Chapter 10
Chapter 10
Thank You
Narinig ko ang tunog ng sasakyan ni Colton mula sa pagandar nito hanggang sa unti-unting pagkawala. Tinitigan ko ang maliit na gallon ng ice cream na ibinili ni Yael sa akin kanina. Umalis na sila. Yael won't be sleeping next door anymore. I guess that'll be the last... I will never see him again.
If Jess is here, sasabihin niya sa akin na h'wag na akong umasa dahil wala naman akong aasahan kay Yael Salcedo.
He didn't even glance at me nang palabas na siya ng bahay kaya imbes na sumama ako kina Mama na ihatid sila sa labas ay dumiretso na lang ako sa kwarto ko dala-dala yung ice cream na binili niya at kay Cole niya pa ipinaabot.
Parang mas doble 'yung lungkot na nararamdaman ko. They said no man is an island but why I feel like I am?
Isa-isa silang umalis. Jess, Colton, and Yael... kung kailan mas kailangan ko ng company ay doon sila umalis.
--
Ang bilis ng araw at patapos na kaagad ang sembreak which is good. Dahil para kahit papaano ay mawala na ang pagkainip ko sa bahay. I know I should have just gone to my fave bar to kill some time pero wala naman si Jess. Siya lang ang palagi kong kasama at ngayong enrollment para sa second sem ay hindi ko na siya kasama.
Parang pinipiga ang puso ko... This is not the first time that Jess left ngunit iyong una niyang pag-alis ay alam ko pa dahil nagpaalam siya sa'kin pero ngayon ay wala akong ka ide-ideya.
"Beatrix Hayle Ponce De Leon." Anunsiyo nung teller. Tumayo naman ako mula sa kinauupuan ko at kinuha yung papel na iniaabot niya. Pinirmahan ko lang iyon at muling iniabot sa kanya. She tore something from the paper tapos ay ibinigay niya rin sa akin. Bumalik ako sa upuan ko para kunin yung bag ko.
"Weird." Dinig kong sabi no'ng babae na nakaupo at naghihintay na matawag ang pangalan. Kunot noo siyang nakatingin sa phone niya.
"Bakit?" Puno ng kyuryosidad na tanong ng kanyang katabi na mukhang kaibigan niya naman.
"Look," sabi nito at ipinakita ang phone niya. "Ryan Ramirez deactivated all his accounts and Jessica Travieso too." Aniya. Napaawang ang bibig ko at kumalabog ang puso ko dahil sa sobrang gulat. Ryan deactivated all his social media accounts too?
"Oo nga ano?" her voice is full of amusement. May ideya na pilit pumapasok sa utak ko pero hindi ko iyon pinansin. Jess won't do that. Kilala ko siya at hindi niya naman kayang ilihim sa akin ang gano'ng bagay.
"Baka nagtanan tapos nagpakalayo-layo... Hindi natin alam. Isa pa, madalas ko silang makitang mag-usap noon."
Kaagad na akong tumalikod at mabilis na naglakad palayo. Sandali akong natigilan sa paglalakad at natawa ng pagak. Hindi naman iyon totoo diba? Hindi iyon magagawang ilihim sa akin ni Jess dahil alam niya namang matagal ko ng hindi gusto si Ryan... Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na hindi totoo yung mga narinig ko... Pero paano kung totoo yung mga narinig ko? Alam ko na hindi sapat na teorya iyong pareho silang nag-deactivate pero mahirap ding paniwalaan kung sasabihin na 'coincidence' lang ang nangyari.
I really don't know what to believe. Hihintayin ko na lang si Jess. I'll wait for her para siya na mismo ang magpaliwanag sa akin ng tunay na nangyari. I shouldn't be feeding my mind about the rumors that I heard.
Ito kasi ang problema sa akin. Kung ano ang sinabi ng tao ay papaniwalaan ko. If I think a girl is nice and hears a bad comment about her afterwards parang unti-unti iyong i a-adapt ng utak ko hanggang sa marealize ko na parang tama yung komento na narinig ko tungkol sakanya at magiging ganoon na din ang tingin ko sa taong iyon.
