CHAPTER 7
The Test
We are currently at the field. Nakapila ayon sa heights namin. Halos nasa bandang likod ako nakapila dahil may katangkaran ang taas ni Isabella. Hmm… hindi pala nalalayo ang taas namin sa isa't isa at base na rin sa aking pag-oobserba sa kaniyang katawan, hindi rin naman ako talaga nalalayo sa itsura niya. Maliban na lang sa katotohanang mas malaki dibdib ko sa kaniya, samantalang siya naman ay mas malaki ang puwet.
"Magandang umaga, mga binibini't ginoo!" masiglang bati ng bagong dating kasama ang isang babaeng halos kasingtangkad niya at talaga namang napakaganda.
Nakangiti itong nakatingin sa bawat isa sa aming mga nakapila, ngunit nang mapadapo ang paningin niya sa akin ay natunaw ang ngiti niya at napalitan ng simangot. Hindi ko naman inalis ang paningin ko sa kaniya habang kunot ang noo. Bakit ganiyan siya makatingin? May problema ba siya sa 'kin? Isa ba siya sa mga taong mayroong galit kay Isabella?
"Handa na ba kayo para sa inyong unang pagsusulit?" tanong ng lalaking bumati sa amin. Pagsusulit? Exam? Luh! Hindi ako nakapag-review! Bakit hindi sinabi sa akin ni Veronica? May exam pala today, paano na ako? Babagsak ako neto. Anong subject kaya ang mauuna, multiple choice kaya or matching type? Dichotomous, true or false?
"Na naantala dahil sa isang maarteng babae?" Pagdurugtong ng babaeng kasama niya.
Nagulat naman ako, sa gitna ng aking pag-ooverthink tungkol sa aming magiging exam for today's video, nang tumama ulit ang mata niya sa akin. Sinundan naman ng mga kasama kong nakapila ang tingin niya dahilan para pagtinginan ako ng halos lahat at upang mag-react ang iba. Hindi ko alam pero noong napadpad ako dito sa eskuwelahan nila ay parang mas lumakas ang mga senses ko lalo na ang paningin at pandinig.
Tumikhim ang lalaki bago pinalipad ang tingin sa babaeng kaniyang katabi na tinaasan lang siya ng kilay. Napabuntong hininga ito bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Ang unang pagsusulit ay base sa kakayahan ninyong gumamit ng pana. Matagal na itong itinuturo sa inyo kaya batid kong halos lahat sa inyo ay gamay na ito kaya naman naghanda kami ng tatlong espesiyal na pagsusulit para sulatin ang inyong kahusayan sa paggamit ng pana," pagpapaliwanag niya sa amin.
Halos gusto ko namang hilamusan ang pagmumukha ko sa grabeng frustration. Anong gamay? Hindi nga ako marunong gumamit ng pana! Darts puwede pa! Pero yung pana? It's a big NO!
Puwede kayang tagapulot na lang ako ng mga arrows nila? Ayos lang naman sa akin. Mas madali pa 'yon kaysa umasinta gamit ang pana.
Napayuko ako at pinagmasdan ang boots na suot ko habang itina-tap ito sa sa lupa. Anong gagawin ko? Naisip kong sabihin na lang sana na hindi ako marunong pero mas nakakahiya naman iyon 'di ba?
"Baka mayroon pang gustong umatras sa inyo riyan…" boses ng babaeng instructor din yata namin. Parang mayroon siyang ibang ipinararating, ah.
Ini-angat ko ang paningin ko sa kaniya. Eksakto namang sa akin pala siya nakatingin o nakatitig. Gusto kong sabihin na, 'I volunteer!' pero sa paraan ng pagtingin niya sa akin na parang inaasar ako at minamaliit. Nabuhay bigla ang inis at pride ko. Kahit hindi ako marunong, sasali ako sa pagsusulit nila! At least, hindi ako talunan na sumuko agad bago pa sumubok.
"Binibining Isabella, nais mo bang umalis at hindi na ipagpatuloy ang iyong pagsusulit?" nakataas ang kilay nito at nanunuyang nakatingin sa akin.
In your dreams, b!tch! Minention pa talaga ako, sa tingin niya ba aatras ako dahil lang do'n?
"Bakit ako aalis?" tanong ko sa kaniya pabalik.
Napasinghap ang ibang nakikinig. Napa-ayos naman siya ng tayo at tumalim ang tingin sa akin habang may bahid pa rin ng ngisi sa mga labi.
