Chapter 27
Chapter 27
Why do Witches Suddenly Appear?
I woke up with the sunlight hitting my face, making it hard to open my eyes. I'm feeling kinda uncomfortable in between my legs, too.
Idagdag mo pa ang nakadagang braso sa bewang ko. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. I saw a silhouette of man lying beside me. Hindi nagtagal ay unti-unti ng luminaw ang aking paningin.
Napangiti ako nang marealize kong katabi ko palang natulog si Yael. He's peacefully sleeping and his lips are slightly parted.
Nagbaba ako nang tingin sa braso niyang nakadagan sa bewang ko. Mas lalo akong napangiti. His veins are popping on his muscular and firm arm and I like it. Gustong-gusto ko kapag ang braso ng isang lalaki ay maugat.
Nalipat ang tingin ko sa kanyang kamay at mga... daliri... Fuck! Awtomatiko akong pinamulahan nang maalala ko kung ano ang nangyari kagabi.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at dahan-dahang tinggal ang pagkakadagan ng kanyang braso sa aking bewang.
Napasinghap ako nang lalo lang iyong bumigat at hinapit ako papalapit sakanya.
I shivered when he nuzzled my neck.
"Where do you think you're going, huh?"
I stiffened when I heard him talk. Mas lalo pa siyang sumiksik sa leeg ako at mas lalo niya pa akong hinapit sa bewang.
Huminga ako ng malalim at nang kumalma na ang aking katawan ay saka ko hinaplos ang maugat niyang braso na nasa bewang ko.
"Gising ka na pala..." Iyon lang ang naisip kong sabihin.
"Hmm..."He replied on my neck. Nakikiliti ako at tumatayo na ang mga balahibo ko pero hinayaan ko na lang siya.
Nagbaba ako ng tingin sa suot ko. I'm still wearing the same outfit that I'm wearing last night. Pati denim jacket ko ay suot ko pa.
Hindi man lang niya tinanggal habang natutulog ako. He really loves it when I wear this, doesn't he?
"Yael..." Tawag ko sa kanya habang patuloy pa rin sa paghaplos sa braso niya.
"Hmm?"
"I'm sorry." I said out of nowhere. Lumuwang naman ng kaunti ang yakap niya saakin at inalis niya ang mukha niya sa leeg ko para tingnan ko. I jerked my head to let him face me.
Tinasaan niya ako ng kilay. "For misbehaving or for dancing with that guy?" Tumaas ang sulok ng kanyang labi.
"For misbehaving..." Sagot ko kaagad. Kumunot naman ang noo niya at nagsalubong ang kilay.
Ginamit ko ang libre kong kamay para haplusin ang kanyang salubong na kilay at kunot na noo.
"I thought you'll reply 'both'," He frowned at hinuli ang kamay ko na kasalukuyang pinaglalaruan ang noo niya.
"Yael, Nick is gay." I informs.
Napaawang naman ang bibig niya at lumawak ang kanyang malalalim at itim na mga mata. He's so cute I want to take a picture of him and use it as my wallpaper.
"Oh..." Iyon lang ang tanging nasabi niya.
I crinkled my nose at him.
"Kapag kasi sinabi kong ikaw lang, ikaw lang..."
Napangiti naman siya at inilapit sa bibig niya ang kamay kong hawak-hawak niya kanina saka niya ito hinalikan.
May kung ano naman akong naramdaman sa tiyan ko. Kung ganito na lang sana kaganda lagi ang umaga ay magkakaroon ako ng motivation para gumising ng maaga.
"Paano mo nga pala ako nahanap kagabi?" tanong ko bigla nang maalala kong hindi ko naman pala siya sinabihan kung nasaan ako.
"Connections, baby..." aniya at kinagat ang pang-ibabang labi niya. Oh God... Bite that lip again and I swear to God, Yael!
Yael biting and licking his lower lip should be considered illegal because I feel so attacked everytime!
Sumimangot ako para pagtakpan ang panandalian kong pagkabaliw sa pagkagat niya sakanyang ibabang labi.
