Chapter 13: Assurance

"Sino yung siraulong—?"

"Hahaha!"

Binalot ang pandinig ko ng malakas na tawanan. Wala akong ibang nakikita kundi mga mukha ng mga kaklase ko noong high school na pinagtatawanan ako. Nasa harapan ko silang lahat . . . at hindi ko alam ang nangyayari!

Saglit, wait, hindi ko alam ang nangyayari. Seryoso ba 'to? Joke ba 'to? Totoo ba sila? Totoo ba 'tong nagaganap?

"N-Nasa . . . nasa school ako?"

Tumingin ako sa labas ng bintana. Umaga. Ano'ng oras na? 8:53. Umaga, 8:53. Okay? Tapos?

Tiningnan ko ang pinakamalapit na classmate kong masasagot ako nang matino.

"Garet, anong araw na?" tanong ko agad. Nakaka-bad trip dahil natatawa pa siya bago ako sagutin.

"Ha?" sagot niya habang tinatakpan ng panyo ang bibig niya. Batuhin ko kaya 'to ng notebook. Iinisin pa 'ko e.

"Ang sabi ko, ano'ng—pwe!" Hinawakan ko ang labi ko. May lip gloss! Yuck! "Ano'ng araw na sabi?" tanong ko pa ulit dahil naiinis na 'ko, tawanan sila nang tawanan.

"Wednesday," sabi niya habang nakangisi.

"Wednesday na anong date?"

"Wednesday na 17?"

"17 na anong month?"

"Ano'ng klaseng tanong 'yan?" tanong pa niya dahil ang weird nga naman ng tinatanong ko.

"Ah! Yung kalendaryo!" Tumingin agad ako sa room calendar na nasa may pinto nakasabit.

"August . . .?"

August 17. Shocks! Ayoko talaga ng araw na 'to. This is my worst day ever. Ito ang araw kung kailan isinumpa ko ang buong mundo dahil sa nangyari sa 'kin. Ito ang araw kung kailan pinaliguan ako ng putik nina Angelo sa stage at napahiya ako sa buong school. At nalaman kong kasabwat sina Chim. Tapos . . . tapos . . . ang . . .

Araw na umalis sa 'min si Papa.

Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Wala rin akong alam kung ano ba'ng meron. Nakatayo lang ako sa harap kaya kinapa na lang ang bulsa ko. Walang panyo. Kinalkal ko naman ang bag ko para maghanap ng kahit anong pamunas.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang parating na flying notebook kaya inilag ko agad ang ulo ko.

"Whoah!"

"Matrix!" boses ni Edison. Sure ako. Hindi sila tropa ni Angelo, pero isa sila sa sikat sa pagiging bully.

"Matrix mo mukha mo!" sigaw ko sa kanya. Natahimik silang lahat, sa wakas. At sa wakas, nakuha ko na rin ang face towel ko at nakaipit doon ang panyo.

"Kung sino mang demonyo yung bumato ng notebook sa 'kin, subukan mo lang ulitin, kakalbuhin talaga kita!" warning ko para sa lahat at saka na 'ko lumabas ng room.

Naririnig kong nagwawala na ang mga kaklase ko paglabas ko ng room. Kinakalampag na ang mga upuan. Mga asal-hayop talaga. Kaya ang haggard ni Ma'am Amy e. My God, kung maka-graduate man ako ng college, huwag naman sana akong makakuha ng tuturuan na gaya ng mga classmate ko.

Dumiretso agad ako sa restroom para maghilamos. Naiirita ako. Malamang, puno na naman ng makeup ang mukha ko. Nabibigatan ako sa mukha ko. Ang lagkit na ewan.

Pagkaharap na pagkaharap ko sa salamin pagtapak ko sa banyo ng school . . .

"Stellaaaa!" tili ko pa at sandaling pumikit. Parang gusto ko na talagang umiyak. "Anong klaseng—" Simangot na simangot ang mukha ko habang tinuturo ang salamin. Palalim nang palalim ang paghinga ko habang gusto ko na talagang iyakan ang nasa harapan ko. "Ano 'yan? Ano'ng pagmumukha 'yan?"

Grabe ang nakita ko sa salamin. Hindi ko matanggap!

"Mukha kang . . . Stella, ang tanga mo, sagad."

Tinalo ko pa ang baklang binasag ang mukha sa kanto! Ang kapal ng lipstick na color maroon! May lipstick na, may lip gloss pang Cherry flavored! What the hell? Tapos yung blush, para akong sinampal ng sanlibong beses sa sobrang pula! Sinakop buong pisngi ko, nakaka-bad trip! Saan ka nakakita ng blush on na mula ilalim ng mata hanggang panga? Tapos yung eyeshadow, kulay blue na kulay blue! Diyos ko, patawarin nawa. Tapos yung buhok ko . . . ayoko na. Gusto ko nang sumuko.

Ginawa kong clown ang sarili ko sa isang buong taon ng Senior year? Ginawa ko 'to sa sarili ko? Mukhang kahit ako, ibu-bully ko talaga ang sarili ko kung sakali. Mukha akong tanga!

