[5] "Unpredictable"

JADE

I woke up with a heavy feeling in my chest. I smack my lips together out of thirst and dryness in my throat, they feel like sandpaper. Aside from that, my body felt so sore and heavy I had a hard time pushing myself into a sitting position. Pakiramdam ko mababalian ako ng buto. Hindi ko alam na pwede pa pala akong masaktan ng ganito.

Bigla akong nakarinig ng sigawan sa labas. Nakakapagtaka kung bakit ang ingay sa labas. Anong nangyayari? May sunog ba?

Kahit hirap sa paggalaw ginawa ko ang makakaya para hawiin ang kumot, at sinubukan na tumayo. Ayaw kong manatili rito at maghintay ng tutulong sa'kin kung totoo man na may sunog. Kailangan ko makalabas dito bago pa may mangyaring masama pero bago 'yon kailangan ko malaman kung nasaan si Yves at Kuya Zeke.

Huminga ako ng malalim at pinilit ang sarili na maglakad. Sinandal ko ang katawan sa pader upang may makuhaan ako ng suporta. Muntik na akong matumba nang namali ako sa pag apak at sa sandaling panginginig ng tuhod. At habang tinutulak ang sarili patayo nakita ko si mama na lumabas sa isang kwarto. Anong nangyayari? Bakit nagpa-panic si mama?

Hahakbang pa sana ako pero tuluyan na bumigay ang binti ko. May nakapansin sa'kin na nars at mabilis na lumapit sa'kin.

"Miss!" Hinawakan ako ng nars at tinulungan ako tumayo. "Huwag ka na muna pong lumabas. Nanghihina ka pa!"

Ibabalik niya na sana ako pero nagpumiglas ako at tinuro ang kwarto kung saan nakita kong pumasok si mama.

"Si mama..." I managed to croak out, my throat suddenly felt dry and itchy. "Kailangan ko... puntahan."

Nagulat kami nang malakas na bumukas ang pinto ng kwartong tinuro ko. May mga lumabas na tao at nangunguna si Yves na pinipigilan ng mga nars. Ilan sa kanila ang nakahawak sa mga braso niya. Ang ilan ay nakakapit na sa binti niya.

"Let go of me! Let go!" Umiiyak, nagsisigaw si Yves habang nagpupumiglas sa hawak nila. Si mama ay umiiyak na nakasunod sa kanila.

"Pupuntahan ko siya! Kailangan kong makita si mama. Hindi totoo ang nakita ko, hindi pa patay si mama!"

"Yves, anong pinagsasabi mo? Doc!" Sa sigaw ni mama, kinuha ng isa sa mga nars ang pagkakataon para limitahan ang paggalaw ni Yves, at ang doktor naman kinuha ang binibigay na syringe ng katabi niyang nars. Itinurok niya 'yon kay Yves.

Napahawak si mama sa kamay ni Yves nang makita ang panghihina niya.

Yves was mumbling something under his breath while he glared angrily at the people who were carrying him. His eyes slowly closed as if he's drifting off to sleep hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Pinasok siya ng mga nars pabalik sa kwarto niya.

Bakas sa mukha ni mama ang pag-alala, while she's pacing back and forth napabaling siya ng ulo sa direksyon ko at nang makita ako, napaawang ang bibig niya at napatakbo sa'kin.

"Jade, anak, ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Sunod-sunod na tanong ni mama habang sinusuri ang mukha ko.

"I'm okay, ma," I assured her. Bumitiw ako sa hawak ng nars at kumapit na lang sa braso ni mama. "Si Kuya kamusta? Anong nangyari kay Yves?"

Kinurot niya ako sa tagiliran na ikinagulat namin ng nars.

"Ma'am!"

"Ma!"

"Ang titigas talaga ng mga ulo niyo. Sabi ko sainyo mag ingat eh. Mabuti na lang at minor injuries lang ang napala niyo! Gusto niyo na ba akong mamatay ng maaga?"

Pagkatapos ng panenermon niya, yinakap niya ako. Gulat akong napatingin sa nars na ganoon rin ang reaksyon.

"Nagpapahinga pa ang kuya mo. Hindi naman seryoso ang mga sugat na natamo niya," she told me. She caressed my hair softly. "Kaya huwag ka ng mag-alala at bumalik ka na sa kwarto mo."

"Si Yves, ma?"

She heaved a sigh. "Hindi ko alam sa batang 'yon. Bigla na lang kinapos ng hininga at matagal na napatitig sa sahig. Pagkatapos biglang nagwala at kung anu-ano ang pinagsasabi. It's like he can..."

My mother stopped talking. Hinaplos niya na lang ang buhok ko.

"Like he can what?"

