CHAPTER 6
Cimmeria
Alix insisted to send me to my dorm. Hindi pala uso rito ang 'no boys allowed' sa girl's dormitory.
"Here's your room… if you need some help or anything… just call me and I'll be there," sabi ni Alix at iniasta pa ang kamay na parang telepono.
"Paano naman kita tatawagin kung magkalayo tayo? Uso ba cellphone dito?" tanong ko sa kanya.
Natatawang naiiling naman siya dahilan para kumunot ang noo ko, "you are really different..." Halos pabulong niyang sambit habang titig na titig sa akin. "Cell phone? I don't know anything about that..." aniya habang bahagyang iniiwas ang paningin sa akin.
Walang cellphone pero kung makapag-ingles sila rito daig pa mga nasa ibang bansa lols.
"Ah… wala, wala… sige, bye! Alis ka na, muwah love you!" sagot ko na talaga namang nakapanghihina. Anong muwah?! Anong love you! Hindi 'yan si Elaiza o si Elton!
Nasanay kasi ako sa mga kapatid ko tuwing nagpapaalam ako kapag kausap sila na laging may mwah at I love you sa dulo.
Napahinto si Alix sa astang pagtalikod. Para kaming mga tangang nag-hang sa tapat ng kuwarto ko.
"Uh-yeah… take care too," aniya at saka mabilis na naglakad at lumiko sa kabilang hallway.
Tinakpan ko ang bibig ko at saka impit na tumili. Alam kong narinig niya yun! Ang kayo ng tunog ng take care sa I love you, 'no!
Before I could even shout, the door behind me suddenly opened.
"Totoo pa lang bumalik ka… akala ko ba ayaw mo rito?" tanong ng babaeng nagbukas ng pinto.
"Ah… oo," Hindi ko alam ang sasabihin ko! "kasi na-miss ko bigla yung spectacular view dito… grabe nakaka-miss pala talaga ang scenery here…" sagot kong animo'y dati na talagang nakatira rito.
Nagtataka siyang napatingin sa akin at bago pa siya makapagtanong ay nagpasiya na akong pumasok sa loob ng silid.
My night went smoothly. Nakatulog naman ako ng maayos kahit papaano. Ngunit nawindang ang katawang lupa ko nang magising kinaumagahan. Halos lahat ng mga gamit sa kusina ay tila mayroong sariling mga pag-iisip na kumikilos.
Mayroong naglilinis, mayroong nagluluto, nag-ayos ng mga gamit, at mayroong nagliligpit!
"Ano'ng… ano'ng nangyayari?" Gulantang na tanong ko.
Halos mapatalon naman ako sa gulat ng lumitaw bigla sa gilid ko si Veronica, nakita ko lang sa gamit niya. Mabuti nga at may pangalan doon sa parang libro niya kundi ay yari ako dahil hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kaniya kung sakali.
"Ah… tinatamad kasi akong magluto ngayon at hindi naman masamang pakinabangan ang ibinigay sa akin ng Panginoon, pinagpala ako sa kakayahan at abilidad kaya bakit ko ito ibuburo lamang sa aking sarili?" Halos ma-nosebleed naman ako sa kaniya. Ang galing niyang managalog.
"Siguro ay babalik muna ako sa aming tahanan sa Cimmeria pagkatapos ng ating naudlot na pagsusulit," aniya pa habang sinusuklay ang mahabang buhok sa harapan ng salamin.
Wala akong ibang maisip na sasabihin pero ayaw ko namang isipin niyang snob ako, "Saan ba ang inyo? Puwede ba akong mamasyal doon?"
Her eyes grew big as she gave her full attention to me.
"Nasisiraan ka na ba ng ulo?" Ouch! Ang sakit naman kapag sa tagalog. Ba't hindi na lang are you crazy? Eme.
"Alam mo namang taga-Celestial ka hindi ba? Kabilang ka sa mga mayayaman at malalakas na angkan na nakatira sa Celestial. Hindi ka hahayaang makatawid papuntang Euphoria—sa Cimmeria." Paliwanag pa ni Veronica na hindi ko talaga maintindihan. Wowers! Mayroong bang discrimination kineme rito sa mundo nila? Like hindi puwedeng makipaglapit ang mga mahihina sa malakas? Ang mga mayayaman sa mahihirap?
Binalewala ko ang mga sinasabi niya at nagtanong, "Malayo ba 'yon?"
"Nasa lampas nitong ating paaralan," nakakunot-noong sagot nito. "Sa tingin mo ba ay papayagan ka ng iyong amang ubod ng kahigpitan? Isa pa, kilala ka kahit saang parte ng ating mundo dahil sa ginawa ng iyong ama at ina," nag-aalalang sambit ni Veronica.
"Malapit lang naman pala rito, eh." Tila balewalang sagot ko habang astang paupo sa sofa.
Binitawan niya ang kaniyang suklay at tumabi sa akin.
"Ang lungsod ng Cimmeria ay nasa gitna ng Euphoria. At saka alam mo naman na magulo roon ngayon sapagka't hindi maayos ang pamamalakad ng kasalukuyang namumuno sa aming lahi…" bahagyang tumamlay ang kaniyang ekspresyon at pananalita.
"At hindi na ganun kaganda ang pagtingin ng ibang mga lahi sa amin, Isabella. Hindi ko alam kung naririnig mo ba ang mga sinasabi nila tungkol sa akin… at minsan ay tungkol din sa 'yo…" mahinang sambit niya na para bang nahihiya sa kung ano. Kumunot naman ang noo ko sa huling binanggit niya, tungkol sa akin? Does she mean about Isabella? Baka mayroon akong makuhang mahalagang impormasyon tungkol kay Isabella mula sa kaniya.