Kailangan kong alisin 'tong mga nakakahiyang kolorete na 'to bago ko pa masaktan ang sarili ko sa sobrang kahangalan.

Tinanggal ko ang lahat ng makeup ko at halos pudpurin ko na ang mukha ko kakakuskos.

"Stella, buhok ang tawag mo diyan?" tanong ko pa sa batang ako. "Yung totoo. Ano'ng nag-udyok sa 'yo para magsuot ng fifteen pairs ng mini clips, isang headband, at maraming butterfly pins sa iisang araw lang?"

Gusto kong sabunutan ang Stella ngayong panahong 'to kung nasa ibang katawan lang ako, super! Nakakaasar!

Ako na ang nahihiya sa sarili ko. Wala pa man sa nakakahiyang moment ko, nahihiya na agad ako. Kahit ako lang pala, kaya ko nang sirain ang buhay ko.

Itinapon ko agad ang mga clip at mga pin. Baka magamit pa ng babaeng 'to, mahirap na.

"Alam mo, Stella, ang laki mong gaga," sermon ko na naman sa babae sa salamin. "Sana noon mo pa na-realize na hindi ka talaga papansinin ng lahat kung ganyang—ang pangit mo. Ang pangit ng naging outlook mo— Naku! Nanggigigil ako sa 'yo!" Napahugot ako ng hininga kasi . . . hindi ko na alam kung paano ko pa sesermunan ang sarili ko. Para na 'kong si Mama magsalita.

Isinuot ko na lang ang puting headband na pinakasimple sa lahat ng nasa buhok ko kanina.

"Ano ba 'tong pinang-lipstick ng babaeng 'yon? Atsuete? Ayaw matanggal ng pula sa labi ko! Nakaka-bad trip!"

Mapula pa rin ang labi ko pero, at least, hindi na kasingkapal gaya kanina. At may naiwan pa ring blush sa mukha ko pero pink na lang. At kahit paano, pumantay na sa kalahati ng pisngi at hindi sa buong mukha.

Wala na 'kong magagawa. Baka dumugo na ang buong mukha ko kapupunas. Lumabas na agad ako ng restroom at naglakad pabalik sa room.

Hindi ko maintindihan kung paano 'to nangyari. Hindi ko masabi kung ano bang kababalaghan 'to. Naengkanto kaya ako?

Parang totoo ang lahat. O baka nga totoo ang lahat! Pero paano? Yung pocket watch? Ibinabalik ba talaga ako n'on sa past?

"Uy, 'te!"

May nasalubong akong isang estudyante sa hallway ng second floor. Patpatin pero may itsura. Parang may kamukha. Ngayon ko lang siya napansin dito sa school.

"Ano'ng pangalan mo, 'te?" tanong niya habang sinasabayan ako sa paglalakad. Tumingin naman ako sa likod. Walang ibang tao. Ako malamang ang kausap nito.

"Secret," sabi ko na lang.

"Secret ang name mo?" biro pa niya. Ako nga ang kausap. Hindi ko na siya sinagot. Pumuwesto siya sa harapan ko at paatras na naglakad. "Ako nga pala si PJ."

"Hindi ko tinatanong," sabi ko agad habang nakatingin sa hallway.

"Ste . . ." Tiningnan ko kung saan siya nakatingin. Sa ID ko. "Dap . . . ri . . ."

Itinago ko agad sa ilalim ng necktie ng uniform ko ang ID.

"Nasaan doon yung secret?" tanong pa niya.

Pinaikot ko ang mata ko kasi ang kulit.

"'Te, ako si PJ, ha?"

"Pake ko?"

"May boyfriend ka na?"

"Meron, isandaan."

"Ows? Pero ako si PJ, ha! 'Wag mo kalimutan! PJ. Dalawang letters lang!"

Huminto ako sa paglakad at tinitigan siya nang masama. "Alam mo, may kakilala akong kasingkulit mo," sabi ko kasi nakakairita siya.

"Talaga, 'te?"

"Oo. Puro din siya tanong. At ayaw ko sa taong makulit at puro tanong!"

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makaabot ako sa room na katabi ng amin.

"'Te, puwede kang maging friend?"

Ang kulit talaga!

"'Te, tagaroon lang ako sa kabilang room."

Sapukin ko kaya 'to sa mukha.

"'Te, puwedeng mahingi number mo?"

"Ano ba, Philip!"

Shocks. Bakit ko siya tinawag na Philip? Ang kulit kasi! Napahinto tuloy ako kaya napahinto rin siya.

"Kilala mo 'ko, 'te?" nakangiti niyang tanong.

"Aba, malay ko sa 'yo! Sino ka ba?"

Nagpatuloy na 'ko sa paglalakad. Nasa tapat na 'ko ng bintana ng room namin nang sumigaw pa yung makulit na bata.

"'Te, friend na kita, ha!" sigaw pa niya.

"ASA KA!" sigaw ko na lang din.


----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top