Chapter One
Chapter One
An empty stage with a single mic stand in the middle, a loud cheering from the crowd. Paulit ulit kong naririnig ang pangalan na sinasabi nila.
"Annalise! Annalise! Annalise!"
I can feel the heat and the anticipation. Sa bawat segundong dumadaan, mas lalong na-e-excite ang mga tao sa pag labas ng singer na hinahangaan nila.
At heto ako ngayon...malapit nang malagasan ng buhok dahil sa singer na 'yun.
"Madam anong gagawin natin?" tanong ng production assistant ko na si MJ. He's a flamboyant gay. Ganda ng kutis nito. Maputi at makinis. Tapos ang make up on point na on point. Naka cats eye pa na eyeliner. Fresh na fresh ang itsura niya, pero ramdam ko na nangangarag na rin siya. "Ayaw talaga isuot ni Annalise yung tshirt. One hour delayed na yung show. Mga tao nagagalit na!"
Napahinga ako nang malalim as I try to calm myself down. Sinusubukan kong habaan ang pasensya ko dahil alam kong pag nainis ako, baka mapaaway lang ako at mas lalong hindi matuloy ang show.
"T-shirt lang naman 'yun, ba't ayaw niya ba isuot?" I asked with controlled emotions.
"Nag iinarte si bakla," sagot naman ni MJ.
"Kung makapag inarte siya kala mo naman live kumanta," bulong ko.
MJ hushed me, "madam marinig ka ng mga fans! Naku bash ka niyan online!"
Tumayo ako sa kinauupuan ko, "okay kakausapin ko na siya!" irita kong sabi.
"Oh my god," napatakip ng bibig si MJ. "Susugurin mo?"
"Hindi pwedeng attitude dito! Isang oras na niya pinag iintay ang mga fans dahil sa ka artehan niya? Aba be professional naman!"
Naglakad ako papunta sa dressing room niya habang naka sunod naman si MJ sa likod ko. Kabado sa kung ano ang gagawin ko.
Walang katok katok, binuksan ko ang dressing room ni Annalise at nakita kong nakahiga pa siya doon sa folding bed niya na nakahiga at pa-nood nood langs a iPAD.
"You know this Musikero? I like his way of singing," dinig kong sabi niya doon sa assistant niya habang tinuturo yung kung ano man ang pinapanood niya.
My blood boils.
This girl has no respect on other people's time just because sikat na sikat na siya. Minsan ang sarap videohan ng attitude niya at i-post online. Although alam ko na kahit gawin ko 'yon, meron at meron pa ring fans ang magtatanggol sa kaniya at baka mamaya eh ako pa ang mabaliktad.
Huminga ulit ako nang malalim at nag bilang ng one to ten. Kailangan kalmado ako bago ko siya lapitan or else baka bigla akong mapagamit ng dahas.
Happy thoughts, okay? Happy thoughts.
I forced a smile at nilapitan ko si Annalise.
"Annalise," tawag ko sa kanya with the sweetest tone possible at tinapik ko ang balikat niya.
Irita niyang ibinaling ang tingin niya sa akin na para bang naistorbo ko siya sa panonood. Magkasalubong pa ang mga kilay.
"Who are you?" tanong nito.
Muli akong napahinga nang malalim. Nakakaloka ang babaeng 'to. Mga sampung beses na ata ako nagpakilala sa kaniya. Mula sa planning ng albums niya at mga shows, magkasama na kami. Tapos hindi pa rin niya ako kilala? Samantalang ako ang nag aasikaso ng promotion ng album niya?
"I'm Lavender Laxamana, yung promo producer ng album mo?" nakangiti kong sabi kahit na gusto ko na talaga siyang sakalin. "Uh, sabi nung mga PA ayaw mo raw suotin yung t-shirt na bigay ng fans?" sabi ko habang hawak hawak ko yung t-shirt.
Napabangon si Annalise at mas lalong kumunot ang noo niya, "it's so chaka! Like the material is so cheap and the design is so baduy. Are you seriously expecting me to wear that trash while performing?"
"Pero 'di ba you already agreed? Napagusapan na natin 'to last meeting? Isasama kasi natin 'to sa promo mo. Alam mo na, if they saw you wearing the shirt that they made, mas maganda sa image mo kasi matutuwa ang mga fans."
Napairap siya sa akin. "Do I really need to do that? Suotin ko man yan or hindi, they will still gonna support me, duh?"
