Chapter 12
Rain
Dahil finals ang inaatupag ko ay hindi ko naituloy ang paghingi ng opinyon kina Eira at Serene tungkol kay Lawrence. Sobrang busy ko talaga sa pag-aaral at halos nakalimutan ko nga 'yon. Last day naman na namin ngayon at hindi na ako makapaghintay matapos ang lahat ng 'to.
It's hard to assume when we get nothing afterwards. So I'll just think that Lawrence doesn't like me. Hindi ko naman kasi siya gusto. I'll accept if people will call me feelingera because I thought of him liking me, but it can't change the fact that I'm not being manhid with people around me. Mas maganda na ganoon ang iisipin ko para iwas stress.
"So what are your plans after this?" tanong ni Jhiena sa akin.
"Uh, siguro I'll just make time for myself. Hindi ko na masyadong naalagan ang sarili these past few days kaya 'yon ang gagawin ko." I answered her.
"Ikaw?" tanong ko pabalik.
"I'll spend time with my boyfriend siyempre. Nagtatampo na nga siya sa akin kasi hindi ko siya laging natatawagan nitong nakaraang mga araw," pagpapaliwanag ni Jhiena.
Sana all!
"For sure ikaw na naman ang highest sa exams nito," pagpapatuloy niya.
I laughed at her and at the same time, our teacher came to start the exams. Buti na lang talaga at nasa reviewers ko lahat ng binigay. I feel so proud to myself that I know the answers to the questions.
Pagkatapos i-take ang isa pang subject ay nagkaroon kami ng break time. Sinamahan ko si Serene na mag-CR. dahil kanina pa raw siya nagpipigil. Napatunganga ako nang mapagmasdan ang haba ng pila sa CR. Sira kasi iyong nasa kabilang building kaya siguro dumagsa ang mga estudyante dito.
Dahil siksikan sa loob ay halos mapagkamalan kaming sardinas na nasa loob ng lata. Aksidente kong naapakan ang sapatos ng isang babae roon at saka napatalon siya sa sakit. I said sorry but then I think she didn't heard did when I lost my balance which led my butt hit the floor.
"Ate Astrid?" tawag ng isang freshman student sa akin. Nakilala ko siya dahil sa code ng ID. Green lace is for Grade seven.
"Okay lang po kayo?" Hindi ko na kilala kung sino ang nagsabi n'on dahil sinusubukan kong tumayo sa tulong ni Serene.
Pinalibutan nila ako roon na parang nanonood ng isang wrestling.
"Ikaw!" Nabigla ako nang may biglang sumigaw. "Tinulak mo si Astrid kaya natumba siya!" My eyes widened when the other girl inside blamed the one who I stepped on.
Aawatin ko na sana sila nang marinig ko ulit ang sigaw ng isa.
"How dare you do that to the most respected student of this school?" Mataray na sabi ng hindi ko malaman kung sino.
Most respected?
"Hey! Hey! Stop that!" pigil ko dahil kaunti na lang ay sasabubutan na nila iyong walang kasalanang babae. "She didn't do anything bad, okay? I stepped on her and lost my balance."
Bumaling silang lahat sa akin habang tahimik lang si Yhezza. Yep! I saw her name on her ID.
"I'm sorry, Yhezza. Okay lang ba ang paa mo?" Nagulat ang mga babae dahil sa aking paghingi ng tawad.
Tumango siya. Halata ang kaba sa kaniyang mukha.
"Girls..." huminto ako at tiningnan sila isa-isa. Sabay-sabay naman silang yumuko. "Don't be mean to her. Kung tutuusin ay ako naman ang may kasalanan."
"B-but you fell on the ground and it's her fault," ngumuso iyong grade seven at tinuro si Yhezza.
I groaned. Why do they keep on insisting that the other girl is guilty of what happened?
