Chapter 24: Taksil na puso

Chapter 24: Taksil na puso


"Relo?" tanong ko sa sarili habang nakatingin sa shop ng mga mamahaling relo.

Napailing ako.

Hindi 'to magugustuhan ni Laurice. Isa pa, masyadong mahal, I don't have enough money for this.

Naglakad pa ko nang kaunti tapos napatigil ako sa isang shop. "Dress?" pabulong na tanong ko ulit sa sarili.

Pero parang halos matawa ako nang ma-realize kong hindi gan'on 'yong tipuhan ni Laurice. Baka gawin niya pang basahan 'yon.

I walked a few steps from where I was standing and I saw an eye-catching shop. White and light brown 'yong kulay ng shop pati drawers at mga patungan ng items.

Ang daming art materials tapos mayr'on ding useful items for studying. Kaso napakunot ako ng noo. "Gumagamit ba ng ganito si Laurice?"

I can't remember a single time when I saw her using aesthetic pens and art materials for school. Notebook at black ballpen lang 'yong nakikita kong palaging laman ng bag niya noon.

Napahinga ako nang malalim.

I don't know how much time I already spent walking through the mall to search for a gift. Naikot ko na 'yong buong first floor nito pati second and third floor pero wala pa rin akong makitang bagay na mabibili para kay Laurice.

Good thing that I was wearing a rubber shoes, plain white shirt, and high-waisted pants, so it was easy for me to move.

Napahinto ko sa gilid ng isang food stall at saka napatingin sa niluluto ng nagtitinda.

Corn dog.

Ang bango-bango. Tapos 'yong isang teenager na bumili, parang ang sarap-sarap pa ng kain niya. Napa-pout tuloy ako.

Lumingon na lang ako sa kabila.

Painggit! Porke't wala akong extra money na pambili?

Kapag talaga lalo pang lumago 'yong business namin nina Sophia at Aika, bibilhin ko lahat ng corn dog dito.

Bigla akong napahinto nang may sumagi sa isip ko.

Ba't ko iso-sold out 'yong corn dog nila? May sarili naman kaming mga paninda? Uso na kaya ngayon 'yong "tangkilikin ang sariling atin". 'Di ba?!

Napailing na lang ako. Gutom lang 'to.

Umakyat na ko sa last floor which is the fourth floor of this mall.

I looked around upon stepping my feet on this floor. Puro bilihan ng mga gadget 'yong nandito.

For goodness' sake! 2,000 pesos lang 'yong budget ko. Hanggang s'an naman 'yong aabutin nito?

Baka nga kahit may second hand gadget dito, masampal pa sa 'kin ng nagtitinda 'yong item nila.

Pupunta na sana ko sa escalator para umuwi na dahil mukhang wala naman akong mabibili rito nang may makakuha ng atensyon ko. There was this gadget and computer accessories shop from my right.

I stopped from walking for a moment.

From my position, I can see keyboard, headphones, mouse, and other accessories inside that shop.

I decided to walk towards it and when I saw that most of their items are on sale, parang kuminang 'yong mga mata ko.

Dali-dali akong pumasok at saka tinignan 'yong mga naka-sale nilang gamit.

I stood still at the corner while peeking at the low-priced accessories.

"Ano kayang gusto ni Laurice?" pabulong na tanong ko sa sarili.

I was having a deep thought when somebody interrupted me. Gulat na gulat talaga 'yong pagkatao ko.

"Good morning, ma'am! Ano pong hanap nila?" an employee approached me. She has this high level of energy.

Sana all may energy pa!

Nilingon ko siya mula sa gilid ko. Naiilang ko siyang nginitian.

Sino bang hindi maiilang?

I prefer looking at the items without anyone walking after me. Feeling ko kasi hubad ako kapag may sunod nang sunod sa 'kin; walang privacy, gan'on... parang may naninilip sa mga tinitignan ko.

Naglakad na lang ako palayo sa kaniya at baka sakaling makaramdam siya. Kaso, mukhang d'on ako nagkakamali.

Sinundan niya pa rin ako. Buntot nang buntot.

That's déjà vu.

Napahinto tuloy ako bigla sa paglalakad nang maalala ko siya— that bad word. He who must not be named.

