Chapter 19
Chapter 19
Whisky and Cigarettes
A month has been already passed and Yael and I are still doing fine. Tuwing umuuwi siya ay kung minsan ay susulpot na lang siya sa labas ng ospital suot pa rin ang uniform niya. At kung day off ko naman ay sa pinto ko kaagad siya kakatok. Yael in his pilot suit has always been appearing on my face lately... and I've got plans in complaining. Yael in a pilot suit will always be my favourite.
Madalas kaming magkasama ni Yael pero sa unit pa rin naman ako ni Colton tumutuloy. Ang plano lamang talaga ay mags-stay ako dito para makahinga... pero hindi ko inaasahan na magiging ganito. Hindi ko alam kung alam na ba nila Colton ang tungkol dito. Hindi ko naman tinatanong kay Yael dahil sa ngayon ay okay naman ako ng ganito. Ayoko muna ng maraming tanong.
Mag a-alas diyes na ng gabi nang tumawag si Yael at sakto naman akong nakarating sa condo.
"Hey..." bungad ko. Inipit ko sa balikat at tenga ko ang phone ko habang binubuksan ang pintuan.
"Tapos na duty mo?" tanong niya.
"Yep... Sakto nga ang tawag mo dahil kakauwi ko lang." Tuluyan nang nabuksan ang pintuan kaya tinanggal ko na ang phone ko sa pagitan ng tenga at balikat ko. Pagpasok ko ay sinipa ko na lang ang pintuan pasara saka ako sumalampak sa sofa.
"Tired?" Very.
"Not really... how about you? Saan ka ngayon?"
"Nasa Puerto Princesa... So, kamusta naman yung pag-uwi mo?" tanong niya mula sa kabilang linya. I bit my lower lip hard, trying to come up with an excuse in my head.
"Beatrix?"
I cleared my throat. "I'm... I'm here."
"So have you talked you tita Helen already?" ulit niya sa tanong niya kanina. Muli nanaman akong hindi nakasagot.
"Beatrix Hayle..." he called my name in a low and solid voice. Sa tono ng kanyang boses ay parang handing-handa na niya akong sermonan.
"H-hindi pa ako umuuwi..." I admitted, finally. Naikwento ko kasi sa kanya kung bakit ako ulit bumalik dito sa unit ni Colton noong last niyang uwi dito. I've told him everything and he advised me to go home and reconcile with my mother.
"Come on, Trix... We already talked about this, haven't we?"
"Nakakausap ko naman si papa at pati na rin si mama." Pangangatwiran ko. Totoo naman dahil kung minsan ay tatawag na lang bigla sa akin si papa o di kaya si mama.
"Iba pa rin iyong umuuwi ka, Beatrix."
"I know but I'm not ready." Pangangatwiran ko ulit. Noong huli kaming mag-usap ay handang-handa na ako na umuwi ulit sa amin pero nang umalis na si Yael ay parang bigla nanamang nagbago ang isip ko. I just don't have the courage to do it alone. Siguro kung kasama ko siya ay mapapauwi ako ng hindi oras. Ewan ko, pero kapag kasi si Yael ang kasama ko ay pakiramdam ko nawawala lahat ng takot at hesitations ko.
"When will you be ready?" he whined. Hindi nanaman ako nakasagot. Sandaling tumahimik at ni isa sa amin ay hindi nagsalita.
I heard him let out a deep breath from the other line.
"Baby... Tita Helen is your mom and I know she has hurt your feelings but I'm sure that that wasn't intentional. Maybe she wasn't on Colton's side noong mga panahong pinipilit ka niyang makipag-ayos sa kanila ni Jess o sa amin. Maybe she just wants to end the conflict between the four of us and you misunderstood it."
"Pero bakit ako lang ang pinipilit niya? Bakit parang ako lang yung mali?"
"Because you're being too damn hard, Beatrix...Pleasing you is so fucking hard. Wala kang pinakikinggan. I'm sorry, baby but I really have to say that..."
Ang rahan ng kanyang boses pero ang mga salita niya naman ay punong-puno ng rahas. I admit that was straight and I got hurt too... but truth hurts, right?
"Trix..." masuyo niyang tawag sa akin.
"Bukas, day-off ko... at uuwi ako sa amin." Mahina kong sabi ngunit sapat na iyon upang marinig niya.
I heard him sigh in relief. "Good, good..." tumango-tango naman ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. Saglit akong nanahimik pero muli nanaman siyang nag open ng topic. Kinamusta niya ako sa ospital. Ang sabi ko ay ayos naman ako kahit na ang totoo ay palagi akong inuutusan ni Ryan. Hindi ko pa nga nababanggit sa kanya na kasama ko si Ryan sa ospital. Hindi naman iyon importante, baka mamaya ay mainis lang si Yael kay Ryan kapag nalaman pa niya na pinapahirapan ako nito.
