Chapter 18
Chapter 18
Kahit Sino
“Sama ka mamaya?” tanong ni Kaye habang sinasabayan ako sa paglakad. Dala-dala niya ang chart ng kanyang pasyente habang ako naman ay dala-dala ko ang isang lab result test na kakakuha ko lamang.
Tumango ako.
“Nice! Mabuti naman!” masigla niyang sagot.
Natawa ako ng bahagya. “Gusto ko ring makita yung condo mo, e.” sabi ko. Kayeleen bought a condominium unit and she wants me and Nick to check it out.
“Yas, bitch. This is my independence day!” proud na proud niyang sabi. Matagal ding pinag-ipunan ni Kaye ito. Nag-aalok naman ang papa niya ng tulong pero sadyang gusto talaga ni Kayeleen na paghirapan iyon ng hindi umaasa sa mga magulang niya.
“Sira ka talaga, Kayeleen!” iling-iling kong sabi at tinanguan niya na lamang ako bago kami maghiwalay ng landas. Ihahatid ko pa ang resulta ng lab test kay doc Ramirez.
Yes, it’s Ryan again. Malinaw naman na namemersonal siya dahil these past few days ay panay ang pagpapahirap niya saakin. Kung ano-ano ang mga ipinapagawa niya. Tapos sa tuwing sinusubukan kong i-correct siya na hindi naman ganoong klaseng test ang kailangan ng pasyente ay pinipilosopo niya ako. Kesyo bakit daw hindi na lang kami magpalit?
Siya na lang daw ang nurse at ako na lang ang doktor? Hindi ko na lang pinapatulan... Alam ko naman kung saan nanggaling ang galit niya. And I’m willing to accept his wrath. Kung gusto niya akong pahirapan then do it. Pinahirapan ko rin naman siya noong mga estudyante pa lamang kami. Guess this is karma, huh?
“Doc, heto na po yung result ng test.” pormal kong sabi at iniabot kay Ryan yung brown envelope na hawak ko. Walang emosyon niyang kinuha iyon mula saakin at sinilip niya kaagad yung resulta habang nakakunot ang noo.
“Sige na,” iyon lang ang sinabi niya sa akin nang mapansin niyang nakatayo pa rin ako rito.
“Okay po.” sagot ko na lamang at tinalikuran na siya.
--
“Hoy ang bongga naman nitong condo mo!” puri ni Nick. Ako rin ay hindi ko mapigilang hindi mamangha. Halos kulay green ang makikita mo dito sa loob. Paborito talaga ni Kaye ang green. From her pieces of furniture to her curtains ay may touch of green. Nonetheless, ang comfy at ang elegant at the same time.
Dito sa MQR ang condo ni Kaye at kami naman ni Yael ay sa HTO. Yung swimming pool ng building nila ay nasa may bandang gitna pero yung sa building namin nila Yael ay nasa rooftop yung pool. Speaking of the rooftop pool, bakit ba hindi pa namin iyon sinubukan ni Yael?
“Kasing bongga ko ba bakla?” ani Kaye. Inirapan lang siya ni Nick.
“So, bukod sa pamilya mo ay kami pa lang nitong si Nickolas ang nakakapunta dito?” nakangiti kong sabi. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng tuwa. Nakakatuwa naman talaga kapag binibigyan ka ng halaga ng kaibigan mo hindi ba?
“Oo naman... At susunod na yung mga boylet ko pagkatapos niyo.” biro niya na naginh dahilan upang matawa ako.
“Kapokpokan mo!” sita naman ni Nick. Nag make face lang si Kaye sa kanya.
“Osiya, maupo muna kayong dalawa diyan ah? Maghahanda ako ng pagkain natin.” masayang sabi ni Kaye bago kami iniwan. She’s extra hyper today.
Umupo ako sa kulay green niyang sofa habang si Nick naman ay panay ang pagtitig sa mga paintings na nasabit sa puting wall ni Kaye.
“I can’t believe the bitch’s dream finally came true.” mahinang sabi ni Nick habang nakangiti na nakatitig sa paintings. Maging ako ay napangiti rin. Kahit na wagas kung mag-alaskahan ang dalawang ito ay halatang-halata naman kay Nick na masaya rin siya para kay Kaye.
