Chapter 20


Chapter 20

Shame

Nanigas ako sa kinatatayuan ko matapos iyong sabihin ni Colton. I couldn't move and I couldn't even talk either. Jess and Colton are over? Parang gusto ko na lamang mawala sa mga oras na ito.

"I-I'm sorry." I still managed to say even though it feels like there's a lump in my throat.

Ngumisi siya. "Wala kang kasalanan... And please, stop looking at me like that. I'll be fine, Beatrix." He tried to smile even though I can see in his eyes how wrecked he is at this moment. Mas lalo akong nilamon ng guilt. Isinumbsob niya ang noo niya sa isang palad niya habang ang isa naman niyang kamay ay doon nakaipit ang sigarilyo niya.

He looks so fucking miserable!

Sa bawat paglunok na ginagawa ko ay pakiramdam ko ay may karayom na nakabara sa aking lalamunan.

Umiling ako habang mga kamay ko ay nanginginig na.

"It's... it's my fault, Colton. I-I'm sorry. I didn't mean... Hindi ko alam—" hindi ko na alam kung paano ako magpapaliwanag kay Colton. Binalingan niya ako ng tingin at bahagya akong napatalon sa gulat.

"It's not your fault, Trix. This my mess... Ako ang gumawa sa gulong 'to kaya wala kang kasalanan."

Napapikit ako ng mariin nang maalala ko noong huling beses kong nakausap si Jess dito sa pamamahay na ito; sa loob ng kwarto ko. I still remember those words I said clearly. I told her to do me a favour and leave Colton dahil baka sakaling mapatawad ko pa siya kapag ginawa niya iyon. But I just said that out of my anger and frustration! And believe it or not, napatawad ko na siya noong birthday pa ni Eli. I just don't know how to approach her dahil hindi na kami katulad ng dati.

Baka akala niya ay hindi ko pa siya napapatawad kaya niya iniwan si Colton!

Muli kong idinilat ang mga mata ko at nakita kong nakatitig pa rin sa akin si Colton.

"I-It's my fault..." Gumaralgal ang aking boses. Kunot noo niya akong tiningnan.

"Noong huli kaming mag-usap ay hiniling ko sa kanya na iwanan ka niya at baka sakaling mapatawad ko pa siya..." I admitted. Sa mga oras na ito ay parang gusto ko na lamang na lamunin ako ng lupa dahil sa kahihiyan na aking nararamdaman. Nadagdagan pa ito ng takot nang ibaba ni Colton ang mga kamay niya at gulat akong tiningnan na may kasamang galit.

"You what?!" Nagtangis ang kanyang bagang.

"I-I'm sorry, Colton... Hindi ko naman alam na gagawin niya. I'm sorry, Colton. I'm so, so sorry..." I begged. Mula sa pagkakaupo niya sa kanyang kama ay tumayo siya at humakbang papalapit sa sakin. Naniningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"You fucking asked her to leave me? Why?!" Sigaw niya. Nagulat ako at lalo akong nanginig. Ito ang kauna-unahang beses na sinigawan ako ni Colton ngayong nasa ganitong edad na kami.

"I o-only said that out of my anger and frustration, Colton. I thought she doesn't deserve a guy like you because she married you for wrong reasons." Paliwanag ko.

Matalas niya akong tinitigan.

"Kung pinakasalan man niya ako sa mga hindi tamang dahilan ay labas ka doon, Beatrix!" He hissed. Sumilay ang mga ugat niya sa kanyang leeg. He's angry... no, he's livid.

"I'm sorry... I just want what's best for my brother." Nangingilid na ang mga luha ko. Nang araw na iyon na hilingin ko kay Jess na iwan niya si Colton ay ang kapatid ko lang naman ang iniisip ko. Ayaw ko lang naman siyang magpakatanga sa babaeng pinakasalan siya dahil sa pera. He deserves more than that! He deserves someone who loves him unconditionally! Hindi iyong ganoon.

Pero ngayon ay tanggap ko na si Jess para sa kanya... tinanggap ko na siya noon pa. Hindi ko man iyon maamin-amin sa sarili ko pero natanggap ko na siya at napatawad ko na sila.

Buong panunuya niya akong tiningnan.