"Naninigurado lang na hindi mo na tatakasan ang ating pagsusulit…" aniya pa na mayroon pa sanang idaragdag pero pinigilan na ng lalaking kasama niya sa harap kaya sa huli ay inirapan na lang niya ako bago nagpasiyang tigilan ako. Weak pala ang beshy ko na 'yan, eh. Fight me! Fight me! Charr lang.
Inutusan kaming pumuwesto na at pinahilera nga kami at by batch na gagawa ng test. Hinayaan ko muna ang sarili kong panoorin sila, baka sakali ay matuto akong bigla. Kahit hindi na gitna ang tamaan ko, basta masapol man lang yung target.
Nasa unahan ang bida-bida kong beshy, si Veronica. Magaling kaya siya?
Bullseye!
Katatapos pa lang patunugin ang bell na hawak ni Eric, pangalan ng lalaking kanina pa nagsasalita sa harapan namin, agad nang pinakawalan ni Veronica ang kaniyang palaso at asintadong natamaan ang maliit na kulay pulang bilog sa gitna ng target. May ilang minutong ibinibigay ang instructor namin matapos na patunugin ang bell na hawak niya, sa pangalawang beses na tumunog iyon ay hudyat na tapos na ang ibinigay na oras para sa pagsusulit.
Ang galing naman ng beshy ko na 'yan! Halos mapa-palakpak ako dahil sa galing niya pero pinigilan ko. Nakatitig sa kaniya ng mariin ang babaeng kanina pa mainit ang dugo sa akin. Pati yata kay Veronica ay mainit ang dugo niya. Siguro ay kaaway niya halos lahat dito.
Puwede kayang mag-pass na lang? O kaya call a friend, sasaluhin naman siguro ako ni Veronica beshy. Eme
Mayroong tatlong palaso para sa bawa't isa sa amin. Siguro naman ay enough chance na iyon para sa aking sarili na makatama, hindi ba? Oh em gee! Ginagaslight ko na lang talaga ang sarili ko na kaya kong tamaan ang target, eh sobrang layo! Pinalapit lang kami kanina para tingnan pero ang puwesto namin ay talagang malayo.
Pinapanalangin kong sana ay umulan o kaya ay mayroong tatawag sa akin para matigil na 'to, baka sakali ay magkaroon bigla ng suspension ng mga klase para mapatigil na ang pagsusulit namin para naman makapag-practice pa ako like ang hirap gawin ang bagay na kahit kailan ay hindi mo pa nasubukan, ha...
"Sunod!" anunsyo ni Eric at shutahbells! Kami na pala ang next! Paano nga ulit?
"Hawakan na ninyo ang inyong mga pana."
Sinunod ko ang utos niya at dinampot na ang panang nasa harapan ko. Inuutos na rin niyang maaari na kaming pumulot ng palaso sa lalagyan. Kumuha ako ng isa, paano nga ulit ito ilalagay? Sumulyap ako sa katabi ko at pinagmasdan ang gagawin niya. Bininat niyang maigi ang tali gamit ang kabilang dulo ng palaso. Napangisi naman ako, ganoon lang pala, eh! Easy, nakita ko na ito sa mga panood.
Tumunog na ang hudyat para sa pagsisimula ng aming oras. Pinanood ko muna ang pagbitaw niya sa kaniyang palaso.
Sayang! Muntik na niyang matamaan ang bandang gitna.
Nakarinig ako bigla ng mahinang pag singhal sa bandang gilid ko, nasa bandang dulo kasi ako ng hilera namin. Si Miss Maeta sungit pala. Nakataas ang kilay nito sa akin at mayroong maliit na ngisi sa kaniyang labi.
"Gagawin mo ba ang pagsusulit o panonoorin mo lamang maghapon ang mga kasama mo?" tanong niya sa akin.
Sa halip na sagutin ang tanong niya ay sinubukan kong magpokus sa aking pana at palaso. Tatamaan ko 'yan! Who u talaga sa akin 'tong si Maeta sungit.
Laglag ang balikat. Tanggal ang angas. Gusto na lang magpalamon sa lupa. Ganito ko mailalarawan ang sarili ko ngayon. Paano ba naman kasi! Yung… yung palaso ko… inayos ko naman. Inaasinta ko pa ngang mabuti ang target pero bakit? Bakit?!
Yung palaso ko hindi man lang lumayo sa akin ng isang metro. Ramdam ko tuloy ang pamumula ng aking magkabilang pisngi at ang pag-init ng aking bumbunan. Si anteh niyo Maeta… tumatawa!
