Chapter 14


Chapter 14

Beatrix Hayle

Tiningnan niya ako sa mga mata nang kumalas na kaming dalawa sa yakap. He's looking at me like I'm a dream come true and he's still not sure if I'm his dream that really came true. Napangiti ako. Ang gaan-gaan sa pakiramdam ng ganito. Looking in his eyes without holding back feels like I'm floating. Para akong nabunutan ng malaking pabigat na nakatali sa aking paa na pumipigil para makalipad ako.

If this is how forgiveness feels then everyone must do it.

"Kumain ka na ba?" tanong ko sakanya at hindi pa rin nawawala ang mga ngiti ko sa labi.

He shook his head while still in awe.

Damn, aren't we the same? He can't believe that we're now okay and I can't believe that there's a god standing in front of me.

--

"Hindi ka ba talaga gutom?" tanong ko ulit kay Yael habang papasok kami sa unit niya. Umiling siya habang isinasara ang pintuan and I'm just here standing behind him. I don't even know if I should be moving and proceeding to his living room at this moment. Medyo ang awkward kasi dahil ilang buwan na rin akong hindi nakakapasok dito.

Pagsara na pagsara niya ng pintuan ay bahagya akong napatalon sa gulat nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Sandali lamang ang gulat na iyon dahil hindi nagtagal ay bigla akong napangiti at gumanti ng yakap sakanya. God, his embrace feels like home. Nawala bigla lahat ng awkwardness na naramdaman ko kanina.

"There's no place like you..." bulong niya sa tenga ko. His stubbles somehow brushed on my cheek.

I chuckled. "Hindi ba dapat 'home' iyon?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Baby, you are my home... and I've been homeless for almost 10 months."

Hindi ko naman napigilan na h'wag mamula dahil sa sinabi niya. He's being extra again. Alam na alam niya talaga kung paano guluhin ang nanahimik kong laman loob. Pero somehow ay medyo na guilty din dahil naisip ko na halos o lagpas sampung buwan na kaming hindi maayos.

"I'm sorry..." nalulungot kong sabi. Bigla naman siyang kumalas sa yakap at ikinulong ang mukha ko gamit ang kanyang dalawang palad. Masuyo niya akong tiningnan sa mga mata.

"I should be the one who's sorry here, Trix. I lied to you and I'm sorry. I swear to God I never want to hurt you—"

"Shh... I know. Now I know..."

"No, baby. Listen to me. Let me be sorry because I deserve it. I've hurt you." humakbang siya papalapit saakin. "God knows how much I want to tell you the truth every time that I see you being upset about your best friend... but Colton is my best friend too, Trix. His secrets are not for me to tell." parang hirap na hirap pa rin siya kahit na okay na kami ngayon.

I smiled at him. "Hey, it's alright. At least alam ko na na trustworthy ang best friend ng kapatid ko."

Ngayon ko lang napagtanto na para kay Yael, ang loyalty ay kasing halaga ng kanyang dangal. His loyalty is something thay you cannot bend or break. Kahit na nahihirapan siya, still, he'll remain loyal.

"You are so damn loyal and I think that's sexy."

He laughed slightly as he pulls me closer to him. Buong suyo niya akong tiningnan sa mukha.

"Don't leave like that again, alright?" pakiusap niya. I smiled sadly at him and nodded my head. He kissed my forehead at napapikit ako dahil doon. Siguro ay nagtagal ang labi niya saaking noo ng mga sampung segundo kaya ramdam na ramdam ko rin ang kanyang stubbles sa noo ko. Nang alisin niya ang labi niya sa noo ko ay muli niya akong tiningnan sa mukha. I unconsciously wet my lips and he groaned before finally lowers his face down on mine to claim my lips. The moment his lips touched mine, I'm alive again. I closed my eyes while feeling his kisses on my lips... I wanted to savour the moment, I wanted to feel him... just feel him. Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumugon na ako sa mga halik niya.

