddest moment of my life,” sabi ko kay Christine habang tumutulo ang luha sa aking mukha at hindi siya makatingin sa akin ng deritso, “Mr. Howard helped you to escaped from your uncle. Mr. Howard treat you as her daughter and you need to help us. Kapag matatagpuan natin ang hayop na iyon ay pagbabayarin ko siya sa kanyang ginawa. Wala ng hustisya sa Central City, ako na mismo ang gagawa ng batas sa kanya. Kung hindi mo kayang bigyan ng hustisya si Mang Howard ay bigyan mo ng hustisya ang pagkamatay ng iyong ama.”
Hindi siya nakapagsalita sa aking sinabi at siguro ay napagtanto niya na dahil sa kanyang tiyo ay namatay ang kanyang ama. Hindi pa ba sapat iyon na dahilan para bawiin sa kanyang tiyo ang dapat para sa kanya? Agad naman siyang nagulat sa sumunod kong ginawa dahil tinali ko ang dalawa niyang kamay. Pinunit ko ang laylayan ng aking damit at ginamit iyong pagtali sa kanya.
“You will come to us,” sabi ko sa kanya at susubukang tanggalin ang tali sa kanyang kamay nang tinignan ko siya ng masama, “You are the key to find your uncle.”
“But I forgot where their fortress was located. It's been two years since I escaped from my Uncle,” sabi nito sa akin na kinahinto ko sa paglalakad. Huminga nalang ako ng malalim at tinignan silang dalawa. Mukhang mahihirapan kaming hanapin ang pinagtataguan ng kanyang tiyo.
Hindi namin alam kung saan kami napadpad mula sa aming pagtakbo palayo sa CRYPTIC. Ang alam ko lang ay pumasok kami sa isang eskinita. Napupuno ng matataas na damo ang paligid at mayroon itong kinakalawang na cyclone wire fences. Sa kabilang dulo ay ang nagtutumpukang gulong ng truck at nahagip ng aking mata ang isang bata na kanina pa kami tinitignan sa malayo.
“We already saw you. Please come out!” sigaw ni Cobb sa kanya pero imbes na magpakita siya sa kanyang tinataguan ay mas lalo itong nagtago.
Agad namang lumapit si Cobb sa mga nagtutumpukang mga gulong at sumunod naman kaming dalawa ni Christine sa kanya. Mga ilang hakbang nalang ang layo namin sa batang lalaki nang bigla siyang sumigaw.
“Isang hakbang pa at mawawalan kayo ng paa,” pagbabanta ng bata.
“Attitude,” nakangising sabi ni Cobb, “I like it,” pagsasarkastikong sabi niya at bigla niyang hinablot palabas ang bata at sa lakas ng ginawa ni Cobb ay tumama ang nguso nito sa lupa.
“Anong kailangan ninyo?” tanong ng batang lalaki.
“Nasaan kami. Ituro mo sa amin ang labasan,” tanong ni Cobb sa kanya at tinignan siya nito ng masama, “If you don’t talk you will lost a tongue.”
Napalunok naman ang batang lalaki sa kanyang narinig at parang gusto nitong tumakbo palayo sa amin pero hindi niya magawa dahil hinahawakan ng Cobb ang ulo nito. Binuka ng bata ang kanyang bibig para magsalita pero pinipigilan siya ng kanyang kaba.
“Magsasalita ka ba o hindi?” Nagsisimula ng tumataas ang boses ni Cobb.
“Ituturo ko sa inyo basta huwag niyo lang akong saktan,” nanginginig na sabi ng bata.
Sa pagkakataong iyon ay binitawan na ni Cobb ang ulo niya pero sa hindi magandang paraan. Inuntog niya ang ulo nito sa lupa at napadaing naman sa sakit ang inosenteng bata.
“Cobb, Ano ka ba!” sigaw ko sa kanya.
“Why, buddy?” Biglang nag-amo ang mukha ni Cobb.
“Buddy?” Kunot-noong tanong ko sa kanya.
Ngumiti ito ng napakalapad bago niya sinagot ang aking tanong, “You’re my buddy now.”
Hindi ko na siya pinansin at tinuon ko ang aking sarili sa bata at tinanong ko siya kung ano ang kanyang pangalan. Sinabi niya na ang kanyang pangalan ay Reynard. Matagal na raw siyang nakatira sa bakanteng loteng ito at wala na siyang ibang pamilya. Bago niya pinagpatuloy ang kanyang pagkukuwento ay sinamahan niya kaming pumunta sa labasan.
