CHAPTER FIVE

"Mercenary"


Matapos kong maipaliwanag kay Cobb ang nangyari ay medyo hindi ito naniwala noong una. Tumawa pa ito at nang mapagtanto niyang hindi ako nakikipagbiruan sa kanya ay nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Napalitan bigla ang mukha niyang tumatawa ng mukhang pagkahiya dahil siya lamang ang natawa sa sinabi ko.

"Sa sinasabi mo ay talagang wala na si Mang Howard?" kunot-noong tanong nito sa akin at sinagot ko naman siya. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na kumuha ng isang pamalo at bigla nalang akong hinampas.

"What the hell, dude. Ouch."

"You killed Howard. How can I sure that you didn't kill him?!"

Mabilis kong inagaw sa kanya ang kanyang pamalo at agad na pinakalma. Nagsisimula na rin akong mag-isip na tama ba ang naging desisyon kong humingi ng tulong sa lalaking ito. Bukod sa pagiging nakakairita ang kanyang mga ngiti at tawa ay parang isip-bata pa.

"Hindi nga ako ang pumatay!" bulyaw ko sa kanya at mabilis naman siyang umupo sa kanyang kama, "Kung ayaw mo na maniwala ay ituro mo sa akin ang monitor ng surveillance cameras."

Tumango ito sa aking sinabi at parang batang binuksan ang pinto ng kanyang kuwarto. Nanginginig pa itong tumingin sa akin dahil sa kanyang iniisip na ako raw ang pumatay kay Mang Howard. Dahil nasa alas-dose na ng gabi ay wala ng mga taong naglalakad sa pasilyo. Marahan kaming humakbang sa sahig dahil kaunting tunog lang ay umalingawngaw ito sa buong tahimik na apartment. Hindi na kase ganoong katibay ang mga materyales ng apartment kaya kailangan ng palitan ang mga sahig nito ng bago. Kaunting galaw lang ay naririnig ko na ang paglangitngit ng mga kahoy sa sahig.

"We're here," mahinang sabi ni Cobb nang nasa tapat kami ng isang pinto, "kapag napatunayan ko na ikaw ang pumatay kay Mang Howard ay isusumbong kita sa-" putol nitong sabi nang may narinig kaming tunog sa labas ng apartment. Tunog iyon ng sasakyan ng patrol golden troops, "Isusumbong kita sa Golden Troops!"

Naramdaman ko ang tensyon sa kanyang mga binigkas na salita. Seryoso itong tutuparin niya ang kanyang sinabi kapag napatunayan niya ang binibintang sa akin. Hindi ko na siya inintindi at pinihit ko na ang door knob ng pinto. Naramdaman ko na hindi ito umiikot at inaasahan ko na sarado nga ang pinto.

"Locked," sabi ni Cobb.

"Not for long," sagot ko naman at malakas kong hinila palabas ang door knob. Nakatulalang tinignan ni Cobb ang pinto habang binubuksan ko iyon.

Kung minsan nagpapasalamat ako sa E.H. Laboratory dahil sa binigay nilang abilidad sa akin. Nagagamit ko ito kapag kinakailangan.

"H-How-" putol na sabi ni Cobb nang hinila ko na siya papasok sa silid.

Hinanap ko sa loob ang switch ng ilaw at hindi naman ako nahirapang hanapin iyon. Nang sinakop na ng liwanag ang buong silid ay nakita ko sa kaliwang bahagi ang mga monitor na hindi umaandar. Pinilit kong huwag sumabog sa galit pero dahil sa patuloy na pagsasalita ni Cobb ay aksidente ko siyang sinuntok. Nagulat naman ito sa ginawa ko at nagtanong kung ano ba ang problema.

"That monitor isn't working. Props lang ba ang mga surveillance cameras na iyon!!!" sabi ko sa kanya na nasa mataas na tono.

"Hindi naman yata gumagana ang lahat ng surveillance cameras dahil nagtitipid ng kuryente ang land lord."

Hindi ko na siya pinansin at agad na naglakad palabas ng silid at dumeritso sa kuwarto ni Mang Howard. Nakabuntot sa akin si Cobb papasok ng silid at muntik na siyang matumba nang makita niya ang katawan ni Mang Howard na wala ng buhay sa sahig. Una kong hinanap si Christine pero wala siya sa lugar kung saan ko siya huling iniwan. Ilang sandali ko siyang hinanap at agad siyang lumitaw galing sa kanilang banyo. Mayroon siyang hawak na kutsilyo at mabusisi niya itong tinitignan.

