Chapter 12
Chapter 12
Honey
Naghihikab ako habang palabas ng ospital kasabay si Kaye na ngayon ay tahimik na dahil siguro sa pagod. Kagabi lang ay wala siyang sawa kung dumada pero ngayong pauwi na ay nanahimik siya.
"Beatrix..." Tawag sa akin ni Kaye at siniko ako. Kunot noo ko siyang tinignan at may kung ano siyang inginuso kaya nalipat ang tingin ko doon sa nginungusuan niya.
I was stunned when I saw Yael leaning his back on the side of his car while his arms are crossed on his chest.
He's wearing a black converse shorts and a simple grey shirt. Damn! And the way he looks at me makes me wanna go back inside the hospital to check my pulse!
His features still lack emotion but it always leaves me breathless all the time.
Naibalik ako sa realidad nang maramdaman ko ang pagkurot sa akin ni Kaye. I just clicked my tongue at humakbang na papalapit kay Yael.
"Tara na?" Aniya at umalis na sa pagkakasandal niya sa kanyang sasakyan. Napaawang ang bibig ko at hindi ko alam kung ano ang isasagot kaya nilingon ko si Kaye na hindi man lang umalis sa kinaroroonan namin kanina.
She waved at me and mouthed 'I gotta go' wala naman akong nagawa kung hindi tumango at kumaway sakanya pabalik.
Nang mawala na sa paningin ko si Kaye ay ibinalik ko ang tingin ko kay Yael na nakatingin na pala saakin. He raised his brows, waiting for my reply.
Tipid akong ngumiti. "Tara." Sabi ko. He wet his lips then he opened the frontdoor for me. Pagkasakay ko ay isinara niya ang pintuan at umikot siya sa driver's seat.
"Kanina ka pa?" Tanong ko nang paandarin na niya ang sasakyan.
"No. Just in time." Tipid niyang sagot.
"Salamat ulit at pasensya na sa abala. Si Colton talaga..." Nahihiya kong sabi. Imbes na magpahinga na lang siya ay na obliga pa siyang ihatid at sunduin ako.
"Wala naman akong ginagawa." sabi niya. Hindi na ako muli pang sumagot at tumingin na lang ako sa bintana.
"Gusto mo munang mag drive thru?" Bigla niyang tanong na naging dahilan para balingan ko ulit siya ng tingin.
"Kung gusto mo..." Sagot ko. Hindi siya nagsalita pero iniliko niya ang sasakyan sa malapit na drive thru. May dalawang sasakyan sa unahan kaya kailangan naming maghintay. Isinandal ko ang likod ko sa upuan at pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib ko.
Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko at sunod-sunod na ang aking paghikab. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako na may naramdamang malambot na kama sa likod ko. There's also a familiar manly scent lingering on the sheets that makes me wanna go back to sleep and lie in here all day.
I slowly open my eyes and I found out that I'm not sleeping in my room. Naisip ko na ito siguro yung kwarto ko sa unit ni Colton pero napagtanto ko na mali ako dahil iba ito sa kwarto ko sa unit ni Colton.
Tinignan ko ang katawan ko sa ilalim ng makapal na asul na comforter at nakita ko na may mga damit pa naman ako. Saka ko lang narealize na nakatulog pala ako sa kotse ni Yael tapos ay nandito na ako... Binuhat niya ba ako?
Just thinking how his firm and strong arms held me makes me shiver.
Tinignan ko ang wrist watch ko at napasinghap ako dahil alas dose na pala! Kaagad akong bumangon at lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay si Yael kaagad ang bumungad sa akin na mukhang kakagising lang din at nakaupo na siya sa sofa. Sa sofa ba siya natulog?
Ang mga mapupungay niyang mga mata ay binalingan ako nang tingin.
"Hi!" medyo nahihiya ko pang bati. Tinanguan niya lang ako.
"Diyan ka natulog?" Tanong ko sa kanya. I'm standing few feets away from him. Tumango ulit siya at naghikab at pinasadahan ang magulo niyang buhok gamit ang mga daliri niya.
He even cracked his neck while his palm is under his chin.
Lumawak ang mga mata ko. "Sana ginising mo na lang ako kanina..." Sabi ko sa kanya. Nakakahiya naman. Hinatid sundo na ako tapos inagawan ko pa ng pwesto.
"I tried to but it seems like you're tired from your duty."
"Hindi naman. Hindi lang kasi ako nakatulog ng buong araw dahil naninibago pa ako."
"Ahh." Iyon lang ang isinagot niya. I bit my lower lip. Halata naman wala siyang ganang makipag-usap saakin kaya aalis na lang ako.
"Sige, Yael. Salamat ulit. Babalik na ako sa kabila." Paalam ko sa kanya.
"Kumain ka na muna. Dinagdagan ko na ang iniluto ko kanina." Casual niyang sabi at kinuha yung remote sa center table at sinindian ang TV. Pilit kong pinigilan ang mga ngiti ko sa labi bago ko siya tinalikuran at nagpunta sa kusina.
Tiningnan ko kung ano ang ulam and it's adobo. Hindi na ako nagdalawang isip na makialam sa kusina ni Yael dahil kumalam ang tiyan ko nang oras na maamoy ko ang luto niya.
