CHAPTER SEVEN

“Deal”


Nakita ng buong tao na nasa loob ng restaurant ang buong pangyayari. Lahat sila ay hindi pa rin maalis sa kanilang mga isipan ang biglang pagsulpot ng CRYPTIC at ang pakikipaglaban ni Henry sa kalaban. Kung iisipin ng maigi ay ang mga galaw ni Henry ay hindi galing sa E.H. Lab. kundi galing sa kanyang sinasabing HEADQUARTERS.

Mabilis kaming tumakbo palayo sa restaurant na aming pinagkainan kanina dahil dumating na ang mga golden troops. Ayaw naman naming makulong sa nangyari kanina. Bahala na sila sa mga bangkay ng CRYPTIC. Dapat nga ay sila mismo ang gumagawa ng paraan na hanapin ang grupo para naman magkaroon ng kapayapaan ang buong Central City.

Huminto kami sa pagtakbo sa isang kalye na walang halos taong dumadaan. Wala rin na mga sasakyang dumadaan sa paligid at maraming mga puno ang nakatanim dito. Sinundan namin si Henry papasok sa isang maliit na bahay sa gilid ng kalsada. Natatabunan iyon ng malaking puno kaya hindi mapapansin na mayroong maliit na bahay ang nakatayo sa parte ng kalyeng iyon.

Paniguradong bahay iyon ni Henry dahil mayroon siyang susi para magawang buksan ang pinto ng bahay. Pinapasok niya kami sa loob at agad na naghanap ng maiinom sa kaniyang kusina.

“This is my house. This house reminds me of my brother,” sabi nito nang makaupo kami sa malambot na sofa na nakatayo malapit sa bintana ng bahay.

Napansin ng aking mga mata ang isang maliit na piano at parang napaglumaan na iyon dahil sa kapal ng alikabok. Agad niya kaming inalok ng tsaa at dahil hindi naman ako mahilig uminom ng tsaa ay hindi ko iyon ginalaw.

“Can I ask?” tanong ni Cobb na nakangiti sa harap ni Henry, “Why you said that this house reminds you of your brother? Did he die?”

Lumaki ang aking mga mata sa gulat dahil sa kanyang sinabi. Wala talagang preno ang bibig ng lalaking ito. He’s just like robot that tends to speak whatever comes to its circuit. He can say everything he want without thinking.

“It’s okay,” sabi ni Henry habang pilit na tumawa. Napansin yata niya na sumenyas ako kay Cobb na itigil ang kanyang sinasabi, “He was killed by Erso Hallick.”

“I-I’m sorry,” pabulong na sagot naming pareho ni Cobb.

Hindi na ako nasurpresa sa kanyang sinabi dahil lahat naman ng naging parte ng E.H. Laboratory ay nawalan ng mahal sa buhay. Pinagpatuloy niya ang kanyang pagkukuwento at sabi niya ay noong pinasok ng HEADQUARTERS ang Lab ay naging halimaw si Erso. Ang HEADQUARTERS at ang kanyang kapatid ang lumaban sa halimaw na si Erso pero sa kasamaang palad ay napaslang ang kanyang kapatid. Kaya raw naghahanap ng ibang immunes si Henry ay para bumuo ng grupo para kalabanin at hanapin ang kinaroroonan ng CRYPTIC. Ako palang daw ang nahahanap niyang isa sa mga napabilang sa PROJECT FIVE.

Ang isang agent nila ay mayroong natuklasan tungkol sa gagawing kasamaan ng CRYPTIC. Ang agent na iyon patuloy na nagbibigay ng impormasyon sa HEADQUARTERS kaya nagkaroon ng misyon si Henry na hanapin ang ibang immunes.

“Fifty went missing after the rescue operation of HEADQUARTERS. The other half become part of our group,” pagpapatuloy ni Henry sa kanyang sinasabi, “If you join us, we can strengthen our forces to stop the evil plan of CRYPTIC.”

“Nang malaman ko na patay na si Erso ay iyon na ang panahon para putulin ang koneksyon ko sa CRYPTIC pero nang masaksihan ko ang ginawa nilang pag-atake sa apartment na tinitirahan ko ay napagdesisyunan ko na sumali sa inyo,” sabi ko sa kanya at nakita ko ang kanyang mukha na nasisiyahan sa kanyang narinig, “Pero…” nang masabi ko iyon ay biglang sumeryoso ang mukha niya.

“Pero?”

“Mayroon pa kaming problema.”

He didn’t digest well all the words I said to him because he was left in confuse. He looked us one by one and waiting for further explanation.

“Can you please untie me?” pagrereklamo ni Christine at hindi ko siya pinansin.