"Nevermind, it's just a ridiculous thought," Mama said, chuckling to herself.

Ako naman ang napakunot-noo, anong tinutukoy niya?

"Yves said that his mother died," I told her, barely in a whisper.

My mother was quick to shake her head. "That's impossible. Nagkausap pa lang kami kaninang umaga dahil papunta na raw siya."

Napasulyap ako sa kwarto ni Yves, kung saan nakasarado na ang pinto. What's going on with him?

I felt my mother patting my arm gently, and then she told me, "Yves probably had a bad dream, that's all."

Bumalik ako sa kwarto ko sa tulong ng nars at ni mama. At siguro dahil sa gamot na binigay sa'kin, nakatulog ako sa kalagitnaan ng paghaplos ni mama sa buhok ko.

Nang magising ako wala na si mama sa tabi ko. Bumalik siya na kasama na si Kuya Zeke.

Ayon kay mama pinuntahan niya si kuya sa kabilang kwarto, at nag-request na rin na ilipat siya sa kwarto ko para magkasama kaming dalawa. Gusto niya rin sanang ilipat si Yves pero tumanggi raw siya dahil ayaw niyang makasama kami.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita si kuya.

Pangiti-ngiti pa siya diyan, muntik na kaming mamatay! Mabuti na lang mabilis na gumalaw si kuya the moment he knew something was wrong. Mabuti na lang walang natamong serious injuries si kuya. He only had a few scratches and a broken arm but nothing too serious. Thank God!

Ngayon na magkasama na kaming tatlo sa iisang kwarto, para kaming nasa wrestling ring dahil sa rambulan.

Pinaghahampas kami ni mama ng unan, kahit na hindi masakit, hindi ako makapaniwala na kaya niyang makipagpisikilan sa mga anak niya na admitted pa sa ospital! Si kuya na may bali, at ako naman ay kakarecover lang mula sa concussion!

"Ma, tama na. Ang braso ko. Aray!" Kuya complained, and rolled over his bed feigning hurt.

Our mother rolled her eyes. "Nagiging mabait na nga ako't unan ang pinanghahampas ko sainyo. Kung hindi kayo injured ngayon ako mismo ang magi-injure sainyo."

"Mama naman..." Manlalambing sana ako ngunit sinamaan niya ako ng tingin kaya umurong ako sa plano. Mahirap na, baka madiretso ako sa ER.

Our mother is strict and can be a little mean, but she doesn't really mean it. It's just her own way of saying 'we got her so worried it almost gave her a heart attack'.

"Uuwi na muna ako para paglutuan kayo ng pagkain. Check niyo si Yves sa kabilang kwarto at baka gising na."

Umalis si mama pagkatapos niyang ibilin 'yon. Bakit parang mas anak niya pa si Yves kung ibilin niya?

Humarap ako kay kuya na minamasahe ang likuran niya. Nang mahuli niya ang tingin ko, tinaasan niya ako ng kilay at inirapan pagkatapos.

Binato ko siya ng unan na nasalo niya gamit ang kamay niya na hindi naka-cast.

"Ang arte mo!" sigaw ko sa kanya. "Tara na nga at puntahan natin si Yves."

Kuya Zeke puffed his cheeks. "We're not his parents to worry about him!"

"Striktong ibinilin ni mama kaya tumayo ka na diyan! Mas matanda ka pa sa'kin pero kung umakto ka para kang bata," reklamo ko sa kanya.

"May ikukwento pala ako!" Pagbabago niya ng usapan.

"Oh ano naman kalokohan 'yan?"

"Bago ko ikuwento, ano ba ang nangyari kay Yves kahapon?" tanong niya. I was taken aback by his question, not really sure how to answer that because I'm confused as well.

"Bigla siyang nagwala kaya nagkagulo. Bakit mo natanong?"

Napakamot si Kuya sa batok niya. "Narinig ko kasi na pinag-uusapan siya ng mga nakasalubong namin ni mama. Isang 'Morgan' gumawa ng eksena, wala daw talagang nagagawang matino at kung anu-ano pa," kwento niya sa'kin, pero bakas ang pagtataka sa mukha niya. "Kung pagchismisan kasi nila para bang isa siyang masamang tao. Yves can be mean, but he's not entirely bad, right?"

"Well, he's a jerk," sabi ko. "Maybe he left a bad impression."

At isa pa, hindi maiiwasan na hindi pag-uusapan ang nangyari, but the fact that they keep saying things bad towards him... this could affect him. Matindi pa naman ang epekto ng mga salita sa isang tao.

"We should check on him," I insisted. "If he happen to heard any of that it might weight on him."

I know all too well what it could do to the person. I've been at the receiving end for far too long.

