CHAPTER 4
Isabella
Ang astig talaga ng mga panaginip ko tuwing matutulog ako. Biruin niyo yun? No'ng una half tao half kabayo. Ngayon naman mga bampira! Nandito kaya su Edward at Jacob ng twilight? Ah! Kinikilig ako!
"Gising na po pala kayo, ipinahatid na lamang po ang inyong umagahan dito…" sabi ng isang katulong?
Boang! Hindi ba iyon panaginip? Katulong, half tao half horsey, bampira… at… at dugo!
Oh my gosh! Anong kabaliwan ito Doc Pogi?! Mag-isa lang ako sa ganitong lugar, paano kung ako na pala ang susunod nilang paduduguan? Ano? Magiging dinuguang tao ako rito?
Pero… wait… Senyorita? Senyorita? Ibig bang sabihin nito ay mataas ang antas ko ng pamumuhay dito? Senyorita?! Anak ba ako ng amo nila? Wait… I can't breathe!
Isabella…
He was calling me Isabella for countless times yesterday… so I am living in another body? Pero paano? Same ba kaming mukha? O nabuhay ang kaluluwa ko sa katawan niya? Paano iyon nangyari? Hindi ba't scientist si Doc A.L?
Don't tell me…
Oh my gosh!
Bakit ngayon ko lang nalaman?!
Doc. A.L Forestier must be a witch!
Isa siyang mangkukulam! At inuto niya ako para maipunta rito! Waaahhh! Gusto kong umiyak! Pero walang luhang tumutulo sa mga mata ko.
Iginala ko ang paningin ko sa buong silid. I need to find something. Baka iyon ang kailangan kong gawin para makabalik sa totoo kong buhay! Tama! Ganito iyong mga nababasa at napapanood ko noon, eh.
Tumayo ako mula sa malapad at magarbong kama at pumunta sa mga drawer. Bakit walang salamin dito?!
Wala akong makitang tingin ko ay makakatulong sa akin. Lumipat ako sa isang malaking tukador. Bongga! Daming mga sosyal na bistida. Yayamanin. Totoo kaya itong kulay gintong kulay ng gown? Maiuuwi ko kaya ito para ibenta? Mahal ito panigurado! Ganda pa ng design at ng materyales.
Halos masampal ko ang sarili ko nang mawala ako sa pokus sa paghahanap ng mga puwedeng magamit para maka-alis ako sa mundong ito, at nakapokus na ako sa pagsusukat ng mga damit. Ang gara talaga!
Pumasok ako sa isa pang pinto at napagtanto kong sosyal na CR pala ito! Para akong nasa isang palasiyo sa ganda!
Wow! Ang laking bathtub naman nito, pabilog pa. Excited kong hinubad ang mga suot ko at lumusong doon. Hmm… malamig sa ilalim pero mainit ang tubig sa ibabaw. Ang sarap matulog sa ganito… lagpas puwetan ko ang lalim nito at nakaupo ako para naman matakpan sila Mary at Rose, mga bobbies ko hehe.
I was relaxing very well when I suddenly saw bubbles on the water near my lower legs. Kubeta ba 'to at mafuflush na ako?!
Kumapit ako sa sinasandalan ko para ihanda ang sarili ko pero laking gulat ko nang imbes na ma-flushed ako ay mayroong kamay ang kumapit sa hita ko.
Hoy! Bawal 'yan… baka mahawakan mo si Marie, my kipay.
Plano ko na sanang sipain kung sino man siya nang bigla siyang umahon.
Hayop…
Doc, ikaw ba 'yan?!
Oh my gosh, boss! You're here!
"Doc!" Maligayang sigaw ko nang magtagpo ang mga mata namin. Nalimutan ko pa ngang kaunting ahon ko lang ay makikita na niya ang korona nina Mary at Rose.
Lumubog ako ng konti sa tubig bago nakamaang na tiningnan siya.
"Doc, sinusundo mo na ba ako?" maligaya ko pa ring tanong.
Narinig ko ang bigla niyang pagmumura…
"Bakit dito ako dinala?" Bulong niyang hindi ko maintindihan.
"Doc, alis ka muna at magbibihis na ako oara maka-uwi na tayo!" utos ko sa kaniya pero nakatitig lang siya sa akin na parang hindi ako kilala.
"Isabella? I was looking for you at the jungle after you run away…" anito sa akin dahilan para mawala ang excitement ko.
"Doc A.L?" tanong kong halos maluha na sa disappoinment.
Siya ito, 'di ba? Magkamukha sila! Siya 'tong nandito! Sinusundo niya na ako pauwi…
"I'm sorry for hiding here, Miss. I am Alixander Drake..." Paghingi nito ng despensa at pagpapakilala niya bago dahan-dahang umalis sa bathtub ko.
Nadurog naman ang pag-asa ko. Hindi siya si Doc. Paano na ako rito? Nakatitig siya sa akin na hindi ko alam kung ano ang emosiyong ipinapakita niya. At bigla na lang siyang lumabas mula sa bintana ng banyo ko. Bintana pala iyon, mas maalam pa siya kaysa sa akin, ah.
Teka… Isabella rin ang itinawag niya sa akin… ibig bang sabihin nito ay mayroon silang koneksiyon sa isa't isa?
Mabilis akong tumayo muka sa bathtub at sinuot ang nakasampay na bathrobe sa gilid 'tsaka nagpunta sa damitan para maghanap ng masusuot. Laking pasasalamat ko na uso naman ang panty at bra dito hindi tulad ng sa mga napapanood ko pero kakaiba panty at bra nila dito, ha. Halos brown lahat. Ayos naman kahit walang garter. Nagtingin ako ng pinakasimpleng damit at nakakuha naman ako. Kulay green na simple lang na dress. Iyon nga lang ay abot pa rin sa sakong ko ang haba. Huwag sana akong matisod.
