Chapter 28
Chapter 28
Viennice Frontiero
Disappointed. It felt like Yael splashed a bucket full of disappointment to my face.
Bakit? Why's Vien so important to my husband?
Tumikhim ako at bahagyang ngumiti para h'wag ipahalata sa kanya ang pagkadismaya ko.
"Right... I-I just wanna know." Halos pabulong ko nang sabi bago nag-iwas nang tingin sa kanya.
"Hey, it's not what you think..." marahan niyang sabi sa akin at siya naman ngayon ang humawak ng magkabila kong kamay na naging dahilan upang mapatingin ako sa kanya ulit.
Our eyes met and his eyes are full of tenderness. "Remember when you asked me how I got the scar on my brow?"
My forehead ceased at pinasadahan ko nang tingin ang kilay niya na may peklat. "Y-yeah..." Alanganin kong sagot. Ano ba ang konektado noon kay Vien?
Humugot siya ng isang malalim na buntong hininga. "The day we broke up, naaksidente ako. I didn't know how to handle the pain so I drove fast like a fucking drag racer. I was so ready to face death that time, Trix." Tumawa siya nang mapait.
"Wala na rin naman akong dahilan para mabuhay. My sister died and my mother secretly hates me then you broke up with me and I... I completely lost it. Kaya hindi na ako lumaban, I was too numb to even try to."
"Akala ko noong araw na maaksidente ako ay katapusan ko na, I mean, I was ready. I don't even care at all, matuluyan na kung matuluyan... I didn't even pray to God to save me, didn't even think of that 'cause on that exact moment you're all I see... your sweet smile and the way your eyes shine. They shine so bright they could blind someone."
My mouth gaped and my body froze. He... He nearly died? Again? Damn! Napasinghap ako upang habulin ang aking hininga. I can feel my chest tightening, it's getting hard for me to breathe. My eyes began to sting. Parang paulit-ulit na pinunit ang puso ko sa aking narinig.
I was the one on his mind when he was eye to eye with death! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko... Nanghihina ako.
"Beatrix..." Naningkit ang kanyang mga mata at punong-puno nang pagbabanta ang kanyang boses.
I just looked at him apologetically and sadly.
"Walang iiyak, Beatrix. I was just explaining, okay? Wala akong balak na paiyakin ka. Kapag itinuloy mo 'yan hindi na 'ko magki-kwento sa'yo."
Humakbang ako palapit sa kanya at sinapak siya sa dibdib saka ako tumingala sa kanya para tapunan siya nang masamang tingin.
"Gago ka ba? Sinasabi mo na muntik ka nang mawala sa'kin. Ulit, Yael! ULIT! What do you expect me to do? Matuwa ako? Huh?!" Paos kong singhal sa kanya.
Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko habang mahina ko siyang sinusuntok sa dibdib. Damn! Parang bumalik ulit sa akin iyong araw na nakita ko mismo kung paano siya nag-agaw buhay at hindi lang pala minsan nangyari iyon dahil nasundan pa! Tangina! Mababaliw na 'ko!
He cupped my face and made me look into his eyes. I wanted to look away the moment I met his intense gaze but his eyes are like magnet that's pulling me in.
"I'm still alive, Beatrix. Hindi ako natuluyan because God knows that you'll cry."
Umiling ako sabay lunok. "I will not just cry! I will die, too! Siraulo!" I hissed through gritted teeth.
Natawa siya nang bahagya sa akin sabay dila sa kanyang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili niya na matawa ulit.
"Anong nakakatawa?! Pinapatawa ba kita?!" Ganti ko sa kanya.
He bit his bottom lip to prevent himself from laughing. Nakakagago naman 'to! Sa lahat nang muntik mamatay siya pa ang natutuwa! Inirapan ko lamang siya nang sobrang tindi.
Binitawan niya ang aking mukha saka siya namewang. Sinapo pa niya ang gilid ng kanyang noo habang kagat labing umiiling. Kinunotan ko siya nang noo habang masama pa rin ang titig ko sa kanya.
