ENTRY #2: Megalomania
Genre: Fiction, Mystery, Suspense & Comedy
Description: Ang storyang ito ay tungkol sa malawak na takbo ng utak ng tao.
Minsan ang malawak na pag-iisip ay nakabubuti, minsan naman ay nakasasama.
Bakit nakasasama? Basahin mo po.. .
Why: para ibahagi sa inyo kung paano tumakbo ang utak ko haaha.
How: Actually there's a delusion in my head at that moment haha joke.
Umiisip lang ako ng idea na akma sa tema—un... Nasulat ko sya ng may ngiti sa labi wahahaha(evil laugh).
-----------------------
[>] Megalomania
By: Muse
"Paradise comes at a price."
"Blah blah blah blah—"
(Tunog ng radyong tinurn-off).
Hindi makatulog si Aki dahil sa nangyari kanina sa kanila ni Mela. His girlfri—ex girlfriend.
Naalala nya na naman kasi ang convey nila.
["Break na tayo!" Sigaw ni girl habang nagmamadali sa paglakad.
"Okay, sige. Magbreak na muna tayo. Gutom narin ako e. 'Di ko namalayang breaktime na pala."
"Aki ano ba?! Ayoko na—Maghiwalay na tayo!"
"Huh?!" Napakunot noo sya habang may nakaukit na tanong sa mukha.
"Hindi na kita mahal! Break na ta'yo!"
Nagpantig ang tainga ni Aki.
"Hindi mo na ako mahal?" Ulit nya. "Joke ba'to?"
"Hindi 'to joke!"
"Anong drama yan?"
"I don't love you anymore!"
Sumeryoso ng mukha si Aki. "Sino sya?" Natigilan si Mela sa sinabi ni Aki. "Sino yung g***ng pinalit mo sakin?" Mahinahon pero kita ang pagkapoot sa mukha ng binata.
Napayuko si Mela at humarap sa nobyo. "Si Gab."
Napabuntong hininga nalang si Aki bago magsalita ulit. "Si Gab?" Ani nya na parang hindi na masyadong nagulat. "I knew it." (Sigh) "So this it is. We're done."
"I'm sorry Aki." Malungkot na sabi ni Mela.
"Sorry?" Bulong nalang ni boy sa sarili. "Thanks sa 10 years." Sabay walk out.]
Ng maalala nya ang mga bagay na'yon ay nakaramdam na naman sya ng matinding galit para sa ex-gf pati sa bago nitong bf.
Sa kalagitnaan naman ng pagmomoment ay biglang nagring ang kanyang cp.
(Ringtone)
"Everything i know about love i learned from you. And everything i know about pain i learned from you—" kinansel nya sabay tingin kung sino ang tumawag.
BESTFRIEND GAB.
"Fvck!" bigla nyang naibato ang cp nya.
Lalo tuloy syang napoot. Kaya ang ginawa nya ay kinuha nya ang kanyang notebook at nagsulat ng mga kung ano-anong masasamang bagay tungkol sa dalawa.
Ganun kasi ang ginagawa nya pag may kinaiinisan syang tao o kagalit. Sa notebook nya pinapatay o binubugbog ang mga may atraso sa kanya.
Doon kasi sya narerelief. Isa pa hindi nya kayang manakit sa totong buhay. Kung baga sa square areglo puro amba lang sya kaya sa sulat nalang sya bumabawi dahil sa imahinasyon nya sya ang pinakamalakas. Kaya nyang pumatay ng walang kaawa-awa.
Nakuha nya yung idea nayan nung mapanood nya yung death note. (Alam nyo na ibig kong sabihin kung napanood nyo na'yon).
Weird ryt? Pero cool hehe.
------
Umaga.
Nagising si Aki na nakatanday ang ulo sa notebook. Nakatulugan nya na pala ang pagsusulat.
Maya-maya ay muli nyang kinuha ang cp nya sa sahig at nakita nya ang ilang miss calls at texts kagabi mula sa x-gf nyang si Mela pati x-bestfriend nyang si Gab.
May ilang mensahe rin mula sa dalawa.
<Sorry talaga Aki.> Sms fr. Mela.
<Bes. I'm really sorry man.> Sms fr. Gab.
Napangiwi nalang sya. Nakakasira kasi ng umaga.
Natigilan sya ng may biglang Kumatok. Kaya naman agad nyang binuksan ang pinto.
"Iniimbatahan ka namin sa aming headquarter Mr. Aki Cerbito." Bungad ng isang pulis matapos nyang mabuksan ang pintuan. Glen Amer ang nakaburdang pangalan sa damit nito.
"Huh?" Naguguluhan nyang tanong.
Fast forward >>
"Wala akong alam sa sinasabi nyo?!" Giit ni Aki.
Nasa loob sya ng Confession room kasama si Mr.Glen na kaharap nya at dalawa pang pulis sa likuran.