Rain on a desert. That's how it felt the moment I kissed him back. His tongue is brushing my lips, parting them, seeking for entrance. And since I'm a slave to his kisses I gladly parted my mouth for his tongue to dive in. Napayakap na lang ako sa batok niya para kumuha ng suporta. His other hand slid down on my waist while the other one remained on my cheek. We're both running out of air, especially me but no one dared to stop. He doesn't wanna stop. Tumigil lang siya nang mapasinghap na ako dahil hindi na talaga ako makahinga. Damn! I-miss-you-kisses were breathtakingly the best.

We were both panting for air. Ang bilis ng paghinga ko, I'm breathing like a sleeping infant. Panay lang ako sa paghabol ng aking hininga habang siya naman ay parang sinusuri pa ang aking mukha habang nakaawang ang kanyang mga labi na medyo basa pa.

"Shit..." napamura siya ng mahina at hinaplos ang pisngi ko na medyo may hapdi. "I gave you stubble burns." sabi niya at marahang hinaplos ang parte kung saan ako nagkaroon ng burns gamit ang kanyang hinlalaki.

"Does it hurts?" Concern niyang tanong habang sinusuri pa rin ang mukha ko.

I smiled. "It's fine..." Sagot ko. Although it kinda stings, it's Yael's so I don't mind. Tumango lang siya at marahang hinaplos ang aking ulo.

"Magpalit na muna kaya tayo, Yael?" Suhestiyon ko. We're both sweating. I don't know if it was because of our intense kisses or what.

"Ng ano?" kunot noo niyang tanong sabay basa ng pang-ibabang labi niya.

I rolled my eyes upward while smiling. "Damit, Yael."

"Oh," aniya at napatango-tango. Medyo natawa pa siya sa sarili niya. Inilingan ko na lamang siya bago ko siya tuluyang tinalikuran. Wala pa sigurong tulog iyon kaya lutang siya.

Nang makarating na ako sa kabila ay hindi muna ako nagbihis. Ipina-init ko na muna yung ulam ko kagabi sa microwave. I just thought na baka nagugutom na rin si Yael dahil ang sabi niya ay hindi pa siya kumakain. Pagkatapos ko doon ay dumiretso ako ng banyo para mag half bath. Hindi ko alam pero ngayon pa ako tinablan ng hiya sa kanya. Baka mamaya kasi ay amoy pawis na ako. Nang matapos na akong magbihis ay hindi ko na tinanggal ang pagkaka-pusod ng buhok ko. Binitbit ko na rin yung tupperware at yung isang gallon ng ice cream na binili ko nung gabing nakita ko siyang bumalik dito.

Palabas pa lamang ako sa unit na tinutuluyan ko ay nakaramdam na ako ng excitement. I don't know why but it feels like I'm floating. Ganito pala kapag pinili mong maging matapang. Kasi sa totoo lang ay naging duwag ako ng ilang buwan, I got scared of taking the risk again, I became a coward and it came to the point where I forgot how worthy Yael is for all the risks in this world. He's too good to be true; he's always worth the pain.

Pagpasok ko ng unit ni Yael ay napasinghap ako dahil sa gulat. Hindi ko nga alam kung saan ako nagulat. Dahil ba siya kaagad ang bumungad saakin pagbukas ko pa lang ng pintuan or is it because of his clean-shaven face? God, mukha siyang baby!

"Akala ko hindi mo na ako babalikan..." nawala ang pagkakunot ng kanyang noo at medyo umaliwalas ang kanyang mukha.

"What happened to the stubbles?" I asked while grinning at him.

Tipid niya akong nginitian at kinuha ang mga dala ko. "I shaved. I don't want you to get hurt with my stubbles again the next time I'd kiss you." Kaswal niyang sagot at tinalikuran na ako dala-dala ang mga bitbit ko kanina. I felt my face reddened. How could he be so casual while saying those? At siguradong-sigurado naman siya na may next time pa, ha?

Piniling ko na lang ang ulo ko at humabol sa kanya. Umupo kaming dalawa doon sa mahaba niyang sofa. Ipinatong niya yung tupperware sa center table at binuksan yung ice cream habang nakangisi. Na tempt tuloy akong haplusin ang pisngi niya dahil parang balat ng baby.

"Ba't nandito pa 'to?" natawa niyang tanong at binalingan ako ng tingin.

