Chapter 4 : Plan B Gone Wrong

iv.

plan b: take back and your dead

- K A T H E R I N E -

"GALIT ka pa rin ba?" Nag-aalalang tanong ko kay Hailey nang pagkapasok ko ay naabutan ko ito sa likurang bahagi ng classroom.

Ngunit imbes na sumagot ay nagkibit-balikat na lamang siya habang may kinakalikot sa touchscreen niyang cellphone.

Napaangat ang paningin ko sa bandang tainga niya at napansin ko ang earphone na nakasalpak sa magkabilang parte nito.

Napasinghap na lamang ako. Saglit ko siyang tinitigan ngunit napansin ko na wala talagang balak si Hailey na pansinin ako kaya naman umupo na lamang ako sa bakanteng upuan sa tabi niya at inilapag ang dala-dala kong backpack sa sahig.

Napatingin ako sa paligid ng classroom at napansin ko na kakaunti pa lamang ang mga estudyante kaya naman masyado pang tahimik. Karamihan ay nakaupo lamang kasama ang mga circle of friends nila at nakikipagdaldalan.

Napangiti ako nang ma-realized na ang aga ko ata ngayon. Hindi katulad nang nakaraang mga araw na parati akong may hinahabol na klase.

Nakakainis kasi si Hailey magtampo, buong araw niya akong hindi pinansin kahapon hanggang sa apartment na tinitirhan namin hindi niya rin ako kinikibo. Maging sa pagpasok kaninang umaga hindi niya man lang ako ginising at nauna na. Kaya no choice tuloy ako, kailangan ko pang suyuin ang isang 'to na masyadong pabebe. Walang makakapigil daw kasi.

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin at ang tanging maririnig lamang ay ang kuwentuhan ng mga tao sa paligid.

Ngunit hindi ko talaga kayang tiisin ang pabebe kong kaibigan kaya naman ako na ang mag-aadjust.

Pasimpleng tumikhim muna ako at muli siyang hinarap.

"Sorry na kasi Hail. Oo na, mali ang ginawa ko na pagtatago ng totoo. Alam ko naman kasi na papagalitan mo lang ako," saad ko ngunit tanging katahimikan lamang ang isinukli niya. Busy-busyhan pa rin ang peg niya.

Napabuntong-hininga na lamang ako at pilit na pinapakalma ang sarili. Malapit na ko mapuno, bruh.

"Fine. Sasabihin ko na lahat!" pagsuko ko. "Noong time na pinigilan mo ko sa pagiging break-up planner ko, hindi kita sinunod but instead pinili ko pa rin na maging bridge sa break-up ng iba. They are asking for my help and it's really hard for me to refuse," dagdag ko pa.

Saglit akong tumigil sa pagsasalita at umaasang kakausapin niya na ako ngunit sadya niya talaga akong iniinis dahil nag-head down pa ito habang nagsasalita ako.

Napairap na lamang ako sa kaartehan ng kaibigan ko. Minsan lang kami mag-away kaya naman sobrang malala kung magkatampuhan kami. Dinaig ko pa ang pagiging boyfriend niya dahil hirap na hirap ako na parating suyuin siya. Masyado kasi talagang mataas ang pride niya kaya siguro walang nagtatagal na lalaki sa kaniya.

"Tinago ko sa'yo kasi alam kong magagalit ka. Okay fine alam ko mali ang ginawa ko kasi bestfriend kita and supposed to be dapat walang secrets. Kaya nga, sorry na please. Alam ko mali ang ginawa kong pagiging involved sa break-up ng iba. Don't worry I already had my karma because.. because my boyfriend just dumped me and honestly it's not an ordinary break-up," garalgal kong sambit.

Hindi ko mapigilan na ikuyom ang aking mga kamao habang inaalala kung ano nga ba ang totoong dahilan kung bakit kami nag-hiwalay ni Caian at aminado ako na kinarma na talaga ako sa pangyayari na 'yon.

Unti-unting nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luha na gustong kumawala sa mga mata ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang mapansin na walang nakakakita sa kadramahan namin na magkaibigan dahil masyado silang busy sa pakikipagdaldalan.

"There was a girl whose name is Jasmine. Hindi kami close pero naging classmate ko siya sa ilan kong mga subjects kaya naman pamilyar na rin siya sa akin. One time, nilapitan niya ako. She was asking for my help and apparently it was all about her boyfriend. Hindi niya na raw ito gusto kaya gusto niya na makipaghiwalay pero as usual hindi niya alam kung paano dahil first boyfriend niya raw ito. Being a break-up planner of course I give her some piece of advices. But to make the long story short, hindi ko napansin na ang mga binibigay kong advices sa kaniya ay ginagawa na pala sa akin ni Caian. Obviously, niloko nila 'ko," sunod-sunod kong sambit.