Ba't ba madalas ko siyang maalala these days?

I was startled when the same employee talked to me. Tuloy-tuloy lang siya sa chika niya, "Wala po ba kayong makita rito? Marami pa po kaming naka-sale ngayon. Gusto niyo pong tignan 'yong ibang items namin? Dito po sa unahan, mas marami."

Gusto ko na lang mapairap pero I am Elise of 2024. The Elise who has been trying her best to be patient.

Nilingon ko siya saka mahinahong sinabi, "Magtitingin-tingin na lang muna ko."

She smiled back and answered, "Okay, ma'am!" She energetically added, "Puntahan niyo lang po ko kapag may tanong kayo."

Tumango na lang ako bilang sagot.

Good thing, umalis din siya agad sa paligid ko. Sinundan ko siya ng tingin, may kinukulit na siyang bagong customer.

That's it. That's what patience does. No more further conversation.

Pinagpatuloy ko na 'yong pag-iikot ko sa loob ng store. I firmly checked every other item that I am passing by, especially those in sale. Kaso napasimangot na lang ako nang may mapansin.

Sinamaan ko ng tingin 'yong sale poster nila sa gilid ko at saka napaisip— 'yong mga may discount kasi ang dudumi ng packaging, may kaunting damage, o kaya mukhang less useful naman.

Napahinga ako nang malalim.

Bumaba nga 'yong presyo, bumaba rin naman 'yong quality. Gan'to ba talaga 'yong ibang sale? Pa-excite lang?

I looked to my left.

Parang bigla akong ginanahan when I noticed bunches of headphones near me. That is totally suited to Laurice!

Lumapit ako r'on at saka namili.

For sure, panay pa rin 'yong games n'on up until today. This would be of help para kapag nagmumura 'yong kakampi niya, 'di na kailangang marinig pa ng buong mundo.

Nakuha ng atensyon ko 'yong gold and black na headphones.

I checked the price and I saw that it's only 1,999.75 pesos. Wow! Grabe, may 25 cents pang sukli.

That's sarcasm.

Kinuha ko na 'yon tapos tinignan kung may sira ba. To my disappointment, may nakita akong kaunting dents. Naghanap pa ko ng katulad n'on tapos sa likod, may nakita naman akong in good condition pa.

I immediately grabbed that dahil baka maagaw pa 'no! Ah, maagaw... That rings a bell.

Mapakla akong napangiti dahil d'on.

Mga bagay na dapat kinakalimutan na.

I shrugged it off at saka pumunta sa counter habang bitbit 'yong headphones.

Inabot ko 'yon agad sa cashier at saka kinuha 'yong pambayad ko mula sa kanang bulsa ko.

"1,999 pesos and 75 centavos po," saad ng cashier pagka-punch sa item ko.

Inabot ko naman agad 'yong pera at saka nahihiyang tinanong, "Pwedeng pa-testing din?" Sayang ang bayad kung mukha ngang maayos pero sira pala talaga!

She smiled at me and said, "Sure, ma'am."

Dali-dali kong sinabi, "Pero wala akong dalang phone."

Since I live separately from my family, tuwing lumalabas ako, I don't usually bring my phone with me.

Mahirap na. Maraming magnanakaw at snatcher sa panahon ngayon. Magugulat ka na lang, 'yong iyo, nakuha na ng iba.

"No worries, ma'am," sagot ng cashier. "I received 2,000. Here's your exchange, ma'am; 25 centavos."

Nginitian ko siya pagkakuha ng sukli ko.

It didn't take us a long time to test the headphones. Maya-maya lang din, tapos na.

I thanked her before she handed over the paper bag. Pagkakuha ko n'on, lumabas na rin ako agad sa store.

I couldn't help myself but to smile so brightly dahil sa wakas, makakauwi na rin ako. At sa wakas, may nahanap na rin akong regalo para sa birthday ni Laurice!

Next week kasi, 18th birthday niya na. Hindi ko na binonggahan 'yong regalo ko dahil gusto ko maging practical.

Mura. Magagamit. Gusto ni Laurice.

O baka kasi wala lang talaga akong enough money? Tamang palusot lang, gan'on?

Just kidding!