Kunsabagay, mas matagal silang magkaibigan ni Kaye. Sigurado ako na lahat ng baho ni Kayeleen ay alam ni Nick... And I find that cute and amusing. Parang kami lang noon ni Jess. Ang swerte nga lang nila Kaye at Nick dahil dumating sila sa ganitong edad pero hindi nasira ang pagkakaibigan nila. They’re still close as fuck at dumagdag pa ako.
“How about you, Nick? Hindi mo pa ba naiisipang bumukod?” sabi ko.
Kumunot ang noo niya pero hindi pa rin ako tinitingnan. “Bakit naman ako bubukod e buhay prinsesa— este prinsepe pala ako sa bahay?”
“Wala lang... Para magawa mo rin ang mga gusto mo.” I shrugged. Admit it or not, you cannot do anything and everything you want if you’re still living under your parents’ roof. That’s a fact.
Napangisi siya. “Kunsabagay... Ang hirap kasing magpigil ng tili lalo na kung nakakita ako ng gwapo sa tuwing tumatambay ako sa balcony ko.”
Natawa naman ako sa sinabi niya.
“Ikaw naman kasi, bakit hindi mo pa aminin sa papa mo?”
“Ang daling sabihin ang hirap namang gawin...” bumuntong hininga siya. Hindi ako nakasagot kaagad. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko dahil mahirap din ang sitwasyon ni Nick. Lalo na’t nag-iisang anak lang siya.
Naputol ang pag-uusap namin ni Nick nang biglang dumating si Kaye dala-dala ang isang malaking bowl na may lamang nachos. Biglang nanginig ang mga mata ko nang ipatong niya iyon sa may center table. Ang tagal ko ng gustong kumain ulit ng ganito! Kumuha na ako ng isang chip habang si Nick ay nakatayo pa rin doon sa may tapat ng paintings. Lumapit sa kanya si Kayeleen.
“Hoy Nickolas! Anong tinitingnan mo diyan?”
“Yung alikabok. Ang cute kasi, e.” pamimilosopo ni Nick.
“Aayos ka o tatadyakan kita?”
“Ang shunga naman kasi ng tanong mo, Kayeleen! Ano ba sa tingin mo ang tinitingnan ko?” pagtataray nito. Papanuorin ko pa sana silang mag-away na dalawa pero naramdaman kong nag vibrate ang phone ko mula sa bag ko kaya kaagad kong hinanap iyon doon. Medyo nataranta pa ako dahil hindi ito tumitigil sa pagva-vibrate.
Nang tuluyan ko nang makuha ang phone ko ay biglang bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa excitement nang makita ko ang pangalan ni Yael. Kaagad ko itong sinagot.
“Hello, Yael?” I answered then I sucked my index finger and thumb dahil may kaunting sauce ang mga iyon.
“Hi...” bati niya. Sa background ay nagbabarahan sina Nick at Kaye pero dahil sa simpleng ‘Hi’ lang ni Yael ay hindi ko na sila narinig.
“Saan ka ngayon?” tanong ko.
“Sa Japan... Kakapasok ko lang ng hotel room.” Bakas sa boses niya ang pagod. Mag-iisang linggo ko na ring hindi kasama si Yael pero palagi naman siyang nagti-text, tumatawag, o di kaya’y nag s-skype sa akin.
“Mukhang pagod ka... Magpahinga ka na muna kaya?”
“Hindi, ayos lang ako.” kaagad niyang sabi.
“Inggit ka nanaman kasi maraming gwapong umaaligid sa akin!”
“Excuse me? Mas gwapo pa nga ‘yung mga umaaligid sa akin pero hindi ko lang pinapansin!”
“And so?”
“O, ano? Wala kang masabi? Kasi ang cha-chaka ng mga boylet mo, e no!” natigilan ako at napatingin sa dalawa. Intense nanaman yata ang bangayan nila. Nagsimula sila doon sa alikabok at napunta naman ngayon sa mga boylet. Hay nako, itong dalawang ‘to talaga.
“At least... At least...”
“Haha! Loser!”
“At least I have vagina!”
“Ayan! Iyang tahong mo nanaman ang ipinapangalandakan mo kapag talo ka na... I’m telling you, I’m gonna rip that vagina of yours para wala ka ng masabi!”
