CHAPTER 8

First blood moon

Matapos ang nakaka-stress na test namin, tuwang tuwa naman ang lahat dahil sa nalalapit na pagdiriwang. Magkakaroon daw ng pista sa susunod na linggo.

Uso rin pala iyon dito? Magkakaroon kaya sila ng pageants? Aba! Gusto kong sumali sa mga ganoon basta may prizes.

Naka-upo ako ngayon sa silong ng isang puno medyo malayo sa mga building. Nagmumuni muni ako at iniisip kung anong klaseng lugar ito. This world is filled with different kinds of creatures, some were gifted with extraordinary skills and abilities. I wonder kung lumang panahon ba ito o nasa kasalukuyan pa rin. Aware ba sila tungkol sa mga tao o hindi?

Hindi ko rin maiwasang hindi isipin ang mga posibleng nangyayari ngayon sa mga kapatid ko. Kumakain kaya sila nang maayos? Si Elton kaya, magaling na ba siya? Nakapaglalakad na kaya siya? Nakapag-aaral pa kaya sila nang mabuti kahit abala sila sa pag-aasikaso sa sarili nila? Kaya pa kaya nila o hinihiling nilang sana ay nasa tabi pa rin nila ako? Na-mimiss na kaya nila ako o baka galit pa rin sila sa akin dahil sa pang-iiwan ko sa kanila noong mga panahong kailangan nila ako?

Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng mga luhang pilit na sumisilip sa sulok ng aking mga mata. No. I will not cry. Kaya ko 'to. Para 'to sa mga kapatid ko at hindi ako nagsisising pinili ko sila at ang kapakanan nila. Kung hindi man ako makababalik pa sa kanila, wala akong sisisihing kahit sino dahil ito ang pinili ko.

"Napuwing ka ba?" Isang boses mula sa aking likuran ang siyang kumuha sa aking atensiyon.

Bigla'y naramdaman ko ang malakas na kabog ng dibdib ko na para bang mayroong malaking drum ang tumatambol sa loob nito.

Yumuko ako para pansamantalang itago ang aking mukha. Bago nag-angat ng mukhang mahroon ng paskil na ngiti.

"Hindi mo bagay ang maging isang payaso. Hindi kayang itago ng iyong mga ngiti sa labi ang sakit na mababanaag sa mga mata mo, Binibini," kalmadong sabi niya at saka bumuntong hininga bago umupo sa aking tabi.

"Napakaganda ko namang payaso, Ginoo," pakikisakay ko sa biro niya.

Natawa siya dahilan para matawa na rin ako. "Ayan, mas bagay sa iyo ang nakangiti," aniya bigla.

Napahinto ako sa pagtawa ngunit hindi ko naman maalis ang ngiting gumuhit sa aking labi.

Bigla siyang napayuko na para bang mas magandang titigan ang lupa kaysa sa mukha ko.

"Pasensiya nga pala… hindi kita nasalubong kahapon. Naging abala kasi ako…"

"Naku! Ayos lang naman. Nakaya ko naman. Kinaya ko naman," sagot ko sa kaniya at saka tumingala at suminghap ng sariwang hangin.

Mabuti pa rito at hindi gaanong mainit. Medyo malamig ang temperature kaya hindi naman ako pinapawisang maigi.

Bigla na namang bumalik sa akin ang eksena kahapon. Hindi umuwi si Veronica sa aming dorm kahapon. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Nagtatampo at masama rin naman ang loob ko dahil sa ginawa niya sa akin kahapon, sinampal niya ba naman ako ng bongga! Pero hindi naman iyon ang mas nakasakit sa damdamin ko kundi ang pag-aakusa niya sa akin na isa akong traydor. Wala sa bokabularyo ko ang trumaydor sa kapwa ko para lang manlamang.

"I heard about what Veronica did to you..." Mahinang sambit ni Alix na para bang ayaw na sanang banggitin pa iyon pero kailangan. "I wasn't there to protect you. I'm sorry."

"Ikaw ba ang nanampal sa akin?" tanong ko sa kaniya.

