CHAPTER 22
Klein Vincent Dela Vega
Buong magdamag akong gising dahil sa nangyare kagabe benjo ano ba talaga? bumangon na ako at napatingin sa Veranda.
Anong oras na ba? Tumayo ako at binuksan ang glass door ng veranda at lumabas napapikit ako.
Nandito na siya nasa tabi ko na at dapat masaya na ako pero di ko parin alam dahil alam ko namang wala akong chance na magustuhan niya ako.
i heard a knock from the door kaya binuksan ko ito, i saw him at mukhang nakaligo na siya at amoy na amoy ko ang pabango niya.
ang aga naman yata? sabado ngayon ah?
"Good morning" bati niya saakin at ngumiti saakin.
"G-good morning ang aga mo yata ngayon?" tanong ko at nagulat siya.
"Ha? pupunta tayo ng beach ngayon remember" nanlaki ang mga mata ko.
"Hala! omg! sorry!" natawa naman siya.
"Its fine i'll wait here" nakaramdam ako ng hiya kaya't nagmadali akong kumuha ng tuwalya at pumasok sa Cr.
Oo nga pala pupunta kami ng beach ngayon and excited ako kasi matagal na din palang di ako nakapag beach nagtapis lang ako ng tuwalya at lumabas ngunit napatigila ko ng makita ko si benjo na naka upo sa gilid ng kama.
"Omg!" napatakip ako ng dibdib ko napatayo naman siya at tinignan ang kabuuan ko.
"Ah eh s-sorry sa labas na ako mag aantay" sambit niya at dali-daling umalis ng kwarto ko.
My god!
Pagkatapos kong mag bihis ay kagaad akong bumaba im wearing simple plain white polo at kulay black na short pagkadating ko sa living room ay naroroon na siya nag aantay.
"Let's go?" tanong niya, ngumiti naman ako.
"Tara!" sambit ko at nauna na sakanyang lumabas tinungo namin ang sasakyan niya at sumakay na.
"Wow!!" sambit ko habang nakatingin sa bintana omg! ang ganda naman kasi talaga ng view dahil nakikita ko na ang blue na dagat.
Napatingin ako kay benjo na nag dadrive.
"Anyway sino pala kasama natin?" tanong ko nakalimutan kong itanong kong sino.
tumingin siya saakin.
"Wala just the two of us" then he smiled, napatango naman ako.
"Okay"
We arrived at the beach at nag enjoy naman ako kahit minsan bigla bigla nalang mang iinis si benjo hanggang sa umabot na ang lunch time.
"Wait syempre kailangan din natin mag picture no! halika!" medyo nagulat ako ng inakbayan niya ako at itinaas ang cellphone niya.
"Smileee!!" ngumiti nalang din ako sa camera.
"Ayan! okay naman pala kapag ngumingiti ka eh" sambit niya habang tinitignan ang picture.
"I know right patingin ako!" akmang sisilipin ko ng inilayo niya.
"Opss di pwede hahahah!" napairap naman ako.
"Ang daya ah! asar! bahala ka nga jan!" tinalikuran ko siya at nagsimula ng maglakad.
"Uy teka saan ka pupunta ito naman ang sungit sungit" sambit niya at tumabi saakin habang naglalakad may nakasalubong kaming dalawang babae at nagulat ako ng akbayam niya ako bigla.
"Hala ang cute nilaa."
"Oo nga perfect couple sila"
"Picturan natin dali! perfect sila para sa gagawin kong BL novel!"
Napakunot naman ako ng marinig ko iyon.
"Mga kuya!" napatigil kami sa paglalakad.
"Hi ladies what can we do for you?" naasar naman ako sa tono ni benjo dahil ang landi! siniko ko naman si benjo.
"Hmmm kasi ah pwede po ba kayo naming picturan? writer po kasi ako hehehe at perfect po kayong dalawa bilang portrayer sa gagawin kong BL novel." napakamot naman ako ng ulo ko.
"Ah eh hindi—"
"It's right babe?" napakunot naman ako ng noo sa sinabe niya at nag taas baba pa kilay niya.
"Omg! ang cuteee!"
"Kyaaa sana all"
"Ano sa tingin mong ginagawa mo ha?" inis na bulong ko sakanya.
"Ano ka ba just go with the flow ayaw mo nun magiging bida tayo isang novel?" sagot niya.
Kaasar talaga tong nilalang na to.
"Okay sige po pose po kayo yong sweet po tignan" sambit ng babae.
Idinikit naman lalo ni benjo ang katawan niya saakin.
"Ayan okay 1 2 3 *click*"
"Omg ang cute! isa pa po!!" napailing naman ako at si benjo parang enjoy na enjoy.
"Ganito naman dali" itinaas niya ang kamay niya at nagets ko kaagad ang gusto niyang pose.
mag heheart shape ang mga kamay namin sa ulo(Basta alam niyo na yon hahahah yon)
itinaas ko din ang kamay ko at nag heart shape ang dalawa naming kamay.
"Kyaaa this is so perfect isa nalang po pleaseee!" nakakainis naman tong babaeng to!
"Okay sige 1 2 3!" Nanigas ang katawan ko ng bigla nalang dumampi ang labi ni benjo sa pisngi ko.
fuck! he kissed me on the checks at kuhang kuha iyon sa camera!
"Whaaa thank you po anyways ito po pala ng picture niyo" ipinakita niya saamin ang picture sa DSLR niya at di ko alam pero napangiti ako dahil ang cute nga naming tignan.
"Thank you po by the way im Coltrane Khen you can also check my stories po hehehehe" sambit ng babae.
"You're welcome by the way this is my boyfriend Klein and im Benjo"
say what?!
"Kyaaa ang cute niyo po talagang dalawa Stay strong po sainyo!" kinikilig na sambit ni coltrane.
"Oo nga po hehehe sige po enjoy po kayo" sabi naman noong kasama niyang babae.
"Okay bye!" nang makalayo na yong dalawa ay kaagad kong inalis ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.
"Hoy benjo masyado ka ah! pinaniwala mo pa talaga sila! tsk! nakakainis atsaka may pahalik ka pang nalalaman!" natawa naman siya.
"Why? okay lang yon para naman makatulong tayo sakanila malay mo sumikat yong Novel na gagawin niya edi credits din saatin yon diba?" tapos kumindat siya.
"Whatever! boyfriend my ass tara na!" sagot ko.
"Hahaha bakit gusto mo ba ikiss kita ulit?" tinignan ko siya.
"Kapal!" sigaw ko.
"Or Gawin nalang nating totoo na maging mag boyfriend tayo? i kinda like it" seryoso niyang sagot.
Napatigil naman ako dun sa sinabe niya.
"ANG DAMI MONG ALAM LECHE!" tumawa naman ang kupal at sumunod saakin.
"Just wait here mag oorder lang ako" nakangiting sambit niya mag iinsist pa sana ko kaso bigla nalang siyang nawala.
naasar parin ako sa kumag na yon.
ang kapal kapal talaga ng mukha!
Nandito kami sa isang restaurant at medyo malapit lang din ito sa beach.
Tinignan ko siya habang nag oorder at napataas ang kilay ko ng may babaeng lumapit sakanya na malaki ang tiyan.
Omg! Aira?!
(Hi lith23 !! enjoy reading! 💗💕)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top