Chapter 30

Chapter 30

Dare

I texted Colton last night to let him know that I'm staying at our parents' house. 'Sige' lang ang tanging reply na nakuha ko. Ilang araw na rin ang lumipas simula nang magstay ako rito at pareho kaming walang duty ngayon ni Kaye kaya naisipan ko siyang papuntahin dito sa bahay at kaagad naman siyang pumayag.

"Beatrix, yung bisita mo nandito na!" Sigaw ni manang Sally mula sa labas ng aking kwarto.

"Sige po!" Sagot ko pabalik at nagmadaling bumangon ng kama ko para makalabas na ng kwarto ko. Paglabas ko ay pababa na si manang ng hagdan.

"Kaye!" I squealed when I saw her. She's wearing a basic white shirt and a highwaist jeans. Her eyes is twinkling while roaming her eyes around the place.

"Can't believe I'm here..." She murmured. Unti-unti namang nawala ang mga ngiti ko sa labi at nabalot ng guilt ang aking mga mata.

"Sorry..."

Kaagad naman siyang ngumiti at tumawa ng bahagya para pagaanin ang aking loob.

"Ano ka ba, Trix! Ayos lang ano. At least nandito na." Sabi niya. Kaye is aware that my heart is still close when it comes to accepting another 'bestfriend' in my life.  Oo, magkaibigan kami ni Kayeleen pero hindi pa iyon dumadating sa punto na ginagawa namin ang mga bagay na ginagawa namin noon ni Jess.

Ngayon ko lang siya inimbitahan na magpunta rito sa bahay kahit matagal na niyang gusto. Aminado naman ako na noong una ay ayaw ko talaga kaya palagi kong excuse ay 'yong hindi rin ako madalas umuwi dito dahil kay Colton ako tumutuloy pero deep inside, kung sakaling magkita ulit kami ni Jess ayokong isipin niya na ipinagpalit ko siya. That's why I've never invited Kaye kapag may okasyon dito sa bahay... Hindi rin ako sumasama sa tuwing may okasyon sakanila at iniimbitahan niya ako. Fair enough, right?

But it's not... It's never fair for her side. Ngayon ko lang iyon napagtanto. I shouldn't be closing my heart for those people who wants to come in. Lalo napatunayan na ni Kaye ng ilang beses na isa siya sa mga tunay na taong nakilala ko.

"Galing naman ni engineer Ponce de Leon!" Puri ni Kaye habang namamanghang inilibot ang bahay namin.

Natawa ako ng bahagya. "Silly! Nagdala ka ba ng damit mo?" Tanong ko. Bilin ko sakanya ay magdala siya ng damit para magswimming kami. She nodded at me.

"Siya na ba ang kaibigan mo, Beatrix?" Biglang sumulpot si mama sa gilid namin. Naaligaga naman si Kaye at hindi alam kung makikipagbeso ba siya kay mama o magmamano. Sa bandang huli ay nag 'hi' na lamang siya rito.

"Opo, ma. Si Kaye." Pakilala ko.

"Bakit ngayon mo lang siya inimbitahan?" tanong ni mama saakin. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kaye at siya na ang sumagot.

"Parati po kasing busy, tita!" pagdadahilan ni Kaye. I bit the inside of my cheek. I'm always terrible when it comes to people who wants to get close to me, huh?

"Sabagay... O siya, feel at home, hija. Tatawagin ko na lang kayo ni Beatrix kapag luto na ang pagkain."

"Saan ang kwarto rito ni Colton?" tanong niya habang paakyat kami ng hagdan. Nang makarating na kami sa second floor ay itinuro ko iyong kwarto na katapat ng kwarto ko.

"Crush mo talaga si Colton, ano?" Pang-aasar ko sakanya. Nagkibit balikat lang siya.

"Good catch naman ang kapatid mo e." sagot niya habang papasok kami. Mukhang hindi naman siya seryoso sa mga ganitong bagay e. Kaye prefers casual flings. Sa pagkakaalam ko ay isa lang talaga ang naging boyfriend niya pero ayaw niya ng pag-usapan iyon kaya hindi na nao-open ang topic.