"You know when you're being like that... being expressive about how much you care for me? It's making me go wanton." He whispered, his eyes became more intense and I don't my insides shook.
"Itutuloy ko ba pa 'to? Or..." he grinned and gave me a salacious stare form head to toe.
"Ituloy mo!" Pinaningkitan ko siya nang mga mata. Idinadaan-daan niya pa ako sa pigiging sexy niya? Akala niya ba maalis ang panginginig ko dahil diyan?
Ngumuso siya. "Bakit ka galit?"
Napairap ako sa kawalan ngunit ilang sandali lang ay lumambot ang ekspresyon ko at humakbang ako papalapit sa kanya. I was already wearing heels ngunit kinailangan ko pang tumikyad ng kaunti para maikawit ko ang mga braso ko sa kanyang batok.
Awtomatiko namang umikot ang kanyang mga braso sa aking bewang saka siya nagbaba nang tingin sa akin.
"Hindi ko lang kasi ma-absorb na gano'n pala ang nangyari..." Pag-amin ko. Bakit ngayon niya lang sinasabi sa'kin ang mga 'to? I didn't know that he had faced a lot and bigger demons when I left.
I used to adore Yael for being discreet but now it's frightening me. He got a lot of things in his mind ngunit kaunti lang ang mga sinasabi niya. Dammit! He's like a book written in hangul that no matter how hard I try, I still couldn't read him.
I felt his mouth on pressed on the side of my head. "This is the reason why I find it hard to explain to you why I care about Vien, kasi sigurado ako na mauungkat ang tungkol sa pagkaka-aksidente ko noon."
Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya at isindal ang ulo ako sa ilalim ng kanyang baba.
"Bakit nga ba? Why do care so much about Vien?" Hindi ko maitago ang pait sa boses ko. I'm feeling insecure when it comes to Vien. Kasi nasa taas siya, nasa baba lang ako. She's a beautiful and all! She's also a vice chairman in an airline company and then there's me... a jobless fucked up house wife. Wala nga akong maiambag kay Yael kung hindi kunsumisyon at sakit ng loob.
He took a deep breath. "Because she's the one who rushed me to the hospital, nabangga ang kotse ko sa walang katao-taong lugar. There's a zero possibility that someone will find me in there in that exact hour when my accident occurred... kung meron man siguro ay ilang araw pa ang bibilangin bago ako makita and I might be dead by that time..."
Humigpit ang kapit ko sa batok niya. Kaagad naman niyang hinalikan ang gilid ng noo ko para kumalma ako saglit. I didn't say a word but he felt that I'm starting to feel tense with that simple gesture.
"T-Thank God Vien found you there... but how did she find you?" halos pabulong ko nang sabi. My tone is a mixture of relief and confusion.
"She's been following me."
Bahagya akong kumalas sa pagkakayakap ko sa batok niya at nag-angat nang tingin sa kanya habang siya naman ay nagbaba nang tingin sa akin.
"Bakit?" Punong-puno nang confusion ang boses ko. Paano? Is he secretly in love with Yael? Nagkakilala na ba sila noon ngunit hindi lang nabanggit sa akin ni Yael?
"Naalala mo noong parati akong umaalis ng condo? You've even accused me for having an affair that time."
Biglang nagflashback sa utak ko ang araw na 'yon. Iyon ang isa sa mga pinaka-matindi naming away. Actually, siya lang naman ang galit sa akin noon. I was stressed at hindi ko alam na buntis na pala ako that time.
I slightly nodded while still in deep thoughts. "Yeah... I remember."
"Hindi ako nambababae kaya madalas akong wala. I will never cheat on you, Beatrix. Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko 'yan. Kaya lang naman ako laging wala ay dahil hinahanap ko ang mga passengers na nasa eroplanong nag-crash noon. I just wanted to apologize to them in person especially to the families of the people who died in that plane crash..." He paused and I saw his jaw tensed. I looked him in the eyes intently, nag-iwas siya kaagad nang tingin sa akin para pagtakpan ang emosyon niya na nando'n.