"Pero nag e-expect sila," sabi ko. "Can't you do it for them? Paano kung magtampo sila sa'yo?"
"I'll let you guys handle that," she said with a shrug at bumalik siya ulit sa pag tulog.
Gusto ko manabunot.
Pag nagalit ang mga fans, I'm pretty sure she's going to put the blame on us. Sasabihin niya na desisyon namin kung bakit 'di niya sinuot. Kasi oo nga naman, better na kami ang maaway kesa siya.
And I hate it. I really hate it.
"Annalise please, i-suot mo na. They prepared this for you. Para makapag start na tayo at makauwi ka na."
Bumangon ulit siya at asar na lumingon sa akin.
"Okay fine, isusuot ko 'yan, basta magawa mong hindi cheap looking ang shirt na 'yan."
Napahinga ako nang malalim at tumingin ako doon sa sa stylist ni Annalise.
"May gunting kayo?"
~*~
"Annalise! Annalise! Annalise!" hiyawan ng mga tao habang kumakanta si Annalise sa entablado.
It's a bright pop song mix with moombahton. Very summer-y ang feel. Nagawan pa ng magandang choreo kaya no wonder grabe sumikat ang kanta na 'to.
Magaling naman talaga si Annalise mag perform. Hindi man niya kaya ang live vocals, nadadaan naman niya sa dance and stage presence. The way she connects sa audience niya, ibang klase rin.
"Infairness, bumagay kay bakla ang sira sirang damit ha?" bulong sa akin ni MJ.
I chuckled.
Ginawa ko, ginupit ko yung shirt na isusuot ni Annalise. Ginawa kong crop top, na sleeveless na medyo may punit punit. Natuwa naman siya, ayun sinuot niya.
Thank you talaga sa nanay ko na dating mananahi, natuto akong gumawa ng ganyan.
But yeah, iba ang stress level na ibinigay ng artist na 'to sa akin. Most of the time, gusto ko nang manabunot pero lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko na dapat maging mabuti akong tao.
Natapos ang kanta ni Annalise. Hihingal hingal siya habang nakangiti sa mga fans then she picked up the water bottle in front of her at uminom ng tubig. Mas lumakas ang hiyawan ng mga tao.
"Guys, thank you so much for coming to this show," masigla niyang sabi. "And thank you so much for giving me this shirt. I can see that most of you are wearing one. I hope you did not mind that I made some alteration."
Nagtilian ang mga fans at kanya kanyang version siya sa pag sigaw ng 'okay lang!' 'ang ganda mo!' 'bagay sa'yo!'
Annalise giggled. "Actually na touch talaga ako nung nakita ko yung shirt. Pati na rin yung buko pie na binigay niyo. Grabe naramdaman ko talaga yung love."
"Echosera," bulong ni MJ sa akin and I snorted.
Celebrity nga siya.
"Anyway let's take a selfie!" sabi ni Annalise at inilabas niya ang selfie stick niya.
Maayos naman natapos ang show. Annalise sang three songs then she promoted her newest album na lalabas next week. Pero dahil nga late kaming nag start, late din natapos ang show.
At dahil late natapos ang show, late din kaming makakarating sa promo shoot ni Annalise.
"MJ iwan ko na kayo rito," sabi ko kay MJ. "Ikaw na bahala mag asikaso ng pack-up ha? Tatawid na kami doon sa shoot. Nag message na si direk, kanina pa sila naka set up doon."
"Kopya Ms. Lav," sabi nito sa akin. "Hatakin mo na ang alaga mo at baka kung saan pa pumunta."
"Oo nga eh," pag sangayon ko naman dito. I was about to go to the dressing room nang bigla kong makita si Faith, yung intern namin na nahatak ko para tumulong sa event, na madaling madali na tumatakbo papalapit sa akin.
"Ms. Lav! Umalis na po si Annalise."
"Ha?!" gulat kong tanong. "Umalis? Saan pumunta?!"
"Eh uuwi na raw po siya. Dire-diretso eh. Sumakay na ng kotse niya."
"What?!"
Agad kong kinuha yung phone ko at tinawagan ko si Annalise. She's not picking up. Sinubukan kong tawagan ang road manager niya. After three missed calls, sumagot sa akin.
"Melai saan pumunta si Annalise? Kailangan na namin pumunta sa studio. Nag iintay na si direk doon."
"Ha? Sabi niya nag paalam na raw siya sa'yo. 'Di ba may cut off siya?"
"What? Wala siyang sinasabing cut off! Tsaka hindi siya nag papaalam sa akin!"