"Cool room..." she praises. I rolled my eyes at her to hide my flatter. Ngumisi lamang siya at inilibot ang paningin sa kwarto ko. I motioned her to sit on my bed and she did. She noticed the small paper bag and eyed me salaciously.

I blushed a little. "Yael... He wants the label." Panimula ko. Mas lalo namang lumawak ang mga ngisi niya at nagningning ang kanyang mga mata.

"And?" There's a slight squeal in her voice.

"I'm giving it to him on his birthday." Sagot ko at mas lalo pa akong pinamulahan.

"Oh my gosh!" She squeals. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa kama ko at nilapitan ako.

"Don't tell me siya lang ang may gusto ng label!" she teased.

Humagikgik ako at mabilis na umiling. "No. Definitely not! I wanted the label since day one!" Eksaherada kong sabi.

"Well, congratulations, Trix." Aniya at hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sakanyang labi. I can see that she's genuinely happy for me and it feels great to have someone who'll support you in everything that you do. To have someone to listen to your long stories. She's been there ever since. Siya rin ang nagbibigay ng payo saakin tungkol kay Yael. Silang dalawa ni Nick, actually.

Hindi nagtagal ay kumatok ng muli si manang Sally at sinabing handa na ang pagkain. Sa dining area na kami kumain at nagkwentuhan. After that we took a dip in our lanai pool area.
Mga alas singko na siguro iyon nang maisipan naming magbanlaw na. After washing, she received an urgent call from her family. Hindi naman daw gaanong kalaki ang problema aniya pero kailangan niya pa rin daw silang puntahan. As much as I want her to stay for a little longer I respect her decision.

Nagpaalam na siya pero hindi niya maiwasang humakbang papunta doon sa may nightstand. Napansin ko na kanina pa niya sinusulyapan ang mga litrato doon. Mga polaroid pictures iyon namin ni Jess na nahalukat ko kagabi.

"Can I?" Paalam niya muna saakin. Dahan-dahan akong tumango. Muli niyang ibinalik ang tingin doon sa mga polaroid pictures at pinagmasdan ang mga iyon ng isa-isa. Mula sa kunot na noo ay unti-unting lumawak ang mga mata niya.

"Siya nga..." Bulong niya sa sarili niya. My heart began to beat rapidly inside my chest as I step forward.

"Kaye?" I called her name, wide eyes. She looked at me over her shoulder and her eyes are as wide as mine.

"The girl in the picture... I think I saw her." aniya na mas lalo pang nagpatibok ng sobrang bilis saaking puso.

"Saan?" my voice is frantic.

"Sa tapat ng ospital natin... I think she's waiting for someone." Sagot ni Kaye. Natigilan ako at napatingin sa kawalan at muling ibinalik ang tingin sakanya.

"S-sino daw ang hinihintay?" Parang tanga kong tanong.

"I don't know, Trix. Hindi ko siya nakausap." Sagot niya at bakas ang pag-aalala sakanyang mga mata. Hindi na ako sumagot pa at bumalik nanaman sa malalim na pag-iisip. Damn! So hindi ako namalikmata nang makita ko siya sa harap ng supermarket? She's really here! Halo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko. Nando'n na yung kaba at mga emosyong hindi ko na alam pangalanan pa.

"Trix... Are you okay?" Kaye asked me in concern. I wasn't given a chance to answer when her phone rang. Napaawang ang bibig niya at ngunit hindi niya pa rin sinasagot ang tawag.

I just smiled and nodded at her.
"I'm okay... Sige na, baka kailangan ka na doon." Sabi ko sakanya. She doesn't want to leave me but I smiled wider to encourage her that I'm fine and she can leave.

Bumuntong hininga siya. "I'll see you tomorrow." Aniya at nakipag beso saakin. I nodded my head and told her to take care. Pagkalabas niya ng kwarto ko ay doon na nawala ang mga ngiti ko. Kinuha ko ang mga polaroid pictures namin ni Jess nasa nighstand at pinagmasdan ang mga iyon.