Nakayuko pa rin siya nang sumagot, "No."

"Then stop asking for forgiveness dahil hindi naman ikaw ang may kasalanan. And I am still trying to understand her. Maybe, I really did something… that made her upset, baka ako rin ang may kasalanan kaya nasampal niya ako…"

"Hindi ka niya basta nasampal lang, Isabella." Ang mga mata niyang biglang tila nandilim ay tumitig sa akin. Nang makita niya ang bahagyang pagngiti ko ay nanlambot ang kaniyang ekspresiyon. Nawala ang lamig at kilabot sa kaniyang mga mata at napalitan ng kakalmahan. "Sinampal ka niya at iyon ang ikinasasama ng loob ko," aniya at iniharap maging ang katawan niya sa akin. Ini-angat niya ang kaniyang kanang kamay at dinama ang kaliwang pisngi ko. "Masakit pa ba?"

Umiling ako bilang sagot. "Hindi ako mapapatumba ng isang sampal lang. I've survived more than that and I was still able to stand firm, Alix. Masakit ang sampal niya pero hindi ako magpapa-apekto."

"You are really a strong woman, Isabella. And admire you for that. Seems like you don't need someone to accompany you…"

"Ganoon siguro talaga ang tingin ng marami sa akin." Buntong hininga kong sambit. "Porket kinaya ko ay tingin ninyo sobrang lakas ko na. Na hindi ko na kailangan pa ng tulong. Hindi ninyo alam na sa loob-loob ko habang lumalaban ako ay naghihintay ako ng sasalo sa akin, naghihintay ako na mayroong magsabing magpahinga na ako at siya na ang bahala. I'm waiting for someone to hear my silent cries. But to no avail, no one came to save me. I saved myself. Not because I am a strong woman but because I don't have a choice."

Before he could even hold me again, I walked out. Umalis na ako bago pa man niya makita ang kahinaan ko. Ang pagtulo ng mga luhang pinipigilan ko lang kanina.

Mabilis na lumipas ang mga araw. I avoided Alix because of the last conversation we had. Hindi ko alam, ang babaw mang dahila ay iyon ang pinapaniwalaan kong dahilan kung bakit gusto ko siyang iwasan. Si Veronica naman ay hindi ko naman na nakikita kaya hindi ko na kailangan pang iwasan.

One day before the awaited festival night, everyone is already busy with the bazaars. Hindi nga ito nalalayo sa amin. Parang nasa school lang kami at nagkakaroon ng foundation day. May mga pagkain, hindi nga lang pamilyar sa akin ang iba. Parang na-miss ko tuloy magluto ng adobong manok. Yung mga manok kayang nakita ko kanina ay mga totoong manok?

Napadpad ako sa isang kubo na mayroong mga kapwa ko babae. Pero parang mas bata pa ng kaunti sa akin.

"Ipagsasama sama lang lahat 'yan kapag niluto!" Utos ng isang babaeng plakado ang kilay.

"Hindi ako marunong magsiga!" Pasigaw na sagot naman ng babaeng mas maliit ng kaunti sa babaeng nag-uutos sa kaniya.

"Kaloy! Magsiga ka na nga ng mga nakuha ninyong kahoy!" Utos na naman ng babae sa ibang kasama niya.

Ang alam ko ay hindi naman lahat ng nandito ay rich kid. Bakit kaya hindi sila marunong magluto?

"Bakit pa ba kasi kailangang lutuin ito? Kaya naman na nating kainin ito ng ganito," pa-irap na sagot reklamo nila.

Nagkibit balikat ako at nagdesisyong maki-alam sa kanila.

"Ako na lang ang magluluto," pagpepe-presenta ko.

Naagaw ko naman ang atensiyon nila.

"Sino ka?" Taas kilay na tanong ng babaeng plakado ang kilay.

Bago pa man ako makasagot ay mayroong babaeng umakbay sa kaniya. It was the werewolf girl na tumulong sa akin.

"Kaibigan ko siya, Lynette. Siya si..." pabitin na sambit ng babaeng lobo.