Umubo si Kuya. "At dahil ikaw ang mas may pake ikaw na bahala sa kanya. Bye!"

"Hoy, bumalik ka dito!"

Akmang babatuhin ko siya ng unan nang bigla siyang tumayo. He bolted out the door, so fast that it caught me off gaurd. Hindi mo akalain na kakagaling lang sa isang aksidente sa bilis niyang kumilos.

It's no use coming after him either, medyo masakit pa nga ang katawan ko, but the pain's bearable unlike before.

Nakaya ko nang maglakad mag-isa, at dahil malapit lang ang kwarto ni Yves hindi ako nahirapan puntahan siya. To my surprise, he wasn't inside, but his bags and a messed up bed. On the bed lies an open black notebook, as if Yves left it lying there while in a hurry to leave. I can tell from the scattered blankets and pillows under the bed and a pencil on the floor.

Lumapit ako sa kama para kunin ang notebook. Nang makita ang nilalaman namangha ako sa magandang pagkakaguhit ng mga larawan.

Ang detalyado ng pagkakaguhit niya ng tren. Nakakapagtaka nga lang kung bakit parang galing ito sa malaking trahedya dahil sa pagkakayupi ng kalahating katawan nito.

I expected it to be a moving train, but this one looks like it was pushed off from the tracks and twisted over an irreparable angle. I stared at it longer and realized there was another train underneath the first one. The crushed train was hardly visible, but I noticed the other carts snaking behind in twisty angles.

I wonder why Yves chose to draw something so tragic? If this happens in real life no one would've survived.

I started flipping over the next page, and what I saw drawn over it had my heart racing. A silhouette of a man was standing at the edge of a rooftop, and below is a row of cars lined in a parking lot. From the way its drawn, and the angle of perspective it seems like the man is... going to jump.

"Why did Yves -" I draw in a deep breath when I realized what this means.

Nabitawan ko ang notebook dahil sa panginginig ng kamay ko. Hindi ko kinuha 'yon, ang kailangan ko ngayon ay hanapin si Kuya Zeke.

Nakita ko siya na may kausap na isang nurse. Tinawag ko ang pangalan niya dahilan para mapatingin sila sa'kin.

"Nawawala si Yves," balita ko sa kanya. Sunod ay tumingin ako sa nars. "Pasensya na pero kailangan ko muna hiramin si Kuya."

"Uhh sure," she shyly replied.

I grabbed my brother's good arm. "Teka lang! Sigurado wala siya sa kwarto niya?"

Napasinghap ako. "Obviously, Kuya. Kaya nga kailangan natin siya hanapin."

Sumimangot si Kuya Zeke at tinuro ang braso niya na may cast. Tiningnan ko siya ng masama. Talagang bibigyan niya ako ng ganyan na dahilan?

Hinila ko na lang siya bago siya makareklamo.

"Jade, saan ba tayo pupunta?"

"Sa rooftop!"

"Ano? Bakit tayo pupunta doon? Mas mabuti nang magpahinga ka na, nanlalamig at namumutla ka na oh."

Pinilit kong maglakad kahit na nararamdaman ko na ang paghihina ng mga tuhod ko. Muntik na nga akong madapa, mabuti na lang at mabilis gumalaw si Kuya Zeke para saluhin ako.

Narinig ko pa ang mahinang pagreklamo ni Kuya Zeke dahil bigla niyang nagalaw ang naka-cast na braso.

"Jade!" He barked my name angrily. "Ano ba? Makinig ka sa'kin. Bumalik na tayo sa kwarto mo."

"Ayoko, Kuya... si Yves." Huminga ako ng malalim. "Baka nasa rooftop siya. I think he's going to -"

"I'm going to what?"

Hindi namin napansin na nasa likod na pala namin si Yves. We were taken aback to see him all wet, his hair was dripping with water and his pajamas were soaked.

"What happened to you?" Napanganga ako sa estado niya.

"This guy happened," sagot niya, at nagside-step para ipakita kung ano or sino ang tinutukoy niya.

A shivering boy was behind him, and like Yves he was wet from head to toe. In contrast to his blank look, the boy look terrified.

"Timothy?" I called, surprised to see him here. Isa siya sa mga school mates ko, at katulad ko ay minsan ko na siyang nakikita na pinagtutulungan ng iba.

Lalapitan ko na sana sila pero bigla akong nahilo. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Kuya Zeke bago ako bumagsak. May naramdaman ako na humawak sa'kin, something cold, bago ako tuluyan na mawalan ng malay.

I didn't know how long I was out. Nagising na lang ako sa sigawan sa labas na naging dahilan para magising ako.

"You had her worried about you."