Nagsimulang mag-init ang mga sulok ng aking mga mata. Are you really here, Jess? Makikita na ba kita? Mahigit isang taon ay bigla siyang hindi nagpakita at ngayon ay hindi ko alam kung ano na siya. Was she still the same Jess? Is she still my bestfriend? Are the rumors about her and Ryan were true?

Alas otso na ng gabi pero hindi pa rin ako mapakali. Lalo na ngayong alam kong totoo na nandito lang si Jess. She's just here all along. Bakit hindi man lang niya ako pinuntahan? Bakit hindi niya man lang ako kinamusta? I shook my head... I should listen to her side first, right? And I need to hear it now. NOW.

Wearing my short-shorts, grey shirt, and flip-flops, I left the house. Hindi ko na nagawang magpaalam at nag commute na lang ako papunta sa mansyon ng mga Travieso. Buong biyahe ay hindi pa rin ako mapalagay. Tanging wallet at phone lang ang hawak-hawak ko dito sa loob ng jeep. Nag notify ang phone ko at galing iyon kay Yael.

Yael:

I already arrived here in Angeles. Sunduin kita mamaya sa inyo?

Napakaraming tumatakbo sa isipan ko. Wala na rin naman akong oras para magpaliwanag kay Yael kapag tumanggi ako na h'wag na niya akong sunduin saamin.

Me:

Okay

That's what I reply instead. Masyado ng magulo ang isipan ko. Ini-sleep mode ko ang phone ko at tumingin na lang sa dinadaanan ng jeep na sinasakyan ko. Halos isang oras ang biyahe papunta kina Jess at kulang na lang ay sigawan ko na yung driver na pakibilisan pero kinalma ko na lang ang sarili ko.

Dito pa lang ay tanaw na tanaw ko na ang mansyon ng mga Travieso. My heart is pounding with every step that I'm taking. Nakompirma kong may tao na nga sa mansyon nila dahil nadagdagan pa ang mga guards na nagbabantay mula sa gate.

"Excuse me? Nandito na po ba ulit ang mga Travieso?" I tried my best to sound normal but I heard my own voice and it's shaking.

The unfamiliar guard holding a walkie talkie furrowed his forehead. I heard a man's voice in the walkie talkie. Tinatanong kung sino ang bagong dating at doon ako tinanong ng guard na nasa harapan ko ngayon.

"Sino sila?" Tanong niya.

"Beatrix Ponce de Leon— Jessica's... Jessica's bestfriend." Sagot ko. Nawala ang kunot ng noo niya at itinatapat ang walkie talkie sa bibig niya.

"Ponce de Leon daw. Beatrix ang pangalan." Dinig kong sabi niya.

"Patuluyin mo... Kilala 'yan nila sir." I heard over the walkie talkie. Nakahinga ako ng maluwang pero hindi iyon naging sapat para matanggal ang pagharumentado ng aking puso.

When the gigantic black gate finally opened I slowly came in. Bawat hakbang ko ay parang malapit na akong bumagsak but I stayed still standing on the grass. Nilibot ko ang paningin ko. Buhay na buhay na ulit ang mga bulaklak na nakatanim dito at yung mga puno rin ay masagana nanaman sa bunga. Para ka na namang nasa wonderland... Hindi katulad nang huli kong punta rito ay halos hindi mo na makilala ang lugar.

My heart is thumping. Parang gusto ko pang umatras. Nang malapit na ako sa staircase ng mansyon ay tumigil ako sa paglalakad at nakipagtalo sa sarili ko. Do Jess want me here? Matutuwa ba siya kapag nakita niya ako? Ano na kaya ang hitsura niya? Isa na rin ba siyang nurse ngayon? Itinuloy pa rin ba niya ang pangarap naming dalawa kahit hindi na kami magkasama?

"Jessica Claire! Get the fuck back here!"

Saglit na tumigil ang puso ko sa pagtibok nang marinig ko ang pangalan ni Jess at ang isang pamilyar na boses ng isang lalaki.