Tumawa naman siya at niyakap ako ng mahigpit saka isinubsob sa kanyang dibdib. I smiled on his chest. We stayed like that for a minute and that minute became an hour...
Nagpunta muna ako saglit sa kabila para maligo. Kakatapos lang naming kumain ng almusal ni Yael. Pati rin siya ay naliligo sa kasalukuyan.
After taking a quick shower I just wore a simple shirt printed with 'I'm Delicate' on it. Naka short-shorts lang din ako. Kanina pang umaga nakaalis si Colton dahil wala na siya sa kabila nang magpunta ako.
"Hey." bati ko kay Yael pagpasok ko sa pad niya. Nakaupo siya sa sala habang nakapatong ang laptop niya sa center table.
Tutok na tutok siya doon habang nakaunot ang noo. May towel pang nakasabit sa balikat niya at hanggang ngayon ay medyo basa pa ang buhok niya.
He's just wearing a white shirt and grey shorts. Tinignan niya ako at nawala ang pagkakunot ng noo niya.
Tinapik niya ang space sa tabi niya. Humakbang naman ako palapit sakanya at umupo sa tabi niya. Kaagad kong naamoy ang kanyang shampoo. Shit!
"I connected the laptop on the TV. Mag search ka na lang ng movie na papanuorin natin. Mabilis naman ang internet." Aniya at imuwestra ang laptop sa harapan namin. Nandoon na siya sa site kung saan libre ang manuod ng movies.
"Ikaw na pumili. Baka ayaw mo yung mga movies na gusto kong panuorin..." Sabi ko sakanya.
Ginamit niya ang towel sakanyang balikat para patuyuin ang buhok niya kaya lalong umalingawngaw ang mabagong amoy ng kanyang shampoo. Lalo ring nagulo ang kanyang buhok.
"Ikaw na... Wala naman din akong alam na panuorin." Aniya habang patuloy pa rin sa pagpapatuyo ng buhok niya. Nag-iwas na lang ako ng tingin at itinuon ang aking atensyon sa laptop.
"Sige..." Sabi ko na lang at itinype ang 'Leap Year' sa search bar. Ito talaga yung movie na kahit ilang beses kong panuorin ay hinding-hindi ako magsasawa.
"Leap year?" Aniya. Saglit ko siyang tinignan at tinguan.
"Ayaw mo?" Tanong ko habang hinihintay na mag load yung siniearch ko.
"It's not that... Narinig ko na 'yan kay Ariana noon." aniya na naging dahilan upang muli ko siyang lingunin.
"Ariana?" Kunot noo kong sabi.
He grinned and his eyes sparkled.
"My sister..." he said that like it's the sweetest thing in the whole world. My heart melted and I can't help but to smile at him.
"She must be really beautiful." sabi ko at hindi pa rin nawawala ang mga ngiti ko sa labi. Tinignan niya ako sa mga mata at nginitian.
"Hmm..." He nodded his head. "Beautiful as you." ngumisi siya.
Namula naman ako at natawa ng bahagya. "Hindi ko alam kung binobola mo ako o ano."
Humalkahak siya. "Totoo ang sinasabi ko." depensa niya.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata habang nakangiti. "Am I as kind as her too?" tanong ko pa
Ngayon naman ay napangisi siya at dahan-dahang umiling.
"Good girl 'yon..." sagot niya.
Napasimangot naman ako.
Muli siyang tumawa at hinapit ako sa bewang saka naglalambing na kinagat ang balikat ko...
Alam na alam niya talaga kung paano tunawin ang pagkainis ko sakanya. Alam niya na konting lambing lang niya ay mawawala na lahat.
"Am I not a good girl, too?" tanong ko.
"No. You're very stubborn..." he replied in full of honesty. Naningkit ang mga mata ko ngunit nginisian niya lang naman ako.
"But I like you that way... Stubborn, hard headed."
"You're so honest, you know? But I like you better that way, too. Handsome man can attract women but an honest man can keep a woman. " nakangiti kong sabi sa kanya.
