CHAPTER 5

Klien Vincent Dela Vega

Napakapit ako sa braso ni Benjo ng lumabas kami ng 7/11 lumabas pa kasi kami ng campus para bumili lang nang pagkain namin dahil inatake nanaman ng pagkatamad tong kasama ko kaya ito.

"Oh bakit?" tanong niya saakin, kinakabahan ako ewan ko pero takot kasi ako tumawid.

"K-kasi natatakot akong tumawid" kinakabahan kong sagot, tumawa naman siya ng malakas.

"Jusko para ka paring bata 15 ka na pero takot ka parin" sabi niya sinimangotan ko lang siya.

"Sorry naman ha? di lang talaga kasi ako sanay na tumawid" sagot ko.

"Sige ako bahala sayo" nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at magkaholding hands kaming dalawa, na weirdohan ako dahil parang may kuryenteng dumaloy sa kamay ko at biglang kumabog ang dib-dib ko di ko alam kong dahil ba sa takot na tumawid o sa paghawak niya ng kamay ko.

Shit ano to?

"Tara na!" di ko napansin ang mga sasakyang dumaan dahil parang nag slowmotion ang paligid ng tumawid kaming dalawa hawak-hawak niya ang kamay ko.

"O ano? okay ka na?" tanong saakin ni benjo ng makatawid na kami sa kabilang side ng kalsada kaagad ko namang binitawan ang kamay niya.

"O-oo hahah"

"Hahaha tara na!" napailing nalang ako at iwinaglit ko sa isipan ko ang nararamdaman ko.

Di ko alam pero simula ng araw na iyon ay parang may kakaiba na akong nararamdaman kapag nakakasama ko si benjo hindi na iyon kagaya dati na kapag may ginagawa saakin si benjo ay parang wala lang ngunit ngayon ay may kakaibang dulot na ito saakin.

"Okay class sa gagawin niyong activity ay kailangan niyo ulit ng partner" Nabuntong hininga ako at tumingin kay benjo sa tabi ko at ang walang hiya ay natutulog! jusko.

"Now grab a partner at isulat sa 1/4 at ipasa." sabi ni Maam Francine.

"1/4 maam?" tanong ng isa kong kaklase.

"Yes po 1/4 uulitin ko pa?" nagtawanan naman ang mga kaklase ko.

"And Anyway class malapit na ang february mag Po-prom na kayo kaya ma handa na" nag tilian naman ang mga babae sa room ng marinig ang anunsyong iyon ni maam.

Oo nga pala may JS prom kami this year.

Kumuha ako ng 1/4 sa bag ko at isinulat ang pangalan namin ni benjo ngunit napatigil ako ng lumapit si Aira sa harapan ni benjo.

"Benjo m-may partner ka na?" pa cute na sabi ni airah at nakaramdam naman ako ng irita dahil dun di ko alam pero bigla akong nairita.

Itinaas naman ni benjo ang ulo niya at tinignan si airah.

"Sorry im reserved Klien and I are partners already diba? sabi niya at tumingin saakin tumango naman ako pagkatapos natulog naman siya ulit, lihim naman akong napangiti sa sagot ni benjo at napasimangot naman si airah na umalis.

Sorry girl! but my bestfriend is mine

Klien Vincent Dela Vega

Ibinalibag ko ang hawak kong folder sa lamesa ni Kuya tyronne.

"Ano yan?" tanong niya saakin. Umupo naman ako sa tapat niya.

"Binigay ni dad saakin at alam mo na!" sabi ko at isinandal ang likuran ko sa sandalan ng upuan.

"So ano? approved naman ba?" tanong niya saakin.

"Yeah but still wala parin" natawa naman siya saakin.

"Thats good to know bro! manlibre ka naman!" tinignan ko siya.

"Wow! ako pa talaga ang manlilibre eh mas mayaman ka saakin" sagot ko sakanya.

"Lol sige na! ito wala ka namang jowang pinag gagastusan kaya solo mo lang yang pera mo" sabi niya.

"Tumigil ka" napailing nalang siya, napatingin ako sa may labas banda ng office niya kitang kita kasi mula dito dahil glass ang pader ng office niya.

"Anong ginagawa nila?" tanong ko,

"Hmmm.. alam mo na February" napakunot ako dahil may mga nag gugupit ng red na Colored paper at may nagsasabit ng heart sa pader.