Kitang-kita ako ang sakit at hirap sa kanyang mga mata. Para bang muli niyang binalikan ang araw na pinaka-masakit sa kanya.
"Shh... Hindi mo na kailangang ituloy." Pigil ko sa kanya nang umawang ang kanyang bibig.
Umiling siya at muling ibinalik ang tingin sa akin. "Itutuloy ko... it's your right to know all of these, Trix. Asawa kita, you deserve to know everything. And... and you make me feel brave. When it comes to you, I no longer feel afraid to go back to my past, I don't think you realize but you're the only one who's capable of saving me from my torment."
My heart melted as guilt rushed through my veins. He's giving me his all, pero ako hindi ko masabi-sabi sa kanya ang totoo dahil duwag ako. Naduduwag ako na baka makadagdag lang iyon sa mga bagay na magpapasakit ng damdamin niya.
Hindi ako alam kung kailan ako makakakuha ng tiyempo... o kung makakakuha pa ba ako. I know it's his right to know everything, too. Lalo na't anak namin at kapatid ni Mikel ang pinag-uusapan.
I used my left hand to cup his cheek. I didn't say anything; I just let my eyes speak for me. His eyes are shining as he looks at me. That's the kind of stare that every girl wanted to be looked at by their man. Ilang sandali muna kaming nagtitigan bago ako yumuko at isindal ang aking noo sa ibabaw nang kanyang dibdib at ibinaba ang kaliwa kong kamay sa kanyang balikat.
He takes that as a cue to speak. "Alam mo ba... ang laki nang kasalanan ko kay Vien."
Gusto kong mag-angat nang tingin dahil sa gulat ngunit hinigpitan ko na lamang ang kapit ko sa kanyang balikat.
"She should've been happily married by now but because of that damn plane crash... she lost her fiancé."
Napasinghap ako at this time ay hindi ko na napigilan na mag-angat ulit nang tingin. Shock is written all over my face. Yael just looked at me softly before slightly nodding his head.
"I-I'm sorry..." Hindi ko alam kung kanino ako humihingi nang tawad. Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko. I can imagine how painful that is... I almost lost Yael twice! Tapos si Vien, binawi sa kanya ang mahal niya. Ni hindi man lang ito nabigyan ng chance, hindi man lang siya naka-abot sa kasal nila at hindi man lang sila nagkaroon ng baby.
Lahat nang inis na nararamdaman ko kay Vien ay napalitan nang awa at pagka-konsensya.
Ganoon pala sila nagkakilala ni Vien. Malinaw na lahat sa akin. Hinanap niya ito upang manghingi nang tawad sa pagkawala ng fiancé niya, tapos ay may nagtulak kay Vien upang sundan si Yael hanggang sa araw na maaksidente ito.
"I'm not asking you to get rid of your hatred towards Vien, I just want to be clear to you... gusto kong malaman mo ang dahilan kung bakit hindi ko siya pwedeng layuan, I caused too much damage to her and... and she's like a sister to me. It's funny but it's true. She's like the sister that I've lost."
Humina ang boses niya sa huli niyang sinabi. I felt how he misses Ari.
"Have I made myself clear to you now, baby? Is there anything else that you wanna know?"
I looked up and gave him a faint smile as I shake my head. "Thank you for explaining even though it's hard for you. I love you." I whispered.
He smiled. "I love you, too."
He leaned down and gave me on open mouth kiss.
"Here they go again... Your parents couldn't just keep their hands to their selves!"
"Dada! My-my!"
Yael and I both laughed in each other's mouth before tearing away from each other.
Sabay kaming tumingin ni Yael sa direksyon nila El. Nakayuko ito at hawak-hawak ang kamay ni Mikel.
"You should go get a wife, too, Selestino nang hindi mo naman palaging sinisira ang oras namin ng asawa ko." Biro ni Yael.
"I don't believe in marriage anymore, Yael. Ikakasal tapos maghihiwalay din? Ano kaya 'yon?" Biro niya ngunit malaman.