At the end of the first part of our test, obviously… I failed. Pero hindi iyon ang kinakasama ng loob ko! After my turn kanina, gumilid ako sa tabi ni Veronica dahil siya lang naman ang kilala ko rito. I was hoping that she'll gonna comfort me because I'm her friend but all she did was to smile at me… mockingly.
This is just the first time for me to have someone I can call as my friend kasi hindi ako ganoon ka-pala-kaibigan. I was left with responsibilities, to take good care of my siblings. Wala akong panahon para makisalamuha sa mga ka-edaran ko, para magsaya at hayaang magutom ang mga kapatid ko.
Before my mind could flew from my present time, naagaw na ang atensiyon ko nang i-anunsyo na ang susunod na magiging pagsusulit. We were given five knives. Kailangan daw tamaan ang halos lahat ng vital parts ng parang mga standees na nasa harap namin.
Napangisi naman ako. Ang akala ko ay matatapos ang pagsusulit na ito na olats ako. Mabuti na lamang at noong highschool ako ay nasubukan kong mag-darts kaya kahit papaano ay hindi ako mahihirapang umasinta, idagdag pa na ang armas na gamit ay hawak ko mismo at madaling ilipat ang force mula sa braso at sa kamay papuntang kutsilyo.
Excited na ako! Humanda na 'yang mga hakdogeng pinagtawanan ako.
Veronica successfully made the four knives land on the standee but her one knife flew to a tree. Muntik na akong matawa nang malakas kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko. I composed myself. Kunwari obobs pa rin ako para magulat silang lahat mamaya kapag turn ko na.
Then finally, the long wait is over. It's my turn now, baby. Nag-inat ako ng kaunti habang naglalakad papunta sa puwesto ko. I can hear some insulting words and laughs from them but I didn't mind it. Lulunukin nila ang lahat ng mga sinasabi nila at lahat ng mga tawa nila kapag nakita na nila ang performance ko.
Inihagis ko nang sunod-sunod ang limang kutsilyong hawak ko na mayroong bilis at matinding intinsidad. Matalim din ang tingin ko sa target na ngayon ay halos putol na ang isang braso habang ang ibang kutsilyo naman ay nasa isa pang braso, sa ulo, sa dibdib at sa gitnang bahagi ng hita nito. I was then greeted with silence.
Walang bakas ng ngisi at pagmamayabang ang aking mukha nang gumilid ako. I still choose to stand near Veronica. Wala naman akong choice dahil siya lang ang kilala ko rito.
Tila mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay nasa huling pagsusulit na kami. It'll be a race, in the jungle. I'm really sure that they saved the best for last. Hindi ito magiging isang simpleng karerahan lang. Idagdag pa na lahat ng mga nilalang dito ay mayroong iba't ibang kalakasan at abilidad. Ang alam ko lang ay bampira ako, pero hindi ko alam kung ano pa ba ang kakayahan ko.
Napabuntong hininga na lang ako. Veronica is with me, siguro naman ay tutulungan niya ako. Hindi na by batch ang ginawa sa amin ngayon kundi lahat kami ay sabay-sabay na. Kaniya kaniyang taktika at estilo.
When I saw that there were almost ten of people who transformed into a wolves, naisip kong delikado kung sa ibaba lang ako tatakbo. Vampires has the special ability of speed. Tumingala ako at tinanaw ang mayayabong na mga puno sa gilid ng daan.
Nang tumunog na ang hudyat ay sabay-sabay kaming nagpulasan pasulong. Walang rule na ibinigay sa amin maliban sa dapat ay makarating kami sa dulo. I jumped into the first tree that I saw when I saw a wolf attacking another wolf. Hindi naman nila kinakagat ang isa't isa pero nagbabanggaan sila. I can also saw some vampires taking the same route I am taking. How will I successful surpassed them? Ni hindi ko nga alam kung ano ang ginawa ko para magawa ito ngayon? Paano ako nakasampa ng ganoon kadali sa mga sanga ng bawat punong tinatalunan ko? Naiintindihan ko ang bilis na parang kasabay ko na rin ang hangin pero hindi ang lakas na mayroon ako.
There's this one vampire that suddenly look at me with a boyish smile on her lips. Hindi ko alam kung friendly smile ba o nang-iinsulto. Just when I'm about to run faster, I was caught by a fvcking branch of a tree! Nawalan ako ng balanse at nalaglag sa puno. I was also almost hit by a wolf na bigla na lang tumalsik. Mabilis itong tumayo at sumugod sa kalaban niya. Tumayo na rin ako at tatakbo na rin sana paalis pero nang makita kong handang handa na siyang parang lamunin at saktang maigi ng kalaban niya ay napapa-iling na lang akong lumapit at hinawakan iyon sa buntot at bulong lakas na ibinalibag sa isang malaking puno. Hindi na iyon agad gumalaw pero alam kong buhay pa naman dahil sa malalim na paghinga nito.