"No, Beatrix. You just want what's best for yourself. Sarili mo lang ang iniisip mo! Kailan mo pa inintindi ang nararamdaman ng mga taong nakapaligid sa'yo?"

Parang binasag ang dibdib ko nang marinig ko iyon galing pa mismo sa kapatid ko. Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko habang nagmamakaawang nakatingin sa kanya.

"I-I care for you, Colton. Maniwala ka... K-kaya kakausapin ko si Jess. I'll talk to her. Papakiusapan ko siya na h'wag kang iwan." I heard myself and I sound so desperate.

Natawa siya nang pagak at umiling sa akin. "Too late, Beatrix. Too late." Buong pait niyang sabi habang nakatingin sa akin na para bang isa akong nakakadiring bagay.

Umiling rin ako bagamat nanghihina ako sa trato niya sa akin ngayon.

"No, I'll talk to her. If I needed to beg then I'll beg... Basta bumalik lang siya sa'yo." desidido kong sabi.

Nginisian niya ako ng mapait. "You know, I already saw this coming. Noon pa man ay alam ko nang mauuwi kami sa annulment kaya hindi mo na kailangang mag-abala para kausapin siya. Pero alam mo kung ano ang hindi ko matanggap?" he grit his teeth and looked at me with bloodshot eyes.

"Hindi ko matanggap na ang kapatid ko na dating best friend ng asawa ko pa ang magiging dahilan noon." Panay ang iling niya habang nakatingin sa akin. Punong-puno ng disappointment ang kanyang mukha.

"C-colton, sorry... Nagalit lang ako at nasaktan kaya ko nasabi iyon. I-I didn't mean it, I swear, Colton!"

Nang-uuyam niya akong tiningnan at tinawanan. "You never really grown up, Beatrix. You're a self centered person! You only cares about your pain but what about our pains, Beatrix? What about my pain? What about Jessica's pain? What about Yael's pain? What about our parents' pain? Hindi mo ba naisip iyon?! Akala mo ba talaga na ikaw lang ang nasasaktan dito?!" He yelled and I took a step backward.

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng isang baldeng kahihiyan. Bigla akong nakaramdam ng hiya; bigla akong nahiya sa kanya, kay Jessica, kay Yael, kina mama at papa.

"And now that you and Yael are already in good terms, I can't help but to feel worried about my best friend." His jaw clenched.

"Kasi alam mo kung bakit?" Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Masasaktan mo lang siya sa bandang huli kapag nagsawa ka na... You're still the same old Beatrix— the immature and easily gets bored Beatrix. You only think that you've changed when in fact, you haven't!"

Hindi ako nakasagot. Pinakinggan ko lang kung ano ang mga sinasabi niya.

"Colton! Bakit mo sinisigawan ang kapatid mo? Anong nangyayari dito? Kanina pa kita naririnig sa baba!" pareho naming narinig ang pagbukas ng pintuan at ang boses ni mama.

"You think Jess doesn't deserve me? Well, here's a thing, Beatrix... Yael doesn't deserve a girl like you too." Hindi pa rin nagpapigil si Colton at itinuloy pa rin ang gusto niyang sabihin sa akin.

Nagtuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko at dahan-dahan kong tinanguan si Colton.

"I'm sorry..." halos pabulong kong sabi at tinalikuran na siya. Tumakbo na ako paalis at iniwasan si mama.

"Beatrix!"

"Colton!" Hindi alam ni mama kung sino ang tatawagin niya sa aming dalawa.

Kinuha ko yung bag ko bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Nagtataka pa akong tiningnan ni manang Sally pero hindi ko na lang pinansin. Tuloy-tuloy na ako nang labas. Hiyang-hiya ako. Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanila dahil lahat nang sinabi sa akin ni Colton ay tagos na tagos.

Tama siya. Tama si Ryan. I'm a self-centred person. Bumalik lahat sa akin simula noong highschool ako. Kung gaano ako kadalas magsawa sa mga taong nakapaligid sa akin. Palagi ko na lang nasasaktan ang mga tao sa paligid ko pero wala akong pakialam, sarili ko pa ring nararamdaman ang iniintindi ko. Akala ko nagbago na ako... pero ganoon pa rin pala ako.

