CHAPTER 1
The Offer
"Beh, ang ingay ng cellphone mo sa locker. Kanina pa mayroong tawag nang tawag. Puntahan mo muna baka importanre 'yon!"
Nagmamadali kong inilapag ang tray na hawak ko sa counter at saka patakbong nagtungo sa aming locker room. Sino kayang tumatawag sa akin? Sina Elton at Elaiza kaya? Pero bakit? Mayroon bang problema ang mga ito?
Napakaraming tanong na ang bumabagabag sa aking isipan bago ko pa man madampot ang aking telepono. Pagbukas ko ng aking locker ay agad kong tiningan ang mga missed calls. Five missed calls from my sister, Elaiza. Wala akong load na pantawag kaya laking pasasalamat ko nang malakas na tumunog ang hawak kong cellphone. Mabilis kong pinindot ang answer button.
"Elaiza, bakit ka napatawag? Alam mong nasa trabaho pa ako, 'di ba?" may bahid ng inis ngunit napakalambing kong tanong sa aking kapatid.
Sa halip na sagutin nito ang katanungan ko ay hikbi ang narinig ko sa kabilang panig ng tawag.
Kaagad na nilunod ng kaba si aking puso, I knew to myself that my sister is a strong young lady that seldomly cries. Kaya ang marinig na mauwi sa hagulgol ang hikbi nito ay sapat na para lukuban ako ng kaba at takot.
"Ano'ng nangyari? Bakit ka umiiyak? Nasaan si Elton?!" tuluyan nang nabura ang kakalmahan ko at napalitan na nang pagkabalisa.
"Si kuya… Elton… ate nasa ospital siya..." Panimula nitong pagbabalita habang sinisinok sinok pa. "Nadisgrasya raw siya sa motor… ate kailangan ka namin, hindi ako ang puwedeng kausapin ng Doktor… paano na, ate? Wala na tayong mga magulang? A-Anong s-sasabihin ko?" Na-uutal na dugtong nito.
"Elaiza, makinig ka. Huwag mong iiwan ang kuya Elton mo riyan. Ako na ang bahala, pupunta na ako agad riyan, ako na ang kakausap sa kanila… kalmahin mo ang sarili mo at ipagdasal mo muna ang kalagayan ng kuya mo, ako na ang bahala pagpunta ko riyan, ha?" Bilin ko sa kaniya.
"Sige po, bilisan mo, ate!" sagot naman niya.
"Oo, sige. Mag-iingat ka riyan, I love you!" paalam ko sa aking kapatid.
Napatigil ako saglit bago ibaba ang telepono dahil 'tsaka ko lang naisip na nasa trabaho pala ako at duty ko pa rin. Ayaw kong umabsent dahil sayang ang kikitain, ngunit maiintindihan naman siguro kung emergency ang lalakarin ko, 'di ba?
"Sinasabi ko na nga ba! Oras ng trabaho, maraming kustomer at nakukuha mo pa ring gumamit ng cellphone!"
"Hindi… kasi ano… importante lang—" pero hindi ko na natapos pa ang sasabihin nang agresibong lumapit ang kumausap sa akin.
"At sasagot ka pa?" Pasigaw na tanong nito habang lalong lumalaki ang natural na malaki at mabilog nitong mga mata.
"Magaling ka lang magdahilan! Isumbong kaya kita kay Sir Jake nang masesante ka na rito?" dagdag pa nito.
"Alam mo Lyn? Wala akong pake!" sagot ko at saka mabilis na hinubad ang apron na suot-suot bago isinaksak sa dibdib niya. Mabilis ko ring hinablot ang shoulder bag ko mula sa locker.
"Sir Jake mo mukha mo… " sambit ko pa bago mag-martsa palabas ng locker room at paalis na rin ng establisiyemento.
"Hakdogeng babae amp! Tao lang ako at empleyado nila pero hindi ibig sabihin no'n ay sa pagseserve lang sa bawat lamesahan umiikot ang mundo ko…" bulong ko sa aking sarili habang naghihintay ng masasakyan papuntang ospital.
Pinara ko ang isang asul na bus upang mapabilis ang aking pagpunta sa pupuntahan kaysa sa jeep na siksikan na nga ay mabagal pa bago makarating ang mga pasahero sa tamang landas.
Pagsakay ko ay sa bandang gitna ako pumuwesto para mabilis maka-alis mamaya kapag nasa tapat na ng hospital. Kaso lang ay ang available lang ay sa tabi ng bintana.
I tried to excuse myself para naman mabigyan sana ako ng space ngunit tulog yata ang lalaking nakaupo. Ilooked for other seats available pero sa dulo na lang ang mayroon at ayaw ko roon dahil ayaw kong magkalat. No choice. Ipinilit kong isiksik ang sarili ko sa maliit na space sa pagitan ng tuhod ng estranghero at ng likod ng upuan.
Malapit na akong maka-upo nang umabante na ang bus at na-out of balance ako. Mabuti sana kung sa gusto kong upuan pero hindi! Sa hita lang naman ako ng lalaki napaupo. But swear! Si papa Jesus ang saksi, wala akong nasagi o nakapang kahit ano. Wala! Wala! Baka meron? Sh*t!