Nagpatuloy na ako sa pagtakbo. Sa ngayon ay sa ibaba muna. Napansin ko kasing parang may mga nakahandang patibong sa itaas. Someone growled beside me. Akala ko ay aatakihin ako pero nagulat ako nang bahagya itong yumuko. Tila ba naintindihan ko naman ang nais niya at sumakay ako sa likuran niya. Pagkasakay ko ay nagulat ako sa katawang bumagsak sa kaninang kinatatayuan ko. Iyong bampirang ngumisi sa akin kanina, mayroon siyang tama ng palaso sa kaniyang hita. Deserved, beh. Deserved.
Maya-maya pa ay nagulat kami ng lobong sinasakyan ko sa nagisnan namin. Maagos na ilog sa gitna ng kagubatan? I look for a terrain but I saa nothing. Napansin kong nag-aalangang tumalon patawid ang lobo kaya naman kinuha ko na ang pagkakataong iyon para tumalon sa mataas na puno. Laking tuwa ko nang makita ang mga baging kasunod nito na tila ba nagsilbing pag-asa para matawid ang rumaragasang ilog. Naglambitin ako. Palipat lipat sa bawat baging hanggang sa matagumpay na nakatawid nang hindi nababasa. Tinanaw ko sandali ang lobo at nakita kong abala pa siya sa pagkuha ng buwelo niya kaya nauna na akong tumakbo. Sure akong kaya niya na iyon. Nagpapasalamat ako sa tulong niya at hindi ako gaanong napagod sa pagtakbo.
Hindi ko hinayaang mapalapit ako nang maigi sa mga kalaban ko. Close contact with them will make me slow since I know that they are up to something. Nag-obserba ako at napansin kong mayroon pa ring biglang sumusulpot na mga palaso sa iba't ibang direksiyon. Two of the vampires running in very fast speed was caught. Ang kailangan sa karerang ito ay hindi lang maging sobrang bilis dahil baka hindi mo mapansin na matitisod ka na pala. Mas maiging nag-iingat pa rin. Inakyat ko ang tuktok ng isang puno para iwasan ang isang palaso. Mas mabilis siguro kung dito ako sa tuktok daraan.
Pagdating sa tuktok ay nakakita ako ng tatlong babaeng sakay ng mga walis. Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako gayong tila mas mahirap kalaban ang mga narito. Halos pantay lamang ang bilis nilang tatlo. Dalawa sa kanila ay nagpapalitan ng tira. The one with a cunning awra won. Nalaglag mula sa kaniyang walis ang isang babaeng maputi. Ngumisi ang babaeng kayumanggi at sunod na tinira ang babaeng morena ngunit naka-ilag naman ang huli.
"Minerva… hinding hindi ka mananalo sa akin. Alam mo 'yan," pang-iinsulto niya sa babaeng morena.
"Hindi naman ako nakikipagtalo sa 'yo, Greta. Ang nais ko lang ay pumasa sa pagsusulit natin," mahinahong sagot ng babae.
Umingos naman ang tinawag niyang Greta at saka inirapan niya. "Wala akong paki-alam sa mga pinagsasasabi mo. Basta ang gusto ko ay manalo. Pumasa sa karerang ito na ako ang pinapalakpakan ng lahat." Pagkatapos ay humalakhak ito na parang sayang saya.
Iyan talaga ang ayaw kong pag-iisip. Ang bilin lang naman ay isang karera na dapat naming matapos. Hindi naman sinabing magpatayan kami para manalo. Porket pa walang iniwang ibang rules sa amin ay mananakit na kami para mauna. They are too very aggressive and competitive na nakikita kong wala sa lugar. We could've won and we could pass the test without hurting one another but they choose the other way. Napa-iling na lang ako.
Naisip kong unahan na lang sila habang abala pa silang maglalaban, ngunit nang akma na akong mas bibilis sa pagtakbo ay aksidente kong nasalo sa aking isang kamay ang isang palaso. Astig! Paano ko 'yon nagawa?
Pagtingin ko sa dalawang magkatunggali ay dehado na yung babaeng Minerva ang pangalan. Nakalambitin na siya sa hawak niyang walis habang matalim na nakatingin sa babaeng pinagtatawanan na naman siya. Akmang ihuhulog na talaga siya nito nang ihagis ko ang hawak kong palaso at nadaplisan siya sa kanang pisngi niya. Minerva was able to redeemed herself dahilan para imbes na gantihan ako ni Greta ay naibalik ang atensiyon niya kay Minerva.