Ryan's right. I don't deserve to be happy. Kasi sa tuwing nagiging masaya ako ay palaging mayroong nasasaktan. I despise myself. I hate how I always do things that end up hurting the people around me. Bakit ba ganito ako?

Wala akong nararamdaman ngayon kung hindi hiya. I'm so ashamed for all the things that I've done.

Narinig ko ang pagvibrate ng phone ko mula sa aking bulsa. Wala sa sarili kong kinuha iyon at pinailaw ang screen para makita kung kanino galing iyon at kung ano ang laman. Napapikit ako nang mariin nang makita ko ang pangalan ni Yael at yung text message niya sa baba.

'Kumusta? Nakauwi ka na ba?'

I bit my bottom lip hard as I turn my phone off. Muli kong ipinasok iyon a bulsa ko at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makapunta na ako doon sa main road at doon nag-abang ng jeep. Parang gusto ko na lamang paliparin ang jeep na sinakyan ko sa mga oras na 'to. I'm not crying anymore... well, not here.

Nang makarating ako sa condo ni Colton ay kaagad kong kinuha ang mga gamit ko. Hindi na ako makapag-isip nang matino, basta ang alam ko lang ay nalulunod na ako sa kahihiyan. Even just standing here in Colton's place feels so wrong. Pakiramdam ko illegal; pakiramdam ko ay wala akong karapatang itungtong ang mga paa ko dito.

Nahihiya ako kay Colton; nahihiya ako sa kapatid ko.

I've already wrecked too many people's emotions dahil sa pagiging selfish at immature ko. And my brother's right. I don't deserve Yael. I'm way too immature for him. I'll just end up hurting him or what's worse is I'll just end up ruining him. Mahal ko siya, walang duda at alam kong nangako din ako sa kanya na hindi na ako ulit aalis.

Napangisi ako ng mapait. Noon ay hindi ko maintindihan yung mga taong nangngako pero hindi naman tinutupad sa bandang huli pero ngayon ay naiintindihan ko na. May mga pangako na kapag tinupad mo ay mahihirapan lang ang taong mahal mo sa bandang huli.

Yael's just so fucking precious and I don't want to end up hurting him. Magiging pabigat lang ako sa kanya kung mananatili lang ako. I'm too shattered and I cannot be fixed. I can't stand seeing him cares for me when I do not deserve that in the first place. Masyado na ako, sumusobra na ako. I'm the worst person and Yael is just too perfect. Ngayon ko napagtanto na hindi pala talaga kami bagay. He's composed, I'm not. He knows what he wants, I don't. He's linear and I have so many twists and turns. He knows what he's doing and he's so sure in everything that he does.

Magulo ako at palagi akong nakakagawa ng gulo. Hindi nababagay ang babaeng tulad ko kay Yael. He deserves someone who's perfect like him.

--

"Oh my god, Beatrix?" biglang nagising ang diwa ng Kaye na muhkang bagong gising lang nang makita ako.

I smiled awkwardly and bitterly. "Hi, I just ended a relationship..."

Lumawak ang mga mata niya at napaawang ang bibig niya. "K-kanino?"

"Jess and Colton's."

"Oh shit! Come in!" aniya at mas nilawakan pa ang pagkakabukas ng pintuan niya. Tinulungan niya pa akong bitbitin iyong red travel bag na dala ko. Pagpasok namin ay niyakap niya ako kaagad kahit hindi naman ako umiiyak. Napangiti na lang ako nang mapait at niyakap siya pabalik.

"I'm okay, Kaye... Thank you." I sincerely said. Kumalas siya sa yakap at malungkot akong tiningnan.

"Umuwi ako sa amin kanina..." panimula ko at ikinwento ko lahat sa kanya as she listens to me attentively. Hindi siya nagkomento o kung ano, basta pinakinggan niya lang ako at ang ekspresyon ng kanyang mukha ay punong-puno ng simpatya. Hindi ako umiyak nang magkwento ako kay Kaye pero todo comfort pa rin ito sa akin though her actions.

"Anong plano mo kay Yael?"

Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya. Napangisi na lamang ako nang mapait nang biglang rumehistro ang mukha ni Yael sa utak ko.

"Makikipag break ka sa kanya?" punong-puno ng pangangamba ang kanyang mukha nang tanungin niya ako ulit.