Need ko lang talagang mag-budget at maging wise. Mahirap kumita ng pera but at the same time, I want to make Laurice happy.

Wala ng sumusuporta sa 'kin financially. Although daddy gave me a good amount of money before I left home a year ago, marami na kong pinaggamitan n'on— puhunan, supplies, bills, food sa pang-araw-araw, and so on.

Hindi kasi talaga siya ulit nagbigay katulad ng sinabi niya. Good thing, may townhouse din siyang na-provide. Kasi kung wala? Mas lalong magiging mahirap ang lahat for me.

I was thankful that Sophia and Aika were with me during my lowest point. It was to my advantage when their parents allowed them to live with me. Pero beneficial din naman 'yon for them since it's a money and time saving move— malapit sa university.

At para mabuhay kami, we started a business one month after living together— Kahit Ano (SAE Sweets and Patries). Since marunong naman kaming mag-bake kahit pap'ano at may mga gamit na sa townhouse, we seized that opportunity.

During the one month period, we tried and practiced a lot from baking, packaging, canvassing inexpensive yet quality goods, printing, and the list continues.

Pagkababa ko sa third floor, pumunta na ko sa kabilang escalator.

Naalala ko bigla kung g'ano kahirap 'yong first three months namin nina Sophia at Aika. Nangapa talaga kami sa maraming bagay, like paano maghahatian sa gastusin, publicizing our products, at p'ano makakakuha ng loyal customers. We did all those things while studying and working.

Iba pa 'yong hirap kung p'ano kami nag-adjust sa isa't isa.

We love each other. We are comfortable with one another pero ibang usapan na pala kapag tumira na under one roof.

The hardest thing I've gone through? P'ano magtitipid.

Mukha lang madaling isipin but it was hard to be in my shoes.

We came to a point na hapunan at almusal na namin kinabukasan 'yong pastries that we made for practice. Todo tipid pa kami sa kuryente at tubig.

That was not what I used to live with— sanay akong 24/7, naka-aircon.

Nang makarating ako sa second floor, naghagdan na lang ako pababa sa first floor para malapit na sa terminal.

Hindi naman gaanong karami 'yong tao ngayon dahil Sunday.

I looked around and I've noticed that there are various families walking around.

A smiled plastered on my face— a bittersweet smile.

I miss my family. I miss eating a meal with them.

I felt how my heart aches upon remembering the good old days.

People might think that I am a fool and stupid for missing them.

Ako 'yong umalis eh, anong karapatan ko para malungkot? Kung nasasaktan at nahihirapan ako, eh 'di uwi na lang ako, 'di ba?

Pero... I'm not ready yet.

I made it through for more than a year. Although it was hard, and hard is an understatement, I learned a lot from those experiences.

I got exposed to what they call the 'real face' of life and it helped me grow as a person.

Walang ibang maglalaba ng damit ko, magtitiklop, at magtatabi sa cabinet kundi ako. Salitan pa kami nina Sophia at Aika sa paghuhugas ng mga plato, pagluluto, at paglilinis ng bahay.

Ang dami-dami pa na kapag naiisip ko, napapatanong ako, 'nagawa ko lahat ng 'yon?'.

Because of those experiences, mas naintindihan ko na 'yong ibang mga bagay-bagay.

Sino ba namang hindi kung lasang-lasa mo bawat hirap?

One more reason why I've chosen to stay in the townhouse is that I am afraid that they might not accept me back at home.

Naiisip ko pa lang, nasasaktan na ko.

Pero sa tingin ko naman, kung usapang healing, I somehow healed from what happened last year. Kaunti na lang siguro, magiging fully healed na ko.

I smiled with that thought.

Pinatawad ko naman na sila kahit hindi sila nag-sorry sa 'kin eh. Kahit nga si E— I mean he who must not be named, I don't feel anything for him na...

That's what I thought. That's what I believed through the year that I didn't have a glimpse of him.

But right on cue, pagbaba ko sa hagdan at pagtingin ko sa tapat ng isang restaurant, I saw someone who just looks like him and my heart proved me wrong.

Napatigil ako sa paglalakad habang pinapanood 'yong lalaki na pumasok sa loob ng restaurant.