Nanigas ako mula sa kinatatayuan ko nang makita ko ang kaibigan kong si Jess na nagmamadaling lumabas at pababa na sana ng staircase ngunit nakita niya ako at natigilan siya. She's looking at me with wide eyes and her skin color became pale.

I smiled at her. "Jess..." Halos pabulong ko ng sabi.

"Goddammit, Jessica!"

Unti-unting nawala ang mga ngiti ko sa labi nang makita ko kung sino ang lalaking kanina pa sumisigaw sa frustration. I saw him stiffened, standing next to Jess, wearing the same expression. Para silang nakikita ng multo ng makita ako.

They were so shocked and I'm positive that I'm hella shocked as well! Who wouldn't? I just saw my own fucking brother going out of the same mansion where my bestfriend lives!

"Beatrix..." Tawag sa akin ni Jess. Her voice is shaking and pleading. I laughed in dibelief while shaking my head nonstop.

"What the fuck? What the fuck is this?" Gumaralgal ang boses ko habang natatawa ng pagak.

"Colton?" I eyed him. His jaw is clenched but his eyes are pleading, I don't even know what they're pleading for!

"What the hell is this Colton? Did I fucking miss something? Anong ginagawa mo dito? Bakit kasama mo si Jess? Matagal mo na bang alam na nakabalik na siya, ha!?" Hindi ko mapigilang sigaw. Dear God, I hope this isn't real. Sana hindi na lang ito totoo. Sana panaginip na lang, mas tanggap ko pa iyon.

He shut his eyes tight as his jaw clench before nodding. Nanlumo ako sa ginawa niyang pagtango.

"I'm sorry, Beatrix..." Sabi ni Jess at nagmadaling bumaba para abutin ako pero kaagad akong umatras. I motioned my hand to make her stay where she was. I have to know the whole story. I'm feeling dizzy and my stomach is clenching painfully.

"Ito ba ang dahilan kung bakit hindi ka na madalas umuwi, Colton? All this time ay alam mo na ba na nakabalik na si Jess?" Lakas loob kong tanong.

He let out a harsh sigh and his jaw clenched harder before answering.
"Yes," he said in gritted teeth under his breath. I felt a hot liquid gushed through my eyes. Ginawa nila akong tanga!

"Why, Colton?" simpleng tanong lang iyon pero bakas sa boses ko ang hinanakit. I feel so fucking betrayed!

"I can't leave her." Bakas sa boses ni Colton na nahihirapan siya.

"Colton!" Suway ni Jess sa kanya ngunit hindi siya pinansin ni Colton. I clenched my fist, mas lalo lamang akong nakakaramdam nang galit dahil tila ba ayaw ipaalam ni Jess ang totoong dahilan kung bakit nandito sila ngayon.

Bakit niya pinipigilan si Colton na sabihin ang totoo?

"And what about me, Colton? You can leave me just like that?! Okay lang sa'yo na iwanan ako pero siya hindi? I'm your sister! At bakit kailangan niyo pang itago sa akin ito?!" I grit my teeth and even though I can't see my face, I'm positive that my veins on my neck are visible.

Hindi siya sumagot, tinignan niya lang ako. His face is stoic and all of his emotions goes through his eyes.

"What, Colton!? So you can really leave your sister just like that!? Ano ka ba talaga?!Jessica's babysitter?!" panghahamon ko. I know there's still a deep reason why he did what he did.

"Beatrix, please..." Jess begged and she's about to take a step forward but I immediately raised my hand to stop her.

"Stay the fuck where you are!" I yelled. I looked at her with disgust and pain. Nag-unahan ang mga luha niya sa pagtulo at buong pait niyang binanggit ang pangalan ko. I drew my attention back to Colton— my brother who just betrayed me. His eyes are now filled with anger, like I just offended  him in every way I can.

"Ano, Colton!" I challenged him to speak up.

"I didn't leave you just like that, Trix... Ibinilin kita kay Yael! Everytime that I fail to come home I always ask Yael to watch out for you!" Depensa niya. Namilog ang mga mata ko nang banggitin niya si Yael.