Nararamdaman ko ang unti-unting pagbigat ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na ngang bumagsak ang aking mga luha na agad ko naman na pinunasan gamit ang likod ng aking palad.

Napatingin ako sa nakayukong si Hailey at napansin ko ang pagtaas baba ng kaniyang balikat.

Umiiyak kaya siya?

Papatahanin ko sana siya ngunit sakto naman na pagpasok ng professor namin kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang lumipat sa harapan kung saan ako nakapuwesto. "Nandiyan na si Ma'am , Hail." Pagpapaalam ko sa nakayuko ko pa ring kaibigan.

Dumiretso na ko sa harapan kung saan ako naka-puwesto.

Bago tuluyang magsimula ang klase ay muli kong nilingon si Hailey sa likuran.

Hindi na ito nakayuko, sa halip ay nakahalukipkip ang kaniyang mga braso habang seryosong nakatingin sa harapan ng klase. Napansin ko rin ang pamumula ng kaniyang mga mata. Medyo nakaramdam tuloy ako ng pagka-guilty dahil napaiyak ko ang kaibigan ko.

Nang matapos na magsipasukan at magsibalikan sa kani-kaniyang puwesto ang mga estudyante ay tuluyan nang nagsimula ang professor namin na mag-discuss.

Algebra ang klase namin ngayon kaya naman bored na bored talaga ako dahil wala akong hilig sa mga numero at letra na pinagsasama. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung bakit naimbento ang Algebra? Hindi ko naman gagamitin 'yon sa pagbili ng suka sa tindahan ni Aling Nena.

Kaya naman para libangin ang sarili ko habang nagsasagot ang mga kaklase namin sa white board ng equations ay naisipan ko na lamang na mag-practice ng pagsusulat ng calligraphy na halos isang buwan ko nang pinag-aaralan pero hindi ko pa rin ma-perfect. Mukha pa rin na cursive writing ng elementary ang sulat ko.

"Class, we will be having a group quiz bee," pagpapakalma ni Ma'am sa klase nang nagsisimula nang umandar ang mekanismo ng mga aming mga bibig. Sa madaling salita, nagsisimula na kaming magdaldalan. "So, I want you to group yourselves into five. I will post later on the things you need to bring for tomorrow class quiz bee," pagpapaliwanag ni Ma'am ngunit wala pang isang kurap ay nagsitayuan na ang mga classmates namin at nagsilapitan sa mga group of friends nila.

Dali-dali naman akong napalingon kay Hailey upang yayain ito na maging ka-grupo ngunit laking pagkadismaya ko nang makita ko siya na hinihila ng isa sa mga classmates namin. Mas lalo lang akong nasaktan nang mapansin na hindi tumanggi si Hail at hindi niya man lang ako naisip na ayain.

Mabilis kong inilayo ang paningin ko at nanatiling nakaupo sa puwesto ko habang ang mga kaklase ko ay busy na makipagdaldalan sa mga ka-grupo nila.

Hindi ko talaga siya papansin mamaya. Nakakatampo siya!

Upang mabaling sa iba ang atensiyon ko ay naisip ko na i-check ang phone ko at hindi nga ako nagkamali dahil may na-receive akong text mula kay Vanessa, ang babaeng nakasalubong ko kahapon sa may locker area.

Kailangan ko na talaga siguro uminom ng Memory Plus Gold kasi lately nagiging makakalimutin ako. Sakit ko na talaga ang pagkakaroon ng short term memory loss kaya naman mahilig talaga akong mag-take down notes, post it notes, journal notes, diary notes at kung ano-anu pang kamag-anak ng notes.

Kaya mahalagang-mahalaga talaga na mapasakamay ko ang Black Notebook dahil hindi lang sikreto ng mga ex-couples ang naroon kung hindi naroon lahat ng memorya na itinatago ko. Wala naman sigurong may gusto na may makabasa ng mga iniisip nila.

Anyway, let's go to Plan B.

× × ×

Hi Kath,

This is Vanessa if you could remember. Like what we had talk yesterday, everything is going according to our plan. I already get his schedule from one of my connections. Meet me at school's lobby. This will be fun! God bless.

× × ×

Nang matapos kong basahin ang text message niya ay hindi ko napigilan ang pagkurba ng isang ngiti sa aking labi.