"At isa pa, hindi ako ang sumisira ng moment niyo. Ang galing din tumiming nitong anak niyo. Hahanapin kayo kung kailan nag-uumpisa kayong gumawa ng kapatid niya." Segunda niya para mapagtakpan ang una niyang sinabi.
Yael's face scrunched. "We're just making ou—"
"Shh! I don't care!"
Natawa ako sa reaksyon ni El. "Inggit much, El?"
He just made a face before looking down on Mikel.
"Fist bump tito!" ani El at itinapat ang kamao niya kay Mikel. Mikel fisted bump El and Yael and I both chuckled in amusement.
"Sige na, guluhin mo na ulit mommy't daddy mo." Aniya bago binitawan si Mikel.
"Bye-bye!" Mikel said and he immediately ran towards us. Kaagad namang yumuko si Yael para kargahin ito.
Nang makarga na ni Yael si Mikel ay kaagad na itinaas ni Mikel ang maliit niyang kamao at initapat ito sa daddy niya.
"Dada, fish bump." Cute na cute niyang sabi.
Yael chuckled. "It's fist bump, anak." Yael corrected but he gave him a fist bump anyway.
"Ako nagturo niyan!" Pagmamayabang ni El.
Ngumisi si Yael. "Ito lang itinuro mo, ha? Baka mamaya nagmumura na pala 'to. Ifi-fist bump ko mukha mo." Pabirong pagbabanta ni Yael.
"Nah. I'm setting the best example for him. I'm the best tito in the whole wide world."
--
Tiningnan ko si Yael in his pilot suit and he's currently spraying his Giorgio Armani perfume on his body. Nakahanda na rin ang suitcase niya sa isang tabi.
Damn! Damn it a hundred times! He'll be away from us for twenty five days! Twenty-fucking-five days!
Pag-uwi namin galing Punta Fuego ay sinulit na namin ang ilang araw niyang natitira dahil matagal siyang mawawala. We watch babyTV with Mikel, I cooked every of his favorite dishes.
Sometimes Yael will shower with Mikel but most of the time he's showering with me.
Kapag nap naman time ni Mikel ay pati kaming dalawa ay nakikitulog din. Mikel will sleep on my chest while Yael sleeps on my thigh. Kaya paggising ko ay namamanhid ang mga paa ko dahil sa bigat niya pero hindi ko iyon alintana, mas nangingibabaw ang saya sa pakiramdam.
Palagi ko na rin siyang katabing matulog ngayon hindi katulad noon na sa kwarto siya ni Mikel natutulog.
I just love every bit of it. Iyong pag matutulog ako siya ang makikita ko tapos paggising ko silang dalawa ni Mikel na.
Both of them loves to watch me sleep. Naiilang nga ako dahil sa palagay ko ay pinagti-tripan nila akong dalawa habang natutulog ako. Kung minsan pa ay mapapagising na lang ako dahil may humihila sa buhok ko, si Mikel pala iyon.
Iniwas ko na lamang ang tingin ko kat Yael at ipinagpatuloy ang pag-apply ko ng lipstick sa mga labi. Ibinigay sa akin ni Kaye ito dahil bagay ko daw ang kulay. Ngayon ko lamang ito naisipang gamitin.
Ilang segundo ang lumipas ay ikinuyom ko ang palad ko at idinikit ang labi ko sa likod noon saka iyon tiningnan.
"Why are you kissing the side of your fist?" Yael asked as he makes his way towards me. Amoy na amoy ko ang pabango niyang humahalo sa kanyang natural na amoy.
"I'm just checking if the lipstick that Kaye gave me is really kissproof."
Ang hassle kasi maglipstick ng hindi makapit. Kapag kumakain ako o di kaya umiinom ay nabubura kaagad.
"Ahh..." Tango-tango niyang sabi.
Hinarap ko siya at nginitian. "Ready ka na?"
Tumango siya sabay silip sa kanyang wrist watch. "Ikaw ba? Wala ka nang nakalimutan?"
