Chapter 2

Captain

Days passed fast like a whirlwind. The Interhigh Week came as we expected. Puspusan ang paghahanda ng aming school pati na rin siyempre ng aming mga atheletes. Even Eira is nervous because she's one of our volleyball players. Makakatapat nila ang iba't-ibang malalaking schools kaya dapat lang na galingan nila.

"Pres, iyong mga mineral water na para sa mga athletes at bisita dumating na," saad ni Jasmin sa akin habang tinitingnan ko ang schedule para mamaya.

"Sige, pasabi sa boys na dalhin nila sa bawat room na in-assign kung saan mags-stay ang mga bisita natin. Thank you!" I replied then she smiled and went out of the room.

Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga at tsaka nagpatuloy sa ginagawa nang tumunog ang cellphone ko. Doon tuloy nabaling ang atensyon ko.

Serene:

Nandito na iyong mga taga Winterville Catholic School! Ang gu-gwapo Astrid, nakakapigil-hininga! Halika na dito sa baba, daliiii!

Natawa ako sa sinabi niya. Akala ko kung ano nang meron. Panigurado ako na imbes mag-focus siya sa Interhigh, ay boy-hunting ang aatupagin niya. Napailing nalang ako at nagsimulang ayusin ang mga gamit dahil sunod-sunod na raw ang pagdating ng mga ibang schools. Baka maya-maya ay magsisimula na ang program.

Habang pababa ng hagdan ay nasalubong ko ang mga iilang estudyante na papunta rin sa hall. May mga hawak silang mahahabang balloons at batid kong gagamitin nila iyon na pang-cheer sa school namin mamaya.

"Good morning, ate Astrid." A girl with long hair greeted me. If I am not mistaken, she's in the seventh grade.

"Good morning too! Galingan niyo sa pag-cheer mamaya ha?" I laughed a bit.

The group of students smiled widely at me. "Yes, ate!"

"Ate, ano pong sekreto niyo, bakit ang ganda niyo po?" the other one asked out of curiosity.

Napahalakhak tuloy ako. I was about to answer them when a person suddenly put his arm on my shoulder. Nagulat pa ako pero lumipas iyon nang nalaman kong si Lawrence lang pala.

"Maligo kasi kayo!" Nakasibangot na sabi niya sa mga batang nasa harap namin. Pinalo ko ang kamay niya at pinanlakihan siya ng mata dahilan para dumistansya siya sa akin.

Looks like he offended the students so they walked away without me knowing. Hinarap ko siya at pinag-krus ang dalawa kong kamay sa harap ng aking dibdib.

"Grabe! Wala man lang goodluck sa akin?" tanong niya habang nakataas ang dalawang kilay. Suot niya ang official jersey ng team nila dahil maglalaro siya sa basketball mamaya.

"Kaya mo na 'yan." I tapped his shoulder and already went downstairs.

When I reached the ground floor, I walked straight to the gym. The loud cheering welcomed my ears as I get closer and closer. Maraming schools na siguro ang dumating?

"Good morning, students! I am Leah, your emcee for today. Are y'all guys ready?" she asked while holding the microphone.

"Yes!" sabay-sabay na sagot ng mga estudyante. Bakas sa kanilang mga galaw ang excitement. Marami akong nakikitang mga hindi pamilyar na mukha.

Naglakad ako papasok at hinanap kung nasaan ang mga kaklase ko. Namataan ko ang iilan sa may dulo ng bleachers.

"President! Dito oh!" sigaw ni Serene at itinuro ang space sa tabi niya. I smiled and walked towards them.

Nagsimula ang opening ceremony sa panalangin at sinundan ng pagkanta ng national anthem. Even Mr. De Vera, our sports coordinator gave his welcome address.

"Once I call the name of your school, athletes must stand together with their coaches. for recognition," announced by the emcee.

Sa pagkakaalam ko ay apat na school ang lahat ng kalahok, kasama na kami doon. I just hope that we will get the gold medals dahil alam kong nag-hirap talaga sa pag-practice ang mga schoolmates ko.

"Eastwood International School!" Unang binanggit ang paaralan namin.

As expected, my schoolmates shouted when our players stood while I just clapped instead.

"Saint Helena Academy!" Hindi man kasinglakas ang sumigaw para sa kanila pero meron rin naman. I also clapped at them to show my support.

"River Valley Integrated High School!" May iilan akong narinig na sumigaw. I guess hindi ganoon karami ang um-attend.

"Winterville Catholic School!" pagka-banggit ng emcee ay nagwala ang katabi kong si Serene.

Most students also yelled when a group of tall men stood up. Mukha silang magagaling, just by scanning their appearance.

"Sila iyong sinasabi ko sa 'yo, Astrid!" Nangigigil akong niyugyog sa balikat ni Serene. Binalik ko ang tingin sa kanila at tsaka na-realize ang sinabi ni Serene.

Yes, they have the looks but, can they beat us?

"Iyong number 21 na jersey, nakita mo? Iyong may Villafuerte sa likod? Crush ko 'yon, Astrid!" pangungusisa niya sa akin. I glanced to whom she's looking at.

My brows furrowed. "Mukhang bata pa yata..."

"And so? Grade 10 na raw 'yan uy," she defended.

"Grade 12 na tayo Serene, pero ikaw bahala. Hindi mo rin naman siguro 'yan popormahan diba?" Tumaas ang dalawa kong kilay at bumaling sa kanya.

