Chapter 27: Failed Future
"Miminggay!"
Binuhat ko agad si Miminggay at niyakap.
"Bakit gano'n? Bakit gano'n siya?"
Masaya ako pero ayaw tumigil ng mata ko sa pagluha. Bad trip. Kinikilig pa rin ako ngayon kahit na ang agang natapos ng moment namin dahil sa pagbalik ko.
At least, right timing ang pagbalik ko. Nasabi niya ang pinakamagandang linya bago ako makaalis.
Hay, grabe.
Pinunasan ko na ang mata ko at tumayo na. Binuksan ko ang computer at tiningnan ulit ang mga picture. Nadagdagan na ngayon ang mga photo sa folder ko. Mga picture na galing sa Christmas party. May load ang broadband stick ko kaya binuksan ko na rin ang Facebook account ko.
Meron akong isang friend request. Si Gelo.
Lumaki lalo ang ngiti ko dahil doon. In-add ko siya agad at nag-PM ako.
Ste:
"Hi Gelo. Alam mo, na-appreciate ko talaga ang lahat ng effort na ginawa mo noong Christmas party. Thank you kasi um-attend ka. Thank you sa pagsayaw mo sa akin kahit na na-bad trip ako sa 'yo. Thank you sa chocolate kahit na kinain mo yung bigay ni PJ. Thank you sa angel wings necklace na gift mo. Thank you kasi gusto mo 'ko. Thank you kasi nasabi mo 'yon kahit na nasa likod mo lang yung babaeng nagugustuhan mo talaga. Thank you! Thank you sa lahat!"
Iyan sana ang ise-send ko, pero ang natira na lang kaka-retype:
Ste:
Hi Gelo.
Tumunog ang notification sound.
Gelo:
Hey.
"Aaahh! Online siya! Ang saya!"
Bigla akong nakaramdam ng sobrang saya nang mag-reply siya.
Gelo:
Sorry kung iniwan kita kanina, ha? May meeting kasi ako.
"Ay, hindi! Okay lang!" malakas na sagot ko sa monitor. "As in super okay lang! Bawing-bawi na 'ko sa mga ginawa mo n'ong Christmas party!"
Ste:
Okay lang. Salamat nga pala sa spaghetti.
Gelo:
:)
"Wow, ang dami, ha? Ang effort mag-reply. Uh, teka. Ano ba'ng dapat kong sabihin?"
Ste:
Saan ka ngayon?
Nasaan kaya siya ngayon? Baka puwedeng—
Gelo:
Bahay ni gf ko.
Ha?
Sa bahay ng girlfriend niya.
Bahay. Ng. Girlfriend. Niya.
Ouch.
Ste:
Ah, okay. Sige, out na ako. Magta-time na kasi e. Nagre-rent lang ako. Sige, bye.
T-in-urn off ko na ang chat.
Bad trip.
Ganda pa ng ngiti ko. Ganda na ng moment ko. May paiyak-iyak portion pa kong nalalaman tapos . . . nasa bahay pala siya ng girlfriend niya. WOW! Hanep! Ugh!
Biglang bumagsak ang energy, happiness, at excitement level ko dahil doon sa message niya. Putek.
Nakaka-upset. Nag-assume pa ako.
Assume+assume+assume = It hurts you know
Tandaan, Stella, hindi na siya ang bully na si Angelo. Kung noon, walang pumapansin sa kanyang mga babae, malamang na iba na iyon ngayon. Kaya nga may girlfriend na siya, di ba?
Bakit nga ba hindi ko naisip na may girlfriend na siya? Sa guwapo niyang iyon, at manager pa siya, bakit hindi pumasok sa utak ko na may girlfriend siya? Masyado yata akong nadala sa mga nangyari noong Christmas party.
In-upload ko na lang ang ibang mga kuha ko noong Christmas party. Pati na rin ang mga natitirang kuha noong first day sa may fountain.
Ginawa kong profile picture ang picture kong kinuhanan ko sa may bench noong uwian ng Christmas party. Naka-smile ako habang sitting pretty sa upuan. Ginawa ko ring cover photo ang picture ko ng fountain na kasama si Gelo na nagsa-soundtrip. Nilagyan ko rin ng caption na, VERY ANGELIC PLACE. Tapos t-in-ag ko si Gelo.
Sana lang hindi ma-offend ang girlfriend niya.
Bumabalik na ang pagiging bitter ko.
Pagkatapos kong mag-upload ng mga picture, nag-Google muna ako nang kaunti at nag-search ng tungkol sa time travelling.