Biglang nanigas si Kaye sa kinatatayuan niya. “H-hoy bakla! K-kilabutan ka naman!”
Narinig ko ang pagtawa ni Yael mula sa kabilang linya and I swear, tumayo ang mga balahibo ko sa batok!
“Is that Nick and Kaye?” natatawa pa rin niyang sabi. Naririnig pala niya ang dalawa.
Natawa rin ako. “Oo, nagbabarahan nanaman...” sabi ko at tumayo na mula sa pagkakaupo ko para magtungo doon sa balkonahe ni Kaye.
“Ayan... Naririnig mo pa ba? Lumipat ako sa balcony nitong condo ni Kaye, e. Pinapunta niya kasi kaming dalawa ni Nick dito. Bagong lipat.”
“Oo nga, nabasa ko nga ‘yung text mo.”
Sandali kaming nanahimik. Dinig ko ang pagbuntong hininga niya at napakunot ako ng noo habang tinitingnan ang mga sasakyang dumaan. Tanaw na tanaw ko rin dito ang MQ mall. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang hinhintay ko siyang magsalita ulit. Pakiramdam ko talaga ay may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi-sabi. Nagsisimula na akong kabahan sa kanya.
“Trix...” tawag niya sa akin mula sa kabilang linya.
“Hmm?”
“Si Rhian yung co-pilot ko.” balita niya sa akin. Hindi ako kaagad na naka-react doon pero aaminin ko, medyo kinabahan din ako pero hindi kagaya ng kanina. Akala ko kasi mas malala pa doon ang ibabalita niya sa akin.
“Sinasabi ko lang sa’yo para alam mo at para h’wag tayong magkaroon ng hindi pagkakaintindihan...”
“Ano ka ba naman, Yael? Ayos lang naman... Iyon lang ba?” sabi ko at hindi mapigilang mapangiti. Ang swerte ko naman. Wala pa kaming label niyan ah?
“Meron pa... Si Honey yung isa sa mga flight crew.”
Halos mawindang naman ako doon sa sinabi niya. Bakit naman yata nagsanib pwersa ang mga babaeng nagkakagusto kay Yael ko?
“Baka naman pati si Azariela ay isa sa mga passengers mo diyan ah.” biro ko sa kanya.
Natawa siya ng bahagya. “Hindi... imposible na ‘yon.” sagot niya. Mabuti naman. Hindi ko na talaga alam kung pati si Zariel ay dumagdag pa. Baka mamaya wala nang umuwi sa akin sa susunod na linggo!
Sigurado naman ako na kulang pa sina Honey, Rhian, at Zariel sa mga babaeng naghahabol kay Yael. Pero itong tatlo pa nga lang ang lantaran na alam ko ay nas-stress na ako kung minsan. Paano pa kaya kung lahat?
“Speaking of Zariel... What do you think of her?” tanong ko.
“Beatrix....” He called my name in a warning tone.
“Chill, Captain! Akin ka pa rin... I just want to know.” I said, honestly. Because I’m just curious.
Bumuntong hininga siya bago sumagot. “She’s straightforward. ” ganoon lang ang sinabi niya. Hindi man lang niya pinuri ang ganda ng pinsan ko.
“Really? Paano mo naman nasabi?” mas lalo pa akong naging interisado.
“When we’re in Morong, that was just the first time that she talked to me but she already said that she likes me... mag pinsan nga kayo.”
Medyo natawa ako doon. Naalala ko kasi noong inamin ko kay Yael na gusto ko nga siya. Well, I didn’t say those three words but technically I still admitted that I’m into him.
“Ano naman ang sinabi mo?” tanong ko. I’m expecting that he’ll say the same thing that he said to me before.
Ang kanyang linyang ‘You just met me’
“I said, ‘Thanks. I like your cousin.’” he replied instead. Hindi ko napigilang matawa doon na may halong pagkamangha.
“Oh my God, Yael! You really said that?”
“Yes and she understands... She adores you, you know?” medyo naguilty naman ako dahil nakaramdam ako ng selos sa sarili kong pinsan. Hindi ko expect na ganoon pala ang pinag-usapan nila.
“So, hindi ko na kailangang magselos kay Zariel?”
“Baby, wala ka naman talagang dapat na ikaselos sa kahit na sino... I was already mad for you even before you met me.”
