Ang malawak na kaisipan ay talagang nakabubuti sa tao subalit kung minsan ito rin naman ay nakasasama. Sama-sama nating antabayan kung paano tumakbo ang mapaglarong kaisipan ng ating bida. Ano nga ba ang totoo at hindi? MEGALOMANIA…
Hinati ni Eliah sa labingdalawang Realm ang dati'y isang kontinente. Ang Geran, Depir, Serihch, Keenl, Merad, Levinthecus, Veny, Azlufagler, Saphiro, Ozhgo, Traveil, at Hruwenn. Para mapigilan ang paglalaban ay nagtalaga siya ng protektor sa bawat realms. Pumili siya ng karapatdapat na nilalang at tinawag itong protektor, ibinahagi niya sa labingdalawang napili ang supramisia. Magmula noon, bawat henerasyon ay isinasalin na ang supramisia sa mga napiling karapatdapat.Samahan si Ram sa kaniyang paglalakbay sa mundong puno ng hiwaga at misteryo.THE REALMS…
Sapagkat hindi sang-ayon si Vladimir sa nais ng mga magulang ay nagpasya siyang lisanin ang kanilang kaharian at ituloy ang pangarap na maging isang maestro sa medisina.Ayon sa batas ng mundo, ang naglalayon na maging maestro sa medisina ay kailangang maging pinaka-aba. Sapagkat ang nasabing propesyon ay patungkol sa pagsisilbi sa tao.Sa tanyag na bayan sa bansang Hruween, ang Aiy o mas kilala sa bansag na 'Bayan Ng Mata' ay unang maipamamalas ni Vladimir ang angking husay sa panggagamot.Kasama ang lahi ng Reinva-iy, ang mga nilalang na may bahagharing mga mata. Ating tunghayan si Vladimir at kung papaano hahantong ang bayan ng mata sa pagkawasak.THE REALMS 2[Nero-Era]…