Dilim
Kay dilim ng kalangitan. Kay bagsik nang agarang pagkidlat. Si Verra ay nasa pinakadulo malapit sa bangin. Habang patuloy ang pagragasa ng ulan at kay bigat ng hanging dumaraan sa kanya, ay labis ang kanyang pagtangis. Pagtangis sa mga bagay na hindi niya matanggap na nangyari. Nakapikit lamang siya ngayon at nakaamba nang magpatihulog sa bangin.
Sa pagkahulog niya ay saktong pagkaalpas niya mula sa isang malagim na bangungot. Sa paghabol niya sa kanyang hininga, agad siyang napabangon at uminom ng tubig. Balisa man ay patuloy niyang pinapakalma ang kanyang sarili. Hinahangad niyang sana ay hindi na muli ito mangyari.
[WOTD: alpas (v.) to become free and/or to break loose]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top