"Sabihin mo nasaan ka kagabi?" Tila walang emosyong tanong ni Glen.
"Ilang beses ko ng sinabi hindi ba?! What's wrong with you people?!"
(Tok! Tok! Tok!)
Na-interupt sila ng may biglang pumasok at tinawag si Glen para sa isang importanteng bagay.
Naiwan naman sa loob si Aki kasama ang dalawang pulis patola.
Wala syang ka-ide-idea sa mga nangyayari. Ano nga bang dahilan at bakit sya pinatawag ng mga pulis sa presinto? Ano bang nagawa nya?
Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik si Glen dala ang isang bagay na pamilyar kay Aki. Ang kanyang notebook.
Malakas na nilapag iyon ni Glen sa harap nya saka sya inusisa.
"Ito ang katibayan!" Singhal ni Glen.
Naguluhan naman si Aki sa mga sinabi ng kaharap.
"K-katibayan?" Hindi na halos natapos ni Aki ang sasabihin dahil nagsalita na agad si Glen.
"Dalhin na ang isang 'yan sa kulungan."
Agad pinosasan ng dalawang pulis ang mga kamay ni Aki saka ito binuhat palabas ng silid.
"T-eka?! Hindi ko alam ang sinasabi nyo!" Nagpupumiglas pa ang binata. "Wala akong alam sa mga sinasabi nyo! San nyo 'ko dadalhin?! Wala akong kasalanan! 'Wag nyo 'kong ikulong! Parang awa nyo na! Waaaaaag!"
-----
Nagulat si Glen matapos makita ang result ng examination na ginawa ng S.O.C.O sa bahay na pinangyarihan ng insidente na kinasangkutan ni Aki.
Wala ni anumang bakas ng finger print ni Aki sa lugar na pinangyarihan. Isang malinis na krimen ang naganap.
Dahil doon, Kasama ang partner ni Glen sa investigation ay binalikan nila ang bahay ni Gab kung saan mismo sya natagpuang patay kasama si Mela.
Siniyasat nya uling mabuti ng lugar.
Natagpuang nakabulagta si Gab sa kanyang kama at naliligo sa sarili nitong dugo. Dilat ang mga mata. Nakanganga. Putol ang ari. Nakahubo.
Nakatali ang mga kamay at paa sa bawat kanto ng kama. Tadtad ng saksak ang tyan na ayon sa nag-autopsy ay umabot sa 100 na saksak dahilan para bumulwak ang mga internal organs nito at halos mahati ang katawan sa dalawa.
Butas din ang mga palad nya pati ang paanan na binarena at ginaya kay Jesus. Pati ang noo nito ay binarena din kaya sumirit ang ilang laman nito sa utak.
Si Mela naman ay natagpuan sa bath tub na nagmistulang nalunod sa sariling dugo. Nakahubo rin ito. Dinukot ang mga mata na iniwan sa sahig At may nakasakal pa sa leeg nito na vibe wire.
Napakaraming saksak mula ulo hanggang paa. Biniyak ang dibdib. Dinukot din ang puso nito at sinalampamk sa bibig.
Nakatali din ang mga kamay at paa nito at may nakasalpak na sampung malalaking kutsilyo sa ari.
Grabe ang kinahinatnat ng dalawa. Ganon na ganon ang nakasulat sa notebook ni Aki.
Sa katunayan kung 'di nakita at nabasa ni Glen ang notebook ay maaaring hindi maging lead suspect si Aki dahil sa wala namang lumabas na finger print nito sa pinangyarihan ng krimen.
Ang notebook lang ni Aki ang nagsilbing matibay na ebidensya laban sa kanya.
Pero may isa pang ipinagtataka si Glen.
Ang oras na isinasagawa ang karumaldumal na pagpatay sa dalawa ay kaparehong oras na nagsulat si Aki sa notebook nito.(Nilagyan kasi ni Aki ng date and time ang mga sulat nya).
"Hindi kaya may kasabwat sya?" Sa isip-isip ni Glen habang lumilibot sa crime scene. "O maaring binago nya lang ang paglagay ng oras sa notebook para may maging alibi sya."
"Sir.Glen Dali tingnan nyo 'tong nakita ko!" Sigaw ng extrang partner nya mula sa katabing room.
Agad napatakbo si Glen roon para makita kung ano ang nadiskubre ng kasama.
"Nakakita ako ng vip ticket para sa concert ni Alden Richard. Ang swerte dalawa 'to. Gusto mo—(batok)Awtsss!!"
Niliitan ni Glen ng mata ang extra.
Napakamot nalang ng ulo ang huli.
"Bwiset." Bulong ni Glen na nawala sa focus.
-----
Gabi.
Sa kulungan.