Napatingin ako sa bandang ibaba ng aparador. Mayroong kapansin pansing box. Aba! Baka mga treasure ito rito. Puwede sanang maiuwi.
Pagbukas ko ay bumungad agad sa akin ang isang napakagandang kuwintas. Diyamante ba 'to?!
Kulay red na bato… ang ganda ng hugis. Tapos puro maliliit na white na diamonds ang nasa paligid. Hindi ito ideal na isuot sa labas baka maputol leeg ko, char! Ayoko ngang makialam sa mga mamahaling gamit dito, hindi naman sa akin 'to, eh. Hihiramin ko lang ang mga kailangan ko.
Nagpatuloy ako sa patingin sa laman ng mga box. Aba! Ang daming sulat! May ka-penpal yata si kumareng Isabella, ah. Paano kaya sila humarot dito?
Binuksan ko ang nasa bandang unahan at dahil hindi naman ako tsismosa, curious lang ay binuksan ko. Hindi naman na naka-locked yung sobre, eh.
Hanla! Ganda ng sulat kamay. Sino kaya ito? Jojowain agad sagot ko.
Isabella,
Hindi ko maintindihan kung bakit tinatapos mo na ang ating relasiyon. Sinabi ko naman na sa 'yong malapit na akong bumalik. Matatapos na ang misyon ko. Pagbalik ko ay magpapaksal na tayo, hindi ba?
Hindi ako naniniwalang ikaw ang sumulat sa akin ng pakikipaghiwalay. Nangako kang hindi ka titingin sa iba bago tayo magkawalay. Huwag mo akong gagalitin. Kilala mo ako pero hindi mo pa alam kung paano ako magalit.
Pagbalik ko ay magtutuos kami ng sinasabi mong Alix. Umalis akong akin ka at babalik akong akin ka. Tandaan mo 'yan.
Eduard
Ayy taray! May jowabells pero bakit? Oh my gosh! Two timer si anteh mo Isabella? Ayy naku! Kaya sumasama ang tingin sa aming mga babae, eh dahil sa mga katulad niya. Ayoko sana siyang husgahan pero binanggit niya sa jowa niya na mayroong siyang iba at sinabi pa nga ang pangalan! Ang tindi noon, ah.
Nagtingin pa ako at nakita ko sa bandang gilid ng box ang isang sulat na hindi nakalagay sa sobre.
Eduard,
Hindi ko batid kung sino ang nagpadala sa iyo ng liham na iyon ngunit ito lang ang nais kong ipabatid sa 'yo. Minahal kita pero hindi bilang lalaking ihaharap ko sa altar.
Tinanggap kita kung sino at ano ka pero hindi ko kakayaning itali ang sarili ko sa taong lubos kong kinamumuhian…
Masaya na ako sa piling ni Alix dahil alam kong gagawin niya ang lahat ng nakabubuti para sa akin at hindi niya ako sasaktan…
Huwag mo na akong padalhan pa ng kahit anong liham dahil hindi na rin ako sasagot. Abala na kami sa sarili naming buhay ni Alix. Huwag ka ng bumalik pa rito para magpakita dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa taong pumat
The letter wasn't finished. Iyon ang nagpakunot sa aking noo. Hindi dahil bitin sa tsismis kundi ano ang nangyari? Bakit hindi niya natapos na isulat? Naubusan ba siya ng tinta? Tinamad ba siya? O may nangyari sa kaniya habang ginagawa niya ito?
Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip nang biglang mayroong kumatok. Inayos ko ang mga sulat at kuwintas at ibinalik sa aparador.
Kinuha ko ang suklay sa ibabaw ng drawer at nagsusuklay na lumapit sa pinto
"Bakit?" tanong ko.
Nakayuko naman ito sa harapan ko.
"Liham po para sa inyo..." pag-iimporma nito.
Agad niyang tinanggap ang sulat at nagmamadaling isinarado ang pinto ng kaniyang silid at naupo sa kama niya.
Sinira niya ang sobre para makuha ang sulat.
Isabella,
Wala akong pakialam kung galit ka sa akin. Babalik ako at kukunin kita.
Kung hindi ka naman mapapasaakin ay dalawa lang ang pagpipilian mo, buhay ni Alix o buhay mo.
Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako naging ganito. Huwag kang umastang ako lang ang masama rito. Mas masama ka pa kaysa sa akin.
Kasalanan mo kung bakit tayo humantong sa ganito. Paka-isipin mong mabuti ang magiging desisyon mo. Isang maling desisyon, isang buhay na naman ang hindi mo na maibabalik.
Kung hindi ka mapapasaakin, mas mabuting wala na lang makakuha sa 'yo.
Nagmamahal sa 'yo sa kabila ng pagtataksil mo,
Eduard
Luh! Banta ba ito? Kailan kaya ang uwi nitong si Eduard? Ano ang mangyayari kapag umuwi na siya rito? Papatayin niya ba si Isabella o si Alix?
Teka! Ako si Isabella ngayon at si Alix si? Oh my gosh! Iyong kamuha ba ni Doc kanina sa bathtub si Alix? Alixander Drake… Alix… iisa lang ba sila? Kung ganoon ay mayroong ibang lalaki si Isabella, ang totoong Isabella, habang mayroong siyang jowa na nasa malayo?
Hayop! Ako si Isabella ngayon! Paano kung galit na galit si kuyang Eduard? Papatayin nita ba ako? Paano kung mamatay ako rito? Babalik na ba ako sa totoo kong mundo o gokti na talaga ako for real???
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top