He looked at me in the eyes, I noticed that his smile fell off a little but he was quick to recover it. Pagkatapos no'n ay mabilis siyang nag-iwas nang tingin sa'kin kasabay nang pag-igting ng kanyang panga.
"Are you... okay?" hindi ko napigilang tanong. Muli niya akong hinarap, flashing that small smile on his lips.
He nodded. "Yeah..." aniya at ipinatong ang kanyang baba sa balikat ko.
"Soon, I will take you to Manila with me. Ipapakilala kita sa mga Salcedo." bigla niyang sabi.
May kung ano akong naramdamang mga insekto sa tiyan ko pero hindi pa rin matanggal ang mga ngiti ko sa labi.
"I've met your family already... I think it's time for you to meet mine." I pressed my lips together. Meeting Yael's family? I like that. But would they like me?
"Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako." I said honestly. He slightly squeezed my waist.
"I'm sure they'll like you." aniya. Napangiti ako at ako na ang nagtuloy sa pagpunas ng kanyang buhok habang ang baba niya ay nasa balikat ko pa rin.
"You think magkakasundo kami ni Ariana?" Sabi ko.
"Oo naman... She's fun and easy to be with. You will love her." he replied.
"Hmm..." I hummed. Tinigilan ko ang pagpupunas sa kanyang buhok at itinuro yung laptop.
"Oh, right..." aniya at inalis ang baba saaking balikat pero ang kamay niya ay nasa bewang ko pa rin. I tried my best to focus on what I'm doing.
Hindi ko na lang pinansin ang kamay niyang nasa bewang ko. Nang mag play na ang movie ay sumandal na ako at naipit ang braso niyang matigas sa pagitan ng likod ko at ng sofa pero mukhang hindi naman niya iyon alintana.
Umpisa pa lang ay parang gusto ko na kaagad i-fastforward kung saan nagkilala na sina Ana at Declan. Sinulyapan ko si Yael na mukhang sine-seryoso ang movie.
It's hard to focus when you can feel his arm on your back and his hand on your waist, you know?
Pero kahit ganoon ay muli ko na lang ibinaling ang tingin ko sa movie. Seems like he's enjoying the movie. Natatawa rin siya sa sass ni Declan. Good thing he liked it because this one's really my favorite movie.
We could have five kids and Leap Year is the movie that I will always suggest during our movie marathon together with our kids.
The thought of having kids with Yael sends something fuzzy and warm inside my body.
Nando'n na kami sa paborito kong scene nang may narinig kaming pagkatok mula sa pinto. I groaned and glared at the door.
Yael chuckled and kissed my temple.
"Chill... I'll get it." Natatawa niyang sabi at humiwalay na saakin para buksan ang pintuan. Muli kong itinuon ang pansin ko sa screen ng TV pero hindi ko napagilang sulyapan si Yael na nasa pintuan pa rin.
Bahagya iyong nakaawang kaya hindi ko makita kung sino ang kausap niya. May sinabi siya pero hindi ko iyon narinig. Lumipat ang tingin niya sa akin at nahuli niya akong nakatingin sa kanya.
"Sino?" I mouthed. He pressed his lips together before opening the door wider. Napaawang ang bibig ko nang makita kong nakatayo doon si Rhian na may dalang isang box ng S&R pizza.
Siya naman ay mukhang hindi na nagulat nang makita ako. Maybe Yael mentioned already. Pero hindi nga siya nagulat, mukhang nairita naman. Wala namang bago saakin doon. Palagi naman siyang irita tuwing nakikita ako.
Muli niyang ibinaling ang tingin kay Yael at nginitian ito bago tuluyang pumasok. She just stood there while Yael is closing the door. Muli siyang hinarap ni Yael nang maisara na niya ang pinto. Siya na rin ang nagbitbit ng dalang pizza ni Rhian bago sila humakbang papunta rito sa gawi ko.