Napabangon si Aki dahil sa isang kaluskos. At laking gulat nya ng makita ang isang malaking taong anino sa harapan nya.
"S-sino ka?" Kabado nyang saad.
"Ako ang 'yong konsensya."
"Huh? Ano 'to? Commercial ng safeguard?"
"Hindi. Pero ako ang konsensya mo. In bad form. Ikaw ang may gawa sakin."
"Hindi ako naniniwala."
"Nakikita mo na nga ko, hindi ka parin naniniwala? Matindi kapa sa athiest a."
"Nanaginip lang ako." Kinurot-kurot nya ang sarili.
"Ge, lokohin mo sarili mo—gaya ng pag-asa mong magkakabalikan pa kayo ni Mela."
Nanlaki ang mata ni Aki. K-kung ganon ikaw ang pumatay—."
"Hindi ako. Kundi ikaw."
Natutop ni Aki ang bibig nya sa mga narinig.
"Ang isip mo ang bumuhay sakin. Ang matindi mong pagnanais na hinaluan ng sobra-sobrang pagkapoot at pighati. Ganun katindi ang kapangyarihan ng pag-iisip."
Hindi makapaniwala si Aki sa mga naririnig nya.
"Sa pamamagitan ko. Sa karumaldumal na paraan ay pinatay mo si Mela at Gab gaya ng nais ng isipan mo. Pero tama lang 'yon sa kanila dahil traydor sila. Sinaktan ka nila at pinaglaruan ang 'yong damdamin!" Walang pusong wika ng anino.
"B-bakit mo sila pinatay?!"
"Ako? Bwahahaha. Ikaw ang may gusto nun! Sinusunod ko lang lahat ng ninanais ng kalooban mo. Bwahahaha!"
Hindi makapaniwala si Aki sa mga sinabi ng itim na anino.(May iba pa bang kulay ang anino?).
"Demonyo! Layuan mo'ko!"
"Grabe sya. Tumawa lang ng ganon demonyo na agad. Bwaha—tama na nga. Hindi ako pwedeng lumayo sa'yo dahil ako ay ikaw–ikaw ay ako. Habang nabubuhay ka, mananatili rin ako."
"Maglalaslas na'ko." -Aki.
"Hindi mo kaya."
"Kaya ko!"
"Magpatuli nga 'di mo magawa, maglaslas pa kaya Bwahaha—oops sorry."
Napaiyak nalang si Aki dahil doon. Hindi sya makapaniwala na ng dahil sa kanya ay namatay si Mela at Gab.
Posible nga kaya ng mangyari ang bagay na'yon?
Ganoon nga kaya kahiwaga at kamakapangyarihan ang ating pag-iisip? Na kaya nitong bumuo ng imahe ng sariling ikaw.
Maraming tumakbo sa isipan nya. Sana ay panaginip lang ang lahat ng ito. Sana ay hindi ito totoo. Sana'y magising na sya.
"Matulog kana Aki. Ipikit mo na ang iyong mata at hayaan mong tangayin ng agos ng karimlan ang iyong diwa upang ng saganon ay maging panatag ang iyong pag-iisp." Saad ng anino nya habang inaalo sya.
"Paggising mo bukas ay masisilayan mo na ang isang bagong umaga na punong-puno ng pag-asa."
Mga huling salita na narinig ni Aki bago liparin ang diwa nya.
-----
Nagising at napabangon si Aki sa yugyog ng isang babae.
"S-sino ka?" Naguguluhang tanong ni Aki.
Nginitian sya ng babae. "Nakakatampo ka naman Aki, Nalimutan mo na agad si Shane." Pakilala ng babae.
"S-Shane?" Si Aki na parang nagtataka. "Shane."
"Yap. Oh kainin mo muna 'tong oatmeal tapos inumin mo na'tong gamot para gumaling ka agad at makalabas kana rito."
Agad inubos ng binata ang oatmeal kasunod ng pag-inom ng gamot.
Matapos yun ay chineck na ni Shane ang bp nya.
Medyo naguguluhan parin si Aki sa mga nangyayari. Nasaang lugar ba sya?
"Shane—need ng assistant mo. Madali ka!" Natigilan si Shane sa tawag ng isa nyang kasamahan.
"Oh Aki. Iiwan muna kita saglit ah. Pagbalik ko ituloy mo yung kwento mo tungkol kay Detective Glen ah."
Napatango nalang si Aki.
Ng mawala sa paningin nya si Shane ay lumakad sya palapit sa nakasaradong pintuan saka sumilip sa maliit na salamin.
Doon nya nakita mula sa labas ang mga taong wala sa sarili na kung ano-ano ang ginagawa.
Saka nya naalala ang lahat ng bagay.
Nasa loob nga pala sya ng
MENTAL HOSPITAL.
(Megalomania's ST's fading away)
-THE END-
Written by: amer0127
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top