"Hala eh umalis na siya. Papunta na yun sa airport. May flight siya pa Boracay."
"Anong gagawin niya sa Boracay?!"
"May vacation daw siya with friends. 'Di ba nakalagay sa calendar na binigay namin sa inyo?"
"Melai, malinaw na yung Bora trip niya after pa ng promo!" pagtataas ko na ng boses. As much as I want to stay calm, hindi ko na magawa dahil sa pagiging unprofessional ng mga tao.
"Ah, Lav sorry 'di kita marinig. Nasa MRT kasi ako. Call you later," then she ended the call.
Napatingin ako kay Faith na mukhang natatakot sa akin at kay MJ na mukhang naawa sa akin.
"Madam, gusto mo mag bar na lang tayo?"
Napaupo ako sa sahig. Napatakip ng mukha. Gusto ko na lang maiyak.
~*~
"Ano ka ba naman Lavender! Do your job right!" sigaw ng boss ko mula sa phone nung sinabi ko sa kanya na pack up na ang promo shoot at ma-de-delay ang labas namin nito. "Dapat dinouble check mo yung schedule ng artist mo! Ano ka ba naman! Kailangan ba ipaalala pa sa'yo yan? Ang problema sa'yo para kang de-susi! Kailangan sabihin sa'yo isa isa ang mga bagay na dapat mong gawin! Don't make me regret na binigyan kita ng solo project! Fix this!"
"Sorry po miss—" kaso bago ko pa makumpleto ang apology ko, isang malutong na pag end ng call ang narinig ko.
Napahinga na lang ako nang malalim habang nararamdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko.
Maraming beses na nangyari 'to sa akin. Yung mamaliit sa trabaho, masabihan nang masasakit na salita, maiparamdam na parang wala kang ginawang tama. Pero hindi ko rin naman magawang umalis dahil ito yung industriyang minahal ko. Sana nga lang, mahalin din ako nito pabalik.
Tinanggap ko na lang ang masasakit na salitang narinig ko. Pasok sa isang tenga, labas sa kaliwa. Oo, gusto ko rin sumagot. Gusto kong sabihin na sampung beses kong chineck ang schedule niya. Ilang beses akong nakipag coordinate sa kanila, I even give them my calendar para makita nila lahat ng schedule at ma block off na. Sadyang pasaway lang ang artist nila. Pero syempre papagalitan ba nila yun eh money maker yun ng kompanya? In the end ang papagalitan lang naman ay yung mga nasa ilalim. Kaming mga walang pangalan at disposable sa paningin nila.
Kaya nanahimik na lang ako. Oo na, kasalanan ko na. Wala naman akong choice 'di ba?
Niyaya ako ng team ko na kumain na lang ng dinner sa labas pero sobrang wala akong gana kaya hindi na ako sumama.
"Madam, g ka na," sabi ni MJ sa akin. "Para mawala yung bad vibes. Tsaka isa pa, pupunta raw si Sir Gael. Yieee," pangaasar sa akin ni MJ.
Napangiti na lang ako nang bahagya at napailing.
"Sorry. Pass talaga. Gusto ko na lang itulog 'to."
"Ay," sabi niya. "Hindi ka napa smile sa thought na pupunta si Sir Gael. So waley talaga?" pang-i-intriga ni MJ.
"Wala naman talaga," sabi. "Kayo lang yung asar nang asar sa amin."
"Naku madam, sa kilos ni Sir Gael, imposibleng wala lang 'yun."
Umiling na lang ulit ako.
"Ah basta, sige na. Mag enjoy kayo. Kain kayo nang marami," sabi ko.
At isa isa na sila nag paalam sa akin. May iba na pinipilit pa ako, pero hindi na talaga ako nagpapilit until they gave up on me at nagsi-alisan na sila.
Nagpaiwan na lang muna ako saglit sa venue.
Umupo ako sa isa sa mga monobloc chair na kaninang inuupuan ng mga fans at napatingin sa empty stage na nasa harapan ko. Nandoon pa rin sa gitna yung mic stand. Hindi pa nila naliligpit.
Napapikit ako. I imagine myself on stage. I'm the one who's holding the mic. May hawak akong gitara. I started playing the song that I made while the crowd is cheering and calling out my name.
"Lavender! Lavender! Lavender!"
Dumadagungdong na sigawan. Everyone likes my song. At kayang kaya ko rin itong kantahin sa harap ng ibang tao.