Umiling ako. "I'm all set."
Sabay na kaming lumabas ni Yael para kunin si Mikel kay Linda.
"Hello, baby!" I greeted.
"Hi, my-my!" He smiled sweetly at me showing his little teeth. Kaagad akong ngumuso para humingi ng halik sa kanya. He happily cupped my cheeks with his tiny hands and gave me a kiss on the lips.
Pagkatapos no'n ay si Yael na ang tiningnan niya.
"Mowning, Dada!" He greeted tapos ay tumalon-talon pa siya habang nagpapakuha kay Yael.
Ngumiti nang malawak si Yael bago yumuko para kargahin si Mikel. "Morning, baby!" Yael greeted back before kissing Mikey on the lips.
"Linda, kayo na muna ang bahala dito. Aalis na naman kami." Bilin ni Yael.
Nakangiting tumango si Linda. "Opo, sir! Mamimiss ko kayo ni ma'am at Mikel, sir! Pero ang gwapo niyo pa rin talaga sa uniform niyo, sir!"
Napaubo ako sa sinabi ni Linda saka ko siya tinaasan ng kilay.
She made a peace sign. "Joke lang si ma'am naman... Minumura kaagad ako sa tingin. Hehe."
Binalingan ako nang tingin ni Yael at bahagya siyang natawa nang makita ang reaksyon ko.
"Ikaw Linda kukurutin na talaga kita sa singit niyan." Pabiro kong sabi.
"Ma'am naman! Hindi ko na nga crush si sir Yael, e. Pero sir, thank you, ah? Ang pogi ni Lando. Yung driver na kinuha niyo. Feeling ko sir maagang christmas bonus niyo siya para sa akin. Linda, Lando. Bagay na bagay talaga! Wala naman pong policy dito na bawal maging mag jowa ang katulong at driver niyo 'di ba, sir?" Kinikilig nitong sabi.
Mas lalong natawa si Yael. "Wala naman, Linda... Basta magtrabaho lang kayong mabuti."
"Opo naman po sir! Magde-date na lang kami pagkatapos ng trabaho."
"Ang tanong, gusto ka bang jowain ni Lando?" Segunda ko. Parang ewan itong si Linda. May plano na talaga e nung isang araw lang hinire ni Yael 'tong si Lando.
Sumimangot siya. "Si ma'am talaga..."
"Good morning sir at ma'am!" Bati ni Lando habang pinupunasan ang kotse.
"Goodmorning din Lando!" Kinikilig na sabi ni Linda habang bitbit ang bag ni Mikel.
Napakamot ng ulo si Lando. Hindi ko mawari kung natutuwa o nayayamot ba ito sa hitsura ni Linda.
"Linda, ipasok mo na nga lang 'yan sa sasakyan. Magpakipot ka naman." Bulong ko sa kanya.
Nakanguso niya naman akong sinunod. Pagkatapos no'n ay sumakay na kami ni Yael sa likuran kasama si Mikel tapos ay sumunod na si Lando sa may driver's seat.
Naisipan nang mag-hire ni Yael ng driver dahil balik trabaho na naman siya. Gusto niya kasi na kahit wala siya ay madali na lang sa amin ni Mikel ang pag-alis kung kinakailangan lalo na tuwing check ups niya.
"Saan po tayo mauuna sir?"
"Sa airport muna..." Sagot ni Yael at nagbaba nang tingin kay Mikel na nasa kandungan niya at kasalukuyang nilalaro ang airplane toy niya. He's even making sounds like 'eeeng'. God, he's so adorable!
Umigting ang bagang ni Yael.
"Shit, hirap umalis!" Mahina ngunit mariin niyang sabi sabay tingin sa akin.
Kahit malungkot din ako ay nginitian ko pa rin siya.
"Mag skype na lang tayo parati katulad ng lagi nating ginagawa noon." sabi ko at hinawakan ang kamay niya. He lifted his thumb and caressed my hand. Nagbaba ako nang tingin sa mga kamay namin na nasa ibabaw ng binti niya.