Kinilig ako doon sa una niyang sinabi pero naintriga ako doon sa pangalawa.
“What do you mean by that, Yael? Yung pangalawa mong sinabi!”
Mapang-asar siyang tumawa mula sa kabilang linya.
“I’m not telling you.” he replied and I swear I could feel him grinning there in Japan!
“Come on, Yael! H’wag mo akong binibitin!” halos mapapadyak na ako dito. Ayoko pa naman ay iyong inaatake ako ng curiosity dahil hindi talaga ako matatahimik hangga’t hindi ko nalalaman.
“Kailan pa ba kita binitin, Beatrix?”
Napatakip ako sa mukha ko gamit ang libre kong palad nang maramdaman ko ang awtomatikong pag-iinit ng pisngi ko.
“H’wag ka ngang bastos diyan, Yael!”
Humalakhak siya. “Dammit! I can’t wait to come back home to you...”
Nag-usap pa kami ng mga isang oras at noong una ay tinatanong ko kung ano ba ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya pero hindi naman niya ako sinagot. Kaya hindi ko na lang siya pinilit na sabihin. Nag-usap na lang kami tungkol sa mga ibang bagay-bagay. Pero nang maramdaman kong inaantok na siya ay pinilit ko na siyang magpahinga kahit na ayaw niya pa.
Nang matapos naming mag-usap ni Yael ay muli akong nagtungo doon sa living room ni Kaye at nadatnan ko ang dalawa na magkatabi sa sofa habang kumakain ng nachos at nanonood ng TV. Yung mga legs ni Kaye ay patong sa mga hita ni Nick.
“Hoy ang sweet niyo naman diyan!” Sinubukan kong biglain ang dalawa pero tiningnan lang nila ako.
“Umupo ka na dito maharot ka...” nakangising sabi ni Kaye at hindi man lang sila umalis sa mga pwesto nila.
Umupo ako sa maliit na sofa at kumuha ng nachos sa bowl.
“O, anong sabi ni papa Yael?” interisadong tanong ni Nick.
“Wala, gusto na daw umuwi.” bahagya akong natawa.
“Saan ba siya ngayon?” Si Kaye.
“Japan.”
“Ay taray! Mas gusto niya pa rin daw talaga sa Bataan!”
Pinaningkitan ko ng mga mata si Nick.
“Hoy, ni hindi ko pa nga naisusuko ang Bataan!” depensa ko.
They both gasped and looked at me with owl like eyes.
“If you aren’t fucking Yael at this age then what the fuck are you doing, girl?” hindi makapaniwalang sabi ni Kaye. Medyo namula ako sa sinabi niya. Itong babaeng ‘to, pareho sila ni Nick kung magsalita. Walang pakundangan.
Kumuha ulit ako ng nacho chips at kinagatan iyon. “Bakit ba sex life ko ang pinag-uusapan natin?”
“Wala ka namang sex life. Kakasabi mo nga lang, hindi mo pa naisusuko ang Bataan.” pambabara ni Nick at bahagyang natawa si Kaye.
“Baka old fashioned talaga si Yael. Baka gusto niya after niyong maikasal, ganyan...” Kaye said. I rolled my eyes upward. Old fashioned? But he just fingered me in his kitchen!
“Ang cute siguro pag ikinasal kayo ano? Naka uniform pa siya ng pang piloto.”ani Kaye at tumili pa.
Napangiti ako sa sinabi ni Kaye. Naiimagine ko nga na ganoon minsan. Kasi sa totoo lang ay hindi ko nakikita ang sarili ko na nagpapakasal sa iba bukod kay Yael Salcedo.
“Sana beach wedding ‘no? Bata pa lang kasi ako ay gusto ko na ng ganoon...” Totoo. Nakapanuod kasi ako sa kasal ng isang celebrity at sa beach ginanap. Tapos ayon, sabi ko sa sarili ko na kapag nahanap ko na yung lalaking pakakasalan ko ay dapat beach wedding.
“Hoy, h’wag mo kaming kalimutan pag nagpakasal ka ah? Kahit abay lang ako...”
Kaye and I looked at Nick riddiculously. Ang sagwa sigurong tingnan ni Nick na naka cross dress.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top