I took that as a cue to left them alone. Nauna na akong tumakbo nang mabilis. Hindi ko naman na talaga inaasahang ako ang mauuna sa aming lahat kaya nang may maaninag akong tumatakbo rin sa unahan ko ay hindi na ako nagulat. Parang sumaya pa nga ako nang mapag-alamang si Veronica pala iyon!
"Veronica!" I called her.
Instead of slowing down ay mas binilisan niya pa ang pagtakbo. I also did the same. Nang magpantay na kami ay ngumiti ako sa kaniya.
"Ako 'to si Isabella. Hindi mo ba ako nakilala kanina? Ang astig 'no? Bff goals tay-" naputol ang sasabihin ko nang ikumpas niya ang kaniyang kanang kamay.
Suddenly, there was a force that made me fall. Malalaglag na talaga sana ako at handa nang masaktan nang may kamay na humawak sa kuwelyo ng damit ko.
She made me sit at her back.
"Kapag malapit na tayo sa kaniya ay bumuwelo ka at maghanap ng pagbababaan mo. Ako na ang bahala sa mga atake niya. Gusto kong ikaw ang manalo kaysa sa kaniya o sa iba pang mga maruming tumapos ng pagsusulit."
I don't really understand what she was saying maliban sa ibababa niya ako mamaya pero tumango pa rin ako bilang pagtugon.
When the right moment came, bumaba na nga ako at nakipagtapatan naman si Minerva kay Veronica. I took the chance to advance. Natatanaw ko na ang kulay pulang flag kaya mas ginanahan ako.
And I successfully manage to reached the finish line. Humiyaw ang mga naghihintay doon kasabay nang masigabong palakpakan. I was the first then sumunod sa akin ang isang gray na lobo. Nag-anyong tao siya at naging isang guwapong lalaki. Anim na pandesal! Sheezzz
Sumunod si Minerva na hinihingal pa. Nang makita ako sa bandang gilid na harapan ay tumabi siya sa akin at ngumiti. I can't help but to smile back at her. Magkakaroon na kaya ako ng bagong kaibigan ngayon?
Just then hingal na hingal na lumapit ang isang puting lobo. Na nakilala kong ang lobong tumulong sa akin kanina. Napangiti ako sa kaniya. Nagpunta siya sa likod ng isang malaking puno, kasunod ng isang maliit na babae.
Nang lumabas siya ay isa na siyang ganap na babaeng maputi na hindi ganoon katangkad at mayroong mahabang buhok at maamong mukha. Nagsalubong ang aming paningin at kapwa kami nagpalitan ng maliit na ngiti.
Napabaling ang paningin ko sa bukana ng gubat at nakita ko ang madilim na ekspresiyon ni Veronica na sabog-sabog ang buhok. Nang matagpuan niya ako ay sa akin siya unti unting lumapit. Handa na sana akong batiin siya nang sampalin niya ako.
"Traydor ka. Akala ko ba ay ayaw mong pumasa sa pagsusulit? Tinulungan kitang tumakas noon sa kagubatan dahil iyon ang gusto mo. Tapos ngayon ay kakataluhin mo ako?" Mahina ngunit mariing singhal niya sa akin.
I was stunned. Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko. Pakiramdam ko ay namanhid ito. Isang sampal lamang iyon ngunit tila ba nilayasan na ako agad ng aking kaluluwa.
Why is she mad at me? Bakit ako pa ngayon ang tinatawag niyang traydor? She attacked me earlier! Siya ang nanakit sa akin. She knew that my guard was down and if she's going to attack me, I will fall! But she still did what she wanted to do just to win.
Gusto kong maiyak bigla. Minerva tried to stop Veronica from doing something again.
"Veronica, tigilan mo na 'yan. Ako ang nakipaglaban sa 'yo, hindi siya. Bakit siya ang inaaway mo ng-"
"Wala kang paki-alam!" Nanggagalaiting sigaw ni Veronica at saka nag-walk out.
"Ano bang mayroon sa kaniya? Hindi iyon ang kilalang Veronica ng lahat… " mahinang sambit ni Minerva sa aking tabi na siyang naging tanong ko na rin.
That was not the Veronica na una kong naka-usap. Inilalabas na ba niya ngayon ang kaniyang tunay na anyo? Ang kaniyang tunay na pagkatao?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top