Chapter 10: Whatever
"Hindi ko alam kung bakit nakakatawa kung paano mo ibuko ang sarili mo. Tila ba sa bawat salita mo dinidiin nito na ikaw talaga ang pumatay."
"A-ano rin ba 'yang sinasabi mo? Bakit? Ako ba ang pumatay? May ebidensya ka ba? Ha? Hindi mo ako pwedeng pagbintangan kung wala kang ebidensyang nahahanap! Hindi mo ba naisip na posible ring nalason nga talaga si Lyca dahil sa buto ng Malus domestica. Baka hindi mo alam it's seeds are mildly poisonous because it contains a small amount of amygdalin." Paliwanag niya.
Natawa ako. I just can't help it. I pity those people who has a lot to say but doesn't know what will be the effect of it to them. Mayabang na kung mayabang pero hindi ko na hahayaang pang mapahiya muli ako sa university na 'to. Tama na ang isang beses.
"You're right, the seeds contain cyanogenic glycosides making them mildly poisonous. Hindi nakapagtatakang isa kang nursing student. But did you know? It takes 200 seeds of apple to receive a fatal dose." Paliwanag ko.
"Hindi mo rin ba naisip o nakita man lang na maliit lang na parte ang kinagat ni Snow White? Imposible namang makain niya ang butong ipinagmamalaki mong may dala ng lason kung mababaw lang ang kagat niya." I saw him gritted his teeth.
"Kung gano'n ako ang tinutukoy mong pumatay kay Lyca ha? Sige! Ipakita mo sa 'kin ang ebidensya mo!"
"Sa totoo lang, wala akong ebidensya..."
"Wala ka naman palang ebidensya kung makapagbintang ka! Sira ka pala eh!"
"Wala akong hawak na ebidensya kasi nasa iyo pa. Tama ako 'di ba? Kahina-hinala ang nakaumbok sa bulsa ng pantalon mo. Ano 'yan?"
"Nagpapatawa ka ba?" Kinuha niya ang tinutukoy ko at ipinakita niya sa 'min.. "Isa lamang itong ordinaryong ballpen."
"Bakit kaya magdadala ang isang tulad mo ng ballpen habang nasa play? Naisip ko, baka kasi hindi talaga 'yan isang ordinaryong ballpen kundi personalized injection pen. Nursing student ka 'di ba?"
"A-ano bang pinagsasasabi m-mo?" Ni-check ng pulis ang tinutukoy ko at tama nga ang hinala ko. Isa itong personalized injection pen.
"Yan ang ginamit mo para mailagay ang lason sa mansanas. Napansin kong may maliit na butas doon at sigurado akong 'pag ni-test 'yon magtutugma sila. Posibleng makikita ng forensic science ang parehong uri ng lason na ginamit mo. Sapat na ebidensya para mapatunayang ikaw nga ang salarin. May sasabihin ka pa ba?" Mahabang paliwanag ko.
"L-lemuel p-paano mo 'to nagawa kay Lyca? Ang akala ko mahal mo siya, bakit?"
"Manahimik ka! Mahal ko nga ang babaeng 'yon pero ako ba mahal niya? Pinaasa niya lang ako! Pinaghintay niya ako! Malalaman ko na lang na may iba siyang boyfriend! Lintek na babaeng 'yon! Nagpakahirap akong ligawan siya, simpleng oo niya lang hindi ko pa nakuha! Kung hindi rin lang siya mapupunta sa 'kin mas gusto ko nang mamatay na lang siya para wala nang makinabang sa kaniya!"
Nagsimula nang umiyak ang babaeng 'yon. "Hindi ko alam na ganiyan pala ang ugali mo Lemuel. K-kung alam ko lang, sana hindi ikaw ang nagustuhan ko. Dahil alam kong mahal mo si Lyca, isinantabi ko ang pag-ibig ko sa 'yo dahil alam ko ring doon ka masaya pero ngayon, nagsisisi na ako. Hindi ko dapat pala minamahal ang isang masamang taong katulad mo."