“This girl is Christine. The rightful heir of Dragomiroff Family. I need to find her uncle to make vengeance. Si Christine lang ang nakakaalam kung nasaan ang kampo ng Tykes Syndicate,” pagpapaliwanag ko kay Henry, “Ayaw niyang ipaghiganti si Mang Howard na nag-aruga sa kanya dahil natatakot siya sa kanyang tiyo.”

“So what’s the problem?”

“I need to find her uncle and make my vengeance. Bringing this girl to Dragomiroff Family for the accomplishment of Cobb’s mission and reclaiming the place of this girl from her uncle. Before I join your team, I need to fix this, and I hope you will help us to find this group.”

He stared at me in a longer time and slowly cleared his throat. I was waiting for his response, and as he stood up, he started to talk.

“Give me a reason why I should help you with your own problem? My offer is simple. Accept it or decline it.”

Napalunok naman ako ng laway sa kanyang sinabi. Hindi talaga siya puwedeng pakiusapan at kung ano lang ang gusto niya ay iyon lang ang masusunod. Hindi ko talaga lubos maisip na mas bata pa ang edad niya kaysa sa akin.

“I saved your life.”

Napatigil siya sa kanyang paglalakad papunta sa kanyang kusina at dahan-dahang lumingon sa aming inuupan. Ngumiti ito ng pahapyaw at muling bumalik sa kanyang inuupan at sinimulang magsalita.

“Okay. You got me there,” nakangiting sabi nito sa akin at kahit sa kanyang pag-upo ay nakakasindak ang kanyang awra, “How can I help you? Malaking sindikato ang kinakalaban ninyo. Tykes Syndicate is the second biggest syndicate here in Central City behind CRYPTIC. Dapat alam ninyo ang ginagawa ninyo.”

“Sinabi ko na nga sa iyo. Tulungan mo kaming hanapin ang grupo. Gamitin mo ang iyong abilidad para makita ang kanyang tiyo,” sagot ko sa kanya, “Alam namin ang ginagawa namin kaya nga humihingi ako ng tulong sa iyo.”

Huminga ito ng malalim matapos niyang matanggap ang aking sinabi.

“Oh, How I ended up here,” bulong niya sa kanyang sarili, “Do you have some pictures of him?”

Nagkatinginan kaming tatlo sa kanyang sinabi at pareho kaming lahat na naguguluhan. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa ng litrato.

“By the way, who is this kid?” tanong niya sa aming tatlo at tinuro ang batang nakilala namin sa bakanteng lote. Abala si Reynard sa kanyang pag-inom ng kanyang tsaa at hindi manlang niya alam ang nangyayari.

“That’s Reynard. We just met him earlier,” sagot naman ni Cobb, “Bakit naman kailangan mo ng litrato? Anong kaya mong mahanap ang tiyo ni Christine. Mayroon ka bang high-tech na tracker device?” naguguluhang sabi ni Cobb at sa bawat pagbigkas niya ng kanyang mga salita at dumadagdag ito ng pagkumpas ng kanyang mga kamay.

Agad namang pinaliwanag ni Henry ang tungkol sa nangyari sa amin sa E.H. Laboratory. Kaya niya raw makita ang mga tao kapag mayroong sapat na white noise mula sa radio o television. Pero kailangan niya ng litrato para mahanap niya ng maayos ang taong kanyang hinahanap. Parang naglalakabay siya sa ibang demensyon para mahanap ang taong gusto niyang mahanap at kaya niya lang daw magawa ang pambihirang kakayahang iyon sa loob ng tatlumpung minuto. Kinilala siya bilang The Human Device dahil bukod sa paghahanap ng spesipikong tao ay mayroon din siyang thermal vision, night vision, compass system, 360 vision, at long-range vision.

“P-Pero wala kaming litrato,” sabi ni Cobb sa kanya.

“No picture, no action. Alangan namang huhulaan ko ang mukha ng kanyang tiyo?” pagsasarkastikong sabi ni Henry pero hindi tunog sarkastiko iyon dahil sa seryoso niyang mukha, “Sorry, Austin. Mukhang nagpapahiwatig lang na hindi ko magagawa ang pinapagawa mo.”

“B-But—" pinutol ko ang aking sinabi. Hindi ko alam ang susunod kong sasabihin dahil malinaw na malinaw na hindi na namin kayang bigyang hustisya ang pagkamatay ni Mang Howard.

“Bakit naman kailangan mong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng taong nag-alaga kay Christine? Huwag mong sabihin na ikaw mismo ang bibigay hustisya? Surrender it to Golden Troops.”

Tinignan ko siya ng matalim at hindi manlang ito natinag sa aking ginawa.

“No. There’s no justice here in Central City,” sagot ko sa kanya.



Thank you for reading :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top