Napairap naman ako. ediwow!

"Ahhh!" pareho kaming napatayo ni Kuya tyronne ng may tumiling babae sa labas.

"Ano yon?" tanong ko, lumabas kami ng office niya at. nadatnan namin na naka upo ang babae sa sahig mukhang nahulog yata.

"Okay ka lang ba? may masakit ba sayo?" tanong ng lalaking lumapit sakanya.

"Hayss dami kasing paandar ano naman kasi kong valentines? kailangan talaga icelebrate?" sambit ko.

"Naku klien bitter ka lang kasi wala kang jowa" sinamaan ko ng tingin si kuya tyronne at tumawa lang siya at naglakad papalapit sa na aksidenteng empleyado, lumapit na din ako para matignan.

"Okay sige dalhin mo na muna siya sa clinic" utos ni kuya tyronne.

"Sige po sir" sagot ng lalaki at bunuhat niya na pa bridal position yong babae.

Ediwow! para namang kiti-kiti tong mga empleyado dahil kinilig jusko!

Tumalikod na ako at sa kamalas malasan ay nauntog ako sa salaming pader.

"Oh! klien okay ka lang?!" nasapo ko ang ulo ko at may ala-alang nag play sa utak ko.

Klien Vincent Dela Vega

PE time namin ngayon at naglalaro kami ng volleyball dito sa court ng school.

"Okay mr. dela Vega service mo na!" sigaw ng teacher namin kaya kinuha ko yong bola at sinerve nasalo ng nasa kabila ang service ko at ibinalik saamin, nasalo naman ito ng kakampi ko at di iyon nasalo ng kabila kaya score namin.

"Yes! ang galing natin!" nag apir kami ng mga team mates ko.

Ako ulit ang nag serve at nasalo ulit iyon nang kalaban namin, teka nasaan si Benjo?

Napatingin ako sa paligid at nakita ko siya,

Bigla akong nawala sa sarili dahil nakaramdam ako ng inis ng makita kong kausap niya airah habang nakaupo sila sa benches.

"Klien!" napalingon ako sa tumawag saakin ngunit isang malakas na bagay ang tumama sa mukha ko na siyang dahilan para matumba ako.

"Omg klien?!"

"Mr. dela vega?!"

di ko alam ang nangyayare dahil umiikot ang paningin ko habang nakahiga ako sa sahig.

"Teka tabi! hoy klien? klien? Gising!" nakaramdam ako ng saya ng makita ko ang nag aalalang mukha ni benjo.

"Dalhin siya sa clinic dali!"

"Ako na po maam" naramdaman ko ang dalawang kamay na bumuhat saakin at mas lalo akong nakaramdam ng saya ng makita kong si Benjo ang bumubuhat saakin na pa bridal position, mas lalong umikot ang paningin ko at unti-unti akong nawalan ng malay.

Sa Clinic

Binuksan ko ang mga mata ko at puting kisame kaagad ang nakita ko, napatingin ako sa bandang paanan ko at naroroon si benjo na natutulog.

Napangiti ako ng kusa,

So ibig sabihin sinamahan niya talaga ako dito?

Bigla siyang nagmulat at nakita niya akong nakatingin sakanya, dali-dali siyang tumayo at umusog palapit saakin.

"Hoy! buti naman at gising ka na! ano ba kasing pinag gagawa mo? naglalaro ka tapos sa iba ka tumitingin ayan tuloy! ano? may masakit ba sayo? okay ka lang ba? mamatay ka na? wag naman sana ha?" natawa ako ng marahan dahil galit na galit siya.

"Oa mo benjo, tinamaan lang ako ng bola di ako mamatay okay?" sagot ko, bumuntong hininga naman siya.

"Hay naku kahit kailan talaga lampa ka eh no?" sagot niya saakin bigla namang kumirot ang ulo ko kaya't napadaing ako.

"are you okay?" biglang lumambot ang expresyon ng mukha niya at hinawakan ang ulo ko.

May kakaiba nanamang dulot saakin ang ginawa niyang yon.

Shit ano ba to?!

"O-okay lang medyo kumirot lang" sagot ko.

"Okay wait tatawag ako ng doctor humiga ka lang diyan okay?" at umalis na siya sa tabi ko.

Napatingin ulit ako sa kisame.

Ano ba tong nararamdaman kong to?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top