Chapter 63: Back to School

"Doubt is the beginning of knowledge," I murmured.

He grinned. He opened his door and lead me to his room.

"You're living alone?" I asked out of curiosity.

"As you can see." He answered as he turn on the light and all I can see now is a board with pictures of familiar faces. Red marks and black marks. All are crossed out.

"Creepy," I uttered as I move closer to the board. I was right, the faces of the deceased are all over here in front of me. I shut my eyes and realized it was a bad idea 'cause I can see their faces screaming for justice.

"Why do you have these?" Sarkastikong tanong ko. "I started to question myself baka ikaw talaga ang totoong L." Biro ko.

Mas lumapit ako sa board. Si Angelica Ruiz, na pinatay ni Lemuel. Namatay si Lemuel sa pulisya. Si Anthony Paul Rosales na stalker na pinatay ni Marco Sanceda. May bumaril naman kay Marco, sinundan iyon ni Nica.

Napatigil ako nang maisip na pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay parang may nagbago sa kaibigan ko.

"Do we have access to the evidence?"I asked.

"We can sneak out." Natatawa niyang suhestiyon.

Kinuha niya ang phone niya at mukhang may kokontakin. "What are you planning?"

"The one who's investigating Villaruel's suicide, he can help us get those evidence secretly."

Hinayaan ko lang siyang kausapin ang taong 'yon habang pinagmamasdan ko ang paligid.

"Salamat Liam, maaasahan ka talaga."

Totoong nakakapanindig balahibo ang mga trabahong pulis. Nakakaengkwentro nila kung hindi kriminal ay bangkay. Puro dugo... Kailangan ng tapang. Iniisip ko kung minsan na rin ba silang hindi pinatulog ng mga nasasaksihan nila.

"Aedrian..." Rinig kong tawag niya sa akin. Umupo siya sa table niya na para bang may binubusisi. Umupo rin ako sa couch at kinuha ang rubics na nasa table sabay pinaglaruan.

"Wala kang balak bumalik sa school mo?" Tanong niya na ngayon lang sumagi sa isip ko. Sabagay matagal akong nasa hospital at mukhang nakalimutan ko nang nag-aaral ako.

At sa sandaling iyon, may naisip ako.

Tama. Sa school nag-umpisa ang lahat ng ito... Simula nang nag-transfer ako sa Laguna University. Posibleng nandoon din ang kasagutan.

Napagdesisyunan kong pumasok muli at ayusin ang mga naiwan kong klase. Hindi mahirap sumabay ngunit sobrang dami ko na talagang nakaligtaang topics kaya para silang puzzle na binubuo ko sa utak ko. Kung iisipin, tama si Leo, kailangan ko pa ring mag-aral dahil bata pa ako, dahil na rin sigurado akong 'yun din ang gusto ng mga magulang ko.

Hupa na at balik na rin sa dati ang mga estudyante sa Laguna University. Tila ba nakalimutan na nila ang tungkol sa mga kaso ng pagpatay sa school na 'to. Siguro nga, mas makabubuting kalimutan na lang ang lahat at tanggapin para makausad tayo... Maging masaya.

Nasa linya ako papunta sa counter sa loob ng canteen, bumibili ng carbonara at bottled water.

"Manang, the usual, sandwich tsaka orange juice," banggit ng nasa babaeng nasa likod ko tsaka umalis. "Balikan ko manang!"

Ngumiti lang ang babaeng nasa harap ko sabay abot ng carbonara at bottled water na binibili ko.

Naghanap na ako ng table na mauupuan. Naalala ko ang table na iyon kung saan ako madalas umuupo at kumakain. Doon ako pumwesto. Napansin ko ang saglit na pagtitig sa akin ng mga estudyante malapit sa 'kin.

"Huwag mo silang pansinin, kumain ka lang," sambit ng babaeng umupo sa harap ko. Inilapag niya ang tray na may sandwich at orange juice. Tumango lang ako at kumain.

"Kumusta ka na, Edoy?" Tanong niya habang nakangiti sa akin. Tinawag niya ako sa palayaw na 'yon na parang katulad pa rin ng dati ang lahat. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Aedrian!" Narinig ko ang boses ng kaklase ko mula sa likod ko na mukhang papalapit na sa akin. Kilala ko na kung sino siya dahil siya ang tumulong sa akin na makahabol sa mga lessons na naiwan ko. Regular student siya samantalang ako ay naging irregular.

"Sabi ko sa 'yo hintayin mo 'ko!" Lumapit siya sa akin. Dala ang tatlong makakapal na libro na pinangako niyang hihiramin niya sa library.

Mabuti na lang at tapos na akong kumain kaya inilagay ko na sa designated area ng mga soiled dishes ang pinagkainan ko. Kinuha ko sa kaniya ang mga librong dala niya na gagamitin namin sa research na aming gagawin.

"Sandali lang, bibili lang ako," paalam niya. Hindi niya na hinintay ang sagot ko dahil mukhang sanay na siyang hindi ako nagsasalita.

Sinundan ko siya ng tingin at pinagmasdan. Mabagal siyang kumilos kaya minsan naiinip akong hintayin siya. Napailing ako at hindi ko namalayang gumuhit sa labi ko ang ngiti.

Napansin kong sumisingit ang iba sa unahan niya kaya naglakad ako papalapit sa kaniya.

"Wait lang ha." Inayos niya ang salamin niya at sumilip sa unahan niya.

Ilang sandali pa ay nabili niya na ang dalawang pirasong samgak kimbap (삼각 김밥) at yakult. Meron pala nun dito. Nakangiti siya nang makuha na ang plastic ng binili niya.

Magkasama kaming bumalik sa classroom. Nandito na rin ang iba at naghihintay sa susunod na klase. Kami naman ay abala sa pagsusulat ng related literature na ilalagay namin sa chapter 2 ng research paper namin.

"Bakit hindi ka nagsasalita?" Bulong niya na dahilan para tingnan ko siya. Nagsusulat pa rin siya na para bang hindi siya ang nagsalita kanina.

Inayos niya muli ang salamin niya tsaka siya tumingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin ngunit iba ang tingin niya... Para bang sinusuri niya ako.

"Parang ang dami mong tinatago," komento niya.

Dahil sa oras na magsalita ako...

At kausapin ka...

"Didrae..." Pagbanggit ko sa pangalan niya na halatang ikinagulat niya.

Mapapahamak ka.

###



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top