"Paano ka nakawala?" tanong ko sa kanya pero parang tuliro itong pinagmamasdan ang kutsilyo, "Saan mo iyan nahanap? Iyon ang kutsilyong ginamit ng lalaking pumaslang kay Mang Howard.

"It's dagger. I know this symbol," mahinang sabi ni Christine, "I knew it. I knew this day would come," natatakot niyang sabi sa kanyang sarili habang pinapanood ko siya. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Hindi ko rin alam ang pinagsasabi niya.

Pinakita niya sa akin ang dagger na sinasabi niya at tinuro nito ang simbolo na nakaukit sa hawakan ng dagger. Tinignan ko ng mabuti ang simbolo at isa iyong ibon na raven at nakatayo ito sa isang letrang D.

"What does it mean?" tanong ko sa kanya.

Akmang magsasalita siya nang bigla lumitaw sa aking likuran si Cobb. Agad na tinago ni Christine ang dagger sa kanyang likod at napahinto naman sa paggalaw si Cobb nang makita niya kaming dalawa. Tinignan ng mabuti ni Cobb si Christine at kapag nagtatama ang kanilang mga paningin ay si Christine mismo ang umiiwas ng tingin.

"Y-you..." mahinang sambit ni Cobb habang tinuturo ang mukha ni Christine, "You are the lost Heiress of Tykes Family."

"Kilala mo ba siya?" naguguluhang tanong ko kay Cobb.

"Hindi ako makapaniwalang matatagpuan kita rito."

Inaasahan kong sasagot si Christine sa sinabi ni Cobb pero hindi. Tinutok ni Christine ang hawak niyang dagger sa mukha ni Cobb. Nanginginig naman sa takot si Cobb na pinalayo ang dagger sa kanyang harapan.

"E-Easy," kinakabahang sabi ni Cobb at ngumiti pa ito na hindi tugma sa kanyang nararamdaman.

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Christine, "Isa pang pagsisinungaling at mawawalan ka ng dila."

Hindi na ako tumahimik pa at sumali na ako sa kanilang usapan. Pumunta ako sa kanilang gitna at binaba ang hawak na dagger ni Christine. Pinakalma ko muna si Cobb bago ko sila kinausap. Maging ako ay hindi alam ang nangyayari. Kung magpapatuloy ang ganito ay masisiraan ako ng ulo.

"Christine, ano ang pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya.

"Totoo ang sinabi ng kasama mo. Hindi ikaw ang pumatay kay Mang Howard kundi ang aking tiyo. Nang pinaslang ng aking tiyo ang aking ama ay himalang naitakas ako ni Mang Howard at tinago rito..." pagsisimula ni Christine sa kanyang pagsagot sa akin.

"Huh? Ano naman ang kinalaman ng dagger na iyan?" tanong ko sa kanya.

Lumunok ito ng kanyang laway at dahan-dahang humarap sa salamin na nasa kanyang gilid. Inayos niya ang kanyang mahabang buhok habang tinataas ng marahan ang dagger. Mabilis niyang pinutol ang kanyang buhok gamit ang dagger na nasa kanyang kamay at napasinghap kaming dalawa ni Cobb sa kanyang ginawa.

"Ang dagger na ito ang ginagamit ng mga tauhan ng aking tiyo," pagpapatuloy ni Christine sa kanyang pagkukuwento.

"The Tykes Syndicate killed her father," biglang pagsingit ni Cobb sa gitna ng pagkukuwento ni Christine. Agad ko naman siyang tinignan at hindi ko alam kung sino ang una kong pakikinggan, "She is the rightful heir to the family but when her dad killed by his uncle, he is now the leader of Tykes Syndicate, She was successfully saved by Howard. The personal guard of the family."

"Teka lang ha," pagpapatigil ko kay Cobb. Hinilamos ko ang aking mukha gamit ang aking palad, "Paano mo naman nalaman ang mga bagay na ito?"