This will be fun.

Yes, it will surely be fun especially if the black notebook will be in my hands again!

Hindi ko alam kung nagkataon lang o sadyang blessing in disguise na president ng student council si Vanessa kaya naman hindi naging mahirap sa kaniya ang kumuha ng private informations tungkol sa isa sa mga estudyante ng University of Saddleback.

Nagpatulong ako kay Vanessa na makuha ang notebook na ninakaw sa akin ni Seven pero siyempre hindi ko na sinabi ang laman ng notebook. Kapag nalaman niya pa kasi baka isipin niya na hindi ko iniingatan ang mga break-up secrets na ipinagkatiwala nila sa akin.

Matapos ang ilang minuto ay nag-dismiss na rin si Ma'am.

Kaya naman mabilis pa sa kidlat ay nagsilabasan na sa klase ang ilan. Ngunit dahil may lahi akong pagong kaya naman medyo natagalan ako sa pag-aayos ng gamit ko.

Tumayo na muna ako at dahan-dahan na ipinapasok sa loob ng backpack ko ang mga libro at notebook na inilabas ko kanina. Pagkalingon ko naman sa likuran ay hindi ko na nakita ang anino ni Hailey.

Napasimangot na lamang ako.

Hindi ko na talaga papansin ang bruha na iyon mamaya. Seryoso.

Nang matapos akong mag-ayos ng gamit ay isinuot ko ang backpack ko sa likuran at nang akma na sana akong lalabas ng classroom ay nagulat ako nang biglang tinawag ni Ma'am ang surname ko.

Kunot-noo na nilingon ko si Ma'am. "Bakit po, Ma'am? " tanong ko habang lumalapit sa kaniya na nakaupo sa teacher's table.

"Anong oras matatapos ang klase mo?" seryoso niyang tanong.

Sa hindi malamang kadahilanan ay nakaramdam ako ng takot at kaba dahil wala naman akong naalala na may ginawa akong kalokohan para maging ganito ka-seryoso si Ma'am na makipag-usap sa akin.

"Po?" naguguluhan kong tanong.

Napansin ko ang kaniyang pagngiti sa akin na para bang inaalis ang pressure na nararamdaman ko. "Don't worry Ms. De Guzman. Gusto lang kitang makausap. Puntahan mo na lang ako sa business administration faculty pagkatapos ng klase mo." saad niya at sumenyas na lumabas na ako ng classroom.

Nag-aalinlangan na tumango na lamang ako at lumabas ng classroom.

Saglit na natigilan ako sa labas ng classroom habang iniisip kung ano ang maaring dahilan kung bakit niya akong gustong kausapin.

Hindi kaya nalaman na ni Ma'am na ako ang break-up planner at gusto niya rin humingi ng tulong?

Nagkibit-balikat na lamang ako sa ideyang iyon. Matandang biyuda si Ma'am, imposible 'yon.

Bumalik sa reyalidad ang isipan ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone sa bulsa ng aking pantalon.

Dali-dali ko itong chineck upang mabasa ang text message ni Vanessa.

× × ×

Kath! Nandito na ako sa lobby, dalian mooo.

× × ×

Nang mabasa ko ito ay dali-dali akong kumaripas ng takbo habang nagrereply sa kaniya na papunta na ako.

NANG makarating ako ng lobby ay agad kong inilabot ang aking paningin upang hanapin kung nasaan nakapuwesto si Vanessa.

Mabilis na kumuha ng atensiyon ko ang pagkaway sa akin ng isang pamilyar na babae sa hindi kalayuan. Nakaupo ito sa pahabang stone pavement ng lobby na malapit sa parking lot ng university. She wears a simple tee with cardigan on top and a ripped jeans. Nahiya naman ang shirt at dark jeans ko.

Dali-dali ko itong nilapitan at nginitian. "Sorry Van, ngayon lang nag-dismiss si Ma'am, " saad ko habang hinahabol ang aking hininga. Bahagyang hinawakan ko ang aking magkabilang tuhod dahil sa pagod nang ginawa pagtakbo.

"It's okay. Kakarating ko lang din naman. Ito na pala 'yong nirerequest mo," saad niya at inaabot sa akin ang isang brown envelope habang palinga-linga siya sa paligid.

Dali-dali ko itong inabot at sinilip ang loob. "Please, huwag mo nang tanungin kung kanino ko nakuha 'yan. For safety precautions. " naka-ngiti niyang sambit.

Mabilis kong ibinalik ang documents sa loob ng envelope at nagpasalamat sa kaniya.