"Maupo ka." ani Yael at iminwestra ang one seater sofa. Rhian flashed her elegant smile before having a seat. Inusog ng kaunti ni Yael ang laptop sa center table para magkasya doon ang box ng pizza na dala ni Rhian bago siya umupong muli sa tabi ko.
Napatingin siya sa screen na kulay itim na lang ang naka flash at ang pagpasada sa iba't-ibang pangalan ng mga kung sino man. Binalingan niya ako ng tingin.
"Tapos na?" Gulat niyang sabi. Tumango lang ako at tipid siyang nginitian. Napakagat lang siya sa ibabang labi niya at muling tinignan ang screen pero hindi nagtagal ay binalingan niya ulit ako ng tingin.
"Anong nangyari?" he asked then he bit his lower lip harder like he can't believe he asked that. Medyo namula pa nga siya.
Ngumisi ako. "Not gonna tell you." I teased.
"I'll go see for myself then." Nakangisi niyang sabi at hindi na ako pinilit. Magsasalita pa sana ako pero narinig namin ang pagtikhim ni Rhian kaya ang atensyon naming dalawa ay nalipat nanaman sakanya.
"Have you seen that movie? Leap Year?" Yael began a conversation with her. Pinaglapat ko na lang ang mga labi ko.
"No... Not yet."
"Well you should. It's great..." Ani Yael. I pressed my lips harder to prevent my lips from curving into a smile. He loved the movie!
Saglit akong tinignan ni Rhian at hindi nakatakas saakin ang talim ng kanyang mata bago muling ibinalik ang tingin kay Yael. Ang mga tingin niya kay Yael ay sobrang amo pero tumatalim kapag saakin na niya ibinabaling.
I don't know if this is still about his brother.
"Tungkol saan ba iyon? I'll give it a shot some time."
"It's a rom-com. It's about a girl who's planning to propose to her boyfriend on the Leap Year-"
"That sounds desperate." Umiiling na putol ni Rhian. "Sino ang nag suggest sa'yo ng movie na 'yan?" Nanunuyang sabi ni Rhian. For me it sounded like that but for Yael it sounded like a joke because I heard him chuckle.
"Si Beatrix." He said as he throw his arm on my shoulder. "The movie is great, I haven't finished it yet but I can tell that it's great." Pagtatanggol ni Yael.
Rhian shot me a dirty look before drawing his attention back to Yael.
"I hate desperate girls... So, no, thank you, mister Salcedo." Ani Rhian at sinamahan pa iyon ng tawa. I tried my best not to roll my eyes.
Tumawa rin si Yael. "Alright then." Pagsuko niya.
"By the way, tinake out ko itong pizza para kainin hindi para idisplay lang diyan..." Aniya at siya na ang nagbukas ng box ng pizza.
Bahagya akong nagulat nang maramdaman ko ang mainit na hininga ni Yael sa tenga ko.
"You okay?" He whispered.
I faked a smile. "Oo naman..." Sagot ko. I felt him squeezed my shoulder as he gives me a warm smile.
"Come on, Yael. Tikman mo." Ani Rhian. Tinanggal ni Yael ang pagkaka-akbay saakin para kumuha ng pizza. Sinuri niya ito.
"Is this shrimp I'm seeing?" Aniya ha ang kunot noong nakatingin sa isang malaking slice ng pizza na hawak niya. Maging ako ay napatingin doon.
"Oo... May problema ba? Gustong-gusto niyo ni Colton ng hipon 'di ba?" Sunod-sunod niyang sabi. I felt a stab on my chest.
She knows. Of course she does. Mas nauna pa nga silang nagkakilala ni Yael kaysa sa akin 'di ba?
"Oo, pero hindi pwedeng kainin ni Beatrix 'to."
Nagulat ako sinabi niya. Alam niya pala na allergic ako sa hipon? Sinabi ba sakanya ni Colton? O napansin niya lang no'ng nasa bahay naman siya?
"Oh... Allergies? Tinatablan ka pa pala no'n, Beatrix?" Pabirong sabi ni Rhian pero alam kong may laman.
Nag-igting ang panga ko at huminga na lamang ng malalim para humugot ng pagtitimpi.