Hindi muna niya sinagot ang aking tanong at naglakad papunta sa bangkay ni Mang Howard. Sumunod naman kaming dalawa ni Christine sa kanya. Pinagmamasdan niya ang mukha ng bangkay at sabay pinagpatuloy ang kanyang sinasabi.

"I am a mercenary. I was paid to find this heiress and protect her from his uncle."

"M-Mercenary, what???"

"Liar!" sigaw ni Christine at muling tinutok ang dagger sa pagmumukha ni Cobb, "I can sense that you are lying!"

"I'm not lying!" ganti naman ni Cobb sa kanya.

"Then who paid you?"

"We are prohibited to ask who paid us. Tumatanggap lang kami ng misyon. Wala ng tanong pa," sagot ni Cobb.

Akmang aatakihin ni Christine si Cobb gamit ang hawak nitong dagger nang mabilis ko siyang pinigilan. Dahil sa pambihirang lakas na mayroon ako ay hindi siya nakawala sa aking bisig.

"Paano ko maiiintindihan ang mga pinagsasabi niyo kung pareho kayong nag-aaway at nagsasalita. Kung ang tiyo mo ang nagpadala ng kaniyang galamay upang patayin si Mang Howard ay labas na ako sa usapang ito," sabi ko at mabilis siyang pinakawalan.

Nang naglakad ako papunta sa pinto palabas ng kanilang kuwarto ay narinig naming tatlo ang isang kakaibang tunog na palapit sa aming apartment. Doon ako nagkaroon ng kakaibang kutob na mayroong paparating na hindi ko magugustuhan. Palakas ng palakas ang tunog at kinakabahan na ako. Tinawag ko ang dalawa papunta sa akin pero ilang hakbang palang ang ginagawa nila ay mayroong malakas na pagsabog na nangyari sa buong apartment.

Niyakap ko ang dalawa at ako ang nagsilbing tagapagsanggalang sa mga bagay na nahuhulog mula sa itaas. Yumanig ang paligid at hindi ito magtatagal at guguho ang buong lugar. Kinabahan ang dalawa sa nangyari at mabilis ko silang pinagsabihin na umalis ng apartment.

Narinig ko ang mga taong nagsinlabasan sa kanilang mga silid at isa na namang kakaibang tunog ang paparating sa apartment at bago iyon tumama sa amin ay tinulak ko ang dalawa palabas ng apartment gamit ang bintana. Ako pa rin ang nagsilbi nilang tagapagsanggalang nang mahulog kami sa lupa. Matapos kaming nagpagulong-gulong sa lupa ay nasaksihan namin ang malaking apoy na lumalamon sa buong apartment.

Nakita ko ang isang hovercraft ng CRYPTIC na umiikot sa apartment. Nagpalabas ulit ito ng missile at dahil doon ay gumuho na nga ang buong lugar. Kasama sa pagguho ang bangkay ni Mang Howard at ang mga taong nakatira sa apartment.

Napasigaw kaming tatlo sa kasamaang ginawa ng CRYPTIC. Nadamay ang mga taong iyon dahil sa akin. Wala na nga yatang nga kaluluwa ang mga miyembro ng CRYPTIC at kahit ang mga inosenteng tao ay mawawalan ng buhay. Lumikha ng malakas na pagsabog ang ginawa ng CRYPTIC na nagpukaw sa atensyon ng mga patrol golden troops. Huminto sila sa gumuhong apartment at pinagbabaril ang sasakyan ng CRYPTIC.

Kahit ang mga golden troops ay walang laban sa puwersa ng CRYPTIC dahil pinaulanan sila ng bala mula sa kanilang hovercraft.

Hindi ko na tinapos ang mga sumunod na nangyari at hinablot ko ang dalawa palayo sa apartment. Nakita ko ang pag-iyak ni Christine dahil sa nangyari. Si Cobb naman ay hindi lubos matanggap ang nangyari. Mukhang nagbago na ang sitwasyon ngayon. Ako na dating naguguluhan sa kanilang sinasabi ay sila naman ngayon ang naguguluhan sa nangyayari.

"S-Sino ang mga iyon?" nanginginig na tanong ni Christine, "Mga CRYPTIC ba iyon?"

"Ipapaliwanag ko sa inyo kapag nakalayo na tayo rito."



Thank you for reading :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top