Kumain ako sa dining table habang siya naman ay nasa sala, nanonood. His adobo is good! Matapos kong kumain ay naghugas ako ng mga plato at pati yung pinagkainan ni Yael ay hinugasan ko rin.
"Hindi mo kailangang gawin yan..." Muntik ng dumulas sa mabula kong kamay ang baso na kasalukuyan kong sinasabunan nang biglang sumulpot si Yael sa likod ko. I cocked my head on the side to look at him.
"Nakikain na nga lang ako iiwanan ko pa ba 'tong mga 'to? Tsaka, pasensya na rin pala nakialam na ako sa kusina mo. Nagugutom na kasi ako." I smiled sheepishly at him.
"I don't mind you feeling at home, Beatrix but you really don't have to do that..." aniya sa baritonong boses. There's always something with the way he calls my name. Like my name is only meant for his lips.
"O-Okay lang! Kayang-kaya ko namang maghugas ng mga plato."
"I've never seen you wash dishes before... nung tatlong araw akong na sa inyo." May pagdududa sa tono niya.
"It's because everytime I try to initiate, palagi nilang sinasabi na umakyat na lang ako sa taas. But I do know how to wash the dishes. Ako kaya ang naghuhugas ng mga plato kapag mag-isa ako sa bahay." Pagkukwento ko habang ipinagpapatuloy ang pagsabon sa mga plato, baso at mga kutsara tinidor.
Ramdam ko pa rin ang presensya niya sa likod ko kaya sunod-sunod ang sigaw ko sa utak ko na h'wag sana akong pumalpak dahil na te-tense ako sa presensya niya. Lalo na't alam kong pinagmamasdan niya ang lahat ng mga kilos ko ngayon.
Pagkatapos kong maghugas ng mga plato ay hinarap ko siya. He's still standing there.
"All done." Nakangiti kong sabi sakanya. Tinitigan niya lang ako at hindi man lang siya ngumiti. Bigla tuloy akong na conscious sa sarili ko dahil sa pagtitig niya sa mukha ko.
"B-bakit?" Hindi ko mapigilang tanong sabay punas sa pisngi ko.
"Anong oras ang duty mo mamaya?" Tanong niya bigla.
"It's my day off."
Tumango-tango siya. "Kailan ang sunod mong shift?" He asks again.
"It's fine, Yael. I can commute." Kaagad kong sagot sakanya.
"Kailan?" Tinaasan niya ako ng kilay at hindi pinansin ang sinabi ko.
Bumuntong ako ng hininga. "Wednesday, 3pm to 11." Sagot ko.
--
"Excuse me? Saan yung mga wheat breads niyo dito?" tanong ko doon sa isang staff.
"Section number three po, Ma'am. Diretso lang kayo tapos makikita niyo sa bandang kanan." She answered politely.
I smiled. "Thanks." Sabi ko at dumiretso at nang makita ko yung may number three sa taas ay kumanan ako. Kumuha ako ng isang wheat bread at yung isa naman ay yung plain lang. That was the last thing that I needed to put in my cart. Since it's my off today, naisipan ko ng ngayon na mamili ng mga pagkain sa unit ni Colton dahil puro fastfood ang kinakain niya.
Nag grab na lang ako papunta at paalis dito sa supermarket dahil ayokong istorbohin si Yael at magpasama pa dito. Nahihiya na ako sakanya dahil na obliga pa siya dahil lang sa hindi niya matanggihan si Colton. Imbes na magpahinga na lang siya ay inihahatid sundo niya pa ako sa ospital.
Nang makarating na ako sa loob ng unit ni Colton bitbit ang mga pinamili ko ay kaagad ko ng inalis ang mga hindi na kailangan sa loob ng ref niya at inilagay ang mga pinamili ko. I checked the wall clock, ilang oras na lang ay oras na ng hapunan kaya inihanda ko na yung mga sangkap na iniwan ko sa mesa at hindi ipinasok sa ref kanina para lutuin ang mga iyon.
I don't know if I still know how to cook but I took summer in a culinary school when I was in Senior high pero isang summer lang iyon dahil nang matuto na ako ay nagsawa na ako kaya itinigil ko na.
Iniluto ko yung kung ano ang una kong natutunan and that was beef broccoli. Hindi ko pa nakakalimutan ang procedures dahil iyon ang kauna-unahan kong natutunang lutuin, sabi nga nila kung ano ang una ay iyon ang mahirap kalimutan. That's why in love we have the saying that, "First love never dies"
Nang matapos kong lutuin iyon ay tinikman ko para malaman kung hindi ba nakakahiyang ibigay kay Yael and it turned out to be fine. Kumuha ako sa isang malaking mangkok ng beef broccoli at inayos ang sarili ko bago tuluyang lumabas ng unit ni Colton. Both sides of my hair have simple braids na ipinagsama sa bandang likuran. Tapos ay nakapusod pa ito.
I'm just wearing a simple pink shirt na may mukha ni pink panther at shorts. Hindi naman ako mukhang basura kaya pwede naman akong humarap kay Yael.