"Anytime kath. Malaki talaga ang utang na loob ko sa'yo. Kung hindi mo ako tinulungan na makipag-break sa ex ko na walang ibang alam na gawin kung hindi ang makipag-barkada at mag-dota, for sure hindi ko maiintindihan na ang pagiging single ay isang gift ni Lord. It is were you become the best version of yourself until you are ready for another gift-- a relationship." aniya niya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Somehow, hindi ko rin pinagsisihan na naging break-up planner ako dahil nagkaroon din pala ako ng impact sa kanila.

"Thank you ulit, Van. I'll keep your self-reflection in mind," puno nang sinseridad kong sambit.

"Are you ready for Plan B?" nakangiti niyang tanong habang nasa malayo ang kaniyang tingin.

Dali-dali ko naman na sinundan ang kaniyang paningin at halos manlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang tatlong kalalakihan na mukhang kakatapos lang nila magparking.

Napangiti ako nang mismong isda na ang lumalapit sa bitag.

Seven.

Ngunit laking pagtataka ko nang mapansin ko ang presensiya ni Caleb na kasabay nila Seven sa paglalakad patungo ng BA College.

Sinusundan ko sila ng tingin habang punong-puno ng katanungan ang isip ko.

Bumalik din sa reyalidad ang isipan ko nang marinig ang pagbulong sa akin ni Vanessa. "Your call, kath."

Focus, Katherine. Focus!

Tumango na lamang ako bilang sensyales.

Dali-dali siyang tumakbo papalapit kina Seven habang pasimple akong naglakad malapit sa isa sa mga sasakyan na malapit sa direksiyon nila upang magtago.

Tahimik na naghihintay.

"Gosh, sorry!" bulalas ni Vanessa nang pasimple niya itong sinadyang banggain mula sa likuran na animo'y nagmamadali ito.

Dali-dali naman na nakuha ni Vanessa ang atensiyon ng tatlo.

"Miss, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Seven kay Vanessa.

Bahagyang napatalikod sila mula sa paningin ko at bigla na lamang may kumislap na liwanag sa aking mga mata nang makita ko ang aking black notebook na nasa back pocket ng pantalon ni Seven. Maliit lang ang notebook na iyon kaya naman walang kahirap-hirap para kay Seven na isuksok ito sa bulsa niya.

Napangiti na lamang ako habang pinapanood sila na pulutin ang mga nahulog na libro ni Vanessa sa daan.

Napatingin ako sa paligid at mas lalong lumawak ang aking pagngisi nang mapansin na open ground ito kaya magiging madali lang sa akin na itakbo papalayo ang aking notebook.

Mabilis akong tumakbo papalapit kay Seven na nakatalikod mula sa akin at dali-dali kong hinatak ang naka-usling black notebook sa likurang bulsa ng kaniyang pantalon.

"Shoooooot!" sigaw ko habang kumakaripas ng takbo papunta sa loob ng campus.

Bago ako tuluyang makalayo ay narinig ko pa ang pagsigaw ni Seven habang hinahabol niya ako.

Ngunit parang nagkaroon ako ng tinatawag na adrenaline rush lalo na ng tuluyan kong mahawakan ang black notebook.

Parang nakaramdam ako ng kakaibang saya ng muli kong maramdaman ang leather texture nito at mahawakan ang spiral nitong binder.

Kung sino-sino na ang nakakasalubong at nakakabangga ko ngunit wala akong balak na tumigil mailayo lang kay Seven ang black notebook.

Hindi ko na rin naisipan pa na lumingon sa likuran sa kadahilanan na baka bumagal lang ang pagtakbo ko at maabutan niya pa ako.

Nang medyo nakalayo na ako ay saka ko lamang napagdesisyunan na tumigil sa Tan Yan Kee graden.

Hingal na hingal akong umupo sa isa mga bench ngunit hindi pa rin mawala ang malawak kong pagngiti.

Dali-dali kong binuksan ang bawat pahina ng notebook, "Grabe, namiss ko ang amoy nito!" bulalas ko habang inaamoy ang pahina nito.

Ngunit saglit lang ang kasiyahan ko nang bigla na lamang may humatak ng notebook mula sa likuran ko.

Halos matigilan ako at naiwang nakaawang ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang lalaking nasa aking likuran.

Nang pagkalingon ko ay bumungad sa akin ang naka-ngising si Seven habang winawagayway sa ere ang notebook ko.

"It seems that your plans gone wrong," nakakaloko niyang sambit.

"P-paano?" naguguluhan kong sambit.

- end of chapter four -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top