"So Yael knows about this too?" Gulat na gulat kong sabi.

Pumikit nang mariin si Colton at napamura ng marahas.

"Sagutin mo ako, Colton! Alam ba 'to ni Yael?!" Sigaw ko at halos mapaos na ako. Nang hindi sumagot si Colton ay si Jessica ang binalingan ko ng matapang na tingin. Nakaawang ang bibig niya pero ang mga luha niya lang ang nagsasalita para sakanya.

"Yes..."

Nanghihina kong hinarap ang boses na nanggaling sa likod ko. I saw Yael still on his pilot suit, looking at me and his eyes are full of guilt. I felt my heart torn apart. I've never felt this so betrayed.

"Yes, I know all about this, Beatrix." Pag-amin niya. I shut my eyes tight. Yael in a pilot suit was my favorite view before but know... It disgusts me. Ni hindi ko na siya kayang tignan.
Muli akong humarap kina Colton. Jessica is sobbing like a crazy and she's attempting to go near me. This time I didn't stopped her.

My anger is consuming me and I was about to raise my hand to give her a hard slap the she deserves but Colton's voice thundered.

"I dare you to fucking hurt my wife, Beatrix!" He warned. And this time I couldn't take it anymore. My heart couldn't take it anymore. Wala akong nagawa kung hindi mapaupo sa damuhan at humagulgol ng buong pait. I clenched my fist through the grass and cried my heart out.

Jessica is Colton's wife. My bestfriend is my brother's wife and Yael knew all about this. I clutch my heart as I sob hard. I didn't know if the word 'betrayed' is enough to sum all of what I've been through at this moment. They're disgusting! How could they do this to me? They're all backstabbing snakes!

Wala ng mas sasakit pa dito. Ang tatlong taong pinagkatiwalaan ko ng buong-buo ay winasak ako ng pinong-pino. Pakiramdam ko wala akong kakampi. Pakiramdam ko ay pinagtutulungan ako. This is three againts one. They all betrayed me and they have no idea how it fucking hurts. They have no fucking idea how it's killing me at this damn moment!

Jessica is sobbing "I'm sorry" nonstop. Katulad ko ay umupo na rin siya sa damuhan para makapantay ako ngunit hindi na siya nangahas na hawakan pa ako. My chest is tightening and I can't stomach this shit anymore. I can no longer be with these people who betrayed me. It feels like I'm trapped with snakes. It's horrfying, awful, and disgusting.

Sunod na lumuhod si Yael sa damuhan para pantayan ako. He tried catch my gaze and I felt sick the moment he does.

"Beatrix, baby..." he coaxed. Napangiwi ako. Diring-diri ako sa paraan ng pagtawag niya saakin. Sa sobrang pandidiri ko ay para na akong masusuka.

He's about to touch my face but I shove his hand away and the moment my skin touched his skin... It feels awful. I can't take it. I trusted him! He knows my pain and sufferings! Siya mismo ay alam niya na halos mabaliw na ako kakaisip kung nasaan si Jess! Alam niya na palaisipan saakin kung magkasama ba sina Jess at Ryan!

Stupid me. Turns out to be that my brother is the one who married my bestfriend and not Ryan.

Ang sakit sakit lang na kung sino pa 'yung inakala kong masasandalan ko ay siya pa palang wawasak saakin. I let him see all my pain, all of me. Wala na akong maitatago sakanya. Pero bakit nagawa niya saakin iyon? Bakit nagawa nila saakin 'to? Of all people, why them?

"I'm done..." I even had the audacity to signal them my final goodbye. Bagamat nanghihina ako ay nagawa kong tumayo. Kaagad namang naging maagap si Yael at tumayo rin siya para habulin ako pero itinulak ko lang siya palayo. Ni sigawan man siya ay hindi ko magawa dahil sa sakit na nararamdaman ko. Nang makawala na ako sakanya ay kaagad akong tumakbo paalis. Palayo sakanila.

I clutched my breaking heart while running away from them. I swear in the name of these people who broke, shattered, and killed me that I will never be the same again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top