"Oh my gosh, sorry!" Paghingi ko agad ng paumanhin bago itinayo ang aking sarili at saka naupo na sa uupuan ko. However, I did not received any answer from the stranger, ni hindi ko nga rin marinig kung humihinga pa ba ito so I tried to take a peek. Sinubukan kong tingnan ang mukha ngunit nakasuot ito ng facemask at may shades pa. Anong ganap ni kuya mo? Eme.
Pinagmasdan naman ko ang paghinga nito at nakahinga ako nang maluwag nang masigurong buhay naman ito.
Matapos ang maikling pagkapahiya sa sarili at pansamantalang pagkawala ng stress ko ay nadama ko na naman ang kabog ng dibdib ko. My brother is in the hospital and now I don't have a job to fulfill our needs. Saan na kami pupulutin ngayon?
"Tanginang buhay 'to," Hindi ko mapigilang mahinang isambit habang nakatanaw sa bintana ng bus na tila ba nasa isa akong pelikula, na isang bidang brokenhearted. Excuse me, hindi pala ako brokenhearted, literal na broken lang dahil no job, no money na ako.
"Ang ganda mo sana pero ang lutong mong magmura," mahinang baritonong tinig sa tabi ko na tila sadyang ipinarinig sa akin.
Halos mapatalon naman ako sa gulat. Buhay nga talaga ang katabi ko. Though I can't still recognize his face. Nag-iisip pa ako ng sasabihin nang biglang tumayo ang lalaki at bumaba na ng bus. Huminto pala ang bus?
Nanggigigil ko na lang na niyakap ang shoulder bag ko. "Antipatiko! Guwapo ka sana kaso para kang bangkay matulog...tseh!" Inis na bulong ko sa sarili ko.
What the ef? Natameme ako kanina? Nakakainis! Hindi man lang ako nakaganti, mas lalo lang tuloy akong na-stress.
"Oh, may bababa ba sa ospital?" malakas na tanong ng konduktor.
Nagising naman ako sa imahinasiyong paghihiganti sa lalaking lumapastangan sa kagandahan ko. Well at least he admitted that I am beautiful, pampalubag loob ko na lang sa saril ko.
"Sh*t! Ako po, bababa po ako!" Malakas kong sigaw nang mapansing malapit ng lumampas sa tapat ng Magsaysay Memorial Hospital ang bus.
Habang naglalakad papasok ay dinial ko ang numero ng kapatid ko pero tanging automated tone lang ang sumasagot na nagsasabing wala akong enough load para mag-avail ng tawag. Letse! Wala nga pala akong load! Medyo may kataasan at kalawakan pa naman ang ospital, paano ko hahanapin ang mga kapatid ko? Ay oo! Sa information desk, shunga!
But before I could even go there ay mayroon nang tumawag sa pangalan ko sa hallway pa lang. It was my sister, Elaiza.
"Ano'ng sabi?" pambungad na tanong ko.
" Ayaw sabihin sa akin kasi kailangan daw na sa guardian sabihin. Pero binigyan ako nitong sulat sa maliit na card, ipapakita raw ito doon sa isang window kapag kukuha tayo ng ipampapalit sa nakakonek sa dextrose ni kuya… "
"Nasaan ang kuya mo? Kumusta siya? Puwede raw bang pakainin?"
"Nasa ano… ayy ayun na si Doktora! Tara, ate. Baka titingnan niya ulit si kuya sa ward!" nagmamadaling niyang sinabi at wala akong ibang nagawa kundi ang magpahila rito patungo sa ward kung nasaan siguro si Elton.
Pagpasok namin ay nasa ibang kama pala nagpunta ang Doktora ngunit malapit lang din sa kama ng kapatid ko.
"Dok, nandito na po si Ate," ani Elaiza.
Agad na lumingon ang Doktora sa amin at saglit na mayroon pang sinabi sa pasiyente bago umalis doon at naglakad palapit sa puwesto namin.
I tried to look at my brother even though it pained me to look at his situation right now. Mukhang nakipagkarerahan ang kapatid ko sa motor gamit ang mukha nitong putok ang labi at kilay. Kulay lila ang ilang parte ng mukha nito maging ang braso, ewan lang sa binti at paa nitong hindi ko makita dahil natatabunan ng kumot.
My brother seems like sleeping soundly. Medyo lumayo kami sa kama ni Doktora habang naiwan namang nasa malapit si Elaiza kay Elton.
"Tatapatin na kita, some payments could be shoulder by the government but you are still going to pay a big sum of money. Aabutin ng humigit kumulang ₱60,000 ang babayaran. We need to amputate his right lower leg due to fractures that can't be cure. Durog hindi lang tissues kundi mas lalo na ang bones. I guess ay nadaanan pa iyon ng mabigat at malaking bagay after niyang madisgrasiya sa motor," mahabang paliwanag ng doktor.