"Not because you saw me hurt, doesn't mean that someone else is to be blame. Sometimes, we are the one who is responsible for our actions. Just like earlier, hindi ko tinitingnan ang dinadaanan ko kaya naapakan ko paa niya, leading me to fall. Everyone makes mistakes, and I am not an exception. Just because all of you see me as a role model in school, ay akala niyo perpekto ako. You are just seeing the 25 percent of Astrid Jade Peralta. Not the whole me."
Hay! Marami pa kayong kakainin na kanin.
Hinila ko na si Serene sa labas matapos kong sabihin ang lahat ng iyon dahil ang tagal ko ring kinimkim.
"Whew! Umurong ihi ko 'don ah?" Serene joked.
Napakurap ako, "Huh? Wait! Tapos ka na bang mag-CR?"
"Hindi pa, Astrid. Kaya bitawan mo ako sa balikat dahil iihi pa ako," aniya at pumasok ulit sa loob.
It was definitely a stressful day. But at last, tapos na ang paghihirap ko sa exams. I was yawning while waiting for my driver to arrive when mommy texted.
Mommy:
Just take the cab, anak. Manong is not feeling well today so he can't fetch you.
I got up and composed myself. Nag-reply ako kay Mommy at magpaalam na sa mga kaibigan ko. I said my goodbyes and told them that I'll just commute.
I looked up and saw rain clouds occupying the sky. Mukhang uulan na at kailangan kong magmadali. Nagsimula akong maglakad patungo sa may kanto. Doon kasi halos dumadaan ang mga sasakyan at sana bago bumuhos ang ulan makahanap na ako ng cab.
Ilang minuto na ang lumipas pero lahat ng tatawagin ko ay inaayawan ako. It's not like I'm not gonna pay them naman.
Naghintay pa ako ng ilang sandali pero nabigo ako dahil unti-unti nang umaambon. Kinakabahan ako dahil mababasa ang laman ng bag ko. Kaya naman inalis ko iyon sa aking likod at niyakap na lang paharap.
I ran towards a waiting shed I saw when someone suddenly went beside me and shared his jacket as shield from the rain.
"Bilis... mababasa tayo niyan," he huskily whispered making me shiver. Ang malalim niyang boses ay tila nang-aakit.
"Salamat," I thanked him when we reached the spot.
Tumingin ako sa langit at bumuntong-hininga nang palakas na nang palakas ang patak ng ulan. Paano na ito?
"Papatilahin na lang muna natin." Bumaling ako sa kaniya.
"Mas mabuti nga."
Umupo siya sa sulok at tinapik ang tabi no'n na parang inaaya niya akong tabihan siya. I instantly froze.
"Why give me that look? Mukha ba akong virus para ayaw mo'ng makatabi?" He chuckled at the last part.
Inirapan ko siya at ginawa ang sinasabi niya. Magkatabi na kami ngayon at hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang kaba ko tuwing nasa malapit siya.
Nanatili kaming tahimik nang bigla niya akong kinalabit. He was talking about something but the rain is too loud so I can't hear what he is saying.
"What?" Halos pasigaw ko nang sinabi.
"I said, nakaligo ka na ba sa ulan?" Malakas niyang tanong sapat para marinig ko.
I shook ny head. "Hindi pa!"
"Why? Not even once when you were a kid?"
"Hindi kasi ako pinapayagan ni mommy kasi baka magkasakit daw ako. Hanggang tingin na nga lang ako sa mga kalaro kong naliligo sa ulan dati,"
"Aw, you're missing one-half of your life!" panunukso niya sa akin. Grabe naman 'to!
I really don't know the feeling of playing in the rain. Noong bata ako, pinangarap ko talagang maligo at maglaro sa ulan pero lagi rin akong hindi pinapayagan ni mommy dahil baka makakuha ako ng sakit. I always envy those kids who can freely bathe in the rain.
"Wanna try?" A curve formed his lips.
Lumunok ako tila ina-absorb pa kung totoo nga na niyayaya niya ako.
"E 'di mababasa ako!"