Nang mga bandang alas onse ay sinabi niyang sa skype na lang daw kami mag-usap kaya pinatay niya na lang ang tawag. Halos magpalpitate ako nang topless Yael ang bumungad sa akin pero hindi ko naman ipinahalata. Nang mapansin niyang naka scrubs pa rin ako ay sinabihan niya na magbihis daw muna ako at tatawag na lang siya ulit pero hindi ako pumayag. Gusto ko pa siyang makausap. I miss this guy so much.
Mga bandang ala una na nang magpaalam na si Yael. Oo, siya na ngayon ang naunang nagpaalam dahil daw uuwi pa ako sa amin bukas. Mas excited pa siya kaysa sa akin, e.
--
This is it. I'm now standing in front of our house. Tatlong buwan na rin akong hindi umuuwi dito sa amin. I didn't expect that I will go home this soon. Hindi ako handa, hindi ko pinag-isipan. Pero dahil kay Yael ay nandito na ako ngayon. May mga bagay-bagay na parang hindi ko kaya at ayaw kong harapin pero dahil kay Yael ay parang nabibigyan ako ng tapang. He's the reason why I'm being brave.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at pinindot ko na ang doorbell. Ilang sandali pa ay may nakita akong mga paa sa may bandang ilalim ng gate na papalapit ngayon sa akin. Pagbukas ng gate ay inuluwa nito si manang Sally. Nagulat pa siya nang makita ako.
"Oh, Beatrix! Pasok ka!" kaagad niyang sabi at nilakihan ang pagkakabukas ng gate. Nginitian ko si manang at pumasok na dala-dala ang mga pinamili kong tinapay sa Clyde's. This is mama and papa's favourite.
"Saan po sina mama?" tanong ko.
"Nasa kusina at nagluluto." Aniya. Napangisi naman ako sa sarili ko at tumango na lamang kay manang Sally. Kahit kailan talaga ay hindi mo pwedeng ihiwalay si mama sa kusina. She just loves cooking.
Tuluyan na akong pumasok sa bahay namin. Ganoon pa rin naman at wala namang nagbago. Bukod doon sa mga iilang bulaklak na dumagdag sa garden ni mama. Pagpasok ko ay mabagal akong naglakad papunta sa kusina, naunahan na rin ako ni manang Sally sa paglalakad dahil sa bagal ko. Pero dito pa lang sa sala ay amoy na amoy ko na kung ano ang niluluto ni mama.
"Helen, may bisita ka..." sabi ni manang Sally kay mama na kasalukuyang nakatalikod sa amin at hinahalo iyong iniluluto niya.
"Sino raw?" tanong niya pa sabay lingon sa gawi namin ni manang Sally. Natigilan siya at napaawang ang kanyang bibig nang makita niya ako. Kaagad niyang binitawan ang sandok na hawak-hawak niya kanina at mabilis na humakbang papalapit sa akin.
"Beatrix!" Masaya niyang sabi at kaagad akong niyakap.
"Mama..." tawag ko sa kanya at yumakap pabalik.
"Diyos ko, akala ko ay hindi ka na uuwi..."
Bahagya akong natawa. "Ipinagdala ko kayo ng mga tinapay, ma. Galing Clyde's." I said, trying to be casual. Kumalas siya sa yakap at tiningnan ako saka siya nagbaba ng tingin sa mga dala ko.
"Salamat! Kumain ka na ba? Akin na, itatabi ko na muna."
Mukhang alam naramdaman naman ni mama na ayokong i-open yung topic na nangyari sa amin dati bago ako umalis kaya naging kaswal na rin siya.
"Busog pa naman ako, ma... Nasaan pala si papa?" tanong ko. I like how casual we are at this moment. That is why I hate confrontation, kasi pagkatapos no'n ay napaka-laki ng possibility na magiging awkward lang kayo sa isa't-isa. Being casual is way better than confrontation.
"Nasa Manila nanaman... Pero mga bandang alas otso ay nandito na rin siya." Aniya habang tinitingnan ang mga dinala ko. "Dito ka ba matutulog?" tanong niya pa nang mag-angat siya nang tingin sa akin.
Umiling ako. "Babalik din akong condo, ma. Pero hihintayin ko na munang makauwi si papa." Sabi ko. Medyo nalungkot siya doon sa sinabi ko pero kaagad din naman niya iyong binawi.
"Kamusta ka nga pala doon sa condo? Tsaka sa trabaho mo?" sunod-sunod niyang tanong habang ipinagpapatuloy ang kanyang niluluto. Napangisi ako. Ngayon lang niya ako kinamusta nang ganito. Hindi katulad noong dito pa ako tumutuloy.
"Parehas namang maayos, ma... Day-off ko nga ngayon, e." sagot ko.
