Simula
Simula
Three years married. Five years together. One incident that shattered everything.
"Alis na ako."
Pinanood ko siya habang inaayos niya ang kanyang buhok. Ni-hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin.
Inayos ko ang buhok kong humaharang sa mukha ko at binitawan ang sandok. Hinawakan ko ang apron na nakasuot sa akin at nilingon siya.
"Hindi ka na ba muna kakain?" tanong ko habang sinusundan siya. "Ang aga naman yata?"
Huminga siya nang malalim. Pagod niya akong nilingon. Parang tinusok ng milyon-milyong kutsilyo ang dibdib ko nang makita ang pagbabago ng mga mata niya habang tinitignan ako. Kung dati ay punong puno iyon nang ngiti at paghanga, ngayon ay kahit anong hanap ko, hindi ko na makita ang emosyon doon.
"Bakit ba ang dami mong tanong?" iritang tanong niya.
Napayuko ako habang kinukurot ang likod ng kamay ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba dahil parang hindi ko na kilala ang lalaking nasa harapan ko. Lumunok ako, pinipigilang lumandas ang luha mula sa mga mata ko.
His jaw tensed. "Sa office na ako kakain. Matulog ka na rin nang maaga mamayang gabi, huwag mo na akong antayin. Gagabihin ako."
Kinagat ko ang labi ko. Kagabi kasi ay madaling araw na siyang nakauwi, kaya naabutan niya akong nakatulog na sa sala kakahintay sa kanya. Hindi rin naman niya ako ginising para lumipat sa kwarto, naabutan ko na lang ang sarili ko na yakap ang isang unan at nanginginig sa lamig.
Hindi na niya hinintay pang sumagot akong muli. Tuloy-tuloy na siyang umalis at sinarado ang pinto.
Nanghina ang tuhod ko kaya napaupo ako sa couch. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil ramdam ko ang hapdi at pagkapiga niyon. Humahapdi at naniningkit na rin ang mga mata ko sa kakaiyak. Pagod na ako.
Nagulat ako nang makitang umapaw na ang tubig sa pinapakuluan kong sinigang kaya dali-dali kong pinunasan ang pisngi ko at tumayo para patayin ang stove.
I know he's hurting, but I lost her too. I carried her. I felt her. Hindi lang siya ang nasasaktan sa nangyari. I'm grieving too, pero pinipilit kong maging matatag para sa kanya. Para sa amin. Para sa relasyong ito.
"Oh my! Are you okay, Pepper?" bungad ni Alice nang pagbuksan ko siya ng pinto ng bahay namin. Ma-drama pa niya akong sininghot. "Naliligo ka ba? Medyo may amoy, ha."
Inirapan ko siya. "Sira. Malamang kakatapos ko lang magluto, oh?"
Tinalikuran ko siya para ihanda ang niluto ko. Kanina pa sila text nang text sa akin ni Maia na gusto raw nila bumisita. Ang sabi ko ay busy ako, pero sabi nila ay hindi raw sila manggugulo. Gusto lang daw makakain ng libre. I doubt. Alam ko namang concern sila sa akin kaya hindi niya ako maiwan-iwan mag-isa rito sa bahay.
Pero sa huli ay si Alice lang ang nakapunta dahil may biglaan at importanteng lakad daw si Maia.
Umupo siya sa hapag at nagsimula nang kumain na akala mo ay ilang linggo na siyang hindi nakakatikim ng ulam kahit na kahapon ay nandito rin naman sila para sa rason nilang 'makikikain daw ng libre'.
"Asawa mo?" Luminga-linga siya para hanapin si Aki.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Umalis na."
"Huh?" napatingin siya sa wall clock na nakasabit sa pader. "Alas siyete pa lang? Hindi ba, alas diez ang pasok niya?"
Hindi ko siya sinagot. Kumuha ako ng baso at nilagyan iyon ng tubig para maiwasan ko ang titig niya, ngunit ang hindi ko naiwasan ay ang panginginig ng kamay ko, kung kaya naman ay nabitawan ko ang baso.
"Ano ba iyan, ang dulas kasi ng kamay ko." Pinilit kong ayusin ang boses ko. "Teka, ligpitin ko lang ito."
I squatted para mas maayos kong malinis ang mga bubog. Mabuti nalang at nakasuot ako ng tsinelas.
"Tahlia Pepper Garcia-Salvatierra, may hindi ka ba sinasabi sa akin?"
Naramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko kaya lalo akong kinabahan sa mga susunod niya pang itatanong, lalo na't binanggit na niya ang full name ko.
"Magsuot ka nga ng tsinelas, Alice! Kita mong may bubog, baka masugatan ka."
Ilang segundo siyang nanatiling nakatayo sa likuran ko nang sa wakas ay naramdaman kong bumuntong hininga siya at umupo na ulit sa hapag. Nabitawan ko agad ang hiningang kanina ko pa pinipigilan dahil sa kaba.
"Kumain ka na rin dito, sabayan mo na ako," aniya habang patuloy pa rin siya sa pag nguya.
Pagkatapos kong ligpitin ang nabasag na baso ay umupo na rin ako sa tapat niya. Mariin ang titig niya sa akin kaya pinilit kong ngumiti. Umiling na lamang siya at nag-iwas ng tingin sa akin.
Katulad nga ng sinabi niya sa akin sa text ay hindi nga niya ako ginulo sa araw na iyon. Nahiga lang siya sa couch habang nanunuod ng TV habang naglalaba ako.
"Parang kakalaba mo lang ng mga damit ninyo kahapon, ah?" tanong muli ni Alice habang nakatutok pa rin ang mata niya sa screen ng TV.
"Gusto ko lang," sagot ko.