Why do witches suddenly appear? Palagi na lang. Sa tuwing magkasama kaming dalawa ni Yael.
"Of course, Rhian. Anong akala mo?" Kunot noong sabi ni Yael at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ni Rhian. I saw Rhian tensed.
"Akala ko kasi ay kapag nasa field ka na ng medisina ay hindi na tatablan ng ganoon..." kaagad niyang bawi. Unti-unting nawala ang kunot ng noo ni Yael at ibinalik ang slice ng pizza na hindi niya pa kinagatan sa box.
"Ibibili ko lang saglit si Beatrix ng pwede niyang makain." Paalam ni Yael at kaagad na tumayo.
"Yael, h'wag na," mabilis kong pigil sakanya. Tinignan niya ako at inilingan ko lang siya.
"I'll just eat the leftovers from our breakfast." Sabi ko pa sakanya para makumbinsi na h'wag na siyang umalis. Alam kong mas lalo lang maiirita si Rhian kapag umalis siya para ibili lang ako ng pagkain.
"Bibili rin naman ako ng inumin para sa'ting tatlo kaya bibilhan na kita ng pagkain mo."
I sigh before finally nodding.
"Ikaw ang bahala..." Sabi ko na lang.
He looked at me for a second. "Ayaw mong sumama?" He asked.
Ilang sandali bago ako nakasagot. Ramdam ko ang mga titig ni Rhian saakin. Para bang inaabangan niya kung ano ang isasagot ko.
"Hindi na..."
Tinanguan na lang niya ako at humakbang na papunta sa isang drawer at kinuha ang wallet niya at susi ng kanyang vios doon. Pinanood ko siya mula sa pagbukas niya ng pintuan hanggang sa paglabas niya at pagsara niya do'n.
Pag-alis na pag-alis ni Yael ay ang panunuyang tawa ni Rhian ang narinig ko.
"What game you're up to this time?" Aniya.
"I don't know what you're talking about." I deadpanned. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa laptop para maghanap ulit ng movie.
"H'wag ka ng magkaila, Beatrix. Kilala kita. Kung pagsasawaan mo lang rin naman si Yael ay mabuti pang layuan mo na siya habang maaga pa!"
Nag-igting ang aking panga at buong talim ko siyang tinignan.
"Bakit ko susundin ang sinasabi mo? At paano ka nakakasigurong pagsasawaan ko nga siya?" I grit my teeth. This woman talks like she knows everything about me!
Natawa siya ng pagak. "Come on, Beatrix. Maglolokohan pa ba tayo dito? You're good at ditching boys after you got their attention, right? O ngayon ay nakuha mo na ang atensyon ni Yael! Sigurado ako na pagsasawaan mo na rin siya kagaya ng iba. Kagaya ng kapatid ko!"
Her last sentence boomed inside my head. Guilt started to eat me. I clenched my fist.
"Hindi mo alam kung gaano kamiserable ang kapatid ko noong nagugustuhan ka pa niya, Beatrix. Ginagawa niya naman lahat para magustuhan mo siya ulit. Pero ano ang ginawa mo? You neglected all his efforts! You treated my brother like a complete trash!"
I flinch at her words because they were straight. Lahat ng efforts na ginawa ni Ryan noon ay isa-isang nag flashback saaking utak. Napakasama ko.
Bumuntong hininga ako. "Please tell me where Ryan is..." Pakiusap ko.
She looked at me ridiculously.
"No way, Beatrix. Hinding-hindi ko sasabihin sa'yo kung nasaan ang kapatid ko." Matigas niyang sabi.
Napapikit ako ng mariin. Alam ko na na ito ang sasabihin niya. Muli kong iminulat ang mga mata ko at tinignan siya sa mga mata.
"Anong gusto mong gawin ko para lang sabihin mo saakin kung nasaan si Ryan?"
Napaawang ang bibig niya sa alok ko ngunit hindi pa rin nawawala ang panunuya doon.
"Iwan mo si Yael Salcedo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top