Kumatok ako sa pintuan ni Yael gamit ang libre kong kamay- ngayon alam ko na na yung left side pala ay yung kay Yael. Hindi nagtagal ay binuksan na niya ito. No'ng una ay bahagya siyang nagulat dahil nakita niya ako pero napalitan iyon ng kunot noo nang makita niya ang dala-dala ko.
"Dinner?" I smiled at him. He just wet his lips as he open his door wider to welcome me. Hindi pa rin nabubura ang mga ngiti ko habang papunta kaming dalawa sa dining table niya. Inilapag ko doon ang mangkok na dala ko na ngayon ay tinitignan niya.
"Ikaw ang nagluto?" Tanong niya. I nodded my head.
Napangisi siya. "Pangalawang beses mo na akong ginulat ngayong araw." Sabi niya. Natawa naman ako ng bahagya.
"Why? Because you think I'm just a spoiled brat who studies during the day and party hard every night?" Pabiro kong tanong sakanya na may halong katotohanan. I really wanna know kung ano ang iniisip niya saakin.
Nagkibit balikat lang siya at lalong lumawak ang ngisi. Napanguso naman ako at sinamaan siya ng tingin. Nag-iwas siya ng tingin at tinalikuran ako para kumuha ng plato sa dispenser.
"Sige na, babalik na ako doon." Paalam ko na lang sakanya.
Sinulyapan niya ako saglit. "Dito ka na lang kumain." Sabi niya at tuluyan ng kumuha ng dalawang plato. I just bit the inside of my cheek to prevent myself from smiling.
"Gusto mo pa ba ng adobo?" Tanong niya sa akin. Mabilis naman akong tumango. Kumuha pa siya ng bowl at naglagay ng adobo doon para saakin. Mukhang kakainit lang dahil nang buksan niya ang takip ay may usok pa. Tinulungan ko na siyang ihanda ang mesa.
Hindi ko kaagad naisubo ang unang kain ko dahil sinilip ko kung ano ang reaksyon niya habang tinitikman ang luto ko. Tinikman niya yung beef at tinignan niya ako. Kaagad naman akong nagbaba ng tingin sa pagkain ko at itinuloy na ang pagsubo ko.
"It's good." Aniya na naging dahilan upang mag-angat ulit ako ng tingin sakanya.
"Really?" Paninugurado ko at hindi maitago ang tuwa sa boses ko.
Tumango lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain niya at ganoon na rin ang ginawa ko. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay napansin kong hinihimay niya ang broccoli mula sa beef.
"Hindi ka kumakain ng broccoli?" Hindi ko mapigilang tanong. Umiling siya.
"Akin na, ako ang kakain." Sabi ko at inilapit ang plato ko sakanya. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Tinaasan ko lang siya ng dalawang kilay, urging him to give me his broccolis. He was hesitant at first but afterwards he transferred his broccolis to my plate.
"Hindi ka rin ba kumakain ng ibang gulay?" Tanong ko ulit dahil nilalamon ako ng kyuryosidad.
"Kumakain ako... I just don't like broccoli." Sagot niya habang tutok sa plato niya.
"Sometimes I eat my broccoli, raw. 'Cause raw broccoli has twice the vitamin C of an orange, almost as much calcium as whole milk." I said matter of factly.
Bahagya siyang tumawa. "No, thanks. Pwede naman akong direktang kumain ng orange at uminom ng gatas." Aniya at naglagay pa ng broccoli sa plato ko na nakuha niya sa plato niya.
Tumawa na lang ako at kumuha pa ng adobo sa bowl. "Ikaw lang ba ang nagluluto dito?" pag o-open ko ng panibagong topic.
Umiling siya. "Minsan nagpapadeliver ako at kung minsan—" hindi naituloy ang sasabihin niya nang biglang nag vibrate ang phone niya na nakapatong sa mesa.
Honey calling...
Sa isang iglap ay nawala ang saya na nararamdaman ko kanina pa. His flight attendant girlfriend is calling her pilot boyfriend. Napangiti ako ng mapait at nawalan bigla ng gana sa pagkain.
"Excuse me," aniya pero hindi siya tumayo at sinagot ang tawag sa harapan ko.
"Yes?.... Bukas na lang, we'll be in the same plane tomorrow right?... Okay. You, too. Bye."
Sa pagkain ko itinuon ang atensyon ko pero naririnig ko pa rin ang boses ni Yael habang kausap niya ang girlfriend niya.
"Where are we?" Si Yael na mukhang ako na ang kinakausap. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at pilit na ngumiti.
"Hindi ko na maalala..." Pagsisinungaling ko. Dahil alam ko naman ang kasunod ng sasabihin niya. Na ipinagluluto siya ng girlfriend niya.
Umawang ang bibig niya at mukhang may sasabihin pa pero inunahan ko na siya. "Babalik na ako sa kabila. Kailangan ko nang maligo, ang lagkit ko na." Pagdadahilan ko at sinamahan pa ng pekeng tawa.
He wet his lips before nodding his head. I gave him a fake smile before I stood up and left him.
Sabi nila h'wag daw masyadong masaya dahil malulungkot ka lang. Well, that's true.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top