"L-lora..."
Agad na hinuli ng mga pulis ang taong 'yon at sinakay sa patrol car.
"Good job, son. I never thought that you will solve this case. Nagmana ka talaga sa 'kin." He patted my shoulder and flashed his smile seems like he was proud of me. I just shooked my head. Then, I remember what he did to me a while ago. No, what he called me.
"Pa as I've told you, Aedrian is my name." Tumawa lang siya. Ano naman kayang nakakatawa do'n?
"Hey Aedrian! Hindi mo sa 'kin nabanggit na police officer pala ang dad mo!" Napalingon ako sa tinis ng boses niya.
"Why? Hindi mo ba na-deduce?" Inirapan niya ako. What's with that? Ibinaling niya kay papa ang atensyon niya.
"Hello po Tito, ako po si Nica. Ahh ano po ni Aedrian. Teka, ano nga ba ulit tayo?"
"Girlfriend?" Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi ni papa.
"N-naku! Hindi po!"
"She's my seatmate." "He's just a transferee."
"Just friends." "Just an acquaintance."
Napatingin ako sa kaniya dahil sa magkaiba naming sinasabi nang magkasabay.
"Whatever!" "Whatever." At narinig ko na namang humagikgik si papa. What's wrong with him? Should I enter him in the hospital where most people laugh for no reason?
"Oh sige na, tapos na ba ang klase niyo?" I nodded.
"Yes po Tito."
"Oh 'yun naman pala eh. Tara na at umuwi na tayo. Nica, sumabay ka na sa 'min sa patrol car."
"P-patrol car? Cool! Tara na po!" Excited namang nakangiti ang seatmate ko. Agad akong hindi sumang-ayon.
"Pa, dala ko ang bike ko." Atsaka baka 'pag sumakay ako do'n pagtinginan kami ng mga tao, isipin pa nilang mga kriminal kami.
"Then, iiwan ko na kayo. Ihatid mo na lang si Nica sa bahay nila. Paalam!"
Hindi na ako nakapagsalita nang sumakay na siya sa patrol car niya. Sandaling katahimikan ang bumalot sa 'ming dalawa. I cleared my throat.
"Saan ba ang bahay mo?"
"Hala! Ihahatid mo nga ako? Huwag na!"
"Eh ano ba sa akala mo? Tara na, baka abutan pa tayo ng dilim."
Naglakad na ako papunta kung saan naka-park ang bisikleta ko. Sumakay na ako rito. Nagtaka naman ako kung bakit wala pang umuupo sa likod ko kaya tiningnan ko siya.
"Baka ma-flat."
"Ang dami mo pang sinasabi! Umangkas ka na!" Sinunod niya naman ako.
"Ituro mo sa 'kin ang daan papunta sa inyo. Kumapit kang mabuti."
"S-sige." Naramdaman ko ang kamay niyang nakahawak sa damit ko.
"Huwag d'yan, masisira sa 'yo 'yang uniform ko eh!" Pinreno ko ang bisikleta kaya agad siyang napayakap sa 'kin. Napangisi ako.
Tinuro niya naman sa 'kin ang daan papunta sa bahay nila. Medyo malapit din pala sa school pero mas malapit 'yung bahay namin kaya kailangan ko pang bumalik para makauwi.
"S-salamat! Mag-iingat ka!" Paalam niya sa 'kin. Tumango lang ako bago ko minaneobra muli ang bisikleta ko. Ilang minuto lang ay nakapasok na ako sa subdivision namin. Naramdaman kong nag-vibrate ang telepono ko. Kinuha ko iyon at binasa ang text message.
From: Lyca 5:45 PM
Very well, I am impressed.
-end of message-
Dahil nakatuon ang atensyon ko sa cellphone ko hindi ko namalayang mababangga na pala ako sa puno. Agad kong binitiwan ang manibela tsaka ako tumalon. Tumama ang likod ko sa kalsada.
Holy cheese, paano makakapag-text ang isang taong patay na?
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top