I shrugged. "Nakalimutan kong kainin, e." sagot ko. Muli naman siyang natawa at isinaara ulit yung ice cream at sinunod yung tupperware na may lamang caldereta.

His mouth formed a little shape of "o" while looking at the dish. Napahiling tuloy ako na sana ay caldereta na lang ako.

"This looks delicious, Trix. Ikaw ang nagluto nito?" tanong niya saakin at saglit akong sinulyapan.

"Oo, kagabi pa 'yan... Ipina-init ko kanina."

"Namiss ko ang luto mo..." sagot pa niya habang nakatingin sa caldereta at pangisi-ngisi. Naiinggit na talaga ako sa caldereta.

Sinabihan ko siya na kumain niya. Balak niya lang yata na titigan yung ulam, e. Ang sabi naman niya ay sabayan ko daw siya. Hindi na ako nagmatigas pa. Siguro nga ay kahit utusan niya akong kumanta sa harapan niya ay gagawin ko. Ewan ko, ayaw ko na ulit na magmatigas pa sa kanya. Gustong-gusto kong bumawi sa kanya dahil na realize ko kung gaano siya nahirapan sa akin.

"Mukha kang baby, Yael..." Puna ko habang kumakain kami. Natigilan naman siya sa paghiwa ng karne sa plato niya at nag-angat ng tingin sa akin.

Tinawanan niya ako. "You just got used to my stubbles." sagot naman niya sabay hawak sa haplos sa baba niya. Nagkibit balikat naman ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Hindi ko pa rin natatapos yung Leap Year." Bigla niyang sabi. Muli ko namang naibaling ang atensyon ko sa kanya at gulat siyang tiningnan.

"Ang tagal na no'n, Yael. Hindi mo na talaga itinuloy panuorin?" Naalala ko pa, hindi niya natapos yun kasi biglang dumating si Rhian dala-dala yung pizza niya na may hipon. Speaking of Rhian, nagkikita pa kaya sila ni Yael?

"I started that movie with you and I'll finish it with you."

Hindi ko naman napigilang hindi mapangiti. Ano ba naman itong lalaking 'to. Hindi yata niya alam kung gaano kalakas ang epekto ng bawat salita na lumalabas sa bibig niya.

"Okay, then we'll finish what we started." Sagot ko sa kanya.

Ngumis siya. "I like that."

--

The movie just ended and Yael's eyes were still fixed on the television. Pero ako siya lang ang pinapanuod ko. He's still the same Yael. Iyong tutok na tutok siya sa mga bagay na ginagawa niya. He always gives his full attention into whatever he's doing.

Ang dami-dami kong napapansing mga ugali niya at yung mga bagay-bagay tungkol sa kanya sa tuwing magkasama kami. Pero sa kabila ng mga iyon ay hindi ko maikakaila na hindi ko pa talaga siya kilala ng lubusan. Marami pa akong hindi alam sa kanya. I don't even know his favorite color or his favorite place. I know that he doesn't eat broccoli but I don't know what's his favorite food. I didn't even know that he plays the guitar! Kamakailan ko lang nalaman nang mag stay kami kina manang Mercy.

Sa bawat segundong itinatagal nang pagtitig ko sa kanya at lalo akong nagiging curious.

Medyo nahiya ako sa sarili ko nang bigla niya akong binalingan ng tingin. Hindi ko nga alam kung magiiwas ba ako o patuloy ko pa rin siyang titingnan kaya sa bandang huli ay tumingin na lang ako sa baba.

"What's wrong?" marahan niyang tanong at iniangat ang baba ko gamit ang kanyang index finger. Our gazes collided. Hindi ako kaagad nakasagot dahil nalunod ako agad sa mga titig niya.

Tinaasan niya ako ng dalawang kilay.

"Spill, baby. What are you thinking?" aniya at ipinaikot ang braso niya sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya.

Umiling ako na naging dahilan para alisin niya ang index finger niya sa baba ko. Nginitian ko siya.

"Nothing. I'm just curious."

"About what?"

"A-about you." pag-amin ko. Ngumuso naman siya at nagkibit balikat.