"Grabe ka! Crush lang naman, hayaan mo na ako. Ngayon lang nga sila pupunta dito sa shool natin eh," pamimilit niya.

I chuckled and nodded.

Pagkatapos ng samu't-saring introductions ay inumpisahan na agad ang Interhigh. Ang ibang mga manlalaro ay umalis na at pumunta na sa kanilang mga assigned area.

"Miss Peralta, can you do me a favor?" Mr. De Vera approached me

Tumango ako. "Ano po 'yon?"

"Pwede mo bang kunin iyong chess set sa stock room? Malapit na kasing mag-umpisa iyong chess at kailangan ko pa silang i-orient. Ako ang in-charge eh," pagpapaliwanag niya sabay kamot ng batok.

Kaagad kong sinunod an inuutos niya at kumaripas ng paglalakad papunta sa stock room. Nakita ko rin naman agad iyong tinutukoy ni Mr. De Vera kaya hindi na ako nahirapang mag-hanap. Palabas na sana ako doon nang may marinig akong dalawang babaeng nag-uusap.

"Wala si Israel noh?" The girl wearing a denim jump-suit pouted.

"Ewan ko baka late lang. Wala siya sa program kanina," sagot sa kaniya n'ong isa.

Israel? I think I already heard that name...

"Sayang naman kung wala siya. Siya pa namn ang dahilan kung bakit ako manonood nitong Interhigh. I wanna watch him play the basketball as a captain."

"Hay naku, Jessica! E, alam mo namang kaka-break lang n'on sa girlfriend niya at baka nagmo-move on pa. Huwag ka ng umasa dahil wala na raw siyang planong magkaroon ng jowa ulit dahil, alam mo na..."

The girl named Jessica groaned. "E, crush ko nga siya!" pamamaktol niya.

Umalis na agad ako doon. I don't wanna hear what they're talking about dahil wala naman akong pakialam sa topic nila.

I was about to go to Mr. De Vera when a man, running so fast, hit my shoulder. I fell on the ground together with the chess I'm holding. Nanlaki ang mga mata ko nang nabuksan ito at kumalat sa buong paligid ang mga chess pieces.

I quickly got up so that I can get them one by one. Buong akala ko ay tinakasan na ako noong lalaking naka-bunggo sa akin pero nagulat ako nang makita ko siyang tinutulungan ako sa pagpulot.

Nang nakuha na namin lahat at naibalik na sa lalagyan ay doon ko lang napansin ang kanyang pamilyar na hitsura. Nanliit ang mata ko habang nakatingin sa kanya tila inaalala kung saan ko siya nakita dati.

I heard him chuckle a bit. Napansin yata ang paninitig ko.

My eyes widened when I realize na siya iyong lalaking nagpatay ng ilaw doon sa CR! A smile was plastered on his face while handling the chessboard.

"I'm sorry, for the second time around... Jade." His baritone voice felt like music to my ears.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? I never told him but then, I saw him lower his gaze on my ID.

Yeah, that's it!

"I don't like people calling me by my second name especially when I am not close with that someone," dahan-dahan kong banggit.

"Oh? Your name, Jade is pretty and it suits you, so..." He chuckled again.

He is wearing a red jersey and if I'm not mistaken, iyon ang color code ng mga taga Winterville Catholic School. Doon siya nag-aaral?

"Cap! Kanina ka pa hinahanap ni coach!" Biglang sulpot ng isang lalaki. Napansin kong pareho sila ng suot kaya baka ka-teammate niya iyon.

"Susunod na ako," aniya at bumaling muna sa akin. Why is he looking at me like that? It felt so awkward so I didn't meet his eyes.

"See you around, Jade!" Humalakhak pa siya, tila nang-aasar bago umalis. Kakasabi ngang ayaw kong magpatawag sa second name!

Inis akong nagmartsa. Bakit ba sa tuwing pangit na pagkakataon kami nagkikita? Parang ang malas naman yata.

Pinagmasdan ko siyang naglakad papalayo. Siya siguro iyong pinag-uusapan n'ong dalawang babae malapit sa stock room kanina? Kung hindi ako nagkakamali siya iyong crush ni Jessica.

Crush niya iyon? Eh mukha ngang playboy 'e.

May nakalagay ring Villafuerte sa likod niya. So, kaanu-ano niya iyong tinutukoy ni Serene kanina? Kung ang mukha ang pagbabasehan ay medyo may pagka-hawig sila. Brother niya siguro?

"Mr. De Vera, ito na po." Inabot ko iyong chess set. Nagpasalamat siya kaya umalis na rin ako.

Kung ang pagkakataon nga naman, oh! I saw Jessica and her friend again. Sa likod ng bathroom naman sila nag-uusap ngayon. Haaay! I just want to pee peacefully but then, I am hearing their conversations again.

"Itutuloy na raw ni Israel..." Jessica sobbed. She's crying?

Itutuloy ang alin?

"Eh anong magagawa mo? Desisyon niya iyon, Jes. At saka, ni hindi ka nga niya kilala," sagot ng kaibigan niya.

"E 'di magpapakilala ako sa kanya! I will make him fall in love with me para hindi niya na itutuloy ang pagpa-pari niya!" Narinig ko ang pag-singhap ng kaibigan ni Jessica nang sumigaw siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top