"Isabella." Maikling tugon ko na mayroong ngiti sa labi. Kaibigan.

"Nais mo bang tumulong sa paghahanda?"

Ngumiti ako at saka tumango sa kaniya.

They introduce me to the ingredients on the long table. Kaya ko namang lutuin, hindi lang ako sanay since hindi ito yung mga nakasanayan kong sangkap sa pagluluto. I also familiarize myself with some of the ingredients' taste.

After a while, I successfully cooked dishes. Pinatikim ko sa kanila at nagustuhan naman nila.

"Tiyak na malalagot ako kay ina sapagkat mayroon na akong panibagong paboritong pagkain maliban sa kaniyang luto," pahalakhak na sambit ni Emerald, iyong babaeng hindi katangkaran kanina.

"Hindi na mahalaga sa akin noon kung marunong bang magluto ang aking mapapangasawa basta't maganda siya ay ayos na! Ngunit ngayon ay nais ko na ng binibining maalam sa kusina," aniya pa ni Kaloy na siyang nagpadingas kanina ng paglulutuan.

"Paano ba 'yan, hindi marunong si Lyra, Kaloy..." Pang-aasar ni Emerald kay Lyra.

Lyra glared at her. But she didn't say anything. Nagbukas na sila at marami naman ang pumila. Naging abala sila sa pagseserve habang ako naman ang taga-sandok nila sa kusina kasama si Lyra na nagpresentang samahan ako.

"Nais kong matuto kung paano magluto...maaari mo ba akong turuan?" Halos bulong na lang na sambit niya. Natigilan naman ako, inakala ko pa ngang guni-guni ko lamang kaya napatanong ako ulit ng, "Ha?"

She temporarily stopped scooping some food to the plates. But she didn't look at me.

"Turuan mo ako kung paano magluto." Mariing sagot niya sa akin.

I smiled in awe then move closer to her, I tapped her shoulder then I answered, "handa akong turuan ka."

The night we've been waiting for came. Oo, hindi na lang sila ang naghihintay kundi maging ako na rin. Hindi naman siguro masamang enjoy-in ang mga naririto habang wala pa akong kasiguraduhan sa kung ano ba dapat ang role ko rito. Honestly, I am still confused. Nakisasabay lamang ako sa agos ng mga pangyayari dito ngayon dahil wala naman akong pagpipilian.

Sa rami ng mga iba't ibang nilalang na biglaang dumagsa sa malawak na field na nilagyan nila ng iba't ibang dekorasiyon. Mag-isa lang ako ngayong naglalakad kasabay ng agos ng mga tao papasok sa entrance ng nagmistulang main hall nila.

I was startled when someone blocked my way. Unti-unti kong ini-angat ang aking paningin at sinalubong ako ng kaniyang seryusong mga mata.

"Be my date." It wasn't a question but a direct commandment by someone who make my heart pound harshly.

Tinabig ko siya bago niya pa man ako mauto. Pilit ko siyang nilalampasan pero hindi ko magawa dahil pilit niya rin akong sinasabayan kahit kaya naman niya akong lampasan at iwan. Dahil sa pagiging desperadang maka-alis ay pinilit kong isiksik ang sarili ko sa mga kasabayan namin. He wasn't able to have grasp on me but he was able to catch me when I almost fell.

"Mabuti na lang at sa akin ka nahulog," bulong niya sa tainga ko na siyang napatindig sa aking mga balahibo sa katawan.

Don't me. Hindi ako uto-uto. Sagot ko sa isip ko na tingin ko'y hindi naman talaga para sa kaniya kundi para mismo sa aking sarili. I am a no boyfriend since birth girl but it doesn't mean that I was born yesterday.

Naglakad na lang kami ng tahimik. Shutahbells! Ang awkward. Kasalanan niya 'to. Si Doc. A.L ang bet ko, eh. 'Di bale na kamukha naman niya.

Nakapasok na kami sa entrance nang biglang nagsihiyawan ang halos lahat. Maya-maya ay nagsitalunan silang lahat at sumabay sa kantang pumailanlang sa kapaligiran na tila ba umabot na rin sa gitna ng kagubatan.