"What do you wanna know? Shoot me any questions." sabi naman niya habang hinahaplos ang bewang ko na para bang pinapagaan niya ang pakiramdam ko. It was like his gestures are telling me that it's okay, he's willing to tell me everything that I want to know about him.

Tumango ako at huminga ng malalim.

"What's your favorite color?" I started asking basic questions about him.

"I don't actually have a favorite color." he answered and looks like he's really telling the truth. Well, duh Beatrix? Why would Yael lie about something like that?

"Oh," tanging nai-react ko naman. Wala pala siyang paboritong kulay.

"Ang boring ko diba?" Aniya at bahagyang natawa.

"No! Hindi kaya!" Kaagad kong protesta. Kulang na nga lang ay umiling pa ako hanggang sa magka stiff neck na ako. Bahagya naman siyang natawa.Hindi naman talaga siya boring. Paano ba naman kasi, kayang-kaya ko siyang titigan buong araw habang natutulog lang siya at hindi ako maiinip.

"Have you ever smoked?" Tanong ko nang biglang pumasok sa isipan ko ang paninigarilyo nila Eli at Kiel. Pati na rin yung kay Colton nung teenager siya.

Pinanuod ko ang mukha niya at napanguso siya habang may inaalala.

"Yeah. Thrice?" Hindi niya siguradong sagot. "Every guy in our classroom is smoking when I was in fourth year highschool. And I was young and curious back then so, I also tried doing it." Pagkukwento niya. Tumango-tango naman ako. Bigla tuloy rumehistro sa utak ko ang teenager na Yael na may humihithit ng sigarilyo. I never liked guys who smoke pero bakit pag si Yael ay parang ang hot tingnan? O baka nababaliw na talaga ako?

"But then I realized that no one smokes in our family so I immediately stopped before it could even become my bad habit."

Wow, nakalimutan yatang idagdag ni Yael ang salitang 'mature' pagkatapos ng salitang 'curious' na sinabi niya kanina.

"How about you? Have you tried... you know, smoking?" Alanganin niyang tanong at inalis ang ilang hibla ng buhok na nagkalat sa mukha ko. I shivered in his simple touch.

Umiling ako. "Never! Like ever! Jess and I hate the smell of cigarettes... We couldn't stand it when we were young." pagkukwento ko. That was the time when Jess and I are still close.

Napangiti naman siya.

"Good, good."

"Uhm... How about... drugs?" Hindi ko siguradong tanong. Hindi ko naman intensyon na itanong iyon pero dahil sa wala na akong matanong at dahil sigarilyo ang pinag-uusapan namin ay kusa na lamang iyong lumabas sa bibig ko.

Tiningnan niya ako ng matiim sa mga mata habang nakangisi. Babawiin ko na sana yung tanong ko dahil hindi ko alam kung baka na offend ba siya o ano pero laking gulat ko nang bigla siyang tumango. Medyo nag panic ako at hindi ko lubos maisip na nasubukan na ni Yael ang ganoong bagay.

Pero kinalma ko ang sarili ko at pinili kong maging positibo na lang. He was young and curious, Beatrix. Halos lahat yata ng kalalakihan ay dumaan sa ganyang phase.

I cleared my throat. "So, umm... w-what kind of drugs?"

Lalo namang lumawak ang ngisi niya at inilapit ang mukha niya saakin.

"Beatrix Hayle." he whispered on my lips.

"W-what?" I asked, blushing.

He mischievously stared into my eyes. His nose brushed on my left cheek before I finally felt his warm mint breath on my left ear.

"Beatrix Hayle is the drug that I'm currently taking. And I'm so sorry to tell you this, nurse, but I've got no plans of stopping in taking this drug."

"B-but that's illegal, Captain." Hindi ko mapigilan ang sarili ko na h'wag mapangiti. Ibinaling niya ang tingin saaking mukha at nginisian ako.

"I know... but I couldn't live without it. I'm addicted, Beatrix. I'm a slave to it." Saad niya habang nakangisi pa rin. Muli niyang ibinaba ang ulo niya sa may tenga ako.

"Your kisses get me so high. You gets me so high." he whispered then I felt his warm tongue on my earlobe. Biglang tumindig ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya at biglang bumigat ang aking paghinga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top