Napa-ayos ako ng upo at saka seryusong pumuwesto. Handang makinig sa kung pa ang mga sasabihin niya. Para naman siyang na-conscious bigla sa paraan ng pagtitig ko sa kaniya. Bakit naman ganyan ang beshy ko na 'yan?
"Hindi ba't batid ng mga narito sa ating paaralan… na nobyo mo si Eduard, ang aking pinsan. Napapansin kasi ng ilang mga kamag-aral natin na tila ba higit na kayong naging malapit sa isa't isa ni Alixander. Hindi iyon mabuti sa kanilang paningin, nawa ay nababatid mo ang aking nais na puntuhin…" sabi niya sa akin na punong puno ng pag-aalala at habag sa kaniyang mukha maging sa kaniyang tinig.
Nabigla ako nang hawakan niya ang aking kaliwang kamay.
"Nag-aalala lamang ako para sa iyo at para na rin sa aking pinsan. Malapit na ang kaniyang pagbabalik at hindi ko alam kung ano ba ang tunay na nangyayari sa pagitan ninyong dalawa, ngunit umaasa akong magiging maayos din ang lahat… na sa tinagal tagal ng inyong pagmamahalan na sinubok na ng panahon at maging ng tadhana ay sa kasalan na rin ang tuloy ninyong dal'wa," aniya at niyakap ako.
Natulala naman ako bigla. Bakit ang daldal ng beshy ko na 'yan? And what? Eduard is her cousin? At panibagong problema na naman lalo pa't pauwi na raw si Eduard! Ano'ng gagawin ko?!
Humiwalay ako sa yakap niya at nagtanong, "Kailan ang kaniyang pag-uwi?"
Nagkibit lamang siya ng balikat at saka tumayo para ayusin ang damit niya sa harap ng salamin, "Hindi ko batid kung kailan ngunit alam kong nalalapit na," inilagay niya ang takas ng mga hibla ng buhok sa likod ng kaniyang tainga, "marahil ay narito na siya bago pa man ang araw na bababa na si ama bilang pinuno ng aming sambahayan."
"Tiyak na marami na namang babae ang lubos na makadarama ng paninibugho sa iyo, Isabella. Lalo na kapag dinalaw ka ng aking pinsan!" magiliw na pagpapahayag sa akin ni Veronica habang naglalakad na kami palabas ng dorm.
Mula kaninang kumakain kami at habang nag-aayos ako ng aking sarili ay tuloy-tuloy na ang daldal niya tungkol sa pinsan niyang malapit nang dumating, kung gaano raw ito kakisig, kagaling, katalino at marami pang iba.
Habang nakikinig sa kaniya ay abala rin ang aking isipan sa mga posibleng mangyari at nangyari kay Isabella. Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi niya natapos ang liham?
Bakit nag-two time siya? Mayroon na siyang Eduard pero bakit pati si Alix?
Malapit si Isabella kay Alix… at jowa niya si Eduard. Kilala ang dalawang lalaking ito, base pa lamang sa unang tapak ko rito at sa pagtulong sa akin ni Alix, marami ang humahanga sa kaniya. Base naman sa mga kuwento ni Veronica, tila kilalang binata rin si Eduard at matunog ang pangalan kahit pa hindi naman na ito rito nagsasanay.
If Isabella with Eduard is already too much, ano pa kaya ngayon na magkalapit sila ni Alix? Isa kaya sa mga tagahanga ng dalawang lalaki ang mayroong galit sa kaniya na puwedeng magpahamak sa kaniya?
"Paano na lamang kaya kapag kayo ay nag-isang dibdib na at magkaroon pa ng maraming supling!" aniya pa at saka humalakhak ng buong giliw na tila ba isa siyang babaeng takas mental, napangiti ako nang mapagtantong gaano man talaga kaganda o kaguwapo ang isang tao ay mayroon pa rin siyang hindi maitatanging kapintasan.
Nang matapos na siya sa pagtawa niya ay binalingan niya ako, "ilang supling ba ang nais mo, Isabella?"
"Supling?" nakakunot-noong tanong ko. Pagkain ba 'yon?
"Supling!" pasigaw niyang sambit na parang sinasabing ang bobo ko dahil 'di ko siya gets.
"Ang mga magiging tagapagmana niyo ni Eduard, ang mga batang siyang magiging maliliit na bersiyon ninyo na kalaunan ay kagigiliwan at tiyak na hahabulin ng mga babae at lalaki!" dagdag niya pa habang mahinang pumapalakpak.
Halos masamid naman ako sa aking sariling laway. Ibinubugaw ba ako ng babaeng ito sa pinsan niyang sa kuwento ko pa lang nakikilala?
Napabuntong hininga siya at saka ngumisi sa akin. "Ibang klase naman kasi ang ganda mo… tila ba binabaliw mo ang sinumang mahuli ng bitag mo…" aniya at saka naunang maglakad palampas sa akin.
I was left on the hallway dumbfounded. It wasn't the first time that I've received a compliment from a fellow woman or lady but it is the very first time that someone complimented me with a painful expression, with envy… and with anger?
Are you a wolf trying to be like a sheep, Veronica?
Anong klaseng laro ang nilalaro mo? Kalaban ka ba o kakampi?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top