But this is about my bestfriend, right? Ako ang mas nakakakilala sakanya higit pa sa mga tao rito. Hindi tama na paniwalaan ko ang sinasabi ng iba tungkol sakanya.
"Trix!" I heard someone called me. Awtomatiko kong hinanap kung saan nanggaling ang boses at nakita ko si Eli kasama si Brody. Eliott Ponce De Leon- my cousin who's taking civil engineering course too. Napansin ko si Brody na nakatingin saakin habang nakapamulsa.
Tipid ko siyang nginitian. Inakbayan naman siya ni Eli at inakay papalapit sa akin. Brody didn't protest though pero hindi pa rin maganda ang na se-sense ko sa ginawa ni Eli.
"Trix, si Brody. Brody, si Beatrix-pinsan ko." He introduced us to each other and I swear I want to wipe that infamous grin off of his face. Sigurado ako na nakarating na kay Eli ang tungkol sa balitang gusto ko si Brody.
Kaya siguro alam ni Colton na may gusto akong isang Civil Engineering ay dahil nilaglag ako nitong si Eli! He's the one who's responsible why Colton knows about my crush thing about Brody. Nag-igting ang bagang ko at gusto ko ngayong taktakin ng takong sa noo si Eli.
Inalis ni Brody ang pagkaka-akbay ni Eli sa kanya. "Stop being childish, Eli." Walang ganang sabi ni Brody sa pinsan ko.
Take that, Eli. Kahit na magkaklase sila ay hindi naman kasi sila masyadong close nung tao pero kung maka-akbay siya. Baka nga nag-umpisa lang siyang kausapin ni Eli dahil nakarating sakanya na gusto ko si Brody.
This asshole just wants to get juicy information about me and Brody pero malas niya dahil wala naman siyang mahahanap dahil bilang na bilang sa mga daliri ko ang pag-uusap namin ni Brody.
"Oh, of course, you already knew each other." Eli teased. Napairap si Brody sa kawalan at napailing. Sa mga kinikilos ni Brody ay mukhang alam niya na kung bakit ganito na lamang kung mang-asar si Eli.
"Brody..." Tawag ko sa kanya. Mas lalong lumawak ang ngisi ni Eli na hindi ko na lang pinansin. Brody raised both of his brows waiting for my next sentence.
"Can I talk to you for a sec?" sabi ko. Tumango naman ito at saglit na binalingan ng tingin si Eli na malisyosong nakangisi.
Inirapan ko lang siya bago sinenyasan si Brody na sundan ako. Naglakad ako papunta sa side ng side ng chapel kung saan may mga berdeng tables at may mga puno rin sa paligid habang si Brody naman ay nakasunod sa likod ko.
Laking pasalamat ko na hindi na sumunod si Eli. Hindi na kami umupo at nanatili na lang kaming nakatayo.
Hinarap ko siya at tinignan saglit. Brody Benitez is a good catch. Pinagpala siya pagdating sa physical appearance at sa utak kahit na hindi sila ganoon kayaman katulad ng mga ibang estudyante rito.
"Alam ko na alam mo kung bakit ganoon umasta si Eli kanina." Panimula ko at kinagat ang ibabang labi ko. He unconsciously licked his lower lip and sighed before nodding.
"I'm sorry, Brody." Buong sinseridad kong sabi.
Kinunotan niya ako ng noo. "You're sorry for liking me?" Diretsahan niyang sabi.
Umiling ako. "I'm sorry because my feelings for you were gone." I said, honestly. Ayoko ng maging katulad ng dating Beatrix na basta-basta na lang nag tu-turn down.
At isa pa, alam ko naman na hindi ako gusto ni Brody pero tumatak na sa isip niya yung ideya na gusto ko siya.