Parehas na may singsing. Gusto ko iyong kuhanan ng litrato at ia-upload sa IG para malaman ng mundo na akin si Yael Salcedo.
Idinantay niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Hinawakan ko ang ulo niya at pinaglaruan ang kanyang buhok.
"You can stay in Angeles as long as you want para h'wag kayong masyadong mainip ni Mikel..." Sabi niya. Pagkatapos kasi naming maihatid si Yael sa airport ay sa Angeles kami dederetso.
Nangako daw kasi si Yael na ibabakasyon si Mikel kina mama kahit ilang araw lang at saka para malibang din daw ako kahit papaano.
"Hindi na... Uuwi din kami after two weeks, is that okay?"
"Kahit three weeks pa. I don't want you to get homesick."
"Bahala na... Basta I want to wait for you at our home. Gusto ko pag-uwi mo madadatnan mo kami ni Mikel."
I felt him smile. "I like that..." He adjusted his head to see my face.
I just smiled at him before planting a soft kiss on his forehead. Umaliwalas naman ang mukha niya at muling inayos ang pagkakadantay sa balikat ko.
Bahala nang mailang si Lando na nasa driver's seat dahil sa paglalandian namin ni Yael dito. Aba, matagal-tagal ko rin siyang hindi makikita kaya susulitin ko na.
"You take care there okay? Don't skip meals!"
He chuckled lazily. "Yes, ma'am... Kayo rin ni Mikel, you two take care for me and always update me. Send pictures and even videos everyday, please."
"Video? Anong video ang gusto mo?" Kunot noo kong tanong. Magsa-skype na nga kami parati tapos gusto pa ng videos.
"Yung kapag naliligo ka, mga ganyan..."
My cheeks burn at kaagad kong piningot ang kanyang tenga.
"Aray! I'm just kidding, baby. Just anything... Anything to lighten up my day." Bawi niya at mas lalo pang isiniksik ang ulo niya sa balikat ko. His hair is already brushing on the side of my neck.
"Oo na, oo na..." Sagot ko saka bumuntong hininga.
Hindi na kami gaanong nagsalita pa at dinama na lang namin ang presensya ng isa't-isa. Mikel was still busy with his toy. Nakadantay ang gilid ng ulo niya sa may ilalim ng dibdib ni Yael. Kung gusto mo talagang manahimik si Mikel ay bigyan mo lang siya ng laruang eroplano, magkakasundo kayo.
Naramdaman ko ang bigat nang makarating na kami sa NAIA terminal 1. International na ang mga flights ni Yael ngayon unlike before na mostly ay domestic.
Lumabas si Yael karga-karga si Mikel tapos ay sumunod na rin ako. Maging si Lando ay lumabas rin para kunin ang suitcase ni Yael.
"Thanks..." Ani Yael nang mailapag na ni Lando ang suitcase niya sa tabi niya.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Mostly, the people's mood in here is gloomy. Ngunit iyong iba ay masayang nagtutulak ng kanilang mga bagahe kasama ang kanilang mga pamilya. Halatang-halata sa mga aura nila na fresh from other countries sila.
"Shit! Piloto!" Hindi nakatakas sa pandinig ko ang impit na tili noong mga babae sa hindi kalayuan. Dalawa sila at mukhang may inaantay silang balik bayan na kapamilya o kaibigan.
I'm not quite sure, isa lang ang sigurado ko, they've been fangirling over my husband!
"Oo nga gurl! Ang gwapo jusko! Kita mo? My God!"
"Oo! Kitang-kita ko! Shit talaga! Pangarap ko kaya mag jowa ng piloto!"
I grit my teeth together. Damn these girls! Hindi ba nila nakikita na may kargang bata si Yael? Anak namin ang karga niya! Anak namin! Gusto ko 'yang idiin sa kanila. Nakakaimbyerna!
"Tingnan mo may hawak pang baby! Dang it! I love guys who are good with kids... Jusko ang perfect naman ng pilotong 'to. Papatay ako para sa kanya!"