Nabanggit din niya na mayroon din siyang nakilalang mga tao bago kami. Base raw sa aming tindig ay kagaya namin ang mga taong iyon. Ang magkaiba lang daw ay hinahanap nila ang babaeng nawala. Hindi ko na siya tinanong kung ano ang pangalan ng babae. Nagkaroon ako ng awa sa kanya dahil bukod sa gula-gulanit na ang suot nitong damit ay mukhang hindi pa siya nakakain ng ilang linggo.
“Paano naman natin siya pakakainin kung maging tayo man ay walang perang pambili?” mataray na tanong ni Christine nang nakalabas na kami mula sa eskinitang pinasukan namin kanina.
Nasaksihan namin ang dahan-dahang paglitaw ng sikat ng araw mula sa dalawang building na nasa harap naming apat. Hindi na namin namalayan na naabutan na kami ng umaga sa kakatakbo mula sa CRYPTIC. Nagpatong-patong ang mga problemang dumating sa akin ngayon. Ang una ay ang pagkamatay ni Mang Howard, pangalawa ay ang pagtuklas ng tunay na pagkatao ni Christine, pang-apat ay ang CRYPTIC, at ang panghuli ay kung paano kami ngayon makakakain.
“So what’s our plan, buddy?” nakangiting sabi ni Cobb at tinapik niya ang aking balikat.
“Make our stomach full,” tipid kong sagot sa kanya at pinakita sa kanila ang card na nakapa ko kanina sa aking bulsa.
***
“THIS IS THE reason why you called me?” tanong ni Henry habang nakatingin ito sa akin na parang kakainin niya ako ng buhay.
Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong lugar na aming pinagkakainan ngayon. Napilitan yata siyang bilhan kami ng pagkain dahil ang buong akala niya ay makikipagtulungan ako sa kanya. Hindi pa rin naaalis sa kanyang mukha ang inis na ginawa ko. Tinawagan ko kase siya pero hindi ko naman sinabi na kailangan namin ng pera para makakain. Kasalanan na niya yun kung napasubo siyang bumili.
“Let’s make our deal,” deritsahang sabi nito sa akin. Ako lang ang napatigil sa aking kinakain nang masabi niya iyon. Ang iba ay parang hindi manlang narinig ang kanyang sinabi, “After this, you will go with me.”
“W-Wait,” I stammered, “How old are you by the way?”
“Fifteen.”
“Parang hindi ka naman labing-lima kung magsalita. Mukhang mas matanda ka pa sa akin tignan.”
“You can’t blame me if I look like this. CRYPTIC broke me.”
Doon ko lang siya naintindihan kung bakit parang seryoso siya sa kanyang sinasabi at hindi nakikipagbiruan. Masyado siyang madilim tignan at walang oras magsaya. Hindi ko nga siya masisisi kung nagbago ang paningin niya sa mundo dahil maging ako man ay naranasan ang kasamaan ng CRYPTIC. Nang marinig kong patay na si Erso Hallick ay iyon na ang panahon na maging masaya pero nagbago iyon nang mangyari ang pagkamatay ni Mang Howard.
“Natatandaan kita, eh,” sabi ko sa kanya at kinumpas ko pa ang aking daliri sa kanya, “Diba ikaw yung kasama ko nang pinakilala kita ni Cruxian sa buong immunes?”
“You’re not wrong,” malamig na namang sagot nito sa akin, “Hindi na ko na pahahabain pa ang usapan. I already recruited five immunes. I need to find the remaining immunes to build a strong ally against CRYPTIC. That’s why I’m here,” sabi nito at napatingin siya sa labas ng bintana ng restaurant na aming pinagkakainan.
“It’s everything alright?” tanong ko sa kanya at sinundan ko ng tingin ang kanyang tinitigan sa labas. Nang makita ko ang kanyang nagpabago sa kanyang paningin ay bigla akong kinabahan. Nakita ko ang metal knight truck na nagsilbing transportasyon namin papunta sa E.H. Laboratory.
“Let’s make a deal. Ngayong nabilhan ko na kayo ng pagkain ay sumama ka sa akin ngayon. Tatanggalin natin ang tracker tattoo mo sa iyong pulso at magiging parte ng HEADQUARTERS.”