I was dumbfounded with what I saw.

At sa lahat ng taksil, puso ko 'yong pinakanakakainis. After a long time na hindi ko 'to naramdaman na bumilis ng tibok, ngayon pa... ngayon pa bumilis.

I placed my free hand on my chest at totoo nga, damang-dama ko 'yong mabilis na kabog nito na pwede ng ipangkarera.

Naiilang akong napatawa. May nakakita pa nga sa pagtawa ko pero who cares?

"Kalma, Elise. Kalma," natatarantang bulong ko sa sarili. "Ihi na lang nagpapakilig sa 'yo 'di ba? 'Di mo na kailangan niyan. Pero ano 'to? Ba't ka kikiligin sa kamukha niya lang?"

At kung siya man 'yon... kung siya talaga 'yon, hindi tamang kiligin pa rin ako sa kaniya. Hindi tama 'tong ginagawa ng puso ko ngayon.

Nanlalamig na 'yong mga kamay ko. Nanghihina pa 'yong mga tuhod ko.

At kahit anong gawin ko, hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.

Naloko na.

"Elise? Is that you?" hindi makapaniwalang tanong sa 'kin ng pamilyar na boses.

Dahan-dahan akong napalingon sa direksyon na pinanggalingan n'on. To my surprise, it was Mommy este Tita Adrianna pala with Tito Evann. Medyo malayo pa sila sa pwesto ko.

Pakaway-kaway pa si Tita Adrianna sa 'kin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mas lalo akong nataranta nang maisip na baka si 'bad word' nga 'yong nakita ko kanina. P'ano kung makita niya ko?

Anong gagawin ko ngayon?

Takbo na lang kaya ako paalis? Para isipin nila na namalikmata lang sila?

Sabihin kong hindi ako si Elise? Na ibang tao ako? Na hindi ko kilala 'yong sinasabi nila?

O sabihin ko kayang may naghihintay sa 'kin at kailangan ko ng umalis?

Pwede rin sigurong natatae na ko kaya uuwi na ko?

Kainis na puso 'to! Pahamak.

"It's really you, Elise!" masayang sambit ni Tita Adrianna nang makalapit na siya sa 'kin. Hinawakan niya pa ko sa kaliwa kong braso.

"Dito tayo sa gilid," nangingiti niyang saad bago ako hinila papunta sa tapat ng restaurant.

I was unable to say something. Napakagat na lang ako sa ibaba kong labi.

Oh, 'di ba? Sa tinagal-tagal kong nag-isip ng idadahilan, naubusan na tuloy ako ng oras para tumakas!

She's still smiling when she invited me, "Halika sa loob. Eat with us."

Habang ako, nanlalaki 'yong mga mata ko nang titigan ko siya. Parang gusto ko na lang magkar'on ng super powers ngayon at saka maging invisible.

I was stuttering when I humbly declined her offer, "Nakakahiya po! Huwag na, tita."

She seemed shocked with what she heard. Napakunot pa 'yong noo niya at saka natatawang sinabi, "Tita? Not Mommy Adrianna?"

Napakagat na naman ako sa ilalim kong labi. Sobrang nahihiya na ko sa harap niya.

Ano palang dapat kong itawag sa kaniya? Mommy Adrianna pa rin? Bakit, magiging isang pamilya na ba kami?

I suddenly felt hurt thinking about that.

Magpapakasal na siguro sila.

"Let's get inside," mahinahong aya ni Tito Evann kaya napatingin ako sa kaniya.

He simply smiled at me before he walked towards the restaurant.

At bukod sa puso ko, may isa pang taksil. Biglang kumulo 'yong tiyan ko and I am pretty and sure este pretty sure that she heard it.

The battle of my stomach and my ego now begins.

"Tara na kasi," nangingiting pangungulit ni Tita Adrianna.

Wala na kong nagawa nang tuluyan niya na kong hilahin papasok sa loob.

The moment I set foot inside the restaurant, everything that I thought was gone suddenly brought back to life.

Parang bumagal 'yong takbo ng mundo ko pagkakita ko sa kaniya— he was all smiles while talking to a child who's sitting on his lap. He is in front of a woman whose back is facing me.

Taksil na puso.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top