Ako rin! Papatay din ako para sa kanya at konting-konti na lang talaga ako...
Kumunot lalo ang noo ko nang marinig ko ang pagtawa ng mag-ama ko.
"Look at your mommy being jealous of the girls that I don't give a darn about."
Aniya at humagikgik si Mikel na akala mo ay naiintindihan niya talaga ang sinabi ng daddy niya.
"Nakakainis kasi!" Mahina ngunit mariin kong sabi.
"Nako ma'am maganda kayo sa mga 'yan. Tska wala naman pong pake si sir Yael, oh. Ako lang ang meron... type ko yung isa." Singit ni Lando at sinulyapan ang mga ito.
"Patay ka kay Linda..." Sabi ko.
Ngumiwi siya. "Si ma'am parang ewan." Aniya. Tumawa na lang ako at muling ibinalik ang atensyon kay Yael na nakangisi dahil sa pang-aasar ko kay Lando.
Kasalukuyan akong nakikipagtitigan kay Yael. It's like we're talking using our eyes only.
"Beatrix?" Biglang may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko kaya awtomatiko kaming napatingin sa pinangagalingan ng boses.
"Brody?" Gulat kong sabi. Ngumiti siya at humakbang papalapit sa amin habang nakasabit ang jacket niya sa kanyang braso.
Tumikhim si Yael ngunit hindi ko pinansin. He hates Brody, alam ko 'yon. Nasanay na 'ko kaya hindi ko na siya binabawalan gamit ang mga mata, hinahayaan ko na lang siya.
"Aalis ka rin yata?" tanong ko sa kanya.
Tumango ito. "Oo, may ime-meet akong investor. Ako ang inutusan ng papa mo. Aalis din kayo?"
"Ah hindi kami kasama ni Mikel. Si Yael lang..."
Nang banggitin ko si Yael ay doon pa lamang tumingin si Brody sa asawa ko.
Yael's jaw clenched.
"I see..." Brody said under his breath while still looking at Yael. Yael remained stoic and stubborn. Talagang parang isinasapak niya sa paraan nang pagtitig niya kay Brody na ayaw niya dito.
"Yael... Anong oras ka papasok?" pagkuha ko sa atensyon niya at naging matagumpay naman ako.
Tiningnan niya ang wrist watch niya. "I have to go..." Paalam niya na naging dahilan upang manlumo ako.
Parang gusto ko pang magsisi dahil nagtanong pa ako!
I forced a smile before stretching my arms to get Mikel from him. Humakbang siya papalapit sa akin at akala ko ay ibibigay na niya si Mikel pero kinabing niya ang batok ko gamit ang isa niyang kamay at sinalubong ng labi niya ang aking mga labi.
Napasinghap ako sa gulat dahil sa ginawa niya. Sinamantala niya iyon upang mahalikan ako nang mabuti. My eyes are still wide as fuck! I can't even concentrate on his lips because my eyes are busy checking on the people around us. I mean, he's kissing me in front of our child and in front of these airport people!
I saw those two girls who are fantasizing my husband from my peripheral vision. Napangisi ako sa mga labi ni Yael at ipinikit ang aking mga mata saka siya hinalikan pabalik.
I even clung my arms on his nape. Wala na akong pakialam kahit nanonood pa sina Brody, Lando, at iyong dalawang babae na pinapantasya ang asawa ko. Mas mabuti nga 'yon! Just keep watching until the fact that Yael is mine will get through your thick skulls.
This is PDA I know but who cares? Yale is going away for 25 days! I will not be able to taste those luscious lips for 25 days! Imagine!
"Kiss!" Humahagikgik na sabi ni Mikel. I slightly opened my eyes to see our son, he's clapping his hands while giggling.
I felt Yael smiled between our kisses, ako naman ay natawa. He bit my bottom lip gently before tearing away.
Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Kumunot ang noo ko at napahawak pa ako sa pang-ibabang labi ko. What's wrong with my lips?
One corner of his lips lifted up.
"Kissproof nga..." He whispered breathlessly.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top