Napadilat ako bigla. Tahimik ulit ang paligid. There's only an empty stage in front of me. Balik sa reyalidad na nakaupo ako sa monobloc, at hindi nakatayo sa entablado.
Napabuntong hinga ako then I grab my bag at nagsimula nang maglakad palabas.
It has been a tough day, I want to drink beer, pero nag quit na ako. Nag promise ako kay mama na aalagaan ko na ang health ko. Nag promise din ako na hindi na ako magiging lasinggera.
Kaya naman naisipan ko na umuwi na lang at matulog.
Oo. Tama. Matulog.
Dahil sa panaginip ko, at least masaya ako.
~*~
Nakarating ako sa bahay, walang tao. Dumiretso ako sa kama ko. I'm too lazy to wash my face or even do my skin care routine. Alam kong pag sisisihan ko 'to the next morning pero latang lata na ako. Gusto ko nang matulog. Gusto ko nang tumakas.
Bago ako mahiga, I checked my phone and I saw a message from Gael. Katulad ko rin siya na promo producer pero mas senior siya sa akin.
I read his message.
'Hey Lavender, u ok? I heard what happened. I'm also quite sad na di ka nakapunta sa dinner ng team. Pero magpahinga ka na ok? And don't think about it. Pag pinagalitan ka ni Miss Tina, akong bahala, b-back up-an kita.'
Napa buntong hininga ako dahil pakiramdam ko, mas na feel bad ako sa nangyari. Lagi na lang din kasi ako bina-back-up-an ni Gael na minsan feeling ko hindi ko na kaya solusyonan 'to on my own.
Gael is really nice though, and he's been so helpful to me since day one. Ang dami nag sasabi sa akin na type ako ni Gael, hindi lang si MJ. At siguro nga, kung normal lang ako, I would definitely fall for him.
He's kind, smart, maganda ang work ethics, good family background pa, and he also looks nice.
Pero iba kasi ang gusto ko, and I'm about to meet him tonight.
Nahiga na ako, and the moment I hit the bed and closed my eye, nakatulog agad ako.
At nakapasok sa panaginip ko.
I have this unique ability called lucid dreaming kung saan kahit nananaginip ako, my mind is conscious at aware pa rin ito na nasa loob ako ng isang panaginip.
Although mine is a little bit different dahil kaya kong balik-balikan ang isang panaginip na gusto ko.
Katulad ngayong gabi. Itong panaginip na 'to ang madalas kong balik balikan lalo na kung may hindi magandang nangyayari sa reality ko.
This dream serves as my escape from the harsh reality.
Shizouka Prefecture, Japan. Old tatami house. The sound of a wind chime.
Him.
Minsan, nagpapakita siya sa panaginip ko. Minsan hindi. Walang schedule, walang pasabi. Pero nagdadasal talaga ako na sana nandito siya ngayon because I badly want to see him.
I heard a sound of a guitar playing at agad akong napatakbo sa may garden.
And then, I saw him, looking so ethereal while playing the guitar under the moonlight. Kasabay ng pag strum niya ng strings ay ang pag tunog ng wind chime sa 'di kalayuan.
Napangiti ako and I called his name.
"Yuan."
Napaangat siya ng tingin sa akin. Nang mag tama ang mga mata namin, he gave me a wide smile.
"Mukha kang stress. Bad day?" tanong niya sa akin.
Tumango ako, "sobrang bad day."
I heard him chuckled at nag lakad siya papalapit sa akin until he's just a few inches away from me.
"It's okay, I'm here," sabi niya as he pulled me neared him and envelop me in his arms.
His hug is so warm and comforting.
It feels real.
Pero alam kong imposibleng maging totoo ito dahil bukod sa nasa panaginip kaming dalawa, Yuan doesn't exist in real life.
Yep.
The guy that I love doesn't exist in real life.
To be continued...
A/N:
Hello Dreamers! Thank you for reading ze first chapter. So... this is a spin-off of Lucid Dream. Different characters, different story, pero same world. <3 Although sa mga hindi nakabasa ng Lucid Dream, no worries, hindi 'to directly connected sa Lucid Dream kaya maiintindihan niyo pa rin ito.
Ang timeline ng story na 'to is before ma-meet ni Caleb si Angelique :)
So... nandito ba si Caleb or si Angelique sa story? Or may cameo ba sila? -- Secret!
Anyway, will post the update every Sunday!
Thank you!
-- Aly.
Ps. Tweet me with ze hashtag #WindChimeWP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top