May mga nabasa akong magaganda namang forum pero mga trying hard naman ang mga nagko-comment kaya nakakatamad at nakakabwisit lang ang mga nakita ko. Maganda sana ang ilang conspiracy theory kaso masyadong malaki ang time leap nila at umaabot ng 1800s ang binabalikang past. E kailan lang naman ako bumabalik, wala pa ngang sampung taon.
Binalikan ko ang Facebook account ko at nagulat ako sa nakita ko.
20 friend request
150 notifications
Hindi ko pa nakitang ganito karami ang notifications at friend request ko simula noong magkaroon ako ng account. Wow.
May isang mutual friends sa lahat ng request. Si Gelo iyon, malamang. Ang iba, mga classmate ko noong high school. Ang iba, hindi ko naman kilala. Ang mga notification ko, puro likes and comments ng mga friend ni Gelo. Ang profile picture kong kaka-upload lang, may ten likes agad.
May mga comment na agad sa cover photo kong may mukha ni Gelo. May fifty likes din tapos lumabas sa newsfeed ko na pareho na kami ng cover photo.
Anak ng! Balak ba niyang asarin ang girlfriend niya? Ano na lang ang iisipin ng girlfriend niya kung makita niyon na pareho kami ng cover? Baka isipin niyon, third party ako. Letsugas na Angelo ito, oo.
Binago ko na lang tuloy ang cover photo ko at inilagay ang picture namin. Kasama ko si Carlo, si Jasper, si Garet, si Allen, saka si Anne.
Na-tempt tuloy akong tingnan ang profile ni Gelo. Ang daming friend. 1,000 plus. Samantalang ako, ang ilan kong original friend bago ako bumalik, napakarami na para sa akin.
Siyempre, photo album ang unang destinasyon ko.
"Ito yata yung girlfriend niya."
Tiningnan ko ang lahat ng pictures niya. Kasama niya sa lahat iyon ang isang magandang babaeng mestisa tapos maganda ang smile. Maganda. Mukhang model ng Skin White saka parang sosyal. Bigla tuloy akong nahiya sa itsura ko. Maliban sa sinabi ni Mikael na maganda ako once, si Carlo lang ang umaaming maganda ako palagi.
"Oo na, sige na. Suko na 'ko. Maganda. Bagay nga sila."
Artistahin. Maputi pa. Mukhang mayaman. Ano'ng laban ko r'on e limang minuto nga lang ako kung maligo at hindi pa nagsusuklay.
Mukhang matagal na sila. Ang mga date ng mga picture, may kuha pa three years ago.
Nakakaselos, oo. Lalo pa, galing lang ako sa magandang moment namin noong Christmas party. Pero nakaramdam ako ng saya kasi may girlfriend na si Gelo.
At mukhang masaya siya.
Kompara naman noong nakita ko siya sa may fountain noong first day na anti-social talaga e nakaka-proud lang sa side ko na succesful siya ngayon. Feeling ko, ako ang may gawa niyon kaya naging ganoon siya.
Guwapo, manager, at may magandang girlfriend.
Siguro, hanggang friend na lang talaga niya ako. Sanay naman na ako sa huwag-nang-i-push-ang-idea thought. Kung hindi puwede, hindi na talaga puwede. Huwag nang umasa pa nang sobra, magmumukha ka lang tanga.
Pinatay ko na ang computer ko at humiga sa kama.
"Meow."
Humiga si Miminggay sa tiyan ko. Ang init niya, ang sarap sa pakiramdam.
Tiningnan ko ang oras. 6:57 p.m.
Bumangon ulit ako at kinuha ang pocket watch sa paanan ng kama.
"8."
Paatras nang paatras ang oras nitong pocket watch kahit na hindi naman gumagana.
Teka. Unang beses akong bumalik sa past, first day noong Senior ako. Napunta sa 11 pagbalik ko. Pangalawa ay ang worst day ever ko. Napunta sa 10. Pangatlo ay noong first practice ng Christmas presentation. Napunta sa 9. Tapos, ngayon, after ng party. Napunta sa 8. So, kung babalik ulit ako, mapupunta ito sa 7.
Meaning, may seven times pa yata ako.
May seven times pa ako para makabalik sa past!
Wait. Gaano katagal?
Unang beses, nakatulog ako ng 7 p.m. yata. Tapos nakabalik ako ng past 7 na.
Ngayon, bumalik ako sa past ng almost 4 p.m. na. At nakabalik ako ng present ng past 4. Ibig sabihin, may kalahating araw akong puwede sa past kung ganoon ang pattern.
Kumuha ako ng ballpen at notebook.
"Kung may seven times pa 'kopara makabalik sa past. Kailangan kong gumawa ng listahan para hindi sayang angpagbalik."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top