Nag-aalangan akong tumingin sa kanya dahil ang totoo ay ayokong masangkot sa ano mang bagay na mayroong koneksyon sa CRYPTIC. Pero naisip ko rin na hindi pa rin ba ako nadadamay sa mga ginagawa ng CRYPTIC? Ang una ay ang pagpaslang nila sa aking mga magulang. Pangalawa ay ang pagsira nila sa aking katawan at ang panghuli ay hanggang ngayon hinahabol pa rin ako ng CRYPTIC.
“Alam mo bang hinahanap din ng CRYPTIC ang ibang mga immunes. Kagaya ng ginagawa mo?”
“Kaya nga kailangan kita para matulungan akong mahanap ang iba,” sagot nito sa akin at hindi siya mapakali sa kanyang inuupan. Hindi siya mapalagay dahil nakita niya ang pagbaba ng mga CRYPTIC sa kanilang sinasakyang Metal Knight Truck.
Walang halos taong naglalakad sa labas at iyon ang pagkakataon ng CRYPTIC na umatake. Hindi ko sila kayang linlangin sa aking lokasyon dahil hanggang ngayon ay nasasakin parin ang tracker tattoo. Mukhang mapipilitan akong sumang-ayon sa kanyang inaalok.
“I’m waiting for your answer. Kung tatanggapin mo ang alok ko ay tutulungan ko kayong makatakas mula sa mga CRYPTIC,” sabi niya at tinuro ang mga CRYPTIC sa labas, “Kung tatanggihan mo ang alok ko ay hahayaan ko kayong habulin ng grupo.”
Talagang lahat nalang sa kanya ay mayroong kondisyon? Kakaiba talaga ang lalaking ito. Talagang madali siyang maka-isip ng kondisyon para lang pumayag ako sa kanyang gusto.
“I d-don’t know,” matapos ko iyong masabi sa kanya ay biglang pinagbabaril kami ng CRYPTIC mula sa labas ng restaurant at napayuko ang lahat sa sobrang pagkagulat.
Nagtago sina Christine, Reynard, at Cobb sa ilalim ng mesa at naudlot ang kanilang pagkain dahil sa ginawa ng aming kalaban. Nabasag lahat ng salamin sa loob at may iilang mga sibilyang sugatan at ang iba ay binawian na ng buhay. Wala talagang pakialam ang CRYPTIC kapag mayroong buhay ang mawawala. Ang mahalaga sa kanila ay ang makuha ang gusto nila.
Pinatong ni Henry ang mga magkakahiwalay na parte ng isang baril at sa loob ng isang minuto ay nagawa niyang pagkabit-kabitin ang mga parte ng isang baril. Napatulala ako sa kanyang ginawa. Hindi ko lubos maisip na isang binatang mas bata sa akin ay mayroong tindig na hindi ko kayang gayahin.
Tumalon siya palabas ng restaurant gamit ang sirang bintana at nasaksihan ko kung paano siya makipaglaban sa mga CRYPTIC. Nasa lima ang bilang ng kalaban pero walang nagawa ang CRYPTIC sa bilis at lakas na taglay ni Henry. Bihasa ito kung makipagsabayan sa pakikipaglaban sa CRYPTIC. Hindi pa nga nakakagawa ng pag-atake ang kalaban nang mapagtanto nilang nabaril na sila ni Henry sa mukha.
Bawat tunog ng pagputok ng baril ay siya namang pagsigaw ng lahat sa takot. Kahit abala siya sa pakikipaglaban ay abala naman ang mga tao sa loob ng restaurant sa panonood sa kanya. Isang lalaking CRYPTIC nalang ang natitira niyang kalaban nang mayroong isang lalaki sa kanyang likod ang mayroong hawak na hand grenade. Akmang hahagisan niya ng hand grenade si Henry nang mabilis kong tinulak palayo si Henry. Sumabog sa aking likuran ang hand grenade at sa lakas ng pagsabog ay tumilapon ako sa malayo. Dahil sa tibay ng alligator skin na nasa akin likod ay wala akong natamong galos o sugat.
Pinilit kong bumangon sa gitna ng kalsada at nagkalat ang iilang apoy sa palagid. Ilang minuto lang ay paniguradong papunta na dito ang mga golden troops. Isang kamay ang biglang nagpakita sa akin at tumingala ako kung kaninong kamay iyon. Tinatabunan niya ang sikat ng araw kaya hindi ko siya mamukhaan.
“I owe you that one.” Boses iyon ni Henry. Napangiti naman ako sa kanyang sinabi at agad na tinanggap ang kanyang kamay para tulungan akong bumangon.
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top