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Kuya Zeke.

"Kasalanan ko ba kung bakit pinagod niya ang sarili niya kakahanap sa'kin?" Another angry voice asked. It was Yves.

"Hinanap ka niya, worrying that something bad would happen to you. At ano ang ginawa mo? You just walked past her when she fainted."

Tumigil ako sa paglalaro sa daliri ko. Ang malamig na kamay na nahawakan ko, hindi ba kay Yves 'yon?

"I didn't asked her to look for me, she did it by herself. I'm not at fault here."

"But she almost fell and you just..." Nararamdaman ko ang frustration ni Kuya sa paraan ng pagsasalita niya. "... walked past her. She could've hurt her head or something!"

"She's the least of my concern. Why would I help a stranger?"

He's right. Why would we try to help others we don't even know?

Hindi ko nga matulungan ang sarili ko, bakit nagbibigay ako ng oras para tulungan ang iba?

When I saw his sketches, natakot ako at nalungkot at the same time. I feel bad for judging him too soon, ni hindi ko alam na may pinagdadaanan pala siya. And although I don't know the reason behind his hurting, I found myself wanting to help him.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya umakto ako na kakagising ko lang at pinipilit ang sarili na tumayo.

Nakita ko ang pagsilip ni Kuya Zeke. "Sabi ko na sa'yo huwag mong pilitin ang sarili mo. Tingnan mo kung ano ang nangyari."

"I know, I'm sorry. You must've been exhausted from having to put up with me after all these years." I smiled, then laughed at my brother. Disbelief was written all over his face.

He pushed the door wider. "Kumain ka na muna. Mamaya na kita sesermonan!"

Napangiti ako nang makita ang dala niyang plastic bag na may logo ng paborito kong diner, pero napawi agad nang makita kung sino ang sunod na pumasok.

"You look like hell - Ow!" Sumigaw si Yves nang apakan ni Kuya Zeke ang paa niya.

"Watch your mouth," sermon ni Kuya Zeke. "Ang ganda ganda kaya ng kapatid ko kahit mukhang dugyot paminsan-minsan."

I don't know what to feel, should I be grateful or offended?

My brother and I took out the boxes and drinks out of the plastic bag. Si Yves ay nakabusangot ang mukha habang pinapanood kami.

"Yves, umupo ka," yaya ni Kuya at tinapik ang kama ko, ang spot malapit sa'kin. "Kain na tayo. 'Yung pinag-usapan natin ah?"

"Bakit? Anong pinag-usapan niyo?"

May pinag-usapan pa sila bukod sa narinig ko kanina?

"Nothing important," sagot ni Kuya Zeke.

Tahimik na umupo si Yves sa tabi ko.

I watched him pick up his plastic spoon and fork. Some strands of his curly hair fell over his eyes as he looked down at his food. He creased his brows in annoyance but didn't do anything; he let them cover his eyes.

Tahimik kaming kumain, walang nag-initiate ng usapan kaya ang ginawa ko ay buksan ang maliit na TV. Eksaktong pagbukas ko pinapalabas na ang morning news.

"Turn it off," Yves ordered.

"Pota, no survivors daw!" sigaw ni Kuya Zeke.

My eyes widened when I saw the same scenario in one of Yves' sketches. The angle, the position, are the same in the sketch as if Yves himself had drawn them at the very scene. Now that I have seen it the second time, the tragedy is immensely agonizing to watch. Two trains colliding into each other, and hundreds of people died from the unfortunate accident.

Napatingin ako kay Yves, umiigting ang panga niya habang pinapanood ang balita. May isang butil ng luha ang lumandas sa pisngi niya.

Nagreklamo si Kuya Zeke nang sinara ni Yves ang TV. Bago niya pa masermonan mabilis na lumabas si Yves.

"What's his deal?" tanong ni Kuya.

I glanced at the TV then back at my older brother who's digging into Yves' untouched food.

"Kuya, I think his mother was in that train," I told him, swallowing at the end.

The possibility is inevitable, tutal alam namin one way or another susunod sa kanya ang mama niya dito.

"No survivors," ulit ni Kuya, nakanganga na siya ngayon. "Does that mean..."

Tumango ako sa kanya. "She's dead. Yves' mother is dead."

Tumingin ako sa nakasarang pinto.

Yves drew the scene perfectly, as if it came straight from his memory. But, how could he have known how to draw that? Did Yves predict what would happen?

No, no. That's impossible. Paano naman kasi mangyayari 'yon? Maybe it was just a coincidence. I don't have to give meaning to it.

Pasubo na sana ako ng kanin nang maalala ko ang pagwawala niya. It was about his mother.

No way. Could he have already known that time?

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top