At ngayon, kailangan ko ng burahin iyon. Ayokong isang araw na makita niya akong nagpapakabaliw kay Yael Salcedo pero alam niya na siya ang gusto ko. At kung bibigyan ng pagkakataon ay kakausapin ko rin si Ryan tungkol dito.
I hate confrontations but I need to face it because I'm being the girl version of an asshole here. I'm always turning down Ryan without explaining why I'm doing so. Ugh! How can Yael made me do this?
How could he make me do such things by just existing? At isa pa, why am I doing this for the sake of him anyway? To think that he's taken?
He nodded. "You don't have to apologize, Beatrix. Hindi ako apektado." He said bluntly. Instead of being offended, I felt relieved about it.
Tumango ako at tipid siyang nginitian. Akala ko ay aalis na siya pero bigla ulit siyang nagsalita.
"Thank you, though." sabi niya. Napaawang ang bibig ko at nagtatanong siyang tinignan.
"Salamat at nilinaw mo habang maaga pa... habang hindi pa kita nagugustuhan pabalik." aniya at nginitian ako sa huling pagkakataon bago ako tuluyang tinalikuran. Para akong nabunutan ng tinik.
Ganito pala ang pakiramdam ng confrontation? Kung alam ko lang na kahit gaano ito nakakaba ay magaan naman ito sa huli ay matagal ko na sanang kinausap si Ryan.
--
"Congratulations, Trix!" Iyan ang madalas kong marinig sa tuwing may panibagong dating na bisita. Today is my graduation day. Panay ang thank you at ngiti ko sa mga ito. Lalo na sa tuwing may dala itong mga regalo. Isn't it nice to graduate?
"Gusto ko na ring gumraduate tuloy!" Brielle.
"Edi mag-aral ka ng mabuti..." Sabad ni Eli na may dala-dalang baso na may wiggies ice cream at umupo sa tabi ng kanyang nakababatang kapatid. Napapagitnaan ngayon si Brielle kina Eli at Aya.
"Galing pa talaga sa'yo yan?" tinasaan siya ng kilay ni Brielle. Nagkibit balikat lang si Eli at pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream.
"Congratulations, Trix." nailipat ang atensyon ko kay Philip na kakadating lang. May dala-dala din siyang regalo para saakin. Tinanggap ko iyon at nagpasalamat saka siya nginitian.
"Kumain ka na, Phil." Sabi ko sakanya. Philip is a lawyer. Kasing edad niya si Colton habang ako naman ay ang mga kaedaran ko sa mga pinsan ko ay ay sina Eli at Azariella. The rest, they're either older than us or younger.
"Hoy King Philip! Akala ko hindi ka na darating." Si Eli na nakatayo na ngayon at papalapit saamin dala-dala ang baso niya na may ice cream.
"At least, I came." Ngisi ni Philip. Bigla namang humalakhak si Eli.
"Double meaning?" Tumatawang sabi ni Eli. Pinamulahan naman ako nang marealize ko kung ano ang sinasabi ni Eli. Nag-iwas na lang ako ng tingin at hinayaan ang dalawa na mag-usap. Pinuntahan ko si Mama na kasalukuyang kausap si Tito Ezekiel- Ezekiel, Eli, and Brielle's father.
"Ma, anong oras darating si Colton?" I interrupts. Saglit akong hinarap ni Mama.
"Parating na 'yon." Sagot niya at muling ibinaling ang atensyon kay tita Mathilda. Bumagsak naman ang balikat ko. May balak pa bang dumating iyon? Kahit kailan talaga paimportante.
"Oh hindi lang pala ikaw ang gusto ng entrance, Phil. Pati si Colton!" Hiyaw ni Eli.
"Lul, Eli." Nang marinig ko ang boses ni Colton ay kaagad akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nila. Tumingin ako sa may bandang likod niya.
"Sinong hinahanap mo? Nandito na ako." Dumiretso ang tingin ko kay Colton nang magsalita siya.
"W-wala no!" Sabi ko at inirapan lang siya. He smiled at humakbang na papalapit saakin.