Ngumiti siya at saglit akong tiningnan. "Masaya ako at umuwi ka ngayong day-off mo... Pero baka gusto mo munang magpahinga sa kwarto mo? Naipalinis ko na iyon. Nage-expect kasi ako na baka dumating ka at gamitin mo." Kwento niya.
Nginitian ko siya pabalik. "Sige, ma... Salamat!"
"Ipapatawag na lang kita kapag kakain na." Aniya. Tumango naman ako at tumalikod na para sana umakyat na sa kwarto ko pero bigla niya akong tinawag kaya muli akong napalingon sa kanya.
"Siya nga pala, nandito rin ang kuya mo... Nandoon, sa kwarto niya."
Nagulat ako. "Kasama niya si Jess?" Tanong ko. Hindi ko ine-expect na magkikita-kita pala kami dito.
Umiling si mama. "Mag-isa lang siya. Ilang araw na 'yang umuuwi dito."
At mas lalo kong hindi expect iyon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at unti-unti akong nilalamon ng kyuryosidad.
"May nangyari?"
"Hindi ko alam. Tinatanong namin ng papa mo pero wala namang matinong sagot. Ewan ko ba diyan! Pinagalitan ko na nga, e. Kung may problema silang mag-asawa ay h'wag niyang takbuhan."
Pagkukwento ni mama. My eyes are still narrowed while listening to mama. Kung ano-ano na rin ang pumapasok sa isipan ko.
My heart is pounding and it doesn't feel right. Hindi ito katulad nang pagwawala nito sa tuwing nandiyan si Yael. Iba ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. May ideyang pumapasok sa isipan ko tungkol sa kung ano ang nangyari pero ayaw ko iyong tanggapin.
Hindi naman siguro. H'wag naman sana.
"Puntahan ko lang, ma." Paalam ko at hindi ko na siya hinintay na sumagot pa. Nagtungo na ako sa taas at nang makatayo na ako sa tapat ng pintuan niya ay lalong nagwala ang puso ko dahil sa kaba.
Lumunok ako at kumatok ng tatlong beses. Walang sumagot kaya tinapangan ko na ang loob ko at binuksan ko na ang pintuan. Nadatnan ko si Colton na nakaupo sa dulo ng kanyang kama habang may saktong sinisindian ang stick ng sigarilyo na nasa bibig niya at mayroon pang bote ng beer sa kanyang paanan! His feet are bare and he's wearing only jeans at wala siyang damit pang-itaas. Gulo-gulo pa ang buhok niya.
Natigilan siya sa pagsindi nang makita niya ako. Inalis niya ang hindi pa nasisindiang sigarilyo sa bibig niya at gulat niya akong tiningnan.
"What are you doing here, Trix?"
Hindi ko siya sinagot sa tanong niya. Siya nga ang kailangan kong tanungin kung ano bang pinagagagawa niya.
"What are you doing, Colton? Bakit naninigarilyo ka nanaman?" Kunot noo kong tanong sa kanya at tuluyan na akong pumasok sa kwarto niya at isinara ang pintuan.
Natawa siya ngunit wala iyong gana. "Pinapaubos ko lang ang isang kaha. Sayang naman, e." pangangatwiran niya pa habang nilalaro ang isang stick ng sigarilyo sa kamay niya na nasa bibig niya pa lamang kanina.
"But you already quitted smoking, Colton. Bakit bumabalik ka nanaman?" Hindi ko mapigilang hindi malungkot at mangamba. What is he doing? He already quitted smoking since college!
Ngumisi siya at muling inipit ang isang stick sa kanyang mga mapupulang mga labi. "You know, trying to quit smoking wasn't easy..." Aniya at sinindian ang sigarilyo niya gamit ang kanyang itim na lighter. I wry at the sight. Nang tuluyan na niya iyong masindian ay naningkit pa ang mga mata niya nang hithitin niya ito saka siya nagbuga ng usok sa ere.
"Pero nagawa ko pa rin noon... kasi nandiyan siya. Nalilibang ako. She makes me forget about my lust for cigarettes." natawa siya ng pagak at umiling sabay hawak sa kanyang noo gamit ang libre niyang kamay na walang hawak na sigarilyo.
"But now, it's the other way around." Pahabol niya at muling humithit ng sigarilyo.
"What do you mean 'the other way around'?" I'm not even sure what's Colton's talking about. I have no idea who's 'she' that he's talking about.
He blew the white smoke in the air.
"Trying to forget someone wasn't easy too... Pero pipilitin ko pa ring gawin. 'Cause there's whisky and cigarettes. Malilibang ako. These will help you to forget about the bullshits that you've gone through... These will help me to forget about her." Ngumiti siya ng mapait.
"Colton, I don't understand..." I said, honestly.
Tumawa siya ng mapait at binalingan ako nang tingin diretso sa mga mata.
"Jess and I... We're over... And our marriage is soon to be annulled."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top