"There will be no break-up, Kaye... We're not officially dating." Or that was just an excuse that I wanted to use to end whatever Yael and I have. Wala naman akong pakialam sa label. Basta mahal ko siya, handa naman akong ibigay lahat nang walang pag-aalinlangan. Si Yael iyon, e. When Yael is involved, second thoughts are not necessary. Hindi mo na kailangang mangamba sa kanya dahil kumbaga sa negosyo, siya iyong tipo na kapag nag-invest ka ay wala kang kalugi.

And that's not fair for his part kasi sa akin pa lang ay luging-lugi na siya.

"Pero mahal na mahal ka niya, Beatrix. Nakikita ko iyon..." Hindi niya direktang sinabi pero alam kong hindi siya sang-ayon sa kung ano man ang gagawin ko.

Napangisi ako. Those three words. He never said them, pero ramdam na ramdam ko pa rin.

Nagkbit balikat ako. "Bahala na..." sagot ko na lang.

--

"Beatrix!" narinig ko bigla ang sigaw ni Kaye mula sa kwarto niya. Tapos ay sunod ko na lamang siyang nakita na tumatakbo na papalapit sa akin habang hawak-hawak ang phone niya. Kaagad niya akong tinabihan dito sa sofa niya at ipinakita sa akin ang screen ng phone niya. May tumatawag na unknown number sa kanya pero isang titig pa lang ay kilala ko na kung sino ang nagmamay-ari noon.

"Nasagot ko kanina tapos noong nagpakilala siya ay kaagad kong ibinaba. Tangina, girl! Na tense ako, sorry!" aniya at namatay na yung tawag pero maya-maya ay umilaw nanaman ang phone ni Kaye. Same number.

Isang linggo na rin ako dito kina Kaye at sa pagkakaalam ko ay ngayon ang uwi ni Yael. At saktong ngayon naman ang day-off namin ni Kayeleen.

"Limang missed calls na..." She announced.

I sighed. "Sagutin mo na. H'wag mo na lang sabihin na kasama mo ako." Sabi ko at tumango lang siya saka na niya sinagot ang tawag at ini loudspeaker pa ito.

"Hello, Kaye. Nasaan si Beatrix?" my pulse went high from the moment I heard his low and solid voice. I bit my bottom lip. Isang linggo ko ng hindi naririnig iyan dahil tinanggal ko yung sim ng phone ko.

Kinakabahan akong tiningnan ni Kaye at bahagyang inilapit ang phone niya sa bibig niya.

"Hi, Yael! Uhm... Si Beatrix? Hindi kami magkasama, e. Wala ba sa ospital?" pagpapalusot ni Kaye at napangiwi pa sabay kagat ng kanyang pang-ibabang labi.

"Galing ako doon kahit alam ko namang day-off niya dahil wala siya dito sa condo ni Colton... Pati si Nick ay tinawagan ko na pero hindi naman niya kasama."

Kaye mouthed "shit" at me and I just remained stoic.

"Ay weh? Baka naman umuwi sa kanila?" pagsisinungaling ni Kaye at napapaypay pa sa sarili niya.

"Kaye, hindi ako tanga. Alam kong alam mo kung nasaan siya."

Muling napamura si Kaye nang tahimik at ako naman ay napapikit nang mariin.

"Hindi ako pupunta diyan but could you please tell her to call or text me back? Paki sabi, umuwi na siya at maghihintay ako sa kanya, ha Kaye? Salamat!"

"S-sige... sasabihin ko pag nagkita kami." She replied frantically at kaagad na niyang pinatay ang tawag. Nakahinga siya nang maluwang at tinapunan niya ako nang malungkot na tingin.

Napangiti ako nang mapait. "Kakauwi niya lang ay iyon talaga ang inatupag niya. Bakit kaya hindi muna siya magpahinga?" natatawa kong sabi pero deep inside ay gustong-gusto ko nang bumalik sa kanya at yakapin siya nang mahigpit. Gusto kong sabihin lahat sa kanya, gusto kong magsumbong na parang bata pero mas pinilit kong manatili sa kinauupuan ko.

Magiging pabigat nanaman ako sa kanya. Po-problemahin niya pa ako. Papatahin niya pa ako. Ayoko na nang ganoon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top