Pansamantalang naagaw nito ang atensiyon ko at hinayaan ko na rin ang sarili kong makisaya sa kanila kahit pa hindi ko alam ang kinakanta nila basta sinasabayan ko lang ang beat ng instruments na gamit nila at maging ang kanilang mga galaw ay ginagaya ko lang.

Hindi ko alam kung gaano na katagal ang lumipas. Biglang natahimik ang lahat. Even me was stopped because of amazement. We can't help but to stare at the beautiful eclipse… the lunar eclipse.

"Ang unang pulang buwan ngayong buwan!" Masayang anunsiyo ang narinig namin. Nagkaroon ng samu't saring hiyawan, at alulong.

But I then suddenly felt dizzy. Hindi ko na makita nang maayos ang nasa paligid ko. Para rin akong biglang inaapoy ng lagnat. Namamanhid na rin ang aking pakiramdam. Anong nangyayari? I tried to massage my upper temple but it is not helping. I was about to fall when a strong arms snake on my waist and catch ne at the right time and momentum. He carried me and then the darkness envelope my consciousness.

Third Person's POV

"Kumusta na kaya si ate?" mahinang tanong ni Elton kay Elaiza.

Ngunit wala siyang nakuhang sagot mula rito.

"Siguro kung hindi lang ako naging ganito ay nandito pa rin si ate…"

"Kuya, kung mahal tayo ni ate at totoo siya sa mga pangako niya sa atin, hindi niya tayo iiwan. Kaya naman natin siyang tulungan pero mas pinili niyang lumayo. Wala siyang pinagkaiba kina nanay at tatay na iniwan din tayo!"

"Elaiza, huwag kang magsalita ng ganiyan kay ate Cecelia! Alam mong mahal niya tayo ng higit pa sa pagmamahal na ibinigay sa atin ni nanay. Hindi mo pa ba nakikita ang mga sakripisiyo niya para sa atin? Kung ako ang nasa kinatatayuan niya ay posible akong magdalawang isip na manatili para mag-alaga ng mga batang ni hindi niya alam kung paano susuportahan at bubuhayin…"

"Kuya, pagod ako ngayon galing sa school…" ani Elaiza at saka tinalikuran ang kapatid niyang naka-upo malapit sa bintana ng kanilang bagong tinitirhang bahay. Binili nila ito mula sa perang iniwan sa kanila ng kanilang ate Cecelia.

Nakatitig si Elton sa buwang unti-unti ng nagiging pula. Natatandaan niyang isa ito sa mga hilig na panoorin ng kaniyang ate kapag dumarating ang tamang panahon para ito'y magpakita. Iniisip niyang kung nasaan man ang ate niya… sana ay nakikita nito ang nakikita niya. Isang napakagandang penomenang bihira lang masumpungan.

Sa kabilang banda ay nasa isang silid si Elaiza, bukas na ang ilang butones ng blusa nito habang hilam ang mga mata sa luha. She didn't mean to talk ill about her beloved sister but she can't contain the pain in her heart. Paano nagawang baliin ng kaniyang kapatid ang pangako nitong hindi sila iiwan?

Noong malaman niya ang pag-alis ng kaniyang ate ay umaasa pa rin siyang kahit papaano ay babalikan nila siya ngunit lumipas na ang halos anim na buwan ay hindi na nila ito nakita maski ang anino nito. Biglang bumalik sa kaniya ang lahat ng sakit at hinanakit niya nang iwan sila ng kanilang mga magulang. Sinisisi niya ang sarili na baka siya ang malas sa pamilya nila, na baka hindi siya ka-mahal-mahal at ka-iwan-iwan talaga siya.

"Please, balikan mo na kami, ate. I will do my best para maging proud ka… para hindi mo na kami iwan. Balik ka na po… sobrang miss na miss na kita, ate ko," usal niya habang tahimik na humahagulgol sa tapat ng kaniyang bintana na tila ba kausap ang buwang kakulay na ngayon ng dugo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top