"Congratulations, my sister."
I smiled and hugged him back. "Thanks," I said as I try to put enthusiasm in my voice. Itinaboy ko na lang ang kung anong disappointment na nararamdaman ko. Why would I even think na pupumta siya diba? Kumalas na siya sa yakap at iniabot ang regalo saakin.
Ngumisi ako at sinilip yung laman no'ng maliit na paperbag from pandora. May isang maliit na box doon at kaagad ko itong sinilip.
"Woah, this is beautiful, Colton!" Namamangha kong sabi. He bought me a pair of earrings.
"Glad you liked it." he grinned.
"Thank you." Sabi ko sakanya. "Kumain ka na nga doon." pagtataboy ko sakanya.
"Waaah! Ang sweet talagang kuya ni Colton!" Brielle said as she dug into her ice cream. Hindi ko alam kung paano siya nagkaron, pero nevermind.
"Come on, Brielle, you don't have to be jealous." Sabi ni Eli at ngumisi ng may tiwala sa sarili.
Brielle smiled sweetly. "Of course, Eli. I have Ezekiel." Mayabang na sabi ni Brielle na ikinaasim naman ng mukha ni Eli. Napangisi na lang ako sa pag-aaway ng dalawa.
Maingay sa paligid at pakalat-kalat ang mga pinsan ko. This only proves how big Ponce De Leon clan is.
Kumpleto kami at sina Cole at Azariela. Cole was already sleeping while Azariela lives in New York.
Maya-maya ay nagsama-sama kaming magpipinsan doon sa lanai pool area at doon kami nag-inuman. Madalang lang kaming magpunta dito dahil hindi namin nabibigyan ng tubig ang pool.
Pero no doubt, this place is heaven lalo na tuwing gabi dahil kitang-kita mo ang mga bitwin sa lit screen. Nagpalagay din sina Papa dito ng mga tables and loungers.
"Sayang at hindi ako nagdala ng damit!" Reklamo ni Brielle at ininom ang kanyang flavored canned beer. She's still looking at pool like she wants to dive in instant.
"Pwede naman kitang pahiramin, Brielle." Presinta ko. May mga bago naman din akong underwears na hindi ko pa nagagamit.
"Really?" Lumiwanag ang kanyang mapulang mukha dahil sa epekto ng alak.
I chuckled and nodded my head.
"Thanks, Trix!" Nakangiti niyang sabi.
"H'wag mo na siyang pahiramin, Trix!" Suway ni Eli sa akin at hinarap si Ezekiel na tahimik na nakatingin din sa pool habang hawak-hawak ang kanyang beer. "Kiel, pigilan mo siya. Hihintayin pa natin siyang makapag banlaw bago tayo makauwi!" Utos ni Eli sa nakatatandang kapatid.
"Hayaan mo siya." Kibit balikat na sabi ni Ezekiel at kinuha ang phone niya na nakapatong sa may mesa. Brielle let out a bitchy laugh then she stucked his tongue out. Eli just rolled her eyes at his younger sister.
"Hinayaan mo na nga siyang uminom tapos kukunsintihin mo pa..." Pabulong na sabi ni Eli na hindi nakatakas sa pandinig naming lahat.
"Calm your balls, Eli. Hindi malalasing si Brielle doon dahil kaunting percentage lang ang alcohol content." Sabi ko.
"See! Stop being a party pooper!" Inirapan siya ni Brielle at muling binalingan ng tingin si Aya.
"Aya, are you in?" Naghanap pa ng karamay itong si Brielle. Aya is the younger sister of Phil. Siya rin ang pinaka good girl sa aming magpipinsan kaya siya lang itong hindi umiinom. Kaming lahat dito ay may beer habang ang sa kanya naman ay ang paborito niyang dutch mill.
"Wala akong damit." Ngumuso ito.
"Ako na ang bahala. Just go and enjoy!" Sabi ko sa dalawa.