Ang totoo ay para hindi ako tuluyang mabaliw. Kapag wala akong ginagawa, naalala ko lang ang lahat. Kapag tulala ako, umaalingawngaw lamang sa tenga ko ang mga salitang pumatay sa akin sa araw na iyon.
Ilang buwan na rin ang lumipas, mag-iisang taon na nga rin, pero iyong sakit ay parang kahapon lamang. Alam kong alam nila Alice ang nararamdaman ko and I appreciate them na hindi na sila nagtanong o sumubok na pag-usapan naming muli ang nangyari. Sapat nang nariyan sila. Sapat na ang presensya nila.
"Dalian mo nga maglaba riyan tapos maligo ka na! Malling naman tayo, Pep." Ngumunguya-nguya siya ng chips na kinuha niya sa pantry. "Inggitin natin si Maia. Ang bwisit na iyon! Ano naman kaya ang importanteng lakad ang tinutukoy niya?"
"Hayaan mo na, baka sa trabaho lang?" Ngumiti ako sa kawalan.
"Trabaho? Baka kamo sa babae?"
Tumawa ako. "Single naman si Jeremiah, kaya kung totoo nga, problema na niya iyon."
Sinulyapan ko siya nang hindi na niya ako sagutin. Nakita kong ngumuso siya at umirap sa kawalan. Umiling ako at binilisan na nga lang ang maglaba, para makalabas na kami.
Kailangan ko rin sigurong makalanghap ng sariwang hangin. At saka, bibili ako ng regalo kay Aki. Pakiramdam ko ay kailangan niya ring maramdaman niya lumalaban ako—para sa amin.
Inabot kami ng ilang oras sa mall. Kumain na rin kami ng hapunan doon. May natira pa naman sa sinigang kaninang tanghali kaya may makakain pa si Aki kung sakaling gusto na niyang kumain sa bahay.
"Bagay sa iyo!" puri niya nang isukat ko ang short dress na kanina pa niya pinipilit sa akin. "I'm getting this for you." Kinuha niya iyon sa kamay ko at kumindat sa akin bago pumunta sa counter.
"Wow," sambit ko at sinundan siya. "Noong college tayo kahit softdrinks hindi mo manlang ako mailibre, ngayon, ibang klase ka na!" biro ko.
"Bigatin na itong bestfriend mo!" aniya at sabay kaming nagtawanan.
Luminga linga ako sa paligid habang hinihintay siyang makabayad. Nakabili na rin ako ng gift ko kay Aki. Sana ay magustuhan niya.
Alas nueve na ng gabi nang makauwi kami. Tumambay pa kasi kami sa isang coffee shop malapit sa bahay dahil hindi raw mabubuo ang araw niya nang hindi nakakatikim ang sikmura niya ng kape.
Tinawagan din namin si Maia at puro pangungutya lang ang abot niya kay Alice. Kesyo siya raw ang nagplano, pero kami ang natuloy ni Alice.
"Sinabi ko naman 'di ba, na may biglaan akong lakad?" He chuckled. "Babawi ako bukas, Pep."
"Bakit kay Pepper lang, aber?!" galit na singit ni Alice at hinarap sa kanya ang cellphone kung saan nasa screen no'n si Maia. "Kaibigan mo rin ako, oh! Ano ako, display lang dito?"
Sabay kaming natawa ni Maia. "Ano bang bawi ang gusto mo, Lice? Kiss na lang kita bukas."
"Yuck!"
Nagkunwaring nasusuka pa si Alice sa sinabi ni Maia. Inilingan ko na lang silang dalawa. Sinulyapan kong muli ang paper bag ng gift ko para kay Aki. Sana magustuhan niya.
Nakangiti pa ako habang papasok sa loob ng bahay. Lalong nagdiwang ang puso ko nang mapansing nakabukas na ang ilaw roon. Ibig sabihin, nakauwi na rin si Aki!
"Hi—" nabitin ang bati ko nang makita siyang nakayuko sa lababo habang hinahayaang rumagasa ang tubig sa gripo. Naghilamos siya ng mukha.
Amoy na amoy mula rito ang pinaghalong amoy ng sigarilyo, alak at ng kanyang pabango na gustong gusto kong amuyin kahit noon pa.
"Fuck," malutong na mura niya habang nakatingala.
Lasing siya? Lasing na naman siya?
Hindi ko man siya naabutan kagabi dahil nga nakatulog ako, pero kaninang naglaba ako ay umalingasaw sa mga damit niya ang amoy ng kanyang bisyo.
"Akiel?" tawag ko sa kanya, ngunit hindi niya ako pinansin.
Binitawan ko ang hawak kong paper bag na naglalaman ng regalo ko sa kanya at sinundan siya roon. Hinarap ko siya at kitang kita ko ang namumutla at lasing na lasing niyang mukha. Nagmumumog siya sa gripo, trying to rinse the taste of whatever he'd drowned himself in.
"Aki," bulong ko habang papalapit sa kanya. "Let me help—"
"Don't!" Nagtaas siya ng isang kamay sa akin at umatras. "I'm fine."
"Pero—"
Winaksi niya ang kamay ko. Sandali siyang nagulat doon, pero agad ding kumunot ang noo niya at pumikit nang mariin. Nanatili siyang nakasandal sa lababo habang sapo ang kanyang noo.
"I said I'm fine, Pep," malumanay at mahinahon niyang sabi.
Pagkatapos ay pumasok na siya sa loob ng kwarto namin. Sinundan ko siya ng tingin, ngunit hindi man lang siya lumingon o kumustahin ako. While I stood there, trembling—watching the man I loved crumble in front of me, refusing to let me hold him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top