Halos mapanganga naman ako sa gulat, first is the 60,000 bill! Tapos puputulin ang paa ng kapatid ko? Aba'y paano na ang kinabukasan ni Elton?
"Teka, dok! Ibig sabihin po ba nito ay hindi na makapaglalakad ang kapatid ko?" gulantang ko pang tanong na sigurado naman akong oo ang sagot.
"Makapaglalakad pa rin naman siya if we're going to put prosthetics, 'yon naman ang purpose ng prosthetics para matugunan ang kakulangan sa pisikal na kaanyuhan ng isang indibiduwal upang magkaroon ulit ng kompiyansa sa sarili… however, I was not yet able to share it with neither of your siblings. They are still in the process of digesting what happened lalo na si Elton. Though, I want you to be aware for you to take time kung paano mo ibabalita ito sa kanila lalo na sa kaniya.. " ani Doktora at saka dumako ang paningin kay Elton na gising na at nakikinig sa kadaldalan ni Elaiza na nasa tabi lang nito.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Kalmadong tanong ko kay Elton. Gumuhit naman sa mukha ni Elton ang pinaghalong pagtataka at pagkaguilty.
"Hindi mo ba ako pagagalitan, ate?"
"Mapapagaling ba ng sermon ko ang nga sugat mo? Maibabalik ba ng galit ko ang nangyari na?" I actually wanted to lash out at him pero alam kong hindi iyon makatutulong sa sitwasiyon namin ngayon lalo na sa mararamdaman ni Elton. Kami lang ang magkakapamilya, kami lang din ang magtutulungan.
"Kaninong motor ba ang ginamit niyo?" tanong ko ulit. Maaaring makaligtas ang kapatid ko sa panenermon ko pero hindi ang nagpagamit ng motor, minor siya kaya hindi ko talaga pinapahintulutang magmaneho ng kahit ano lalo na ng motor dahil delikado na ang mga kalsada ngayon.
"Sa kaklase ko lang, ate. Ihahatid na dapat ako pauwi pati yung isa pa naming tropa," paliwanag nito sa akin.
"Bakit? Ilan ba kayong sakay at ikaw lang ang nandito sa ospital?" salubong ang kilay na tanong ko. Alam kong may kasama itong mokong na ito at ang hindi ko maintindihan ay kung bakit mag-isa lang siya ngayon dito?!
"Apat, ate. Ako yung nasa dulo. Mabuti nga at ako lang ang napuruhan, dalawa sana kaming malalaglag—"
Agad ko siyang pinutol sa pagkukuwento dahil nagpantig talaga ang tainga ko, "Ano ang mabuti sa nangyari sa 'yo?! Alam mo bang posibleng hindi ka na makalakad dahil sa aksidenteng iyon? Saan ang mabuti roon?" Tuloy-tuloy kong tanong dahilan para makuha namin ang atensiyon ng ibang mga taong nandito rin sa ward. Nahiya naman ako ng kaunti kaya kinalma ko ang sarili ko.
"Ako ang nagyaya sa kanila, ate na okay lang. Hindi nila kasalanan na mapilit ako…" nakayukong sagot niya. Agad naman akong na-guilty. Gusto ko lang naman silang protektahan ni Elaiza pero bakit parang kasalanan ko pa rin kapag nasasaktan sila ng hindi naman ako ang dahilan?
Gusto ko pa sanang mag-usap kami pero ayaw ko namang may iba pa akong masasakit na salitang masabi kaya lumabas muna ako ng ward at nagpasiyang bibili muna siguro ng pagkain.
Habang naglalakad ay halos tulala ako sa rami ng aking mga iniisip at unang-una na roon ang tanong na saan ako kukuha ng 60k?
May gotohan sa labasan at doon ang tungo ko. Kailangan kong pagkasiyahin ang hawak kong pera ngayon para sa aming magkakapatid habang wala pa akong trabaho.
Binuksan ko ang shoulder bag ko para kunin ang pitaka ko nang mahulog ang isang papel. Resibo ba 'to ng bill sa bahay? Bakit nasa wallet ko? Iniiwan ko ang mga resibo sa refrigerator namin, ah. Out of curiosity, I decided to read what's inside the paper. Hindi pala iyon bill! Kundi isang flyer yata.
Ano 'to?
One million?!
Dollars?!
Weh???
Baka naman scam lang 'to? Teka! Saan ba 'to galing? Masyadong maganda naman 'tong offer na 'to.
Dr. A.L Forestier
Contact number: 0951xxzx155
Located at Bagong Bayan, Sta. Rosa. Block 4, 2nd floor.
We are looking for someone who can serve as a subject to our upcoming project. If you are interested, you may call to the provided number or go through walk in our office. We will pay generously, payment will not be less than a million dollar.
Mukhang legit ah… subukan ko ba? Nakaka-tempt ang one million dollars! Blessing mo ba itong offer na 'to, Lord?!
Pero what if scam lang 'to?
Paano ko malalaman kung hindi ko susubukan?
—————
#Utopia
#Magunthengtsismosa
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top