"That's natural, Jade. Rain is water and water is wet, kaya mababasa ka talaga." Hindi ko pinansin ang pamimilosopo niya dahil paulit-ulit na nag-echo sa tenga ko ang pagbanggit niya sa aking pangalan.
"C'mon... Just tell your mom that it's not your intention to get wet," he begged. At tinuruan niya pa talaga akong magsinungaling.
I slowly nodded then he grabbed my hand straight away to drag me under the rain. My eyes widened as shocked. Hindi ko inaasahang agad-agad niya akong hihilain.
Napatigil ako ng ilang sandali dahil sa lamig na dumadapo sa aking balat. I glanced at Rael and saw he's enjoying watching my reaction. A few moments later, nasasanay na rin ang katawan ko sa lamig. Ipinikit ko ang mata at dinama ang ulan. Bigla na lang akong napamulat uli nang tumakbo si Rael palayo.
He motioned his hands just like he wanted me to follow him. I started running towards him and shouted.
"This feels so nice! I love it!" Abot langit ang ngiti kong sambit.
So ganito pala ang pakiramdam. Para akong naliligo sa isang malaking banyong puno ng shower sa taas. I would really thank him for letting me experience this! Wow!
Sinusulit na namin ang pagkakataon dahil baka mamaya ay tumila rin ito. Naghabulan kami at nadapa siya kaya naman tawang-tawa ako habang pilit siyang itinayo.
"Ang bigat mo!" Halakhak ko pero binatukan niya ako sa noo.
"Hoy!" Babawi na sana ako pero tumakbo ulit siya paalis. I tried chasing him but I ended up being tired.
I looked at my uniform and realized I'm really wet. Bahala na kung ano ang sasabihin ni mommy, basta nag-enjoy ako ngayong araw.
Bumalik na rin si Rael palapit sa akin. Magkatapat kami ngayon at sobrang tangkad niya dahil halos maputol ang leeg ko para lang magpantay ang tingin namin. He towered me and I saw his wet face just inches away from mine.
"Bakit ang gwapo mo pa rin kahit basa?" I giggled. Huli na nang na-realize ko ang sinabi. I bit my lower lip when I noticed his ears were so red!
"Rael... How can you tell you're in love with someone?" Diretso kong tanong habang nakatingin mismo sa mga mata niya.
He blinked twice, unable to speak. "I... u-uhm..."
"Astrid!?" sabay naming lingon kung saan may tumawag sa pangalan ko.
"Lawrence? Anong ginagawa mo rito?" Kinakabahan man pero sinikap kong makapagsalita nang maayos.
May dala siyang payong at naglakad papalapit sa amin. Ang mata niya'y parang bubuga ng apoy dahil sa sobrang galit. Bumaling ako kay Rael na tiningnan din ako.
"Hey..." bulong niya sa akin. "Just go with him."
Umiling ako. What is he talking about?
"Hindi naman pwedeng iwanan kita dito!" My eyes started watering. Hindi niya siguro nahahalata dahil sa tubig ulan na sinakop ang mukha ko.
"I'm fine." He tried not to break our eye contact. Peke siyang ngumiti ay binitawan ang hawak sa aking pulsuhan.
"Astrid! What is the meaning of this? Kanina ka pa hinahanap ni tita at nagaalala na siya sa'yo. Yet you're here doing crazy things with this boy?"
"Lawrence!" tumaas ang sigaw ko.
"And you!" Dinuro niya si Rael. "Aren't you thinking? You're risking her health! Magkakasakit si Astrid sa pinangagagawa mo!"
"I agreed to this, Lawrence!"
Hinubad niya ang jacket at isinuot sa akin. Bumaling akong muli kay Rael at kumaway siya sa akin. Hindi man niya sabihin pero halata na nagdadawang-isip siyang paalisin ako. A pain sheared through my chest while walking away from him.
And from that moment, all I am praying is for him to chase me. That he'll take me back in his arms. And if that will happen, I am never gonna let go of him, ever.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top