"You heard that, Aya? Si Beatrix na ang bahala." sulsol pa ni Brielle.
"Okay." Iyon na lang ang sinabi ni Aya. Hindi rin naman kasi siya titigilan ni Brielle for sure. Nagsimula ulit ng panibagong topic si Eli na naging dahilan ng tawanan namin.
Sa kalagitnaan ng tawanan ay napansin kong nag-iisa si Colton doon sa isang lounger at nakatingila sa langit at tinignan ang mga bitwin mula sa lit screen. Hindi na ako nagdalawang isip at nilapitan ko siya. Umupo ako sa isa pang lounger na katabi niya ng kanya.
Saglit niya akong tinignan at nginisian bago ibinalik ang tingin sa mga bitwin.
"At last, graduated ka na." Bigla niyang sabi. I smiled and rested my back on the lounger.
Tumingin na rin ako sa mga bitwin. They're so beautiful. Kung dito pa lang ay nagagandahan na ako sa view, paano pa kaya sina Colton at Yael kapag may flight sila ng gabi? Siguro ay mas maganda ang view.
"Oo nga e... I thought magkasama kaming magpe-pledge ni Jess." hindi ko naitago ang lungkot sa boses ko.
"Wala ka pa ring balita sa kanya?" Tanong niya sa akin at inayos ang pagkakasandal.
Umiling ako kahit alam kong hindi siya nakatingin saakin. "Ang huling balita ko lang ay baka nakipag tanan daw siya kay Ryan— yung kaklase namin." Sabi ko. Pero hindi naman iyon totoo hindi ba?
Pero maging si kay Ryan kasi ay wala na akong balita. Napakailap nilang dalawa. Parang bigla na lang nabura ang existence nila sa mundo at tanging ikaw na lang ang nakakaalala sa kanila.
Gulat akong hinarap ni Colton. His jaw clenched as his features became darker. "Tangina, ano?" Mahina ngunit hindi niya makapaniwalang sabi.
Nagkibit balikat ako. "That's what I've heard. Iyon ang teorya ng mga chismosa kong ka school mate but I doubt that. Hindi naman sapat na ebidensya ang parehas nilang pagkawala para suportahan ang teorya nila, 'di ba?" Sabi ko.
Nagkibit balikat siya at tumingin sa kawalan. "Rumors are mostly made out of lies but some of them are true... at kapag napatunayan na totoo ang ginawang pagtatanan ni Jess?" A bitter laugh escaped from his mouth. "E 'di tangina congrats!"
"Bakit ka ba ganyan? Mas papaniwalaan mo pa 'yung iba kaysa kay Jess?"
"Bakit? Ano bang depensa ni Jess? Umalis nga siya nang walang paalam! She just ran away just like that! Ni hindi nga siya nag-iwan ng kahit anong pwede mong mapanghawakan na babalik siya!" A vein popped on his neck as his chest heaved up and down.
Napamura pa siya at isinandal na lamang ang ulo sa may lounger sabay pikit nang mariin.
"Cols, hindi naman natin alam kung totoo iyon kung ikaw paniniwalaan mo sila, bahala ka. Basta ako alam kong hindi magagawa iyon ni Jess." Awat ko sa kanya. I know that he just don't like the thought that Jess betrayed me for not telling me why she left pero hindi naman tama na kumpirmahin niya ang walang kasiguraduhan.
"Colton! Why don't you take a dip, here?!" Sabay naming nilingon si Eli na ngayon ay nakalublob na rin sa pool kasama si Aya at Brielle. Tingnan mo ito, kanina lang ay ayaw niya pero ngayon ay mukhang tuwang-tuwa.
Walang sabi-sabi ay tumayo si Colton at iniwan akong mag-isa dito. Tumabi siya kay Phil at Kiel saka kinuha ang bote ng beer na nakapatong sa mesa. Bumuntong hininga na lang ako.
Gusto ko rin sana siyang tanungin tungkol kay Yael ngunit bigla naman siyang umalis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top